CHAPTER 32

2195 Words
NAKARAMDAM ako nang bahagyang pagyugyog sa balikat ko sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Kaya iyon ang naging dahilan nang paggising ko sa araw na ito. "Klaire, gising na aba! Abusado sa tulog 'to!" rinig kong boses ni Iyah habang todo bigay na niyuyogyog ang balikat ko. "Ano ba! Mamaya na—" I didn't finish what I was going to say when she halted me. "Gaga ka, magbihis ka muna bago mo ituloy 'yang pagtulog mo!" sigaw n'ya sa tainga ko at naramdaman ko naman s'yang dali-daling umalis sa tabi ko. Hindi naman ako nagpatinag at pinagpatuloy lang ang tulog ko. Hindi ko alam kung bakit para bang pagod na pagod ako, ni wala naman akong ginawang nakakapagod kagabi, kundi ang umiyak lamang. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang mga hinanakit na naramdaman ko kagabi, at wala akong balak na gawin ngayon kundi ang magpahinga at matulog lang maghapon. Maya-maya pa narinig kong sumigaw si Iyah, na s'yang nagpabalikwas sa 'kin nang bangon. "Hoy Klaire mahiya ka nandito si Khirro!" Dali-dali akong tumayo mula sa aking pagkakahiga, at laking panlulumo ko ng wala akong makita na kahit na anong bulto ng isang Khirro. "Ayan, diyan ka magaling e! Pagdating sa SSG President ng school alert na alert tsk, tsk," rinig kong sarkastikong sabi ni Iyah, habang nakaupo s'ya lamesa at may kinakain na almusal. Sinamaan ko lang s'ya nang tingin at dumiretso sa loob ng banyo. Habang ginagawa ang morning routine ko, nakarinig ako ng mga kaunting kalabog mula sa labas. Nakarinig din ako ng mga taong para bang nagpipigil ng tawa. Sa mga ganitong eksena, paniguradong may binabalak na naman 'tong si Sakiya. Tch. Pagkalabas ko ng cr, narinig ko silang nagsisigaw habang may sinasaboy pa na confetti sa aking harapan. "Surprise, Klaire!" Gulat akong napatingin sa kanilang lahat. Nandon halos lahat ang mga kaibigan ko na s'ya namang pinagtataka ko kung bakit nag-surprise pa sila ng ganito. Nandito ngayon sina Nadine, Denise, Levy, Sebi at Suze na s'yang nakahiga sa kama ko. "Hoy lumayas ka r'yan!" Bago ko pa man s'ya mahataw ng towel ko, dali-dali na s'yang lumayo sa 'kin. "Labhan mo na 'yang bed sheet mo, amoy panis na laway," pang-aasar na sabi n'ya habang sinesenyas pa na para bang bahong-baho na s'ya. Tumingin ako nang masama sa kaniya, at pinagpagan ang aking kama. "Oh, anong ganap, at nandito kayo lahat?" prangkang tanong ko na s'ya namang nagpangiwi sa lahat. Nagkatinginan muna sila sa isa't isa na ikinakunot ng noo ko, at sabay-sabay nilang binanggit ang, "Magpi-picnic tayo!" Masasayang bati nila na para bang bata. I chuckled. "Kung inaakala niyo na sasama ako, hindi. Magpapahinga lang akong buong araw, pasensya," sabi ko at humarap sa electric fan na nasa gilid ng kama ko at pinatutuyo ang aking buhok. In a snap, I saw myself happily singing along this group. Halos pinilit nila akong lahat kanina, para lang makasama sa picnic nila. At dahil dakilang wala naman akong nagawa, sumama na lang ako sa kanila. At hindi naman ako nagkamali dahil naging masaya ang araw na 'to, para sa aming lahat. We are currently singing the song of our favirite band. May dala kasing bluetooth speaker si Sebi, at pinatugtog n'ya ang kaisa-isang kantang nakarehistro sa telepono n'ya. The sun was almost setting, when suddenly I remembered Khirro. The way he patted my hair before, the way he smiled at me, and when he asked me about the sunset. Kanina pa sila nag-iinuman, at hindi ako masiyadong nakikisali dahil paniguradong magsasaya ang mga 'to, kahit na alam nilang may pasok na kinubukasan. I checked my wrist watch and it was 7:02 in the evening. Mag-aaya na sana akong umuwi nang biglang nag-suggest si Sebi ng laro. "Guys laro tayo, spin the bottle! I know it's common pero let's go! Taralets!" pasigaw na sabi n'ya dahil medyo maingay na rin sa kabuuan ng park, dahil nag-uumpisa na ring tumugtog ang mga banda. "Hoy magsitigil kayo, may pasok pa bukas mag-ayos na kayo," tutol na sabi ko na s'ya namang ikinangiwi ng lahat. "Kung gusto mo, mauna ka na," sabat ni Levy at inaayos na ang mga gamit ko. Hinablot ko naman sa kaniya ang gamit ko. "Kausap ka?" sarkastikong sabi ko. "Oh, iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" pang-aasar ng karamihan. "Klaire, mamaya na maaga pa naman e," tutol ni Iyah na nasa tabi ko habang kinakain 'yong chips na halos s'ya na ang nakaubos. Tumingin ako sa kanilang lahat, at mababasa sa mga mata nila na nagpapaawa sila para matuloy ang gusto nilang laro. P'wera kay Levy na bubulong-bulong sa gilid na masama ang tingin sa 'kin. "Tss, ewan sa inyo." "Yown!" sabay sabay na sabi nila na nagpangiwi sa 'kin. Nagsikilos na sila, at nag-form sila na parang pabilog at hindi ako kumilos o umalis sa kainuupuan ko. "Ang hindi sumali ang magliligpit ng lahat ng 'to, at magdadala ng mga gamit!" biglang sigaw ni Sebi at tumingin sa 'kin ang mga kasama ko. Wala akong nagawa kundi ang pumwesto rin sa kanila. Mula sa kanan ko katabi ko sina Iyah, Nadine at Levy. Sa kaliwa ko naman sina Roxanne, Denise at Sebi, at ang katapat ko ay si Suze na s'yang nakangisi sa 'kin. "Problema mo?" asik ko na s'yang nagpanguso sa kaniya. "Babe," he mouthed. "P*kyu," I mouthed back. "Okay, so ganito ang mechanics," pangunguna ni Sebi, at s'ya rin ang may hawak ng bote. "Ako ang magpapaikot ng bote pero s'yempre kasali pa rin naman ako. Kung kanino tumapat 'tong nguso ng bote 'yon ang tatanungin, at kung kanino naman tumapat 'tong ibabang bahagi ng bote s'ya ang magtatanong, gets?" mahabang litanya n'ya na s'ya namang nagpa-excite sa lahat. "Pero wait may kasunod pa! So basically parang magiging truth or dare 'to. Kung ang pinili ng tatanungin is truth, dapat ang magtatanong ay may nakahanda ng two questions. Yeah, you heard it right? Two questions! Sa magtatanong, dapat may handa na s'yang two questions at papapiliin n'ya ang tatanungin kung ito ba ay one or two. Depende na lang 'yon sa magtatanong kung ano ang itatanong n'ya, gano'n din sa dare, gets?" dagdag ni Sebi. "Gets!" masayang sabi nila, at nangunguna pa si Sakiya. Nag-umpisang paikutin ni Sebi ang bote, at tumama ang nguso nito kay Denise at ang ibabang bahagi naman nito ay kay Levy. "Okay, so, Levy ikaw ang magtatanong kay Denise!" Sebi said, cheerfully. "Hmm, Truth or Dare? And one or two?" Levy asked. "Truth, and two," Denise answered, confidently. "Wow, palaban ah," pang-aasar ni Nadine. "So, what are you doing here?" Levy said, frankly. Napamaang naman kaming tumingin sa kaniya. "Oh, she chose number two and that's the question," he defensively said. Maang naman na tumawa si Denise. "Well, because ate Sakiya, invited me. How 'bout you?" "As far as I remember may atraso ka pa kay ate Sakiya, right?" tanong ni Nadine na s'ya namang ikinagulat ni Levy. "Okay, okay next! Nagkakainitan na po! Palamig muna," singit ni Sebi, at binigyan kami ng lahat ng juice na nasa baso. Maya-maya pa ay pinaikot muli ni Sebi ang bote at sakto namang tumutok ang nguso nito sa 'kin, at ang ibabang bahagi naman ay kay Suze. "Omo, this is going to be exciting!" rinig kong tili ni Iyah. "Okay okay, hinga muna nang deep. So, Suze you can freely ask Klaire with your pasabog question!" tili ni Sebi na animo'y kinikilig. Grabe 'tong mga 'to. Hindi pa naman nila ako pinapapili pero alam na agad nila ang desisyon ko. Tumingin ako kay Suze and he just looked at me, smirking. "Ayusin mo tanong mo, g*go ka," sabi ko at kinindatan n'ya lang ako. "So truth na, okay one or two?" he asked. "One." I heard him chuckled. "Hmm, nice choice. So, would you rather go back in the past or see your future ahead... with me?" he confidently asked and he winked at me. Sinamaan ko s'ya nang tingin. "Ayusin mo nga!" Nagpakawala siya ng isang tawang siya lang naman ang gumawa. "Kidding, just cut the words ahead with me," he answered. "So, would you rather go back into the past or see your future?" Naramdaman kong tumingin silang lahat sa 'kin, p'wera kay Iyah, na para bang nabilaukan. Kunwaring nag-isip ako kahit alam ko naman talaga sa sarili ko ang sagot. "Hmm, I want to go back in my past, so that I can freely remember what happened on me before. But of course, I also want to live in present, because I just want to enjoy myself here as teenage girl. I don't want to see my future because I know there's so many pressures waiting for me there," I answered confidently. Nang tignan ko silang lahat, nakanganga lang silang nakatitig sa 'kin. Maya-maya ay pumalakpak na sila. "Naks, pang Ms. Universe ang sagot!" pang-uuto ni Sebi. "Ms. Universe kadiri 'di bagay," rinig kong gatong ni Levy. Hinampas naman s'ya ng katabi n'ya na si Nadine. "Manahimik ka, walang humihingi ng opinyon mo!" Nagtawanan kami sa sinabing 'yon ni Nadine. Mahahalata na sa ibang kasama ko ang tama ng alak sa kani-kanilang mukha. Mayroon pang nanahimik na lang sa gilid dahil unti-unti na silang nilalamon ng hilo. "Okay, okay next, mamaya makakita na naman tayo ng live na bardagulan," nakangiwing sabi ni Sebi na at inihanda na ang kanyang sarili na paikutin muli ang bote. Nang mapaikot na n'ya ito, gumulong 'to papunta sa pagitan ni Sebi at Suze. At dahil magkatabi sila, nakatutok ang nguso ng bote kay Suze at ang ibabang bahagi nito ay kay Sebi. "Okay, so ang magtatanong is si Sebi at ang sasagot ay si Suze," rinig kong sambit ni Roxanne, habang inaabot ang bote. "Omg! Literal na nakaka-excite 'to!" tili na sabi ni Sebi at umayos ng upo papaharap kay Suze. "Truth or Dare? And one or two?" Sebi asked, excitedly. Mahahalata na sa mga boses nila ang tama ng alak. Ang iba ay pupungay-pungay na ang mga mata. Tinignan kong muli ang aking relo, at bahagyang napamaang sa oras na aking nakita. It's already 9:30 in the evening. Hindi mo talaga mamalayan ang bilis ng oras kapag masaya ka sa ginagawa mo. Pagkatapos sumagot ni Suze mag-aaya na akong umuwi sa kanila. Baka kung ano na naman ang gawin nilang nakahihiya lalo pa't mga tinamaan sila ng alak. "Truth and one," sagot ni Suze. Bumaling ako ng tingin sa kanila, at halata sa mga mukha nila ang excitement na kanilang nararamdaman. Habang si Suze ay nakayuko at kamot-kamot ang batok. "Okay, okay. This is my question," sabi ni Sebi, at bahagyang inayos muli ang kaniyang pagkakaupo. "Have you experienced confessing your feelings to someone you like?" dugtong na sabi n'ya na s'yang nagpatili sa mga ibang kasama ko. Halos lahat ng mga taong nakapaligid sa 'min ngayon ay pinagtitinginan na kami dahil sa ingay ng mga kasama ko. "Oy! Namumula s'ya!" rinig kong pang-aasar ni Denise. Nahihiyang siyang hindi makatingin kay Sebi. "Ah, n-not yet," utal na sabi ni Suze habang kamot-kamot ang batok n'ya na para bang hiyang-hiya. "Aww, sayang naman," sabi ni Roxanne na s'yang nagpalungkot sa lahat. I was about to speak, when suddenly Suze halted me. "Well... I guess, this is the right time for me to confess my feelings for her..." Mahahalata pa rin ang hiya sa boses niya, pero sa mga litanyang 'yon napatahimik ang mga atungal ng mga kasama ko. "Well, I guess too, ito 'yong highest level na exciting," rinig kong sabi ni Levy at kiniskis pa ang palad na para bang handang handa nang makinig sa sasabihin ni Suze. Tumingin lang ako sa kanila, at maya-maya pa ay naramdaman kong may nakatingin sa 'kin. Pagbaling ko sa taong 'yon, nagulat ako kung sino 'yon. Suze looked deeply into my eyes, as if he was talking to my soul. Narinig ko ang impit na sigaw ng mga kasama ko. At kasabay n'on, ang pagtugtog ng kanta mula sa bandang nagpe-perform sa stage. "When I first saw you... I couldn't just imagine that things would turn out like this..." he said, while looking directly into my eyes. "I didn't how it started... I just woke one day that I realized I have a feelings for you..." And then he laughed softly. Nagniningning ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang binibitawan ang nga salitang hindi ko akalain na maririnig ko mula sa kaniya. "I tried to stop it, to erase it as much as I can. Instead of stopping it, I'm just slowly falling for you whenever I saw your smile, whenever I heard your laughs... and everything about you..." he stated, without even breaking the eye contact with me. "I don't know what will happen next after this, but I just want you to know how much I like you, Klaire..." All I can see in his eyes was so pure and real about he was saying right now. "And I guess I must say that, I'm just really attached to you... I really really like you, Klaire," he added and he flashed a small smile. I opened my mouth but nothing word came out, even a single word. I gulped. What should I do, Suze?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD