CHAPTER 38

2375 Words
Hindi ako masiyadong nakatulog ng gabing iyon. Ni hindi man lang ako ulit nakapagsalita nang sinabi sa 'kin ni Suze na birthday niya kahapon. Kaya pala ganoon na lang ang pursigido niya na makasama ako maghapon. Hindi rin alam ng mga kaibigan ko, o sadyang sa 'kin lang nila hindi sinabi na birthday pala ni Suze n'on. Hanggang sa nahatid ako ni Suze kaninang madaling araw hindi ko pa rin siya nasabihan kahit belated man lang. Mukha tuloy akong tangang nakatulala at gulat na gulat sa sinabi niya. Na kung tutuusin wala namang dapat ikagulat. Mamaya ko na nga lang siya babatiin, at hindi ko pa rin pala nasasabi sa kaniya na tumigil na s'ya, hanep. I checked the time in our clock in the wall and it's already 6:42 in the morning. Iyah and I decided not to attend the program today because we're going to find some gowns for our aquaintance party tonight. I also decided to move my visit to my parents on Saturday. I would like to surprise them. I miss my mom so much. Si Sebi rin naman ang may hawak ng attendance sheet ngayon sa section namin, at nai-chat na pala siya ni Iyah kagabi kaya wala na kaming po-problemahin. As usual, he agreed. Bumangon ako at nag-umpisa maghanda ng kakainin namin ngayong umaga. I cooked sunny side up egg, a three hotdogs, and especially a ham. I also buy some pandesal. Buti na lang at may bagong bakery sa tapat namin, at hindi na ako mapipilitan pang bumili kina Suze. Sinangag ko na rin ang natirang kanin na hindi namin naubos kagabi. Namataan ko na nag-iinat na ng katawan si Roxanne, at mukhang nagulat pa siya dahil ako ang nakikitang n'yang nagluluto. Kadalasan kasi ay si Iyah ang nag-aasikaso saming tatlo, siya 'yong palaging naglilinis at nagluluto para sa amin. Kaya hindi ko masisi ang naging reaksiyon ni Roxanne ngayon. "Wow, ate Klaire ano'ng nakain mo ngayon?" ngiti-ngiting anas n'ya at dumiretso siya sink para maghilamos. Umiling lang ako sa naging tanong niya at hinanda na ang mga pagkain sa mesa. Naramdaman ko naman na umupo na si Roxanne sa upuan niya. "'Di nga ate anong nangyari? Nagkabaliktad ata kayo ni ate Sakiya?" iling na sabi n'ya. "Tch, para naman ngayong mo lang ako nakitang nagluto?" "Hindi naman, kadalasan kasi si ate Sakiya nagluluto e, kaya nakapapanibago." 'Di hamak na mas medyo masarap ang luto ko kaysa sa mga luto ni Iyah. Sinabi sa 'kin 'yon ni Tita Arylne 'yon, noong minsang nag-sleep over ako sa kanila. Habang inaayos ang mga plato, nakita ko na nag-inat na rin si Iyah sa kaniyang kama, na agad ding napansin ni Roxanne. "Hi ate Sakiya! Good morning, our breakfast is now ready!" Roxanne said cheerfully. Ngiti lang ang itinugon sa kaniya ni Iyah at dumiretso siya sa banyo. A couple of minutes ago, we're eating peacefully when suddenly Iyah open the topic about what happened on Suze and I yesterday. Nag-hysterical pa si Roxanne, at inakala n'ya na date ko ang lalaking nandito sa loob ng dorm namin kahapon. "Hindi niyo man lang sinabi sa 'kin na birthday pala n'on. Hindi ko man lang siya nabati bago matapos ang araw kahapon," saad ko na s'ya namang nagpatawa kay Iyah pero si Roxanne ay tahimik lang na nakikinig sa 'min. "Shuta! Akala namin alam mo? Kaya nga hindi na natuloy kahapon kasi nag-request 'yong ugok na 'yon na ikaw lang ang makasama kahapon e," pag-aamin ni Iyah na s'ya ko namang ikinagulat. "We talaga? Bakit ang sabi niya mga busy daw 'yong iba?" takang tanong ko. "Boplaks naniwala ka naman! Pero ano nangyari sa inyo?" gatong na tanong ni Iyah. Walang kwenta talaga 'yong Suze na 'yon, ba't ba kasi pumayag ako kahapon na makasama ko 'yon. I chuckled. "Mga p*ste kayo, hindi niyo man lang talaga pinaalam sa 'kin na siya 'yong nag request na matuloy, e, 'di sana—" I got halted by Iyah. "Alam kasi naming hindi ka papayag kapag si Suze lang 'yong kasama mo. Pero nag-try pa rin si Suze, ta's 'yon nagulat na lang ako pati 'yung kaibigan natin na umo-oo ka," impit na sigaw ni Iyah na halata namang kinikilig. Binalingan ko naman ng atensiyon si Roxanne at nakikinig lang siya sa 'min, minsan din ay nakikitawa. "So going back, ano nga ang nangyari?" excited na tanong ni Iyah, at si Roxanne naman ay inilagay ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mesa at mataman na tumitig sa 'kin, na halata rin ang excitement sa kaniyang mukha. "T-tss. Wala naman, nilibre lang ako ta's 'yong stuff toy na mickey mouse na dala ko binigay n'ya sa a-akin." I almost hit myself because I stuttered for no reason. Tanging pag-irit sa sobrang kilig ng mga kasama ko ang narinig ko sa sinabi kong iyon. Mga abnormal talaga sila. Wala namang nakakakilig sa sinabi ko, hanep. Natigil ang pagsisigaw ng mga kasama ko, nang biglang tumunog ang cellphone ko na hudyat na may tumatawag sa 'kin. Tumayo ako, at dali-dali rin silang tumayo, mas lalo nabuhayan ang mga kilig nila sa katawan nang makita nila kung sino ang tumatawag sa 'kin. Ano na naman kaya kailangan ng lalaking 'to. Bago ko sinagot ang tawag ni Suze, sinenyasahan ko muna ang mga kasama ko na manahimik at baka marinig iyon ni Suze. "Hello Kaykay! Good morning! How's your sleep?" masiglang bati nito mula sa kabilang linya, at kahit hindi ko siya kaharap ngayon, halata namang nakangiti at masayang-masaya siya. "Ah, so tumawag ka para tanungin ako kung okay ba tulog ko?" pranka kong tanong. At dahil nasanay na s'ya sa mga pambabara at mga prangka kong sagot sa kaniya, tumawa lang siya sa kabilang linya. Naramdaman ko rin na bahagyang hinampas ako ni Iyah. I throw her a deadly glare. "Ikaw naman. Ah, I just want to invite you to be my date... kung okay lang sana?" Halos pahina na nang pahina ang boses niya habang tinatanong n'ya sa 'kin iyon. Nakahalata naman ang mga kasama ko na naging seryoso ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Kaya hindi ko pa man din nasasabi na lumayo muna sila. Sila na ang nagkusa. I sighed. "Suze... kasi 'di ba alam mo na kahapon na si..." Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko, bigla na siyang nagsalita. "Yeah, it's okay! I understand if ever na magbago isip mo, willing ako." Kahit na rinig ko na masaya ang naging tono ng sagot niya, hindi ko pa rin maiwasan na marinig ang paghihinayang sa mga ito. "Sorry ha, p'wede naman si Iyah maka-partner mo mamaya, sabihan ko siya," saad ko, at hindi maiwasanag makaramdam ng guilt dahil tinanggihan ko siya. It's okay Klaire, ginagawa mo lang 'to para hindi na siya umasa at masaktan pa. "Oh, it's okay, ako na bahala magsabi sa kaniya. Thank you. See you later!" And then he ended the call. "Oh, ano tinanggihan mo?" bungad sa 'kin ni Iyah pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan. Pumasok na si Roxanne, at uuwi rin mamaya para ayusan kaming dalawa ni Iyah. Siya rin kasi 'yong may mga gamit na pang-ayos sa t'wing may gaganapin na okasiyon. I nodded. "She chuckled. "So si Khirro nga partner mo mamaya?" I nodded once again. I heard her sighed. "Marami akong naririnig sa Khirro na 'yan, hindi maganda ang image niya sa school. Kahit pa anak siya ng dean, marami pa ring nagsasabi—" I halted her. "Alam ko." Humarap siya sa 'kin, and she looked at me intently. "Iyon naman pala e, ba't lapit ka pa rin nang lapit?" "Gusto ko nga kase," parang bata kong saad na siya namang nagpalukot ng hitsa ng mukha ni Iyah. Sa halos isang buwan kong pananatili sa Harmown University. Marami na rin akong narinig patungkol kay Khirro. Sinasabi nila na marami na raw itong naloko na babae, na ginagamit niya lang daw ito para sa kaligayahan niya mismo. Mayroon pang nagsabi na kinukunsinti siya ng mga kaibigan niya. Pero sa lahat ng mga narinig kong masama tungkol sa kaniya, parang willing pa rin akong i-sacrifice ang nararamdaman ko para sa kaniya. From the very start since we met, I know that I'd fall for him, and when time passes by, my feelings for him became deeper. "Wala na, talo ka na." Sa sinabing iyon ni Iyah, wala akong naramdaman, wala akong naramdaman na takot o kahit pa lungkot kasi alam kong sa dulo mali ang sinasabi ng ibang tao sa kaniya, at ako ang magpapatunay n'on sa kanila. "Hoy Iyah, dalian mo maghahanap pa tayo ng rentahan ng gown!" sigaw ko dahil halos 30 minutes na si Iyah sa loob ng banyo at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos maligo. "'Eto na maghintay ka! Ny*ta!" gatong na sigaw niya. I was wearing a croptop and a maong shorts and I partnered it with my cute doll shoes. Nagdala na rin ako ng maliit na bag para lagayan ng mga gamit na dadalhin ko. Ngayong araw kasi ay maghahanap kami ng rentahan ng gown para sa isusuot namin mamaya. Wala naman din kasi kaming budget na bumili ng ganoon at isang beses lang naman namin susuotin, kaya mag re-rent na lang kami. Kung hindi lang obligado ang sumali sa party na 'yon, baka nandito lang kami ng Iyah sa buong dorm habang nanonood ng mga KDrama series. Kaso kasi ang sabi ng prof. namin, need mag-join ng lahat at may malaking points 'yon sa final grade namin. Wala kaming nagawa ni Iyah, kundi ang sumali na lang. "'Eto na oh, ready na! Ang dami dami pa namang oras, kung makapagmadali kang h*yop ka!" inis at sarkastikong saad niya. Tumawa lang ako at inakbayan siya. "G*ga ka kasi ang bagal bagal mong kumilos." Inarapan niya lang ako at tuluyan na kaming umalis sa dorm. Una naming pinuntahan ang malapit na tahian malapit sa dorm namin, pero kasalukuyan itong nakasara ngayong araw. At dahil iisa lang naman ang malapit na tahian sa dorm namin. Obligado kaming pumunta sa bayan. Nang makarating sa bayan, hindi naman alam kung ano ang uunahin naming puntahan sa kaliwa't kanang mga tahian at mga gowns na naka display sa labas ng kani-kanilang tindahan. "Doon tayo, may nakita akong gown na gusto ko roon!" turo ni Iyah sa isang store na halos 'yon ang pinakamagandang store sa lahat ng nandito. Pumasok kami, at nagulat pa ako dahil air conditioned ang loob. "Hi ladies, anong maipaglilingkod ni Mami Jelay sa inyo?" bungad ng isang lalaki sa 'min, pero mukha naman iting binabae lalo pa't parang may headband siya sa ulo, at pinapaliit ang kaniyang boses. Maang kaming napatawa nang bahagya ni Iyah. "Uhm, we're searching for a gown or dress po kasi, and we need it tonight. Mayroon po ba kayong available?" tanong ko at biglang humiwalay si Iyah sa pagkakasabit sa braso ko. "Ah yes, what type of party ba siya?" tanong ulit ng nagpakilalang Mami Jelay. "For acquaintance party po." "Teka lang, upo ka muna r'yan, kunin ko lang 'yong available na clothes namin." Akmang uupo na ako nang makita ko si Iyah sa kabilang side ng store na may tinitignan na gown at hawak niya ito na nakatapat sa salamin. "Klaire, halika dali! Tignan mo 'to!" excited na sigaw niya. Nang tignan ko ang hawak niya, nanlaki pa nang bahagya ang aking mga mata, sa ganda ng gown na hawak niya. Isa itong hugis bra sa bandang dibdib at kulay beige na dress na pinapatungan ng kulay asul na parang kulambo ang dating, pero naaayon ito sa hulma ng gown. Mayroon din siyang maliliit na designs sa paligid at parang mga bulaklak na naiburda ng tama sa gown na iyon. Isa siyang gown na strapless, at mukhang babagay ito kay Iyah, lalo pat maganda ang hubog ng balikat niya. "What do you think, hmm?" pagmamalaking sabi ni Iyah na para bang siya na ang mapipiling Star of the Night mamaya. Nasabi rin kasi sa amin noon ng prof namin na magiging pabonggahan ang mga gowns, dresses, tuxedo's, polo's ng mga a-attend mamaya sa party. Kaya kung maaari raw, bonggahan na lang din daw namin ang pagbili para mapili raw kami kung sakali. I looked intently at the gown, and I smiled giving her a thumbs up! "Yay nasaan na si Mami Jelay? 'Eto na 'yong akin!" pasigaw na sabi niya at pumunta sa p'westo ni Mami Jelay kanina. Nag-try din ako magtingin-tingin sa pinagkuhanan ni Iyah, pero wala na akong makitang ibang gown o dress bukod doon. Ang mga naka display na lang ay mga simple dress, at mga pang lalaki na damit na hindi ko rin naman magagamit. Baka naligaw lang 'yong gown na nakuha ni Iyah. Sakto namang pagdating ko ay unang dumapo ang tingin ko sa mga dress at gown na nailagay ng ayos ni Mami Jelay sa foldable na sampayan. Halos mga nasa pito ang mga nakasampay doon, at literal na hindi ako makapili sa gaganda ng tela at designs ng mga iyon. Narinig ko naman si Iyah at Mami Jelay na nagkokontratahan na para sa i-re-rent ni Iyah na gown. Nang saktong mapadapo ang aking tingin, sa isang gown na hindi ko masiyadong napansin kanina. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Literal na napanganga ako sa ganda at kulay ng gown na hawak ko. Kung kanina halos matulala na ako sa nakuha na gown ni Iyah, ngayon naman, 'yong gown na hawak ko, parang gusto ko na siyang bilhin at angkinin. Isa siyang gown na hugis bra rin ang sa dibdib at kulay silver ito na may mga design ng sequins. May mga snowflakes at mga bulaklak din siyang nakaburda sa bandang bewang ng gown. Halos may pagkakaparehas lang siya ng gown ni Iyah, pagdating doon sa parang kulambo na nakapatong sa mismong gown. At kung kay Iyah ay light blue sa 'kin naman ay dark blue. Strapless din ang gown at parang may kaunti siyang design sa magkabilang balikat. Kapag nagkataon na ito ang i-re-rent ko hindi ko alam kung makikilala ko pa ang sarili ko. "Ano Klaire, nakapili ka na?" Lumingon ako sa pwesto ni Iyah, at tumingin sa kaniya na may malawak na ngiti. Kasabay n'on ang pagpunta ko sa harap niya at ipinakita sa kaniya ang gown na napili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD