CHAPTER 42

2119 Words
Halos magdadalawang buwan na rin ang nakakalipas simula noong umamin sa akin si Khirro, no'ng acquiantance party. And up util now, it feels like it was happened yesterday. KASABAY ng aking nararamdamang saya ang pagtango ko bilang tugon sa tanong niya. Hindi ko mawari kung anong kaba ang bumabalot sa puso ko pero lamang doon ang saya. Mga bulungan ng tao ang aking naririnig, kahit pa malayo ako sa kanila. "She must be crazy." "Another target locked." "Baka naman hindi na ganoon si Khirro." "He changed." "Buti na lang hindi si CA." "I'm so happy for them, I hope Khirro is really genuine about his feelings to that girl." Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko, kaya bumabalot ang kaba sa puso ko. Sa mga sinabi nila, mas pinatunayan lang nila na kaya kong baguhin ang pagkakakilala nila kay Khirro, na kaya kong sabihin sa kanila na hindi siya ganoong tao. Dahil iba ang nakikita at nararamdaman ko. Umiling-iling ako sa mga naririnig ko, at nakangiting pinagtuunan ng pansin si Khirro na ngayon ay may malawak nang ngiti sa labi. Makikita sa mga mata niya ang kislap nang marinig ang sagot ko. Ipinaglapat niya ang aming mga noo, at hinawakan niya nang marahan ang mukha ko. "Say it please..." he said, feebly. Maang akong napatawa sa inasal niya. "Yes... yes... yes..." Kasabay ng pagtango ko habang binibigkas ko ang mga iyon, ay siya ring pagpupunas ni Khirro sa mga luhang kumakalawa sa mga mata ko. He hugged me. Kasabay ng pagyakap niya sa akin, ay ilang mga fireworks muli ang nagsikalat sa ganda ng kalangitan, habang yakap-yakap niya ako, at parehas kaming nakatingin doon nang nakangiti. "I'll do my best... I'll do my best for you," he whispered gently. "Soon, you'll be my girlfriend." Sa mga oras na iyon, kahit pa may kabang bumabalot sa pagkatao ko, masasabi ko na iba ang nakikita ng mga tao sa nakikita ko kay Khirro, at paniniwalaan ko ang sarili ko na hindi siya katulad ng sinasabi ng mga tao. Habang nangingibaw ang tugtog at yakap namin ang isa't-isa habang sinasayaw niya ako sa ilalim ng mga naggagandang bituin, at buwan. Wala na akong hihilingin pa dahil natupad na ang isa sa mga hinihiling ko. Na hindi ko lubos masiyadong pinagtuunan ng pansin, dahil alam kong malabong mangyari. Pero ngayon, halos hindi ko malaman ang sasabihin ko, dahil gulat at hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating tinitingala at hinahangaan ko, ay isa ko ng ganap na manliligaw. Pero lahat ng mga masasayang alaalang nangyari noong araw na iyon, siya ring naging dahilan kung bakit hindi na kami masiyadong nagkikita ni Suze ngayon, gusto ko siyang kausapin sa nangyari, gusto kong sabihin sa kaniya at ipaliwanag sa kaniya ang nangyari. Masiyado akong nadala sa emosyon ko nang araw na iyon, pero hindi ko naman pinagsisihan ito dahil ginusto ko rin naman 'yon. Nakita ko siya habang masayang magkayap kami ni Khirro, habang siya ay nakatingin sa akin sa malayo makikita ang ngiti na kumakawala sa kaniyang itsura, pero masasabi ko na iba ang pinapakita ng mga mata niya. Habang sumasayaw kami ni Khirro nang araw na iyon, ay siya ring nahagip ng panigin ko si Suze sa malayo. Nakangiting nakatanaw sa aming dalawa, pero kahit na nasa madilim na parte siya ng lugar na iyon ramdam ko ang kumakawalang lungkot sa pagkatao niya. Hindi ko man lang siya nakausap nang masinsinan tungkol sa aking nararamadaman. Nakita ko rin na may dala siyang bungkos ng bulakbulak, at nanghihinayang na tumingin siya roon. Binaling niyang muli ang tingin sa akin, at ngumiti na para bang walang iniindang sakit. Lalapit sana ako para kausapin siya, pero sinenyasan niya ako ng mga kamay niya na pinapatigil ako ng mga ito mula sa pagkakalapit sa kaniya. I looked at him with so much pity, and he just smiled at me like he didn't know what's happening around him. "I'm happy for you." He mouthed, at the same time, I saw tears keep streaming to his cheeks and he walked away. Kahit pa may kaba at sayang bumabalot sa puso ko, may parte pa rin sa akin na nalulungkot para kay Suze. Ni hindi ko man lang napaliwanag sa kaniya ang nararamdaman ko, at baka nabigyan ko siya ng mga false hope sa mga inasal ko. Pero lahat ng mga nangyari sa akin ngayon ay ipinagpapasalamat ko kahit pa alam kong may masasaktan akong tao. I really love Khirro, and I hope Suze will understand it. Habang may ngiting nakalapat sa aking mukha, hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil bibihira na lang kaming magkausap ni Suze. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na baka naging busy lang siya dahil malapit na matapos ang first semester namin at sa susunod na buwan na ang finals namin. Sa t'wing kakausapin ko siya sasabihin niya lang na busy siya at next time na lang kami mag-usap. Kahit pa hindi niya sabihin alam kong umiiwas siya, kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan pa rin siya. Pero wala akong magawa dahil hindi ko mapaliwanag sa kaniya dahil hindi naman niya ako hinahayaan na kausapin siya ng kaming dalawa lang. Sa kabilang banda, ang mga kaibigan ko ay masaya para sa akin. Si Sebi na halos suportahan ako sa mga ginagawa ko kay Khirro. Si Denise at Nadine na masaya para sa akin na ultimo kasal ay pinag-uusapan na nila. Si Roxanne na halos t'wing uuwi ako sa dorm ay nag-aabang na siya ng kuwento mula sa akin, kung ano ang mga ginawang panliligaw ni Khirro sa akin ng mga raw na lumilipas. At si Iyah na halos isang buwan akong hindi pinansin dahil sa naging desisyon ko no'ng araw na iyon, na pinayagan kong manligaw sa akin si Khirro. Kasalukuyan kaming nasa dorm, at wala si Roxanne dahil may ginagawa raw siyang film making ngayong araw. At halos mag-iisang buwan na, na hindi ako pinapansin ni Iyah. "Hoy Sakiya Josefina, ba't ba hindi ka namamansin?" kunwaring tampong sabi ko, pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya lang ang pagkain ng cup noodles habang nanonood sa kaniyang cellphone. Halos sa araw-araw ay pinapansin niya lang ako sa t'wing may tatanungin siya pero hindi man lang niya ako papasadahan na kahit na anong tingin. Hindi ko lubos akalain na magagawa sa akin ni Iyah ang hindi ako pansinin. Maraming beses ko na siyang sinuyo sa mga bagay na alam kong magpapahina sa kaniya para pansinin ako, pero buo talaga ang loob niya na hindi ako pagtuunan ng pansin. Lumapit ako sa kama, at pahablot na kinuha ang cellphone niya. "Akin na nga yan!" sigaw niya sa akin, at hindi ko pinahalata na nagulat ako sa inasal niya. "Ba't 'di mo ba ako pinapansin?" halos wala nang boses na saad ko, dahil alam kong kaunting salita pa mababasag na ako. "Tch, alam mo naman sa sarili mo ang dahilan." "Hindi ka ba magiging masaya para sa akin?" She chuckled sarcastically. "Magiging masaya? Hibang ka ba? Gusto mong maging masaya ako sa 'yo habang 'yong isa nating kabigan na may gusto sa 'yo lumuluha at nasasaktan, gano'n ba Klaire gano'n ba?" Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Sinabi ko naman sa 'yo e, sinabi ko na 'wag si Khirro 'di ba? Na 'wag siya dahil maraming bagay o tao na siyang nasaktan, hindi mo ba naiintindihan 'yon?" she asked, but his voice is now in low manner. I looked at her with tears keep flowing to my cheeks. "B-bakit ayaw mo kay Khirro?" prangkang tanong ko. She was taken a back with my sudden question. Hindi niya pinahalata na bahagya siyang nagulat pero napansin ko 'yon. "Paulit-ulit naman tayo rito Klaire." Tumayo siya at kumuha ng tubig, senyas na may nararamdaman na siyang tensiyon sa sarili niya at senyas na ilang minuto na lang iiyak na rin siya. "Prangkahan na. Ayoko sa kaniya dahil alam kong bibigyan ka lang niya ng mga masasakit na alaala, hindi mo ba naiintindihan 'yon? Sige! Halos sa isang buwan niyang panliligaw sa 'yo, anong narinig mo sa mga tao, ha?" tanong niya habang nakahawak sa bewang niya na para bang pinaparangalan ako na siya ang ina at ako ang anak. "'Di ba ang kalimitang naririnig mo o kahit ako, Sana hindi niya saktan 'yong girl. Sana walang iiyak ulit. Sana hindi na maging gano'n si Khirro katulad no'ng dati. Or even worse may sinabi pang, Sana wala ng mamatay muli," she imitated those phrases, that we most heard in our university. "Anong pagkakaintindi mo sa mga sana ng tao, ha? Anong pagkakaintindi mo sa mga sinasabi nila Klaire?" Tuluyan nang nabasag ang boses niya at padabog na umupo sa upuan malapit sa kaniya. Uminom siya muli ng tubig. Hindi ako sumagot at nakayuko lamang na lumuluha. KAhit pa depensehan ko ang sarili ko, at si Khirro alam kong pangungunahan ako ng mga luha ko. Alam kong hindi ko mapapaliwang nang ayos iyon, dahil mahina ako sa mga eksenang ganito. She sighed. "I don't want you to be hurt. As much as I could, I'll protect you. Ayoko lang na maranasan mo 'yong mga bagay na alam kong hindi mo kayang i-handle, mga bagay na alam kong mahihina ka, lalo na r'yan sa pag-ibig na 'yan, hindi ko kaya..." I looked at her, and wiped all my tears. "H-hayaan nating patunayan n-ni Khirro 'yong s-sarili niya... please..." hikbing saad ko at halos wala nang boses muling binigkas ko ang mga ito. Napahawak siya sa kaniyang sentido. "Okay, as your very best friend and a sister... I'll support you. I will be there for you. Sige, papayagan ko na si Khirro, hahayaan ko nang patunanyan 'yong sarili niya sa 'yo," she admitted, and all I can feel right now is hapinnes. "Pero... 'wag na 'wag kang lalapit sa 'kin, kung nagkatotoo 'yong sinabi ng mga tao, na kung sinaktan ka ni Khirro, 'wag ako ang lapitan mo. Hindi ako nagkulang na sabihin sa 'yo at protektahan ka sa mula sa lalaking 'yon," she added that made me burst into tears. "S-sabi mo susuportahan n-na?" She smiled. Pumunta siya sa kama ko, at inayos ito. "Oo nga, pero 'wag ako ang lapitan mo. Hindi ko kayang makitang umiiyak ka ng dahil sa lalaking 'yon, at sa akin mo sasabihin ang mga bagay na pinanghihinayangan mo," she stated seriously. "Magpahinga ka na, ang pangit mong umiyak, g*ga." Simula ng gabing iyon naging magaan na ang loob ko dahil alam kong kahit papaano ay masusuportahan na ako ni Iyah sa mga bagay na gusto ko at alam kong nandiyan lang siya para sa akin, para parangalan ako. Naging okay na ang trato sa akin ni Iyah mula ng araw na iyon. Mas naging strict siya sa t'wing bumibisita sa dorm si Khirro ultimo pagpasok sa loob ng dorm ay hindi niya pinapayagan. Naiintindihan ko naman siya kaya hindi na ako tumutol pa, naiintindihan din ni Khirro iyon kaya okay lang sa side n'ya na ganoon ang set up naming dalawa. Sa halos na dalawang buwan na lumipas, talagang pinatunanyan sa akin ni Khirro kung gaano niya ako kagusto. Kung gaano niya pinatunayan sa akin ang mga bagay na para sa akin, ay gano'n din ang nakukuhang tiwala ko mula kay Iyah. Nakukumbinsi ko na siya na iba si Khirro sa mga sinasabi ng tao, at talagang pinapatunayan niya 'yon. Sa loob ng dalawang buwan na iyon, talagang hindi nagkulang na iparamdam sa akin ni Khirro ang lahat. Hatid at sundo niya ako mula sa eskuwela, kahit break time ay dinadalan niya ako ng snacks sa room namin, sabay din kami kung minsan mag-lunch dahil medyo busy din siya as the president ng SSG, palagi rin kaming lumalabas every weekend o 'di kaya'y kapag may parehas kaming free time. Sa araw-araw na pagkikita namin, palagi niya akong inaabutan ng bulaklak, na halos mapuno na ang study table ko sa dorm dahil hindi ko na alam kung saan pa ito ilalagay. May mga oras din na palagi kaming magkausap sa text or call, na minsan inaabot pa ng madaling araw. Mga pangyayari na hindi ko lubos mawari na nangyayari na pala sa akin, at kay Khirro ko pa mismo nararamdaman ang lahat ng ito. Na kung dati, abot tingin ko lang siya, minsan ko lang din nakikita, at kung minsan ay talagang hindi ko pa nakikita. Ngayon, halos hindi ako magsasawang makita siya, lalo pa't isa ko na siyang manliligaw. Sa mga oras, araw, at buwan na nagdaan talagang pinatunayan niya na iba siya sa mga naririnig ko sa mga bulungan ng tao, na iba siya sa mga bagay na sinasabi ng tao at masaya ako kasi ako lang ang nakakakita n'on, at ako rin ang magpapatunay n'on sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD