CHAPTER 35

2279 Words
Naramdaman kong mas humigpit pa lalo ang pagkakaakbay sa 'kin ni Suze na s'ya ko namang ipinagtaka. Akmang aalisin ko na sana ito, nang bigla magsalita si Khirro. "Ah, I'm just inviting her to be my date tomorrow, is there something wrong with that?" He chuckled. Maang akong napatingin kay Khirro, at kasalukuyan lamang itong nakatingin kay Suze. I was about to speak when suddenly I got halted by Suze. "No, I'm her date tomorrow. She's not allowed," he answered, authoritatively. Tumingin ako sa gawi ni Suze pero hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Seryoso pa rin siyang nakatingin kay Khirro na para bang magkakilalang magkakilala talaga sila. Khirro just laughed sarcastically. "So up until here, ikaw na naman ang bida?" Naguluhan ako sa sinabi n'ya at kahit ang mga kasama ko ay napakunot ang mga noo. "I don't care what are you talking about, just leave us." May diing pagkakasabi naman ni Suze. Hindi ko malaman ang gagawin ko, kung aawat ba o pagsasabihan si Suze na 'wag tratuhin nang ganoon si Khirro. Pero inuunahan ako ng pangamba ko, kung tama ba ang gagawin ko. "Well, I guess I'll go now and KM I'm always free if ever na magbago isip mo," saad ni Khirro at nakangiti na tumingin sa 'kin na para bang hinihintay ang aking tugon. Nakaramdam naman si Sebi ng katahimikan na namayani, kaya s'ya na ang nag salita para sa 'kin. "Ah, yeah, Pres. Available po siya bukas, kami pong bahala sa kaniya," alanganing saad pa ni Sebi at bahagyang tumingin sa 'kin dahil wala pa naman din akong permiso na pumapayag ako sa alok ni Khirro. "Oh, I see. So, I guess, see you tomorrow? Be safe!" After uttering those words he waved his hands and walked away. Naramdaman kong medyo gumaan na ang pagkakaakbay sa 'kin ni Suze, kaya malaya akong nakaalis agad. I looked at his side, and observe him. Mahahalata pa rin ang galit sa mga mata n'ya at bahagyang pag-igting ng mga panga. I was about to ask him when he suddenly runs in the direction where Khirro came from. "Suze, teka! MAHAHALATA ang mga apoy na nagliliyab sa mga mata ni Suze habang tinitignan n'ya ang papaalis na lalaki nang minsang sumira na rin ng buhay n'ya. Si Khirro. At hindi s'ya matatahimik, lalo pa't kilala nito ang babaeng gusto n'ya. Naramdaman n'ya namang tatanungin s'ya ni Klaire, pero hindi n'ya muna ito pinansin at patakbong hinabol si Khirro na ngayon ay naglalakad na papuntang parking lot. Naabutan n'ya ito na pasipol-sipol habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa kaniyang bulsa. Hindi na s'ya nag atubili pa, at daglian n'ya itong hinawakan sa kwelyo at patulak na isinandal sa pader na malapit sa kaniya. "Anong kailangan mo?" Halos magngitngit ang mga ngipin ni Suze ng dahil sa tensyon na kaniyang nararamdaman. Maang naman na hinawakan ni Khirro ang kamay na nasa kwelyo n'ya at p'wersahan n'ya itong tinanggal. "I was having fun, is there something wrong?" Sinabi iyon ni Khirro sa paraang nang-aasar. Mas lalong tumalim ang tingin ni Suze kay Khirro, at hinawakan muli nito ang kwelyo niya. "Having fun, your ass!" galit na sigaw ni Suze at kasabay n'on ang pagdapo ng kamao nito sa panga ni Khirro, na s'yang nagpatimbawang sa kaniya sa sahig. At hindi pa nakuntento si Suze sa kaniyang ginawa, halos mapunit na ang damit na suot ni Khirro sa higpit ng pagkakahawak n'ya rito. "Just f*cking leave us. I'm warning you," madiing sabi n'ya, habang ang kaniyang mata ay nanlilisik na tumingin kay Khirro. Pero walang ginawa si Khirro, kundi p'wersahang muling tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Suze at direstsong tumayo kasabay n'on ang pagpahid ng kaniyang kamay sa gilid ng kaniyang labi dahil may nalasahan s'yang dugo roon. Habang habol ang hininga, matalim muling tumingin si Suze kay Khirro. "'Wag na 'wag mong s'yang gagalawin," tiim-bagang ani nito, na s'yang nagpatawa kay Khirro. "Oh, too late bro," he chuckled. Hindi na nakapagtimpi si Suze at dali-dali n'ya ulit sinunggaban nang suntok si Khirro, na s'ya namang nailagan nito at s'ya pa ang nakatanggap ng suntok mula rito. Tiim bagang s'yang tumayo, at pinahiran ang mga dugong kumakawala sa kaniyang labi. "Ano bang kailangan mo? Tigilan mo s'ya!" Buong p'wersang sigaw ni Suze na siya namang nagpatawa muli kay Khirro. "Why are you so affected? Kayo ba?" sarkastikong tanong ni Khirro. Suze was taken aback, natamaan s'ya sa sinabing 'yon ni Khirro kaya hindi s'ya nakatugon agad. At kung tutuusin wala namang dahilan para makipag-away s'ya sa lalaking ito dahil una pa lang wala silang relasyon ni Klaire. Sarkastikong tumawa si Khirro. "So what's the reason of saying those sh*tty things to me? Ni wala nga kayong relasyon." Nag-igting ang panga ni Suze sa sinabing 'yon ni Khirro. "I was just protecting her feelings, to someone like you that did nothing to do, but to this deceive a woman." He gritted his teeth because of too much anger that he's experiencing right now. Maang na pumalakpak si Khirro at nanunuyang tumingin kay Suze. "Whoah, para namang hindi mo 'to ginawa noon?" maang na tanong n'ya na mas lalong nagpainis kay Suze. "Just f*cking leave my girl, and don't you dare touch her. Even a single strand of her hair." May halong diin na sinabi ni Suze iyon bawat letra. "My girl?" maang na tanong ni Khirro. "Just watch your words Kiel, sooner or later we are officially dating, you know me, well." May diing sinabi rin 'yon ni Khirro, pero mahahalata sa boses nito na laro lamang ang gagawin n'ya para sa babae. Doon na mas lalong sumabog si Suze sa inis at pasugod na inambaan ng kamao si Khirro, kahit pa nasa sahig na ito patuloy pa rin n'ya itong pinagsusuntok, kahit pa purong ngiting mapang-asar lang ang iginagawad sa kaniya ni Khirro. Habang habol ang hininga, at nakahawak sa kwelyo ni Khirro, dahan-dahan n'yang inilapit ang kaniyang mukha sa tenga ni Khirro. "Don't you dare hurt her feelings, Khirro Villanasis. You know me too, well. Huling pakiusap, 'wag si Klaire." At bago n'ya iwan ito, binigyan n'ya muna ito ng isang malakas na suntok at kasabay n'on ang pagtayo n'ya na parang walang nangyari. Sa kabilang banda, hindi maipinta ang reaksiyon na kumakawala sa mukha ngayon ni Khirro. May gulat ito na hindi n'ya alam kung saan nanggaling. It echoed in his mind again the name of the girl that Suze mentioned earlier. It brings a lot of memories to him, that he didn't noticed that his tears are now slowly streaming down to his cheeks. "Klaire..." Tumayo s'ya mula sa pagkakahiga at padabog na sumakay sa kaniyang kotse, marahan n'yang pinunasan ang kaniyang mukha at paharurot na umalis sa lugar na 'yon. Habang tinatahak ang lugar papunta sa lugar na kung saan alam niya kung saan s'ya kakalma. Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit parehas ang pangalan ng target n'ya at ang babaeng hinahanap n'ya. "No, she's not the Klaire I used to know... she's not the girl from my past, no it can't be... she's my target." AKMANG tatawagan na ni Iyah si Suze para malaman kung saan ito pumunta, at para mapag-usapan namin ang lakad namin mamaya. Nagulat na lang kami ng bigla itong pumasok sa k'warto at dire-diretsong lumapit sa 'kin, at kasabay n'on ang marahan n'yang paghigit sa 'kin papunta sa bisig n'ya. Naramdaman kong hinahabol n'ya ang kaniyang hininga na s'ya ko namang ipinagtaka. Naramdaman ko rin ang pawis na kumakawala sa katawan n'ya, kaya marahan akong umalis mula sa yakap n'ya. "Anong nangyari? Ba't putok labi mo?" I asked, concerned. Nang makita ng mga kasamahan ko ang sugat na nasa labi ni Suze ay dali-dali nilang kinuha ang first aid kit na malapit sa pinto. "Nabunggo ko 'yong mascot kanina, ayon nadapa," tatawa-tawa pang sinabi n'ya na parang masaya pa s'ya na nadapa s'ya. "Siraulo, hanap mo ba e, gulo! Halika nga rito!" Hinawakan ko ang pulsuhan n'ya at marahan na dinampian at nilinis ang sugat n'ya. "Ang bobo mo, mas malaki pa mascot sa 'yo pero ikaw 'tong nakabunggo," anas ko, kasabay n'on ang pagpahid ng gamot sa kaniyang sugat. Hindi s'ya umimik, kaya binalingan ko lang s'ya ng tingin, at doon ko lang napansin na sobrang lapit namin na halos kaunting tulak na lang ay masasakop ko na ang kaniyang labi. Maang akong napaiwas ng tingin, at bahagyang lumayo sa kaniya. "A-ayan gaga ka, uso naman kasi 'yong salitang ingat ha," sarkastiko kong sabi kahit pa nakaramdam ako ng ilang mula sa kaniya. "Yes po, Ms. Madam, masusunod," pabiro n'yang sagot. Hindi na namin tinanong pa kung saan s'ya pumunta at pinag-usapan na lang namin ang gagawin naming gala mamaya. "So, 4 PM 'no?" tanong ni Sebi. "Yup, and dating gawi kaniya-kaniyang pagkain," kaswal na sabi ni Iyah. Agaran namang tumutol dito si Sebi. "Kaniya-kaniya pa raw, mga talkshit naman kayo, nang-aagaw ang p*ta." Pagpaparinig ni Sebi, na s'ya namang ikinakunot ng noo ni Iyah. "Are you accusing me?" maarteng sabi ni Iyah. "So what if I'm accusing you?" maarteng gatong din ni Sebi. Bago pa magsalita si Iyah, inunahan ko na s'ya. "Mga g*ga kayo, pare-parehas lang naman kayo." I chuckled. Nagtawanan na lang sila ng dahil sa sinabi ko, at naglalakad kami ngayon sa hall way dahil tapos na rin naman ang pag-aayos namin kanina sa booth. Mahahalata ang katahimikang namamayani kay Suze, at hindi na lang namin pinansin ito. Kadalasan kasi sa t'wing may gala kaming pinaplano s'ya ang nangunguna sa mga 'to, pero ngayon daig niya pa ang pipi na walang imik sa tabi ko. Bahagya ko s'yang dinunggol ng balikat ko. "Sama ka mamaya?" tanong ko, pero hindi siya tumugon dito marahil hindi n'ya narinig ang sinabi ko. Hanggang sa makalabas kami ng campus, ay hindi na tumugon pa si Suze sa akin. Kaya nang nagpaalam ako na uuwi na 'ko, kahit pa p'wede kaming sabay na umuwi dahil magkalapit lang namang ang bahay ng tinitirahan namin, nagulat pa s'ya sa pagpapaalam ko. "Hala ba't uuwi ka na? 'Di ba may gimik ngayon?" maang na tanong n'ya. Sabay-sabay kaming napailing. "Ang tanga mo," We mouthed. Nagpaalam na si Sebi sa 'min, iba rin kasi ang direksyon ng lugar nila kaya hindi namin s'ya makakasabay sa pag-uwi. "Oh, pa'no? Mag ingat ha, alalahanin na mas malaki pa ang mascot sa 'yo," prangkang sabi ko na s'ya namang ikinanguso ni Suze. "Hindi mo man lang ba ako papasukin?" parang bata na aniya. "Manahimik ka nga, umuwi ka na lang sa inyo. Magkikita pa naman mamaya e," saad ko na s'ya lalong nagpalukot ng mukha n'ya. Naramdaman ko naman ang marahang pagkurot ni Iyah sa tagiliran ko na s'yang nagpangiwi sa 'kin. "Hoy tama na landi, kanina pa ha," pagpaparinig ni Iyah. I didn't respond to her. Tumango na lang ako kay Suze, bilang paalam. "Umuwi ka na, ingat!" Pagkapasok namin sa dorm, naabutan na naman namin si Roxanne na abala sa kaniyang ginagawa. Halata sa itsura n'ya na hindi s'ya makapag-focus sa sinasaulo n'ya. Lalo pa't napamilyaran ko na batas ang kaniyang sinasaulo. I tapped her shoulder, and whispered. "Don't memorize, instead analyze it." She just nodded. Nakita ko naman na pasalampak na humiga lang si Iyah sa kaniyang kama, kahit hindi pa s'ya nakakapaglinis ng katawan lalo pa't galing kami sa labas. "Hoy Iyah, aba! Uso maligo o mag punas man lang," pagsasaway ko sa kaniya, pero hindi n'ya lang ako pinansin at sumenyas pa na sinasabihang ako na ang mauna. At dahil dakilang masunurin naman ako, ako na ang unang pumunta sa banyo. Papasok na sana ako sa loob nang makaramdam ako ng kirot sa aking sentido. Napahawak ako sa pinto, at kasabay n'on ang paghawak ko sa aking sentido. Naramdaman ko naman na may umalalay sa 'kin, at namataan ko na si Roxanne ito. "Ate, ayos ka lang?" pag-aalalang tanong n'ya. Tumango lang ako nang bahagya, at umupo sa malapit na upuan. Dali-dali namang kumuha ng tubig si Roxanne at inabot ito sa 'kin, hindi na 'ko nag atubili at ininom ko rin ito. "Ayos ka lang, ate? Anong masakit sa 'yo?" dagdag na tanong n'ya. Umiling lang ako at sumulyap sa kinahihigaan ni Iyah, napansin naman 'yon ni Roxanne. "Ate, wait gisingi—" I halted her. "No, it's okay." Pagpigil ko sa kaniyang gagawin. "Wala 'to, hayaan mo na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Salamat." I smiled. Ngumiti s'ya sa akin, at bumalik na sa kaniyang table. Naging palaisipan na naman sa 'kin kung bakit ako nakaramdam ng kirot o hilo sa aking ulo pero wala akong naalala na kahit na anong memorya mula sa nakaraan. Ang hirap isipin na hihintayin mo na lang yung tamang panahon at oras bago mo maalala ang lahat. Gusto ko ng itanong ito kay Iyah, lalo na sa mga magulang ko, pero ewan ko ba at mayroong parte sa loob ko na 'wag muna itong sabihin sa kanila. I convinced myself that I was only tired so that I felt that. Naging mabilis ang pagligo ko, at hinayaan na lang si Iyah na makatulog dahil mukhang himbing na himbing ito. "Roxy, tulog lang ako." Naalimpungatan ako ng dahil sa mga kalabit na nararamdaman ko sa balikat ko. Hindi ko ito pinansin, at inis na umiiiwas sa pagkakalabit n'ya sa 'kin. "Ano ba Iyah! Inaantok pa 'ko, mamaya naman!" inis kong sabi at tinalukbong ang unan sa 'kin. Narinig kong may tumikhim sa tabi ko. "B*bo ka, anong Iyah?! Ang layo-layo ko sa 'yo g*ga!" ganting inis na sabi n'ya. Napamulat ang aking mga mata sa sinabi n'ya, dali-dali akong napabalikwas ng bangon at masamang tumingin sa katabi ko, na ngingisi-ngising nakatingin sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD