CHAPTER 34

2491 Words
Halos napuno agad ng mga estudyante ang booth namin, at halos pulos good feedback ang binibigay nila bago sila umalis. Mayroon pa nga na mga estudyanteng ayaw umalis, at gusto lang na tumambay sa booth namin maghapon. Hindi namin sila pinayagan, for some reason. Unfair din kasi sa ibang students. Kaya ang ending babalik-balik na lang daw sila. Mayroon ding isang estudyante na nakasunog ng niluluto n'ya. At hamak na nagulat pa kami dahil itlog at ham lang ang kaniyang niluluto, napagtawanan tuloy s'ya ng mga kasama n'ya at ang iba ay kumuha pa ng video. Pero hindi naman n'ya 'yon ininda pa, bagkus nakitawa rin s'ya. Sa buong maghapon na nakatoka kami rito, hindi ko namalayan na hindi ako nakakaramdam ng pagod. Para bang ang chill-chill lang ng paligid. Marahil dulot nito ang pinapatugtog namin na classic songs. Hindi rin masiyadong mainit sa room na 'to, dahil halos lahat ng sulok at pader ay may electric fan. Kaya preskong-presko ang lugar na kinaroroonan namin. Hindi ko na rin masiyadong nakausap ang mga kasama ko dahil busy din sila sa mga bagay na naka-assigned sa kanila. Katulad ni Iyah na nakatoka sa paghuhugas ng mga pinagkainan ng mga estudyante, habang sina Janna at Marc ang umaasikaso ng mga bagong dating na students, at si Sebi ay nasa labas at nag-aaya ng mga students na i-try ang booth namin kahit marami pang customers. Samantalang ako, nakatoka ako sa mismong kitchen na kung saan ako ang mag-gu-guide sa mga students na magluluto. Mabilis na dumaan ang oras pero hanggang ngayong hapon, marami pa ring mga students ang dumadayo sa booth namin, nagkataon na naubusan pa kami ng supply ng pagkain, pero naagapan din naman. "Grabe! Sa susunod hindi na 'ko mag vo-volunteer na sa labas ako nakatoka," hingal na sabi ni Sebi na para bang may humahabol sa kaniyang hininga. Napatawa na lang kami nang bahagya ng dahil sa inasal n'ya. "E, paano kasi bida-bida ka, 'yan tuloy," pabirong gatong naman ni Marco. Sinamaan s'ya nang tingin ni Sebi, at mukhang hindi nito na-gets ang biro ni Marco. "Kung ikaw patayuin ko roon maghapon, makabida-bida 'tong patpat na 'to," napipikong saad ni Sebi. "Wow ha, para namang ang taba mo? E, halos wala ka ngang pinagkaiba sa katawan ko," walang takot na ani ni Marco. "Hoy kahit magtimbangan pa tayo rito, mas mabigat pa rin ako sa 'yo!" "T*nga ka? Ano'ng bigat sinasabi mo? Inutil," tatawa-tawang sabi ni Marco na akala mo'y hindi napipikon sa mga asar sa kaniya ni Sebi. "Gago ka? Lumayas ka nga rito—" "E, 'di ikaw lumayas bukas na bukas pinto, oh." "Pa-epal ka talaga e 'no? Wala ka na bang magawa sa buhay mo? Siya pumunta sa puno, bilangin mo lahat ng dahon," ngising sabi ni Sebi. "E, 'di ikaw gumawa ikaw naka-isip e." "Mauna ka—" "Wala ikaw mauna, ikaw—" "Hindi, ako na nga nag-isip. Ikaw na—" Tumayo ako humarang sa pagitan nila bago pa sila magbardagulang dalawa, at dahil naririndi na rin ako sa bangayan nila. "Hoy tumingil nga kayo! Para kayong mag-asawa. May relasyon na ba kayo?" intrigang tanong ko na nagpatawa sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng booth. Ngunit ang may pinakamalakas na tawa ay ang kay Janna. "Bet ko 'yan! Ship ship! Sebi and Marco, hashtag, Sebo!" galak na galak na sabi nito, at s'ya nama'y sinamaan nang tingin ng dalawa. Nasa kalagitnaan kami ng pagtawa nang may umagaw ng eksena. "Tao po, looking for Klaire Marriane Frakier po," saad ng isang lalaki sa labas at ng tignan ko ito, hindi na 'ko nagulat kung may kakaiba na naman s'yang trip sa buhay. Hindi siya pinansin ng mga tao, at bagsak ang balikat na pumasok na lang s'ya sa loob papunta sa direksiyon namin. Umakto pa s'ya na para bang gusto n'ya ng yakap mula sa 'kin. Inambaan ko lang s'ya ng isang mahinang batok. "Ikaw ha, napapadalas na 'yang kakornihan mo sa buhay. Tigil-tigilan mo at 'di bagay sa 'yo," I said and he just pout his lips. Parang t*nga. Nagulat kami ng biglang tumayo si Sebi, at paharap na inakay si Suze sa unahan. "Guys makinig kayo, 'eto po 'yong official boyfriend ko and we're in relationship for two years and yeah, we have kids too," malanding sabi ni Sebi, kasabay n'on ang paglingkis nito sa balikat ni Suze. Mahahalata naman ang kasuka-sukang itsura ni Suze nang marinig n'ya ang mga pinagsasabi ni Sebi. "Bumitaw ka nga, sinasabi mo r'yan!" At paalis na tinanggal n'ya ang braso ni Sebi sa kaniyang braso. Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ni Suze, bagkus ngumiti pa siya sa lahat ng estudyante mahigit pulos tawa lang ang maririnig sa mga ito. "Yes po, may misunderstanding lang kami—" "Hoy bakla tigilan mo 'yan!" biglang sigaw ni Marco. Nagtawanan naman muli ang mga estudyante sa mga naging eksena nila. Naramdaman ko naman na may lumapit sa gilid, at hindi na 'ko nagkamali sa naisip ko, dahil si Suze lang naman 'to. "Oh, ano na naman problema mo?" "Wala, ikaw lang naman may problema," kibit-balikat na saad n'ya. "Oo problema ko ikaw, ang dami mong ganap sa buhay. Ang korni naman," pasiring na sagot ko. Nakita ko naman na nagmaked-face lang s'ya ng dahil sa sinabi ko. "Oh, e, kumusta naman booth n'yo?" I asked. "Okay naman, ang daming estudyante na pumunta, halos hindi nga nawawalan, kayo ba?" "Ayos naman, no'ng dumating ka hindi na," pilosopong sabi ko na s'yang nagpangiwi sa kaniya. "Joke lang," dagdag ko at bahagya s'yang tinapik sa braso. Narinig ko namang tumikhim si Iyah, at halos lahat pala ng kasama ko ay nanonood sa 'min. "Ehem, mamaya na 'yang loving, loving. Sa'n punta after nito? Alas-dos pa lang oh," sabi ni Sebi, at bahagyang tumingin sa kaniyang relo. "At gala talaga ang gusto mo? Tanghaling tapat bakla," gatong muli ni Marco. Tumingin sa kaniya si Sebi at nginisian ito. "At sinong nagsabi na kasama ka?" sarkastikong saad n'ya. "Lola mo kasama." "Tigilan n'yo na nga 'yan, 'pag nagkapikunan kayo, s'yempre kay Sebi ako," pagbibiro ko na s'yang nagpalukot sa mukha ni Marco. "Joke lang, kapag ba may gala kami p'wede kayong dalawa? Janna and Marco?" pagtatanong ko sa kanila, ngunit umiling lang si Janna. "Busy ako e, after ko nito diresto ako sa bahay may gagawin," saad ni Janna na naintindihan naman ng mga kasama ko, bukod kay Marco. "Ano'ng gagawin 'yan? Baka naman, iba na 'yan ah," pang-aasar ni Marco at nakatanggap s'ya ng hampas mula kay Janna. Napapailing na lang ako sa inaasal nilang dalawa. Halata namang may gusto sila sa isa't-isa pero hindi sila nagkakaaminan. Para bang hiyang-hiya pa sila sa mga nararamdaman nila. True love will come unexpectedly, and you don't have anything to do when you feel it. Just enjoy the moment, and let your heart feel the love that you deserved. Naramdaman ko naman na tumayo si Suze sa tabi ko. "Kaykay, wait may gagawin lang ako, sama ako sa gala n'yo ah! Hintayin n'yo 'ko." Dali-dali s'yang lumabas na para bang may hinahabol. Hindi ko na lang s'ya pinansin at itinuon ang aking atensyon sa mga kasama ko. "So here we go, at exactly 3 PM, we're going to close our booth. Ubos na rin naman 'yong supply ng foods natin, kaya okay na. Bawing bawi na." And then I winked at them. "So after n'on, saan ang lugar?" pagtatanong ni Sebi, na para bang hindi s'ya mapakali hangga't 'di nasasagot ang tanong n'ya. "Sa park na lang ulit kita kita na lang ng 4 PM. Yayain mo ulit 'yong mga nakasama natin no'ng nakaraan. Baka may batch 2 ng aminan," pang-aasar na sabi ni Iyah, at mahahalata sa mukha ni Marco at Janna ang pagkagulat. "Sino'ng umamin?" Halos sabay na tanong nila. Tumayo naman si Sebi, at inakay ang dalawa papatayo. "Nako, nako, sabihan n'yo na lang 'yong mga students na mag-ayos na, 'wag chismosa," saad ni Sebi, at iiling-iling na lang na tumayo ang dalawa. Nang maiwan kami ni Iyah sa lamesa, tumingin s'ya sa 'kin na para bang sinisisid ang mga iniisip ko. "So ano na?" "Anong ano na?" pagtatakang tanong ko. "Gaga ka, s'yempre 'yong ano..." Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Ano ba kasi 'yon? Hanep ka rin e," nauubos na pasensya na sagot ko. Pasiring s'ya na lumapit sa 'kin nang bahagya. "'Yong confession ni Suze sa 'yo, boba." Napailing ako sa sinabi n'ya. "Ano'ng gagawin ko?" She sighed heavily, and crossed her arms. "Sh*ta ka talaga, kaya hindi kita tinanong ng three days kasi ang akala ko nag-iisip ka na ng move para kay Suze." "Ano bang sinasabi mo r'yan?" Lumapit s'ya sa 'kin, at bahagyang dinuro ang noo ko. "Alam mo ang t*nga mo, love life na lumapit sa 'yo ang choosy mo pa." Tumayo ako at inayos ang gamit ko. "Tss, hindi naman gano'n kadili 'yon," saad ko. "The fact that he confessed his feelings towards me, it doesn't mean that I'm obliged to do the same," I added. Tumayo na rin s'ya at inayos ang gamit n'ya pagkatapos n'on tumabi siya sa 'kin. "Nando'n na tayo sa puntong 'yon. What I'm trying to say is, why don't you give him a chance? Just for once?" Humarap s'ya sa akin at kasabay n'on ang paghawak n'ya sa kaniyang bewang. Humarap ako sa kaniya at humalukipkip. "Gusto ko kapag magbibigay ako ng chance, may feelings na 'ko sa kaniya. Ang unfair sa side n'ya kung s'ya lang 'yong nagmamahal, ayoko naman ng gano'n," I stated. Nagliwanag naman ang mukha n'ya ng dahil sa sinabi ko. "So may chance?" I shrugged. "Only time, can tell." "Sus, may pa only time only time can tell ka pa. Sabihin mo ang gusto mo e 'yong—" Hindi n'ya natapos ang sasabihin nang biglang tumili si Sebi, at ang ibang students na natira sa loob ng booth namin. "SSG president, nandito!" tiling sabi ni Sebi. "'Yon natumpak ni Sebi," ngiwing sabi ni Iyah. Hindi ko na lang s'ya pinansin, at bahagyang nagulat kung bakit pumunta rito si Khirro. He was wearing his usual navy blue polo and his black jeans that is perfectly suited for him. Our eyes met. Ito na naman 'yong pakiramdam na para akong nasa ulap sa t'wing magkakatagpo ang mga mata namin. Nararamdaman ko ang bilis ng kabog ng puso ko na para bang may karerang nagaganap dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay sa presensya ng taong 'to. Hanggang ngayon patuloy pa rin akong humahanga at patuloy pa ring umusbong ang nararamdaman ko. Maybe this is the reason why it's hard for me to give a chance to Suze. Because up until now, I know to myself that Khirro is the one who I liked. Natinag naman ako nang biglang may pumitik sa noo ko, binalingan ko ng tingin si Sebi na s'yang gumawa nito. "Kanina ka pa tinatanong! Ano'ng ganap at tulala, aber?" intrigang tanong ni Sebi. Hindi ko s'ya pinansin at binalingan ng tingin si Khirro. He was looking at me, with his genuinely smile. "Ah, KM I was asking if I'm late? I mean, open pa ba 'yong booth n'yo?" tanong nito. "Ah, no hindi na e, pasarado na kami. Ubos na rin kasi 'yong mga food namin," pahina na pahina na sabi ko dahil ako mismo ay nahihiya sa presensiya niya. Ni hindi ko nga alam kung maayos pa ba ang itsura ko? Kung magulo ba ang buhok ko, kung may dumi ba ako sa mukha ko? Ewan ko, basta ang gusto kapag kaharap ko siya, presentable akong tignan. "Ah, gano'n ba? Is there any chance that this booth will open again tomorrow? I just wanna try it," he stated well. Mahahalata mo ang galang sa bawat salitang kaniyang binibigkas. "Ano kasi e..." Napakamot ako sa sentido ko. "Iba na 'yong booth namin for tomorrow, pasensya ka na ah." Awkward akong ngumiti sa kaniya. I saw in my peripheral vision that he flashed a small smile. "It's okay, I understand. Nahuli lang siguro ako," saad n'ya at bahagyang napakamot sa kaniyang batok. I don't why, but I found it cute! Nang balingan ko ng tingin ang mga kasama ko, mapang-asar na tumingin sila sa 'kin, p'wera kay Iyah na para bang naiirita sa presensiya ni Khirro. Binalewala ko na lang 'yon, at humarap muli kay Khirro. "Ah, Khirro? May kailangan ka pa po ba?" I asked innocently. Bahagya naman s'yang nagulat at naalarma sa sinabi ko. "I mean ano..." Hindi ako makaisip ng rason, dahil namis-interpret n'ya ata ang tanong ko. Tumingin s'ya sa 'kin na namumula ang kaniyang buong mukha. "Honestly, I went here to ask you something," nahihiyang sabi n'ya. At nakita ko ang mga kasama ko na bahagyang lumapit sa 'min. Kinabahan naman ako sa sinabi n'ya. "A-ano?" I stuttered. Hindi siya nakatingin sa direksiyon ko habang kamot-kamot niya ang kaniyang batok. I saw his jaw clenched. "Will you be my date for tomorrow?" After he uttered those words he met the gaze of my eyes. Did he just offer me to be his date tomorrow? Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, at naiwang nakanganga ang aking labi matapos marinig iyon mula sa labi niya. Hindi ako makapaniwala na inaaya niya ako ngayon, at hindi ko man lang naiisip na um-attend sa party na iyon. Maraming mga tanong na agad ang biglang sumagi sa isip ko. Sa dinami-dami ng babae na nakasasalamuha niya, bakit ako? Literal na hindi ako nakasagot, at gulat pa rin na nakatingin lang sa kaniya. "Ah, it's okay. You don't have to answer it—" He didn't finish what he was going to say when suddenly I heard Suze calling my name. "Kaykay, anong ganap d'yan?" Pagkalapit n'ya sa tabi ko, inakbayan n'ya 'ko, at bahagyang akong nagulat sa ginawa n'ya. I looked at Suze but he was just smiled at me. He rerouted his glance to the man who's infront of us. Napansin ko na unting-unti nawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi at napalitan ito ng isang seryosong mukha, na hindi ko akalain na makikita kong muli sa kaniya. Tumingin naman ako sa gawi ni Khirro at napansin kong dumako ang kanyang tingin sa braso ni Suze na naka-akbay sa 'kin. At bigla n'yang inilipat ang kaniyang tingin kay Suze na s'yang mahahalata ang bahagyang masamang tingin nito. "Long time no see... bro," Khirro greeted, but I can sense the sarcastic tone in his voice. Bahagya ko namang napansin ang pag-igting ng panga ni Suze at mas inilapit pa ako sa kaniya, na para bang may pinoprotektahan s'ya. "What do you want?" he asked, coldly. I was just looking at them, baffled. At the same time, I looked to my friends, but their emotions are same with mine. Nararamdaman ko ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa, at hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yon. There were looking into each other's eye intently. Ano ang kinalaman n'yo sa isa't isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD