CHAPTER 36

1611 Words
"M*nyak ka! Lumayos ka sa higaan ko Suze! K*ngina ka!" sigaw ko at kasabay n'on ang paghampas sa kaniya ng unan ko. Tatawa-tawa naman s'yang tumayo, at lumipat sa upuan na malapit sa 'kin. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin at s'ya naman ay kinindatan lang ako. "Anong oras na?" Baling ko kay Iyah, na prenteng nakaupo sa kaniyang kama, at napansin kong hindi pa s'ya nakabihis gayong may lakad kami maya-maya. She just pointed out the clock beside the door. And I left dumbfounded, when I saw the time. "E, ba't 'di ka pa nakabihis? At ba't si Suze lang nandito? Where are the others?" sunod-sunod na tanong ko, na hindi man lang nagpagalaw ng kahit na anong parte ng katawan ni Iyah. I heard Suze chuckled. "Para namang excited kang makasama ako, ah?" I throw him a deadly glare. "Alam mo kung mambubwisit ka lang, buksan mo lang yung pinto, lumayas ka," I sarcastically said. Umarte pa s'ya na para bang nasaktan s'ya sa sinabi ko. Tumayo ako at inayos ang kama ko. Hindi sumagot si Iyah sa mga tanong ko, at pasiring na binaling ang atensiyon ko kay Suze. "Ba't ikaw lang nandito? Tuloy ba?" walang gana kong sambit at lumapit sa mesa para kumain nang kaunti. "Hindi raw tuloy kasi busy 'yong iba. So technically, ako lang ang available," he grinned. "Ah, okay, matutulog na lang ulit ako. E, ba't ka nandito kung hindi tuloy?" This time I faced him. "Aayain lang sana—" I halted him and I arched a brow. "Ano sabi ko kanina? 'Di ba matutulog na lang ako?" I asked. He pouted. "Damot mo, minsan lang e," nagtatampong bata na saad n'ya. Wala naman siguro kaming gagawin kung kaming dalawa lang, ah? Kahit pa gustong-gusto ko na ang lumabas kanina, hindi ako sasama kay Suze tapos kaming dalawa lang. Baka kung anong awkwardness ang mabuo at baka hindi ko pa ma-enjoy ang paglabas ko. Mas mabuting ako na lang mag-isa. Tch. Hindi ko s'ya pinansin at tuloy-tuloy lang na kumain, naramdaman ko naman na may papalapit sa 'kin, at hindi na 'ko nagtaka kung kukulitin n'ya ako. "Kaykay dali na, minsan lang mag-aya e," parang batang saad n'ya na para bang nagpapaalam sa kaniyang magulang. I just looked at him, uninterestingly. "Treat ko lahat, kahit saan pa. As in lahat!" galak na galak na sabi n'ya. Wala na nasabi na 'yong magic word para makasama ako, pero hindi pa rin ako papayag lalo pa't s'ya ang kasama. "Ba't hindi mo ayain mga kaibigan mo? At bakit ako pa kinukulit mo?" I frankly asked. I saw he pursed his lips. "Ah, wala lang I just want to spent the rest of this day... with you," he stated. I gulped. Bakit ba palaging straight to the point 'tong lalaking 'to? "Tss, b-bakit ako?" I almost punched myself because I stuttered. He licked his lower lip, and he smiled. "Well, from the very start, since—" I halted him. Mali ang pagkaka-interpret n'ya sa tanong ko! "Oo na, sasama na!" Kahit ako mismo ay nagulat sa sinabi ko at bago ko pa man mabawi ito, nakita ko ng nagtatatalon si Suze, na para bang isang masayang bata na nabigyan ng luho. I sighed. I wished, I'm not giving him a false hope. In a snap, I am wearing a skinny jeans and I partner it a yellow lose shirt, with the pair of my favorite white shoes. Nagdala na rin ako ng isang maliit na sling bag para sa lalagyan ng wallet at cellphone ko. Nagpaalam ako kay Iyah saglit at katulad kanina hindi n'ya ulit ako pinansin. May ganito talagang siyang araw na halos lahat ng tao ay 'di niya pinapansin. Ewan ko ba sa kaniya, lately napapansin ko na parang ang dami-dami niyang problema pero hindi niya naman sinasabi sa akin. Alam ko naman na sa lahat ng problemang iyon, nakakaya niya. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala lalo pa't kapatid ko na rin kung ituring siya. So basically, problema niya matik na problema ko na rin. Hinihintay ko na lang talaga na magsabi siya sa akin, na sana ay kaniyang magawa. Lumabas ako sa bahay at nakita si Suze na malapad ang ngiting nakatingin sa 'kin. Kahit pa malapit na 'ko sa kaniya ay kinawayan pa rin n'ya ako. "Cute mo." "Tss, matagal na, ngayon mo lang napansin?" takang tanong ko. Tumawa lang s'ya nang bahagya, at kinurot ang pisngi ko. "Suze!" Hindi ko napigilan ang sarili ko, at hinampas s'ya. "Ayan nababagay sa 'yo 'yan! Alam ng masakit e," tampong kunwaring sabi ko. Naramdaman ko naman na inakbayan n'ya ako. "Pasenya na... kung nagalit ka..." anas n'ya at kasabay n'on ang pagtapik nang marahan ng kaniyang kamay sa balikat ko habang nakaakbay. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin, at patuloy pa rin s'ya sa kaniyang ginagawang pagbigkas ng mga salita. At sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko ang sarili ko na maging komportable muli sa kaniya, kahit pa alam kong may nararamdaman pa rin akong ilang mula sa kaniya. Iisipin ko na lang na katulad kami ng dati. Ako bilang inis na inis na kaibigan n'ya, at siya bilang tagapag-asar at tagapag-inis na kaibigan sa 'kin. "Sa'n mo gustong kumain?" tanong n'ya, matapos kaming sumakay ng jeep. Kunwari pa akong nag-isip at sinabi sa kaniya ang paborito kong kainan sa t'wing ako ay lumalabas. Bukod kasi sa crab na paborito ko, hilig ko rin ang pagkain sa Jollibee. I must say that Jollibee, is one of my favorite! "Jollibee," tipid kong saad na s'yang nagpangiwi sa kaniya. Lumapit s'ya sa 'kin nang bahagya at bumulong na s'ya kong kinaiinisan. "Baka jolly towel makuha natin," bulong n'ya. Sinamaan ko lang s'ya nang tingin, at bahagyang hinampas sa braso. "Gaga ka, hindi naman siguro 'yon sinasadya 'no." Pagdedepensa ko sa sinabi ni Suze. Kamakailan lang kasi ay may lumabas na issue na ang natanggap ng isang babae ay imbes na fried chicken mula sa Jollibee, ang natanggap n'ya ay fried towel. Para sa akin, hindi big deal 'yong ganoon. Maaari n'ya na lang naman isulong sa pinagbilhan n'ya ulit, at kausapain nang ayos ang manager na nandoon, pero pinost at pina-Tulfo pa n'ya ito. Well, that's my opinion. Kahit pa anong mangyari, Jollibee pa rin ang aking paborito sa lahat. S'ya ang naging handa ko no'ng mga panahong nasa elementary pa lang ako sa t'wing dumadaan ang aking kaarawan. Natatandaan ko na pa noon na kahit araw-araw ang pagkain ng Jollibee, hindi ako nagsasawa na kainin ito. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang mall dito sa Harmown Town. Lumapit ako sa kaniya, at bahagyang siniko. "Hindi mo naman sinabi na sa mall tayo pupunta, 'yong damit na suot ko parang sasayaw lang sa kanto! Inggr*ta ka!" pabulong na bulyaw ko, pero tinawanan n'ya lang ako. He smiled. "It's not all about the clothes. Basta ikaw kasama ko, sapat na," saad n'ya at kasabay n'on ang pagkindat n'ya sa akin. "Ano order mo?" tanong n'ya nang makapasok kami sa loob ng Jollibee. I grinned. "Chicken spaghetti, and fries!" "Noted po, Madam!" he chuckled. 'Di kalauna'y nakita ko na rin pabalik si Suze sa kinauupuan namin na may dalang number, para sa order namin. "Ang bilis naman ata?" bungad na tanong ko, saktong pagkaupo n'ya. He chuckled. "Mga tactic na 'yon ng pogi." Inarapan ko lang s'ya at tinuon ang aking atensiyon sa stall ng mga jewelries na halos katapat lang din ng inuupuan namin. Matagal ko ng gustong bilihin ang sarili ko ng mga accessories, pero laging ang mga magulang ko ang bumibili para sa 'kin. Hindi ko naman matanggihan ang bigay nila dahil ginusto ko rin naman ito. Sinabi ko pa noon sa sarili ko na magpapagawa ako ng kwintas na may pendant na about sa course ko at sa pangalan ko. Tutuparin ko 'yon, kapag naka-ipon na 'ko. "You want necklace?" he asked, and he diverted his gaze to the stall in front of us. Tumingin ako sa kaniya pero nakatingin lang s'ya nang seryoso sa stall ng mga necklace. I licked my lower lip before answering. "Kung may balak ka, 'wag na. Kasi ako magpapagawa sa sarili ko." He diverted his gaze towards my direction. "Luh, feelingera ka? Sinong may sabing bibilhan kita?" he frankly answered. Bago pa man ako makabulyaw sa kaniya ay dumating na ang waiter na naghatid ng order namin. Marahan n'ya itong binaba sa table, at inisa-isa ang pag check sa mga ito. "Order complete, Ma'am/Sir! Enjoy eating!" he cheerfully said before he walked away. Nag-umpisa na kaming kumain at halos hindi na marinig ang katahimikag bumabalot sa pagitan namin. Hindi kami nagkikibuan, at patuloy lamang na kumakain nang marahan sa kaniya-kaniya naming plato. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin, o itatanong ko sa kaniya. Dahil hindi naman ako sanay na ganito s'ya katahimik tapos ako ang babasag ng katahimakan na 'yon. Usually kasi kapag may nakaririnding katahimikan sa grupo namin, siya itong palaging nag-uumpisa ng ingay tapos at the end, lahat kami maingay na rin. Hanggang sa umabot sa point na maririndi na kami sa isa't isa dahil ang iingay namin. Hindi ko na natiis pa, at ako na ang unang bumasag ng katahimikan at nagtanong sa kaniya. "Hoy Suze, bakit pala ako inaya mo? I mean you have a lot of friends naman 'di ba?" Pinanusan n'ya ang kaniyang labi gamit ang tissue na nasa tabi n'ya at marahan na nilipag ang kaniyang braso sa table at patunghay na tumingin sa 'kin. He grinned. "Based on my horrorscope. I should date the one I liked, para raw magka-chance na ako sa kaniya." And then he smiled, widely.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD