CHAPTER 39

2279 Words
"Omg! K*ngina Klaire hindi mo pa suot 'yan, ah! Nakapatong pa lang 'yan sa katawan mo pero iba na ang dating sa 'yo!" skandalosang saad ni Iyah. Bigla naman akong nahiya, at tinanong na lang kay Mami Jelay kung magkano ang rent ng gown na napili ko. "Mami Jelay, how much ito kapag ni-rent for 12 hours?" tanong ko. "Ay mars nasabi ko na rin dito sa kasama mo na per day ang rent sa 'min e," maarteng sabi niya. Pero hindi siya 'yung tipong kaiinisan mo sa t'wing nagsasalita nang maarte. Tumingin naman ako sa gawi ni Iyah, pero nakatingin lang siya sa akin na para bang sinasabi niya na mag-rent na ako. "E, magkano po 'yon kapag per day?" agap na tanong ko. "Wait mars, check ko lang," saad niya at may tinignan sa mga bungkos na papel. "Ya! Two thousand, five hundred siya per day mars," nakangiting saad ni Mami Jelay. Since three thousand ang budget naming dalawa ni Iyah para sa gown at sandals. Ni-rent ko na ang gown na napili ko. Habang pumipirma ako sa papel na may mga details ng ni-rent namin, nagsalita si Mami Jelay. "So, dadlhin niyo na ba 'to now, or later niyo siya kukunin?" tanong niya sa amin. Tumingin ako kay Iyah, at sinenyasan siya na ang sumagot. "Kunin na po namin ngayon, para ready na po hehe." "Okay okay. Papadala ko na lang ba sa house niyo?" sunod na tanong niya. "Ah yes po, may pupuntahan pa po kasi kami e. Siguro mga after 1 hour po padala niyo na po sa dorm, naka-indicate na rin naman po roon sa receipt 'yong address namin," nakangiting anas ko. "Okay okay." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, kinuha niya ang telepono na malapit sa kaniya at nag-dial siya ng number. "Two ball gowns, will deliver after one hour, please come here to know the address." Dalawang beses niya pa 'yong inulit, bago kami nagpaalam na umalis. Sa ngayon didiretso na lang kami sa malapit na mall para bumili ng sandals, at mga bagay na kakailanganin namin para mamaya. Saktong pagkapasok namin, dumiretso kami sa isang stall na may pangalan na Shoes and Sandals 'eto rin kasi ang ni-recommend sa amin ni Sebi noon, nang minsang nagtanong kami sa kaniya. "Hello po Ma'am, how can we help you?" nakangiting sabi ng sales lady sa amin. "Sandals po for acquaintance party," magalang na sagot ko. "This way po Ma'am," saad ni ate sales lady at tinuro ang daan papunta sa mga sandals. Sa halos 30 minutes naming pagpili at magbigayan ng opinyon. Nasa labas lang pala ng stall naka display ang mga sandals na akma sa mga gown na susuotin namin ni Iyah. "Bakit kasi pumasok pa tayo sa loob, 'eto lang oh!" paninisi n'ya sa akin kasabay n'on ang pagpapakita niya sa akin ng sandals na napili niya. Base on the name of the sandals. It was an Opentoe Classy Black Sandals with Ankle Strap. She was the one who chose it, and I'm excited about what she looks like later after she wears the gown and the sandals. "Anong ako? Baka hindi kita ilibre ng pamasahe mamaya," ganti na saad ko pero nag maked face lang siya sa harap ko, at dumiretso na papunta sa counter. Halos katabi lang din ng sandals na napili ni Iyah, ang napili ko na babagay din sa suot ko mamaya. And when I asked the sales lady what the name of the sandals she said, it was an Opentoe Pounded Crystal Straps Silver Heels Sandals. Nang matapos naming nabili ang mga sandals na napili namin, dumiretso kami sa KFC para kumain ng pananghalian. "Hoy dalian mo nga kumain, kanina pa 'yan! Baka nandoon na 'yung mga gowns natin!" iritableng saad ko kay Iyah, dahil halos mag-iisang oras na kaming kumakain at hanggang ngayon ay hindi pa siya tapos. "Easy ka lang, baka nandon na si Roxanne," saad niya at mas lalo pa niyang binagalan ang pagkain niya na para bang nang-aasar siya sa akin. "K*ngina mo," I mouthed. "Back to you b*tch," she mouthed back. Matapos naming kumain nag-rent na lang kami ng tricycle, para mas mapabilis ang pag-uwi namin sa dorm. At ang inaasahan ko, malayo pa lang kami sa dorm nakita ko na ang delivery man sa labas ng dorm, at may katawagan ito sa cellphone. Bumaling ako kay Iyah, at bahagya siyang binatukan. "Oh, ayan dahil ang bagal mong kumain! Wala pa si Roxanne, oh!" pairap na sabi ko sa kaniya. She just gave me a peace sign. Nang makababa sa tricyle, agaran akong lumapit kay kuya at nagtanong. "Kayo po ba 'yong sa Jelay Store sa bayan?" tanong ko na halos medyo nagpagulat sa delivery man. "Ay Ma'am opo, 'eto po pala 'yong mga gown niyo. Papirma na lang po rito," magalang na sabi niya at inabot sa 'kin ang papel, kasabay n'on ang pagbuhat niya sa gown papasok sa dorm dahil binuksan na ni Iyah ang gate. Pumasok na rin ako at inabot sa kaniya ang papel. "Pasensiya na kuya ah, napaghintay—" "Ay hindi po, halos kararating ko lang naman po. Sige po una na ako, salamat." Pagpaaalam niya sa amin at tuluyan ng umalis. Maya-maya nakaramdam naman ako ng hampas mula kay Iyah. "Ayan para 'yan sa kapraningan mo!" prangkang sagot niya at kinuha ang gown niya papasok sa loob. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumawa na lang na para bang masaya pa sa akin ang ginawa niyang paghampas. I checked the time and it's already 3:30 PM. Nakapag ayos na kami nang bahagya ni Iyah, at hinihintay na lang na umuwi si Roxanne, at dumating si Sebi para ayusan kami. Sinabihan na lang din namin si Sebi na rito na rin mag-ayos para sabay sabay kaming pumunta mamaya sa venue. Ang sabi kasi sa group chat namin kanina, 6 PM ang call time, and it's either 6:30 PM ot 7 PM sharp ang start ng program. "Anong oras daw sila dadating?" tanong ni Iyah, habang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamit ang blower na hiniram namin sa land lady kanina. "Parating na rin 'yong mga 'yon, maaga pa naman," I answered. "P'wede ka pa ngang matulog e." She snorted. "G*ga." A couple of minutes ago, we heard a laughed outside the door. Hindi na rin kami tumayo pa dahil alam naman namin na si Sebi at Roxanne ito base pa lamang sa kani-kanilang tawa. "What took you so long guys?" maarteng sabi ni Iyah, at pairap na tumingin sa kanila. Sebi snorted. "Wow arte mo ah, baka 'di maayusan. Umayos-ayos," pabirong saad naman ni Sebi. Si Roxanne naman ay dumiretso sa cr, para magpalit ng damit at maumpisahan na ayusan kami. Si Sebi ang nagpumilit na ayusan ako, kahit ang gusto ko ay si Roxanne ang mag-ayos sa akin. Wala namang nagawa si Roxanne kundi ang pumayag. We're now sitting on each other's bed, while Sebi is infront of me, and putting some makeup on my face. Palagi pa niyang pinipitik ang noo ko sa t'wing hindi ko susundin ang sinabi niya o 'di kaya'y aasarin ko siya. Pero sa huli, nanging maayos naman ang naging kinalabasan ng pagme-make up niya sa akin. Halos dalawang oras kaming inayusan ni Iyah, mapa-makeup at sa buhok at hanggang sa pag aayos ng gown namin. I was wearing a Blue Tulle Beaded Off Shoulder Long Dress, with the masterpiece make up of Sebi. He also designed my hair in high bun with braid, at may mga buhok pa ito na medyo nakalawit sa dalawang gilid. I also partnered it my color silver purse. On the other hand, I saw Iyah stunning in his Blue Embroidery Tulle Strapless Lace with her waterfall braid made by Roxanne. Halos matawa ako sa naging reaksiyon niya dahil halatang gulat na gulat at hindi pa rin rumerehistro sa utak niya ang naging itsura niya ngayong gabi. "Partida wala pa yang date," I blurted out. Tumingin siya sa gawi ko at sinamaan ako nang tingin, ngunit makalipas lang ang ilang segundo halos umirit na siya sa sobrang pagkakagulat na nakita niya. "Klaire shut*ngina! Ikaw ba 'yan?" manghang sabi niya, kasabay n'on ang paglapit niya sa 'kin at ang paghawak sa parte ng katawan ko na para bang pinagmamasadan niya ako nang mabuti. Simula kasi nang ayusan kami, hindi ko nakikita ang direksiyon niya at ganoon rin siya sa akin. Kaya ganon na lang din ang mangha ko nang makita ko siya pagkatapos naming ayusan. Hindi ko rin naman inaasahan na magiging ganito ka-OA ang reaksiyon niya. I chuckled. "Para namang hindi mo pa ako nakita noon na nakaganito!" Hinampas niya ako nang mahina ng dala niyang maliit na pouch. "Gaga! Seven years old ka pa n'on! Kung hindi ka ba naman isa't kalahating boba ba't mo ikukumpara ang seven years old na ikaw noon at 19 years old ngayon, aber?" "Oo na, ang dami mong satsat tss," ismid na sabi ko sa kaniya, at tumapat na lang sa electric fan na nasa gilid ng kama ko. Umalis din si Iyah sa harap ko, at tinapat niya rin ang sarili sa electric fan na malapit sa TV. Kasalukuyan ng nasa banyo si Sebi at nag-aayos na ng kaniyang sarili. Ilang minuto na lang kasi ay pupunta na rin kami sa venue. Hindi pa namin alam kung maglalakad or magta-tricycle kami, dahil wala naman kaming budget kung mag-re-rent pa kami ng sasakyan. Maya-maya ay nagtanong si Iyah kay Roxanne. "Ay hindi pala kayo kasali sa party ngayon?" tanong nito, at bumaling paharap sa p'westo ni Roxanne na ngayon ay prenta nang nakaupo sa kaniyang kama habang kinakalikot ang kaniyang cellphone. "Kasali naman, kaso tinatamad ako. Wala rin namang plus points 'yan sa amin," she chuckled. "Ay gano'n? Buti pa sa inyo wala, samatalang sa strand namin obligado," pakikisali ko sa usapan nila. Narinig ko namang nag-snap si Iyah. "True, kung hindi obligado sa amin 'yon baka nagsasaya tayo rito ngayon, break mo pa naman ata," dagdag na sabi ni Iyah. "Yeah, tinapos ko na roon sa house ng classmate ko para pag-uwi ko 'yong pag-aayos na lang sa inyo, at after n'on makapagpahinga ako," she answered, smiling. Tumango na lang kami sa kaniya, bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text sa akin. It was came from an unknown number, I instantly checked it. "Hi, KM! Good afternoon. Can I pick you up?" "E, si Khirro? Paano niya nalaman number ko?" I whispered to myself. I replied instantly. "How did you know my number, Sir Khirro?" Bukod kasi sa resto na naka-indicate 'yong number ko sa employees record doon, wala na akong ibang alam na dahilan kung paano niya nakuha ang number ko. Minutes after, it notifies again that I have a message. "Let just say something that only Khirro knows the tactic." Insert the grinned face, please Literal na tumawa ako pagkabasa ko sa tinext niyang insert the grinned face, please Hindi niya ba mahanap 'yong emoji na 'yon? "Hala, nabuang na," rinig kong saad ni Iyah, pero hindi ko na lang siya pinansin at nag-reply na lang kay Khirro. "Daming alam, ah? Paturo naman po." Insert also the grinned face please. Pinigilan kong matawa sa sarili kong katangahan at sinabayan pa ang trip ni Khirro sa buhay. Hindi ko pa man din naibaba ang cellphone ko, tumunog na ulit ito. "Yes, I'll teach how to do that, but in one condition, please?" Insert the pouty lips "Jusko naman, paano ko ba nagustuhan 'to?" ngiti-ngiting sabi ko sa sarili ko. Buti na lang hindi iyon narinig ni Iyah kaya hindi niya ako nasita. I was about to reply when he message me once again. "Can you be my date, and Can I pick you up?" Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi n'ya kahit pa nakapagpaaalam na siya sa akin kahapon, at wala akong naisagot. Nagbakasali pa rin siyang ayain ako kahit wala na siyang kasiguraduhan. Sa sobrang kilig na aking nararamdaman, hindi ko maiwasang humawak ang aking pisngi at pigilan ang ngiting kumakawala sa aking labi. Grabe naman 'tong tama ko. I replied yes to him. A couple of minutes ago, I heard my cellphone rang, and it flashed to the screen the unknown number. Tumingin pa sa side ko sina Roxanne at Iyah nang marinig nila ang cellphone ko na nag-ring, lalo na si Iyah na nakakunot na ang noo na nakatingin sa akin. I instantly answered it. "Yep, sino 'to?" I formally said. I heard him chuckled on the other line. It was Khirro. "Hey can I pick you up?" he softly asked on the other line. Kung harapan kong naririnig ang boses niya para tuloy akong hinihele nito. Sa telepono naman halos makatulog na ako sa ganda at puro ng boses niya. Ang sarap pakinggan. It was like acoustic music that lingers to my ears. Nang 'di makasagot sa tanong n'ya bigla ulit siyang nagsalita. "Hey are you still there, hmm?" "Ah yeah, I'm sorry..." I apologized. Nahiya naman ako bigla sa boses ko, hindi na nga maganda sa personal ano pa kaya kung sa telepono? "So..." he trailed off. Before he could ask me again, I answered immediately. "Yeah... alam mo ba kung saan 'yong dorm ko?" I asked. Medyo nahihiya pa ako sa lagay na 'yan, at ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ako sumagot sa kaniya. Nakakahiya. "Yes! I'll be there within fifteen minutes, thank you! See you, Klaire," he said in the tone of excitement. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mahina niyang pagbanggit sa pangalan ko. So he knows my name? And it's f*cking familiar on how he pronounced it! Ano ba kasi talagang kinalaman mo sa akin, Khirro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD