Chapter 2

1264 Words
"REN, BE A GOOD BOY, HA? Papasok lang si Auntie sa work." Umaga noon. Nakangiti pa ako nang magpaalam sa pamangkin kong busy sa paglalaro ng bola sa sahig. As usual, tumigin lang 'yong magaling na bata sa akin tapos bumalik sa paglalaro. Deadma. Parang wala akong sinabi. Napasimangot tuloy ako. Ang bata-bata may attitude. "Hoy! 'Wag mo ngang ginagaya yung uncle mo--" "'Wag gayahin sino?" Napadiretso ako ng upo, bago pasimpleng ngumiti. Nagulat ako pero syempre ‘di ko na pinahalata. Ang laking-bulas kaya ni Alexis. Masama na ang tingin niya sa akin habang kinakalog ‘yong feeding bottle na hawak niya. Delikado na 'yon... Kailangan ko nang manahimik. "Wala.” Iniwasan ko siya ng tingin. Suspetsoso siya maktitig na aakalain mong may ginawa akong kalokohan, which is -- totoo naman. “Binibilinan ko lang si Ren na magpakabait para naman hindi ka nai-stress." Sa pagkarinig ng boses ng tiyuhin ay agad naging alisto ang kaharap kong bata. Mabilis nitong binitawan ang hawak na laruan at inangat ang mga kamay sa direksyon ng paparating. Nagpapakarga. That made me smirk. Anak ng teteng, nakakaselos. They were getting along so nicely. Nakaka-itsapwera. "Gutom na ba Ren ko?" Malambing na tugon ni Alexis sa inakto ng bata. Tumalungko rin ito sa harapan namin bago kargahin ang masungit naming pamangkin. ‘Ren ko raw?’ Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang ginamit na tawag ni Alexis sa bata. Nanatili lang akong nakatitig sa kanila hanggang sa makatayo si kuya bitbit ang pamangkin namin. The fondness on his face was sickening when he gave the child his zippy cup. Feeling mag-ama, may pa-kiss pang nalalaman si Ren sa pisngi ng tiyuhin niya. Kungsabagay, mahirap naman talaga isipin na hindi mag-ama itong dalawang ito. I mean, look at them. Mukhang pinagbiyak na bunga. They had the same pair of dark brown eyes, same nose, same way of smiling at each other. Sino ba naman ang mag-aakala na magtiyuhin lang ang mga ito at anak ng kapatid naming si Renee 'yong bata? "Well. Mukha namang okay na kayong dalawa, ‘no?." Napapailing na sabi ko nang magpagtantong balewala naman ang presensiya ko sa kanila. “I got to go.” Standing up, I gave my jeans a little spank to straighten it. Nagmamadali na ako nang hablutin ko yung satchel sa sofa. Sinabayan ko na rin ng lakad papunta sa pintuan para sulit naman ang 'moment' nila. Itutulak ko nalang sana yung pinto ng apartment namin nang marinig ko na naman ang boses ni Alexis. Walang pinagbago, tunog-tatay pa rin. "Uuwi ka ba mamaya?" "That depends on Todd's schedule." I answered without looking at him. Hawak ko na ‘yong ang seradura eh. Pipihitin ko nalang magseseron pa ‘tong si Alexis. "Tatawag ako kung gagabihin ako--" "Tandaan mo lagi ang bilin ko Nicolette." I felt anger pulsed on my temple. Irritably, I looked at him above my shoulder and snarled, "Bente-singko na ko, Alexis. Can't you just trust me?" "Iyan din ang sinabi sa kin ni Renee. Baka lang kasi nakakalimutan mo." Pinigil ko ang gigil ko na patulan siya. Nakaupo na ito sa couch habang nakaunan sa kandungan niya ang pamangkin namin. He was gently running his fingers through the child's hair, pinapatulog ‘yong bata. Dang. Kaya pala halos bumulong kahit pinapagalitan ako. He looked so gentle while doing it. Ibang-iba sya sa akin lalo na kung makapagsalita. Kapag ako ang kausap niya, aakalain mo lagi kaming nasa gitna ng g’yera. Matigas. May pag-uutos. Nagbabanta araw-araw. "Bakit ka sa’kin galit? Hindi naman ako si Renee?" "Hindi sa ganoon, pinaalala ko lang.” He c****d his head, giving me an understanding stare. “I can only take too much. Kapag nangyari sa’yo yung nangyari sa kanya. I swear, I'll kill the next man. Naiintindihan mo?" That was the millionth time I heard that. Paanong hindi ko pa maiintindihan? Pero kahit parang sirang plaka na lang yung paalalang yon, pareho pa rin ‘yong epekto. Nakakagigil. Pilit ang ngiting sinagot ko siya, "Di ako magagaya roon. I'll get married and I will not die early. Baka agawin mo pa sa akin 'yong mapapangasawa ko." Mapaklang ngiti lang ang sinagot ni Alexis. Obviously, hindi niya na-gets yung joke kasi 'dense' siya. "Just play safe. Matigas naman ulo niyo pareho ni Renee," sabi pa bago ko sinenyasan na lumayas na tila ba nagbubugaw lang ng langaw. Ayos ‘yon. Ang aga-aga sira na naman araw ko. Pouting, I gave the door before me a push. Kung makapaalala ito, na bawal makipag-relasyon akala mo wala akong sariling isip. My brother ,Alexis Daez, was an ex-military. Matigas ang loob, matigas ang mukha, matigas rin ang ulo kahit mahigit trenta anyos na. He was everybody's surrogate father. Seventeen lang kasi siya nang sabay namatay sina mama at papa. Siya ang bumuhay sa’min, pati na rin sa naiwan ni Renee, si Ren nga. It had been a few years after Renee left the world without any goodbyes and left everything to Alexis. Hindi naman sa sinisisi ko siya sa pagka-over protective niya pero minsan, nakakasulasok lang talaga. Para kasing hindi na ako tumatanda, kung ituring niya ko, parang ako pa rin 'yong iyaking bata na maya’tmaya tumatakbo sa kanya. Nasa isip ko pa rin ang mga 'yon nang makalabas ako ng bakuran. Palakad na sana ako sa owner na ginagamit namin ni Alexis nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko. I fished it out of my pocket as fast as I could. Kilala ko kasi yung ringtone di ko na kailangan pang i-check yung caller ID. One deep inhale to calm myself and I answered the call happily, as if di ako nainis kanina. "B-Boss?" "Nicolette. Go straight to Saint Rafael Hospital. 'Wag ka na dumaan sa office. Magkita nalang tayo ro'n." "W-wait. Bakit sa ospital tayo pupunta?” Natigalgal ako sa tarantang boses ng amo ko. May masamang nagyayari ba? Obviously, ospital nga raw diba? Pero paano ang mga schdule namin? “S-Sir, may meeting tayo with Mr. Silva at nine. Then we have to attend another one sa Palm Hotel-" "Cancel them all. Cancel everything!" Hearing my boss screamed, I realized how stupid my reaction was. Napakagat tuloy ako ng labi dahil sa pagkapahiya. Minsan talaga, medyo nagiging tanga ako pagkausap ko siya. "O-okay, po." My voice was low when I spoke, kasalungat yon ng maingay na utak kong tuloy-tuloy sa pagsesermon sa akin.  ‘My God. Hospital Nicolette! How on earth have you thought of meetings kung hospital nga ang sinasabi ni Todd! Ang thoughtful mo naman! Laki mong tánga! Di mo man lang tinanong kung ano ang nangyari? E di ba mahal mo yang taong yan? Anong kagagahan yang ginagawa mo?’ Nang makabawi ako sa mga iniisip ko ay tsaka ko pa lang naisipang itanong ang dapat. The delayed worry had me dropped all other things that got me disoriented for a moment. "A-ano pong nangyari, Boss?" "Inatake si Dad." I heard him sob. Hindi ko siya nakikita pero alam ko basag na basag ang damdamin ni Todd base sa manakanaka niyang malalalim na hiniga. "Nicolette.." “P-Parating na ko, Boss.” I managed to say, swallowing the painful lump in my throat. “Nicollete, bilisan mo. I-I...” his voice broke. “I need you with me...please." I Need you with me... I Need you with me... I Need you ... With me... please. Awtomatikong napatay ko ang tawag nang tumining sa isip ko ang mga katagang yon. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinakbo ko ang distansya papunta sa sasakyan namin. Sa sobrang pagkataranta ko, muntikan pa akong mauntog sa bubong ng owner nang pabalibag na umupo ako. Bakit naman hindi ako magkakaganoon kung yung nagmakaawang samahan ko siya, eh ‘yong nag-iisang lalaki lang naman na minahal ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD