CHAPTER 40

1588 Words
Lumabas si Sebi sa banyo na hapong-hapo at hindi maintindihan ang itsura. "Grabe naman, ang hirap magbihis sa loob ng cr niyo ah, maganda nga para namang kinulang sa space," sarkastikong saad niya at pinagpatuloy niya ang pag-aayos sa kaniyang sarili. Pumunta sa p'westo ko si Iyah at nagtanong. "Sino kausap mo kanina?" seryosong tanong niya. Nagulat naman ako sa naging reaksiyon, at bahagyang huminga nang malalim. "Si Khirro." I don't have any reason to lie, so much better if I said the truth. Umiling-iling lang siyang tumingin sa akin. Hindi na siya nagtanong pa at alam na niya siguro kung bakit ko siya nakausap ngayon. Bukod kasi sa pumayag ako na maging ka-date niya siya rin ang susundo sa akin ngayon. Hindi ko rin naman p'wedeng iwan ang mga kaibigan ko basta basta, kaya kakapalan ko ang mukha ko at isasabay sila mamaya. Sinabi ko rin kay Sebi na si Khirro ang susundo sa akin, and as expected tumili siya na para bang kilig na kilig sa sinabi ko. "Sasabay ko rin kayo—" I didn't finish what I'm going to say when I suddenly Sebi halted me. "'Wag na inggrata ka! Dala ko sasakyan ni father, sa akin ko na lang isasabay si Sakiya," ismid na sabi nito sa akin. "And correction, hindi siya ang date ka yaks!" kunwaring diring-diring dagdag pa nito. I glanced the clock on the wall ang it's already 6:05 in the evening. Dapat ay nandoon na kami sa venue dahil 'yon ang call time na sinabi sa amin. Kaso kailangan ko pang hintayin si Khirro. "Oh, paano mauuna na kami?" saad ni Sebi at hinanda na ang mga gamit na dadalhin niya sa venue. Tumango na lang ako sa kanila at tinignan si Iyah na nilagpasan lang ako pero kalauna'y bumaling ang tingin niya sa akin at inismiran lang ako. Kinawayan ko na lang siya bilang pamamaalam at tuluyan na silang umalis sa paningin ko, narinig ko pa ang pagbukas ng engine ng sasakyan ni Sebi at bumusina muna sila bago tuluyang umalis. Nagpaalam ako kay Roxanne na sa labas na ako maghihintay, at sinabihan siya na siguraduhing nakasara ang lahat ng pinto at bintana kung wala pa rin kami hanggang mamaya. Panigurado kasi na aabutin kami ng gabing-gabi o 'di kaya'y madaling araw sa pag-uwi. Ilang minuto lang ang nakakalipas, bigla ng tumunog ang cellphone ko, at unknown number ulit ito. Hindi ko pa pala napapangalanan ang number ni Khirro. I instantly answered it. "Hello?" I stated. "Hey KM, I'm here outside in your dorm," he said in soft voice. Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo, at lumabas ng gate na nakayuko. Hindi ko yata kayang tignan siya, jusko! Narinig ko ang bahagyang pagsinghap niya sa kabilang telepono nang makalabas ako sa gate namin. Nakayuko pa rin ako at hindi malaman ang gagawin. "KM, look at me," he commanded, it was almost a whisper. Inipon ko ang lakas ng loob ko sa katawan at dahan-dahang binaba ang telepono at tumingin sa gawi niya. Our eyes met. At halos walang pinagbago ang nararamdaman ko sa t'wing magkikita ang aming mga mata. Para bang ito pa lang ang unang beses na makikita ko siya lalo na ang mata niya. Nang tignan ko siya, nakangiti s'ya sa akin ngayon nang malapad na akala mo'y masayang-masaya siya sa kaniyang nakikita. He waved his hands in my direction. Lumapit siya sa akin nang may malapad at magandang ngiti. "You look so gorgeous." I smiled shyly. He was wearing a black tuxedo with his black pants, it was perfectly suited to his well-defined body. Malayo pa lang siya kanina naaamoy ko na ang pabango niya na halos hindi ko mapamilyaran. He offered his hands to me, and I am hesitant to accept it, but he just smiled at me. Wala akong ginawa kundi tanggapin iyon nang nakangiti. His hands was so soft. Para bang humawak ka lang sa isang tela sa sobrang lambot at kinis nito, bahagya niya pa 'yong pinisil ng maramdaman niya na nanlalamig ang aking kamay. Balak ko sanang umupo sa likod at hindi sa passenger's seat, dahil hindi ko kakayanin kung doon ako tatabi sa kaniya. Kaso magmumukhang driver ko naman siya kapag ganoon. Pero wala akong nagawa nang buksan niya ang pinto ng passenger's seat at doon ako inalalayan paupo sa loob. Dahan-dahan niya ring isinara ito at patakbong pumunta sa driver's seat. Akmang ikakabit niya ang seat belt sa akin, ay inunahan ko na siya. Dahil hindi ko kakayanin kung magkalapit pa ang aming mga mukha! Inumpisahan na niyang paandarin ang kotse, pero hindi ko alam kung anong katahimikan ang namamayani sa aming dalawa. Gusto kong magtanong pero inuunahan ako ng kaba. Baka pag nagsalita ako, piyok na agad ang boses ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, at paminsan-minsan ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin, minsan din ay nakangiting ibabaling niya ang kaniyang atensiyon sa akin. Buti na lang binuksan niya ang radio sa sasakyan at nakaramdam siya ng katahimikan sa pagitang naming dalawa. Isa sa nga kanta ng Savage Garden ang kasalukuyang nagpapawala ng katahimikan sa loob ng kotseng iyon. Napamaang pa ako, dahil ang kantang iyon ang kalimitang pumapasok sa isip ko sa t'wing naiisip o iniisip ko si Khirro. Bahagya akong namula sa iniisip ko. I bit my lower lip to suppress my emotion. Palihim ko siyang sinasabayan at hindi ko mapigilang mapangiti na 'yong tao palagi kong naiisip sa t'wing naririnig ko ang kanta, ay katabi ko na. Gulat akong napatingin sa kaniya nang marinig ko na sinabayan niya sa mahinang boses ang chorus ng kanta. Hindi niya siguro napansin na tumingin ako sa kaniya, kaya hindi niya alam na nakatitig ako habang kinakanta ko sa isip ko ang chorus ng kanta habang siya ay sinasabayan ito mismo. "KM..." he trailed off. Gulat akong napatingin sa direksiyon niya, bahagya rin siyang tumingin sa akin at ngumiti. "You're so gorgeous tonight," he said it with utmost sincerity. I don't know what to feel. I was just drowning with my thoughts, and here he is, saying directly to me that I'm gorgeous. I chuckled. "Tonight lang?" parang bata kong tanong na siyang nagpangiti sa kaniya lalo. "Cute." He grinned. Naalala ko pala na itatanong ko sa kaniya kung paano niya nakuha ang number ko, since bumalot na naman ang katahimikan sa aming dalawa. "Ah Khirro, saan mo pala nakuha 'yong number ko saka 'yong address namin?" pahina na pahina ko nang tanong, because he was just looking at me intently! Nailang naman ako bigla. He smiled. "Only Khirro knows the tactic." And then he winked at me. Kunwari naman akong nalungkot at tinawanan niya lang ako. Masamang nilalang! Sigaw ko sa isip ko. Pero kalauna'y nakikita ko ang sarili ko na nakikitawa na rin sa kaniya, at hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa venue dahil sa sobrang saya. Marahan niyang pinarada ang kaniyang sasakyan at marami na rin akong nakikitang tao na umiiwas sa amin, ang hindi ko lang maintindihan halos lahat ng tao ay para bang bibigyan kami ng daan. I was about to open the door when he halted me. "Ako na, hintayin mo 'ko." He smiled. Binitawan ko ang car handle, at tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. Inalalayan ako ni Khirro na makalabas sa sasakyan, at kinawit niya ang kamay ko sa braso niya. Halos hindi rin nakawala sa akin ang bulungan at singhapan ng mga taong nakapaligid sa amin. "Akala ko si CA ang partner niya?" bulong ng isang babae, malapit sa amin. Nangunot ang noo ko sa narinig. Sino naman si CA? Cash Advance? Joke. "Gosh, siya ba 'yong taga-ABM? Ang suwerte niya." "Hala, ba't iba ang kasama niya?" "Infairness mas maganda ang partner niya ngayon." "Pero nasaan si CA?" "Ang ganda niya!" Ilang lang 'yan sa mga naririnig ko habang papasok kami ni Khirro sa loob ng school. Sa quadrangle mismo. Nag-announce kasi sa amin na sa quadrangle ang venue ng acquaintance party ngayong taon. Halos hindi ako makatingin ng ayos, at nakatungo lang ako na naglalakad habang naririnig ang bulungan nila. Naramdaman ko naman na bahagyang pinisil ni Khirro ang kamay ko. "Don't mind them." Nang makapasok sa loob kulang na takpan ko ang bibig ko sa labis na ganda ng lugar. Maraming mga tables at chairs na nagkalat at iba't ibang kulay ng pailaw na nagkalat sa paligid. Pero mas lamang pa rin ang ilaw na puti na nagsisilbing liwanag sa buong lugar. Mayroon ding ginawang maliit na mini stage para roon magsasalita ang emcee at ang visitor mamaya. Halos namangha rin ako sa mga naglalakihan gowns ng ibang students na halos hindi na makaalis sa kanilang p'westo sa lawak ng masasakop nila. Sakto namang napadapo ang tingin ko sa fountain na nagsisilbing pinaka maganda sa lugar na may nakalagay na Harmown University-Acquaintance Party na pinalilibutan rin ng iba't ibang kulay, ngunit mas lamang ang kulay na dilaw. Wala silang sinabing theme ng mga susuutin namin, pero ang kulay ng kabuuang lugar ngayon ay pinaghalong kulay ng rainbow na siyang nagbibigay ng magandang ambiance sa lugar. "Klaire!" Rinig kong sigaw mula sa kanan ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na masayang nakatingin sa akin. Naramdaman naman ni Khirro kung saan dumapo ang aking paningin. Hinatid niya ako sa mga kaibigan ko at may binulong sa akin. "Enjoy my girl," he whispered softly. Namula naman ako sa sinabi niya at marahan na lang tumango, napansin iyon ng mga kaibigan ko at tinukso ako ng mga nag-aasaran nilang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD