CHAPTER 37

2249 Words
Napaubo naman ako sa sinabi n'ya, at mabilis na kinuha ang tubig na malapit sa 'kin. I gulped. Date? Ano ba naman 'tong taong 'to. He just smiled genuinely and continued eating. Nang matapos kaming kumain, ay nagpahinga kami saglit at dumiretso sa game zone na halos katabi lang din ng Jollibee. Bumili s'ya ng 100 pesos token, at ang una naming nilaro ay 'yong isang machine na puno ng mga malilit na stuff toys, tapos parang may clamp na kukuha para rito, pero siyempre kami ang magko-control nito. Hindi ko na tinanong o inalam pa ang tawag dito, dahil naiirita na ako, kasi nakakailang hulog na ako ng token at hindi ko pa rin makuha ang isang mickey mouse na stuff toy! "Argh!" inis na sabi ko, sabay pukpok nang malakas sa controller ng machine. Pinagtawanan lang ako ni Suze na nasa tabi ko kaya inirapan ko na lang s'ya at sumubok muling kunin ang mickey mouse na iyon. Kung hindi ko s'ya favorite at kung 'di ako nacu-cute-an sa bagay na 'yon, hindi ko 'yon paghihirapang kunin. Akmang ihuhulog ko na sana ang last token na hawak ko nang bigla na lang iharang ni Suze ang kaniyang kamay sa hulugan ng token, at ang token n'ya ang inilagay n'ya roon. "Ako na," he mouthed. Hindi ko na lang s'ya inawat at tumabi na lang ako sa gilid n'ya. Baka kasi wala talaga sa akin 'yong suwerte kaya hindi ko makuha-kuha ang bagay na iyon. A couple of seconds ago, hindi pa rin n'ya matantiya kung saan papaling ang claw na kanina pa n'ya ginagalaw nang ginagalaw. "Hoy Suze! Malapit na maubos oras mo hanggang ngayon hindi mo pa rin nakukuha 'yan," I frankly said. He sighed. "'Pag nakuha ko 'to, sasamahan mo 'ko sa park mamaya." I sighed in disbelief. Kasama na nga ako ngayon, gusto pa hanggang mamaya. Grabe rin 'to e. Wala akong nagawa kundi ang tumango lang dahil wala rin naman akong gagawin sa dorm at hindi ko pa alam kung makakapasok ako bukas. Balak ko rin kasing bisitahin ang mga magulang ko kapag nagkataon. I saw determination in his eyes, when I nodded. Lakas ng tama, tsk tsk. Ilang segundo na lang ang natira, at sakto niyang pinindot ito bago matapos ang oras. Suminghap ako nang makitang malakas ang kapit ng claw sa stuff toy na iyon. Hindi kalauna'y nakuha ito, at dali-dali ko namang kinuha ito sa baba. "Yes! Thank you!" I said cheerfully, and I accidentally hug him. Huli nang mapagtanto kung anong kahihiyan ang ginawa ko. Narinig ko naman s'yang tumawa nang bahagya. "Naks, chansing tayo Kaykay ah." He grinned. I throw him a deadly glare. Binalingan ko ng tingin ang stuff toy na hawak ko at pinanggigilan ito. Wala nga talaga sa akin ang suwerte ngayon, kaya thank you pa rin kay Suze dahil nakuha niya ito. I don't know, I just found myself liking this mickey mouse stuff toy. Wala lang, parang ang cute lang tignan. I checked my wrist watch and it's already 5:15 PM. Kasalukuyan kaming nasa park na ng Harmown Town at nakaupo ako mag-isa sa isang bench na kung saan masasaksihan namin ang paglubog ng araw. Hindi ko akalain na s'ya ang makakasama ko habang nasasaksihan ko ito, kupal. Hindi nagtagal ay nakita ko na siya malayo na may dalang ice cream. He smiled at me. Gusto ko ring ibalik o iparamdam sa 'yo ang nararamdaman mo sa 'kin, pero hindi ko alam kung paano lalo pa't si Khirro na ang nagugustuhan ko. Ayoko s'yang kaawaan. Kahit pa sinasabi ng utak ko na bigyan ko siya ng pagkakataon, alam kong sa sarili ko na hindi ko kaya, dahil wala talaga akong nararamdaman sa kaniya. Before, we hate each other baka nga ako lang. Pero hindi ko alam kung bakit n'ya ako nagustuhan. "Hindi pa nga tunaw 'yong ice cream, natunaw mo na kaagad ako," he chuckled. I sarcastically laughed. Kinuha ko mula sa kamay n'ya ang ice cream at sinumulan na kainin ito. There was a defeaning silence between us. Nakangiti ako habang tinatanaw ang papalubog na araw. It felts like home. Whenever I didn't feel home in our house. I always go the nearest mountains in our town and I was peacefully witnessing the beauty of it. Ito lang talaga ang nagpaparamdam sa 'kin ng kaginhawaan sa lahat ng bagay. "You like sunsets?" Suze asked, and I saw to my peripheral vision that he diverted his gaze to me. "Yes, ever since," I proudly said. "Why?" I chuckled. "Kailangan talaga may rason? Hanep ka rin e," pang-aalaska ko sa kaniya. He just laughed softly. "Wala naman, tinanong ko lang. Parang inlove na inlove ka kasi." Bago pa s'ya magsalita, inunahan ko na siya. "If someone asked you..." "Hmm?" "If someone asked you, what will you do if someone waits for you?" saad ko, habang nakatingin pa rin sa kagandahan nang papalubog na araw. Nakita ko sa peripheral vision ko na bahagyang s'yang natigilan sa tanong ko. "Ah, I'm—" I halted him. "But it is only, until the sunset?" And I diverted my gaze towards his direction. He was taken aback about my question. Bahagya pang nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi ko. Ipinagtaka ko 'yon, pero hindi ko na lang pinahalata sa kaniya ang mga nagtatanong kong mata. "S-siguro ano—" I halted him once again. "Tss, 'wag mo ng sagutin." Umirap ako at inubos na ang ice cream na hawak ko. "S-sana ako na lang din 'yong sunset 'no?" pag-iiba n'ya sa tanong ko, pero hindi mahahalata ang biro sa boses n'ya. He was so damn serious. "Ba't naman gusto mo maging sunset? Ayaw mo maging tao?" biro ko, pero hindi man lang 'yon nagpatawa sa kaniya. Iiling-iling lang s'yang tumingin sa 'kin. "Baka 'pag sinabi ko, hindi mo na ulit ako sasamahan sa susunod." Hinampas ko siya nang bahagya sa kaniyang braso. "Aba't may susunod pa 'no." He just smiled and patted my hair. "Tara, sa'n ba gusto mo?" he asked softly. "Baka pag sinabi ko hindi na kaya ng pera mo?" seryosong sabi ko na s'ya namang nagpatawa sa kaniya. He smiled. "Tara!" Kasabay nang paglubog ng araw, nakaramdam ako ng kaginhawaan at hindi ko akalain na s'ya ang makakasama ko sa mga oras na ito. Hanggang ngayon, sinasabi ng isip ko na bigyan s'ya ng pagkakataon pero sa t'wing magdedesisyon ako, palagi na lang sumasagi sa isip ko si Khirro. Sa mga bagay na 'to, wala akong kasiguraduhan kay Khirro. Pero kay Suze, na kahit wala pa kaming relasyon, na kahit alam niyang may iba akong gusto, at kahit na alam niyang hindi ko mapapantayan pagmamahal na iginagawad niya sa 'kin. Nandiyan s'ya para iparamdam sa 'kin ang mga bagay na hindi ko naman kailangan maramdaman. Simula pa no'ng una, ayoko na s'yang masaktan, pero habang ginagawa n'ya ang bagay na 'to, mas lalo lang s'yang mahuhulog at aasa mula sa 'kin. I should tell him, that he need to stop what he's doing. Mananatili kaming magkaibigan, at hanggang doon na lang. Kasalukuyan kaming nakatapat sa maliit na stage na may nagpe-perform sa harap, nasa bandang pinakadulo kami, dahil wala na rin namang bakanteng upuan sa harap. I checked my wrist wratch and it's already 11:35 PM in the evening. Hindi naman namin napansin ni Suze ang oras kanina, dahil halos lahat ata ng rides at mga palaro sa park na 'to ay nasubukan na namin. Ni hindi man lang namin naramdaman na lumalalim na ang gabi. Mayroong pa ngang pagkakataon na may nakaaway pa s'ya dahil dinaya n'ya 'yong ginagawa namin. Sa huli, hindi naman kami nanalo kasi maraming customer na nagsasabi na gano'n talaga ang laro, kaya hanggang ngayon badtrip na badtrip s'ya sa tabi ko. Hindi ko mapigilang matawa sa mga nagiging reaksiyon niya. "'Wag mo nga akong tawanan." He pouted. I chuckled. "Kanina pa kasi 'yon, pero hanggang ngayon badtrip ka pa rin." "E, para sa 'yo naman 'yon e, gusto kong ibigay sa 'yo 'yon!" parang bata n'yang saad at humalukipkip pa. Dinaig pa nito 'yong mga batang 'di pinayagan maglaro sa labas. Tch. "E, ilang beses ko rin bang sasabihin sa 'yo na hindi na kailangan, dahil hindi naman 'yon 'yung paborito kong stuff toy. Saka nabigay mo na rin naman kanina sa mall 'yung isa, ah?" mahabang litanya ko at hindi nakaligtas sa 'kin, ang pagngiti n'ya nang palihim. "Talaga?" Tumawa ako na s'ya lalong nagpanguso sa kaniya. "Oo, talaga! Kaya 'wag ka ngang parang bata r'yan na parang 'di naibigay ang luho!" Tumawa lang din s'ya nang bahagya, at biglang tumayo. "Bili muna ako ng food natin habang inaayos pa ng banda 'yong instruments nila." I nodded. Isa lang ang napansin ko habang kasama ko siya, wala akong naramdaman na lungkot at inis. It was pure of happiness, and joyful moments. Pero hindi ko pa rin maiwasan malungkot, dahil ginawa ko naman ang makakaya ko para ituon ang atensiyon sa kaniya, pero ang nararamdaman ko ay hanggang kaibigan lang talaga. Bago matapos ang araw na 'to, patitigilin ko na siya. A couple of minutes ago, I saw him walking near me. May dala siyang packed meal, at hindi nakaligtas sa 'kin, ang dala niyang isang maliit na cake. He handed me the meal, and I thanked him. Nag-umpisa ng mag-strum ng gitara ang mga banda na nasa stage. Gano'n pa lang ang ginagawa nila, nanlaki na agad ang aking mga mata. "Hoy sh*ta! Favorite ko 'yong kakantahin nila! Omg, omg! Anong—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, nang biglang magsalita ang main vocalist ng banda. "Good evening! Harmown Town people! Once again we are BLD band! The Black Light Dream! Someone... requested a song, and we're going to sing it right now, right here!" galak na galak na sabi ng main vocalist, at base pa lang sa pananalita niya, maganda ang boses n'ya. Nagkagulo ang mga tao sa labis na energy na binigay ng banda, halos hindi ko na rin maubos ang pagkain ko sa sobrang excitement na aking nadarama. Tumingin ako sa gilid ko, at nakita si Suze na masayang nakatingin sa 'kin. He smiled. "For you," he mouthed. I just looked at him, baffled. Hindi ko alam ang sinasabing n'yang for you at niyaya na lang s'yang pumunta sa harapan para makisali sa mga taong nagsasaya at nagtatalon, sa sobrang galak. Sakto namang pagpunta namin sa harap, ay kinanta na ng main vocalist ang unang verse ng paborito kong kanta na isa sa mga paborito kong banda. Kasabay ng mga taong sumasabay sa kanta, hindi ko mapigipang mapangiti, at iwagayway ang aking kamay sa ere. Nang kantahin nila ang ikalawang verse at ang chorus buong puso akong sumabay habang nagtatalon, sa labis na saya. Halos walang mapaglagyan ang lungkot sa lugar na iyon, dahil na rin sa binibigay na energy ng banda. Halos lahat ay nakikisabay sa pagtalon at pagkanta lalo na kapag chorus na ang kinakanta. Simula pa noon, paborito ko na talaga ng kanta ng bandang iyon, ewan ko ba, masiyado siguro akong natatamaan sa bawat likiro noon kaya nalulunod ako sa bawat himig ng kantang iyon. Maingay ang lugar at mas lalo iyong umiingay sa bawat energy sa pagkanta ng banda. Para tuloy kaning nasa isang concert, at kulang na lang iyong light sti ck para iwagayway namin sa ere. I diverted my gaze to Suze, who is now looking at me smiling, widely. I gave him a perplexed look. Kasabay nang pagtatapos ng kanta, bumalik na rin kami sa inuupuan namin at inubos ang aming pagkain. "Hoy salamat pala, hindi ko naman akalain na ikaw pala nag-request n'on!" sabi ko nang hindi pa rin makapaniwala. May lumapit kasi na babae sa 'kin kanina at sinabing 'yong kasama ko raw na lalaki ang nag-request ng song. Saktong wala si Suze n'on at nabili siya ng inumin namin. No'ng una ay hindi pa ako naniwala, pero may binigay s'ya sa aking list na nagpapatunay na si Suze nga talaga nag request. At ngayon ko lang din naintindihan ang sinabi n'yang for you. "Wala 'yon, basta para sa 'yo." "Nako nako, ang dami mong say!" Naglalakad na kami ngayon sa kahabaan ng daan ng Harmown Town. Malamig na ang simoy ng hangin, pero hindi n'on nagagawa na pawiin ang aking nararamdaman. Tumawag at nag text na rin naman kasi si Iyah sa 'kin at hindi na mapakaling hindi ako makita. Tinignan ko sa relo ko kung anong oras na, at saktong pagpatak ng 12 AM, tumigil si Suze sa kaniyang paglalakad. Maang akong napatingin sa kaniya, at tumingin sa nilalakaran namin, napansin kong malapit na kami sa dorm, pero ang ipinagtataka ko ay bakit tumigil pa s'ya. I go near him and faced him. "Ba't ka tumigil? May nakita ka 'no?" pang-aasar ko, pero nakangiti lang s'ya sa 'kin, na para bang masayang masaya s'ya na nakikita ako sa harap niya. I looked at him bewildered. Ilang segundo ang nakakalipas, at bigla n'yang hinigit ang braso ko papunta sa bisig n'ya para yakapin ako. Wala akong narinig at naramdaman, bukod sa pintig ng puso n'yang nagkukumawala sa kaniyang dibdib. "Hindi man ikaw ang kasama ko habang sinalubong ko ang kaarawan ko. Ikaw naman ang naging kasama habang natapos ito. And I guess that's more sweet." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko matapos iyong marinig sa kaniya. Narinig ko ang matunog niyang pagtawa, pero hindi pa rin nagpa-process sa utak ko ang mga katagang binitawan niya. So, all this time, birthday niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD