CHAPTER 41

2193 Words
Nasa pabilog kaming mesa na may capacity na 6 seats. Malapit din kami sa stage kaya hindi kami mahihirapan na tignan ang magpeperform mamaya. Ang p'westo ko ay nakatalikod sa dance floor at katabi ko sa kanan si Iyah at sa kaliwa ko naman ay si Nadine kaharap ko si Sebi at katabi ni Sebi sa kanan si Denise at kapag dumating si Suze magiging katabi ni Sebi sa kaliwa ay si Suze. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko at maang na napangaga sa ganda nila ngayon. Lumabas ang tunay nilang ganda sa mga suot nila. Halata namang masasaya sila, at nag-e-enjoy sa party ngayon. Nang balingan ko si Iyah, ngiti-ngiti lang siyang nakatingin sa kabilang table. At napamaang ako na table 'yon nga mga STEM students. "Hoy Iyah!" kinalabit ko ang braso niya at nakangiti siyang humarap sa akin. "Ano?" she mouthed. "Ganda ng ngiti ah, sino ka-date?" I grinned. Humarap siya sa akin at bahagyang pinisil ang braso ko. "Girl, 'yong crush ko na sa STEM student! Niyaya ako kanina ta's literal na hinintay niya talaga ako sa entrance ih! After ng party na magshi-shift na ako sa STEM!" saad niya na animo'y kilig na kilig sa nangyari. Ngumiti lang ako sa kaniya at inalis niya sa akin ang atensiyon nang biglang tumunog ang cell phone niya. Tumingin ako sa mga kasama ko na may mga mapang-asar na tingin pa rin sa akin. Akmang tatanungin na ako ni Denise nang bigla na ring magsalita ang emcee na nasa stage. "Good evening, students!" masayang bati niya na nagpaingay sa buong lugar. "What is the program today?" galak na galak na sabi niya at tinuro papunta sa dagat ng tao ang mic na hawak niya. Sumigaw naman kami lahat ng, "Acquaintance party!" "At ano ang gagawin?" Muli niyang sigaw at tinuro muli ang mic papunta sa aming lahat. Hindi ako sumagot at karamihan sa mga students ang isinagot ay magsasaya, lalandi, makaikipagkaibigan at marami pang iba. "Okay, okay! So this party will focus on the theme of New Faces, Need to be Known so it means sa lahat ng bagong mukha na makikita niyo ngayon, p'wede kayong makipagkaibigan, makipag-asaran, makipag-jowa kung gusto niyo agad. As long as that person will give a happiness and joy in your entire life! Kahit pa iba-iba ang strand ng pinanggalingan ng nakilala niyo it's more than okay! So this party will help all of us to gain more friends. So be nice okay?" Okay!" masayang panimula niya. "And again my name is Joselito Pascual but you can call me Jash, at sa ayaw at gusto niyo ako ang emcee niyo today!" dagdag nito at nagsitawanan ang mga tao. "So first and foremost, I would like to call our visitor for our opening remarks. So please welcome Mr. Albert Gowan!" masayang pakikilala nito sa isang lalaki na halos kaedad lang din ng dean ng school na ito, at masasabi rin na may dating ito sa buhay base pa lang sa kaniyang suot. Binalingan ko na lang ng tingin ang mga kasama ko. Sakto namang pagharap ko sa kanila, nakita kong nakatitig sa akin si Suze na hindi ko man lang naramdaman na dumating. He was looking at me deeply with his small smile plastered in his face. Ang mga kasama ko sa table na iyon ay tutok sa sinasabi ng visitor, wala rin doon ang atensiyon ko, at maang lang ding nakatingin sa gawi ni Suze. Kung hindi ko pa iwawagayway ang kamay ko, hindi mapuputol ang pagtitig niya sa akin. Narinig ko namang bahagyang tumawa ang mga kasama ko. "Klaire..." Suze trailed off. "Y-you look stunning." Napahawak pa siya sa kanyang batok na animo'y nahihiya. I snorted. Nakipagpalit ako ng upuan kay Nadine, at paharap na ang posisyon na tumingin kay Suze, kaya hanggang ngayon ay bahagya pa rin akong nakatalikod sa dance floor. "Ang daming say! Oh, e, saan ba tayo nag-rent ng tuxedo natin ngayon?" saad ko at bahagyang hinawakan ang kwelyo nito. Maang siyang napatingin sa akin sa naging akto ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa kaniya nang nakangiti. Gusto ko lang bumalik kami sa dati, na sana ay magawa ko. Hindi siya sumagot kaya sinabi ko na ang balak kong sabihin na hindi ko man lang nasabi sa kaniya kahapon. "Belated happy birthday, sana hindi na masundan 'yong pagba-barangay natin noon." I smiled, reminscing the past. He looked at me with a smile, and I open my arms for a hug. Hindi naman siya nag-atubili pa at niyakap din ako. Nakarinig kami ng tikhim sa mga kasama ko, kaya napabitaw kami sa isa't isa. "Ano na status niyo?" intrigang tanong ni Nadine na ngayon ay may malaking ngiti sa labi. Here we go again! "Wala po," I stated formally. They're all nodded. Binaling ko na lang muli ang aking atensiyon sa stage na ngayon ay si Jash na ang nagsasalita. "So what are we waiting for? Let the dance club make a fire on our stage! Please welcome HMU dance club!" he said, joyfully. Nagsipalakpakan ang mga tao, dahil unti-unti lumabas ang mga students na kasali sa dance club ng campus na ito. Hiyawan dito, hiyawan doon. Halos lahat ng tao ay nagsasaya at nakikisabay pa mismo at sayaw ng kanta. Halos hindi ko rin mapaglagyan ang saya na nag-uumapaw sa puso ko dahil ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganito. May mga taong halos mapunit na ang litid sa kakasigaw at mga taong simple lang na nakaupo at masayang nakikisabay sa daloy ng party na ito. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar, at saktong napadapo ang tingin ko kay Suze na siyang nakatingin na sa akin. He smiled. "Ganda mo," he mouthed. Tch. Inismiran ko na lang siya, at patuloy na ninanamnaman ang ganda at saya ng lugar. Hanggang sa matapos ang sayaw ng HMU dance club at ang HMU music club, alam kong hindi inalis ni Suze ang tingin sa akin, nararamdaman ko iyon, o 'di kaya'y nahuhuli ko siyang titig na titig sa akin. Pero ewan ko ba at hindi na ako masiyadong naiilang pagdating sa kaniya, at sana magtuloy-tuloy na. "Ano nag-enjoy ba kayo?" rinig kong sigaw ni Jash. Tumingin naman ako sa gawi niya at ang p'westo ko ay nakatalikod na kay Suze. "Hindi!" "Oo!" Halos hati ang sagot ng mga estudyante. "Oo alam ko namang hindi na kayo makapaghintay na maisayaw 'yong mga crush niyo o ano niyo pa yan!" he said with a laugh. "So, in 3... 2... 1... HMU students it is time to make a fire on the dance floor! You may dance those people you want to dance, but please ask them first, and enjoy the night!" masayang bati nito, at nag-umpisa ng magpatugtog ang DJ ng song na nababagay sa pagsasayaw naming lahat. Kasalakuyan nitong pinapatugtog ang isa sa mga kanta ng paboritong singer ni Iyah. Akmang tatayo na sana ako, para pumunta sa cr nang mapansin ko na papunta sa gawi ko si Khirro, at may malapad na ngiting nakatingin sa akin. Ay sh*ta, siya nga pala 'yong date ko! ''Di kalauna'y nakalapit na siya sa akin, walang anu-ano'y inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay. Narinig ko namang nagsitilian ang mga kasama ko, at ang ipinag-aalala ko kung ano na ang nagiging hitsa ng mukha ni Suze ngayon! "Can you dance with me?" he said with a soft voice at the same time with his baritone voice. Lalong nag-ingay ang mga kasama ko sa table, lalo na si Iyah na halos paulit-ulit na tumatango sa akin. Parang kanina ayaw na ayaw niya kay Khirro, ah. Doon ko lang din napansin na halos lahat pala ng estudyante ay nakatutok sa amin, hindi na ako nag-atubili pa at tinanggap ko ito nang maayos. muli na namang nagdaop ang mga palad namin, and it feels like home. It feels like I wanna be with him, until my last day. Nang magsimula na kaming sumayaw bigla na lamang nagpalit ang kanta at ito pa 'yong kantang nag-play din kanina habang nasa kotse niya ako. Na sa tuwing naririnig ko, siya agad ang pumapasok sa isip ko. We were just looking into each other's eye, smilling softly. I couldn't just imagine that this man infront of me is now dancing with me. Hindi ko alakain na 'yong dating gusto ko, na mas nagustuhan ko pa ngayon ay magkakaroon ng chance na makasayaw ko sa ganito. My butteflies inside my stomach became wild when he sang again the chorus. And it f*cking sweet because he is looking deeply into my eyes with a small smile on his lips. Hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya kahit ganito lang ang ginagawa niya. Hindi ako nakatiis at binaling ko sa iba ang aking tingin. 'Eto na naman 'yong pakiramdam na ang lalim niyang tumingin, at para kang malulunod sa mga mata niyang maraming sinasabi, ngunit hindi kayang isatinig. He dance me passionately, and I can feel that my heart was pumping wildly as if there's a race inside my chest. Siya lang 'yong nagpaparamdam sa akin ng mga bagay na alam kong minsan ko lang maramdaman. At gusto na hanggang huli siya lang 'yon at wala ng iba. Tumingin muli ako sa mga mata niya. At naglandas ang titig niya sa aking buong mukha. He throw a glance in my eyes, in the tip of my nose down to my lips. And I saw that he bit his lower lip. Nang i-play na ulit ang chorus, sinabayan ko ito ng buong puso habang nakatingin sa kaniya. He smiled, and it freaking melts my heart. Nang hindi pa natatapos ang kanta, biglang namatay ang lahat ng ilaw, at wala akong nakita puro kadiliman. Maya-maya ay naramdaman kong humiwalay sa akin si Khirro, at bago ko pa man siya matanong nakaalis na siya agad. Nakarinig ako ng bulungan ng mga tao, nag-umpisa na rin nilang buksan ang kani-kanilang telepono. A couple of minutes ago, there's a light coming from the stage. At lahat kami ay napatingin doon. May puting tela roon at sa harap n'on ay isang projector. Halos bulungan na lang ng tao ang namamayani sa lugar na iyon. Maya-maya ay may biglang tumugtogna love song at nag-umpisa ring mag-flash sa screen ang message na hindi ko inaasahan na makikita ko sa event na ito. Maang akong napahawak sa bibig ko na mapagtanto ko ang nangyayari. Isa iyong sulat na iaalay sa akin, at hindi ko alam kung kanino galing! Halos lahat ng nasa paligid ko ay binabasa ang nakasulat sa harap ng stage. Dear KM: "Hi! KM from Grade 12-ABM-I. I would like to say that I'm your admirer from the very start. You caught my attention when I first saw you in the office of my Dad. I met you again in the restaurant that I owned, and by that time I am really eager to know your name, but I don't have the guts to ask you. But destiny has a plan for us. We met again in the bar, and that's the time I asked your name, and you said KM. I was so happy that time, because finally I know your name and I think my whole world stops when I see you smiling, laughing and especially if you're pouting like a child. I wanna be with you, when I'm drowning in my thoughts. I wanna hold you and become part of your life. I want to spend more times, days with you with our undying moments. And most especially, I want to create a different kind of memories with you, only you. So by any chance..." Halos maluha ako habang binabasa ko ang sulat na iyon, dahil isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. Si Khirro. Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko, halo-halong kaba at saya ang nag-uumapaw sa puso ko. Tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang mabasa ko kung ano ang nag-flash sa stage, kasabay n'on ang pagkarinig ko sa mga fireworks na sumasabay sa aking nararamdaman sa sobrang ganda. "So by any chance... Can I court you?" Kasabay ng kantang 'yon, ay siya ring paglalakad ni Khirro sa gawi ko na ngayon ay may hawak ng bulaklak at may mga kasama siya sa kanyang likod na may mga hawak na salitang "Can I court you KM?" At mga lobo na nakakalat na sa paligid. Halos hindi ko na alam kung ano ang itsura ko sa labis na pag-iyak, dahil sa nararamdaman kong saya. When he was infront of me, I can't look directly to his eyes. Kinakailangan niya pang hawakan ang mukha ko para mapunta sa kaniya ang tingin ko. Dahan-dahan niyang inalis ang mga luha na nasa pisngi ko. And it melts my heart for nth time, when he smiled genuinely to me. "Let me love you, and prove it to you," he whispered yet in a soft voice that every girl want to hear. He slowly hold my hands and looked directly in my eyes with so much emotion, and he whispered with utmost sincerity. "So for the third time, can I court you Klaire Frakier?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD