CHAPTER 33

2936 Words
Tatlong araw na ang nakakalipas simula no'ng umamin sa 'kin si Suze. At hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na aabot s'ya sa pagkagusto sa 'kin. Ilang beses kong tinanggi sa sarili ko na hindi s'ya kailanman magkakagusto sa 'kin, pero heto at tatlong araw na ang nakaraan simula no'ng umamin s'ya. Hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng lito, kung bakit ako. Sa dinami-dami ng babae na nakakasalamuha n'ya bakit ako? Naging mahirap para sa 'kin na isipin 'yon lalo pa't sa t'wing nagkikita kami ay para bang walang nangyari. Na para bang naging normal sa kaniya ang lahat kahit pa umamin na s'ya sa 'kin. Nang gabing pakinggan ko s'ya habang umaamin, wala akong makita kahit na anong bahid na peke sa mga mata n'ya. Makikita sa mga ito ang sinseridad ng isang taong umaamin ng kaniyang nararamdaman sa isang tao. Makikita mo ang galak sa mga mata n'ya, habang binibigkas n'ya kung gaano n'ya ako kagusto. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan n'ya sa 'kin, at mas lalong hindi ako alam kung bakit s'ya umabot sa ganoong punto. At sa mga oras na 'yon, wala akong naramdaman na kahit ano. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko s'ya gusto, at hindi ko alam kung kaya ko bang ibalik sa kaniya ang pagkagusto na dulot nito. Sa tatlong araw na dumaan, masasabi ko na nakaramdam ako ng ilang pagdating kay Suze. Sa t'wing nagkakasama kami, hindi na ako masiyadong nakakaimik, lalo pa't sa t'wing nakikita ko s'ya naaalala ko ang mga mata n'ya, kung paano nito ipinakita ang sinseridad no'ng umaamin s'ya. Sa t'wing aasarin n'ya ako, hindi na ako masiyadong nagpapaapekto. Dahil sa t'wing naiisip ko na may gusto s'ya sa 'kin, at habang inaasar n'ya ko, pakiramdam ko mas lalo lang nahuhulog ang loob n'ya sa 'kin. Habang s'ya, mas naging komportable pa at paminsan-minsan ay napapansin ang pagtahimik ko sa t'wing kasama ko s'ya. Ayoko s'yang bigyan ng dahilan para mas lalong mahulog sa 'kin. Kung kaya ko lang gumawa ng paraan para matigil ito, ginawa ko na. Dahil ayoko rin naman na paasahin, at saktan s'ya. "Hoy!" Ramdam kong may pumitik sa noo ko, at sinamaan lang nang tingin si Iyah. Nandito kami sa bus ngayon, at hinhintay na tumigil ito sa tapat ng school. "Ano bang problema mo?" kunot-noong tanong ko. "I was talking for the whole time and you didn't listening to me! Sh*ta ka alam mo 'yon?" "Sino bang may sabi sa 'yo na magsalita ka?" I sarcastically asked. "'Yan ganyan tayo e, nalaman lang na may—" Huminto ang sasakyan at hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin, dahil paniguradong aasarin n'ya lang ako patungkol sa pag-amin ng nararamdam ni Suze sa 'kin no'ng nakaraan. "Teka naman, hintay!" sigaw n'ya pa. Naglalakad kami ngayon papunta sa gymnasium, dahil may program na gaganapin ngayon. Well after all it's Students' Fest. Nasabi sa amin no'ng Monday na mag-uumpisa ang Students' Fest ngayong Thursday hanggang Saturday. Obligado na pumasok ng Thursday at Friday pero kapag Saturday depende na lang daw 'yon sa estudyante. Pero plus points pa rin sa ibang subject teacher kung pumasok ang student ng Saturday. Sinabi rin sa amin na magkakaroon ng booth ang ibat-ibang strand. Sa bawat strand ay may isang representative na section para maipakita nila ang kani-kanilang booth. Ngayon i-a-announce kung anu-ano ang booth ng STEM, HUMSS, and GAS. Ang sa ABM kasi ay Miniature Kitchen Booth, at Live Band Booth, which is ang section namin ang representative. Sa Miniature Kitchen Booth, para lang itong isang kitchen na kung saan maraming pagkain ang lulutuin, kaniya-kaniya ang pagluluto, at marami rin kaming mga lamesa na nakahanda. Sa Live Band Booth naman, kumuha kami ng mga ibang students sa ibang section, na may talent sa pagkanta, o pagtugtog ng mga instruments, karamihan sa mga nakuha, ay sa section din namin. Para bang mag e-entertain lang ng tao, o kapag sino ang may gusto sila 'yong tutugtog, o kakanta ng mga napili nilang songs. Pinag-ambag na lang namin, 'yong mga sections na hindi napili, dahil labanan din naman ang mga booth na ito. Sa ngayon wala pa silang nilalabas na criteria kung pa'no ang pagiging basehan ng pagkapanalo ng isang booth. Nakaupo kami ngayon sa bandang dulo ni Iyah, kahit ang seating arrangement ay by section. Hindi lang namin feel na sumunod sa seating arrangement na 'yon, ever since. Kung saan-saan pa kami napapadpad, para lang komportable kami sa pag-upo namin. Agaran din naman naming nakita si Suze at Sebi na magkasama na papunta sa gawi namin. Kinawayan ako ni Suze, ngunit ang naging tugon ko lang dito ay isang matipid na ngiti. It felt so awkward, bakit kasi umamin pa, tch. "Oh, e, anong ganap, at wala kayo roon sa upuan natin?" intrigang tanong ni Sebi. Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko at kahit hindi ko lingunin ito, masasabi ko na si Suze 'yon, base pa lamang sa amoy ng pabango nito. Naramdaman ko rin na marahan n'yang ipinatong ang kaniyang braso sa sandalan ng kinauupuan ko. Narinig ko ang impit na sigaw ni Sebi na s'yang katabi ni Iyah sa kanan ko. "Ikaw ha, magtatampo na 'ko sa 'yo." Pabiro akong siniko ni Suze na s'yang nagpalingon sa 'kin nang bahagya, papunta sa gawi n'ya. Maang naman akong umalis sa pagkakasandal sa upuan. "T-tss umayos ka nga, bakit naman?" I stuttered. Wala namang dapat ika-utal, Klaire! Tuluyan s'yang humarap sa gawi ko, marahan n'yang hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa n'yang kamay papunta sa gawi n'ya. Magkaharap na kami ngayon, at masasabi ko lang sa mga mata n'ya ay saya at galak na araw-araw ko namang nakikita sa t'wing ako ang kasama n'ya. "'Wag ka ng mailang okay? Ako lang 'to 'yong babe mo." Kumindat siya at kasabay n'on ang paglamutak sa mukha ko. Dali-dali ko namang hinampas ang kaniyang dalawang kamay para maalis ito sa mukha ko. "Napaka sadista mo!" gigil na sabi ko na s'ya namang nagpatawa lang sa kaniya. "Oh, so you want me to be sweet to you?" he asked and then he flashed a playfully smile. I glared at him. "Sapak gusto mo?" "Tignan mo 'to, sinong sadista ngayon sa 'tin ngayong dalawa?" maang na tanong n'ya. Hindi ko na lang s'ya pinansin at bahagyang tumalikod sa kaniya. "Kaykay," pagtawag n'ya sa palayaw na ginawa niya para sa akin. Pero hindi ko s'ya pinansin. "Kay," ulit pa n'ya. "Kaykay, Kay, Kaykay, Kay," paulit-ulit na tawag n'ya, kasabay n'on, ang paulit-ulit na pagkalabit n'ya sa balikat ko. Inis akong humarap sa kaniya, at hinampas s'ya nang bahagya. "Ano bang problema mo?" bulyaw ko na s'yang nagpangiwi sa kaniya. "So, hindi ka na naiilang?" asar na saad n'ya. Maang ko siyang tinignan. "A-anong ilang? Bakit maiilang 'n-no?" utal na sagot ko na s'yang nagpatawa sa mga kasama ko. Ramdam kong tumayo si Sebi, at pumunta sa harap ko. "'Wag ka na raw kasi mailang kay bebe Suze, 'wag—" He didn't finish what he was going to say, when I halted him. "Oo na, tama na please. Tigilan n'yo ko." At tinaas ko ang kamay ko na sumenyas pa na para bang pinapatigil ko na sila. Bahagya lang silang tumawa, at bumalik na ng p'westo si Sebi sa kanina n'yang kinauupuan. Tumingin ako sa gawi ni Suze at sinamaan s'ya nang tingin akmang magsasalita na s'ya nang magsalita ang emcee na nasa stage. "Good morning students!" galak na galak na sabi nito na s'yang nagpahiyaw sa mga estudyante sa kabuuan ng gymnasium. "Are you ready to enjoy yourself for our two days Students' Fest?" sigaw nito na s'ya lalong nagpaingay sa mga estudyante. Sumasabay pa ang sigaw nina Sebi, Suze at Iyah, na akala mo'y masayang-masaya sa nangyari. "So before that, I'm going to introduce myself first! So good day everyone! My name is Joselito Pascual, but hey and hey!" putol n'ya sa kaniyang sasabihin, dahil nag-umpisa nang tumawa ang karamihan sa mga estudyante nang malaman ang pangalan n'ya. "Oo na, alam ko naman ang ganda ko. Kaya you can call me Jash!" he stated cheerfully and he flipped his hair, towards to his back. Daig pa niya 'yong mga babae kung mag-flip ng hair papunta sa likod. But, in overall, I like how he repesents his self in front of others. "Bakla ka, Joselito!" Rinig kong sigaw mula sa kanan ko na s'yang nagpatawa sa lahat ng estudyanteng naroon. "Wow ha, kuya kung sino ka man tawag ka na ni dean sa office," seryoso saad ni Jash, na nagpatahimik sa mga estudyante. "Eme lang, oo na bakla na at least maganda pa sa nanay mo 'no!" pabirong saad nito na nagpatawa sa lahat ng naroon. "Okay silence please," awat n'ya sa nakakarinding ingay ng mga estudyante. "So bago ko umpisahan 'tong kaekekan ko, our dean will be speak infront of us for our opening remarks. So may I call the attention of our dearest dean, Mr. Edward V!" hiyaw na sabi n'ya at nagpalakpakan ang mga estudyante. He was wearing a color white with a shade of blue polo, and a black jeans. Humihiyaw ang kayamanan nito base pa lamang sa kaniyang suot. Nakangiti n'yang sinalubong ang daan-daang estudyante na nasa kaniyang harapan. "Good morning, my beloved students'. I know that all of you are waiting for this event, and I hope all of you enjoy this, especially for all those freshmens who are here right now. We have different booths, that you might like or they so called tambayan, but for sure you will enjoy and love it. HMU students' pa ba," pabirong sabi nito at nagtawanan ang mga estudyante. "So I guess these three days that you'll spent in our Students' Fest will be enough to all of you to relax yourself, to refresh your soul, your brain ang to get some more friends, and especially to enjoy. My beloved students, it is required to attend this Students' Fest, Thursday and Friday. However, it depends to all of you, if you're going to attend on Saturday. Pero kapag pumasok kayo ng Saturday, may plus points kayo sa mga teachers n'yo. So I guess, I'll end it here. Enjoy HMU students!" pagtatapos nito sa kaniyang sinasabi, at naghiyawan, palapakan ang mga estudyante. "Grabe lakas ng dating ni dean 'no? Lakas makapresidente!" pabirong saad ni Jash, at nagtawanan ang mga tao. Naramdaman ko namang nakatitig lang sa 'kin si Suze, simula pa kanina. Kung aalisin n'ya man ang tingin sa 'kin, saglit lang ito at ibabalik kaagad n'ya. Sino bang hindi maiilang sa gano'n? E, halos gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Minsan pa n'yang kinikiliti ang bewang ko pero hindi ako nagpapaapekto, at minsan din ay kinukurot n'ya ang pisngi ko. Pero hindi ko na lang s'ya pinansin, at ayoko lang uminit muli ang ulo ko. Nagtatawanan ang mga estudyante, nang ibalik ko ang aking atensyon sa stage. "Well anyways, this is the list of booths in our different strands," Jash stated while fixing the paper in front of him. "So every strand, we have two booths. So for STEM booth, they have Relaxation Room booth, and Another World booth. For ABM booth, they have Miniature Kitchen booth, and Live Band booth. For HUMSS booth, they have Picture booth and Korean Feels booth. And lastly for GAS booth, they have Coffee booth, and Competition booth," he stated well. "Grabe lahat ng strands palaban sa mga booth ah," pabirong dagdag n'ya at sinenyas pa ang kaniyang kamay na para bang hindi makapaniwala. "The place of those different booth, will be posted on our social media walls, as well here in our stage. Makikita n'yo 'yan dito. And about sa criteria for judging about booth. It will be announce on Friday. Any questions HMU students?" And the he slightly raised his hands. Umiling lang ang karamihan, at ang ilan naman ay hindi na makapag hintay na umpisahan ang Students' Fest. Mayroon pang mga estudyante na nag-effort at nagsulat pa sa white cartolina para mapabatid na umpisahan na ito. Tawa lang naging tugon ni Jash at napailing na lang. "So this is it! Students' Fest in Harmown University for the year 2021, is now officially starting! Enjoy!" masayang saad nito at nag-umpisa nang bumababa ng stage. Naghiyawan naman ang mga estudyante, at unti-unti na silang nagsialisan para ma-try ang iba't ibang booth sa iba't ibang strand. Nagpatugtog na rin ng mga songs 2021 hits ang DJ na nasa stage. "Sa'n kayo?" tanong ni Suze nang makalabas kami ng gymnasium. Katabi ko s'ya ngayon, at nakapamulsang patalikod na naglalakad. "Sa booth namin, kami naka-assigned ngayong araw," kibit balikat na sagot ni Iyah. Lumingon ako sa kaniya at nagtanong. "Si Ciara pala napansin mo? 'Di ko pa nakikita e," I asked. "Ay nako 'te, nasa faculty 'yon, as always." Napalingon ako kay Sebi nang siya ang sumagot. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Iyah, para bang tamad na tamad s'ya maglakad at ang bigat ng awra ng mukha n'ya. Inakbayan ko s'ya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. "Anong nangyari sa 'yo? Sad girl ka 'ata ngayon?" She just glared at me. Naramdaman ko naman na may kumawit sa braso ko akmang tatanggalin ko na ito pero mas hinigpitan pa n'ya ang pagkakakapit sa mga ito. "Hoy Suze, bitaw nga!" saway ko sa kaniya, at bahagyang tinapik ang kaniyang braso. "Ayaw." I was about to speak when suddenly Sebi halted me. "Hayaan mo na at d'yan comfortable," ngising sabi n'ya at sinamaan ko lang s'ya nang tingin. Hinayaan ko na lang s'ya at 'di pinansin, napatingin ako nang bahagya sa kaniya at s'ya lang ay ngumisi. Tss, abnormal. Binalingan kong muli ng atensiyon si Iyah, at para bang tamlay na tamlay s'ya kung maglakad. "Spill, Iyah ano nangyari?" I asked. Tuluyan nang bumusangot ang kaniyang mukha. "E, kasi naman, parang mas gusto ko 'yong booth ng STEM!" bulyaw na sabi n'ya na s'yang nagpatawa sa 'ming lahat. "Oh, e, ba't hindi ka pumunta roon?" sarkastikong tanong ni Sebi. "Ayan si bebe Suze oh, samahan mo tutal STEM student din 'yan," dagdag pa n'ya. Sakiya sighed heavily. "Sa tingin mo ba nandito pa rin ako, kung p'wede?" sarkastikong tanong din ni Iyah. Nakarating na kami sa assigned room ng Miniature Kitchen Booth at lahat ay nasa ayos na. Sa bandang kanan ng room nandoon ang nakalagay ang dalawang maliit na kitchen na paglulutuan ng mga students. At mayroon ding mga gamit na pangluto, mayroon ding mga paintings sa wall para maging kaaya-aya itong tignan. Sa bandang katabi naman ng mga dalawang kitchen na 'yon, do'n kami mamalagi para mabantayan ang students. The rest of the space of the room, it occupies six tables. This type of table is good for four persons. Hinihintay na lang namin na dumating 'yong mga pagkain na lulutuin ng mga students, para makapag-umpisa na kami. Ang naka-assigned ngayon para asikasuhin ang booth na 'to ay ako, sina Iyah, Sebi, at sina Janna, Marc na kaklase ko rin lahat. Ang ibang students na natira sa section namin ay inaayos na ang Live Band Booth para bukas. "Sumama ka na kay Suze pagkaalis n'ya rito," dagdag ko sa sinabi ni Sebi kanina. Kasalukuyan na naming sinusuot ang uniform namin para sa booth na 'to. We're wearing a mustard yellow shirt, and a color white jeans. Sa shirt namin na 'yon ay may nakatatak na ABM-I. "E, 'di ako napagalitan kasi kung saan-saan ako pumunta, mga hanep kayo e," Sakiya said sarcastically. Hindi na 'ko magtataka kung after ng Students' Fest na 'to, naka-ship na s'ya sa STEM. "12-ABM." Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yon sa pinto, at nang tignan namin dala-dala na nito ang mga pagkain na lulutuin. "Check mo Iyah, kung nandiyan lahat," I commanded. Inaayos ko na ang mga upuan, at mga gamit na gagamitin ng students, at maya-maya ay magbubukas na kami. Halos marami na ring ma estudyante ang nasa labas para i-try ang booth namin. "Boss, kompleto na," saad ni Iyah, at sumaludo pa. "So we're prepared? Settled na ba lahat? Okay na lahat?" I asked Janna, and Marc. "Yes, approval mo na lang kailangan para mag-open na," saad ni Janna. "Grabe sa approval." At bahagya akong tumawa. Nakita ko naman na may inginunguso sila sa likuran ko. Kaharap ko kasi sila ngayon at kinakausap sila para maging maayos ang daloy ng booth namin. Bahagya naman akong lumingon, at nakita ko si Suze na prenteng nakaupo at may malapad na ngiting nakatingin sa 'kin. Akmang magsasalita s'ya nang tumunog ang telepeno n'ya, hudyat na may tumatawag sa kaniya mula sa messenger call. He was looking at me intently as he answered the phone. "Yeah... I'll be there in five minutes... Yep... No worries... I'll handle that... Okay." And he hang up the phone. "Kaykay alis muna 'ko, 'wag mo 'kong mamimiss agad ah?" asar na sabi n'ya at binato ko sa kaniya ang bagay na nadampot ko. "Ul*l ka, umalis ka na 'di kita kailangan dito," asar na sagot ko, na s'yang nagpalamutak ng mukha n'ya. "You're hurting me," kunwaring tampong sabi n'ya. Narinig ko namang nagsibungisngisan ang mga kasama ko. Ewan ko ba, parati na lang nila akong inaasar na may relasyon na kami ni Suze e, halata namang lamang ang inis ko sa presensiya n'ya. At kami-kami lang din ang nakakaalam na magkakaibigan simula no'ng umamin s'ya. Unless sinabi nila sa iba. "Goodbye Kaykay, take care. See you later!" pagpapapaalam n'ya at tuluyan nang umalis. "Okay, okay so, Miniature Kitchen booth is now open!" masayang sabi ko at kasabay n'on ang pagbukas ng dalawang pinto ni Janna at Marc.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD