CHAPTER 43

2083 Words
Kasalukuyan kong hinihintay ang teacher namin sa Oral Communication in Context o ang tinatawag na lang namin na Oral Comm. Hindi naman gaanong boring ang teacher namin sa subject na iyon kung talagang nakikinig o may interest ka sa tinuturo niya. Karamihan kasi sa mga classmates ko ay tinutulugan ang subject na iyon, at hindi 'yon pinapansin ng teacher namin. Habang si Iyah ay tinotoo na ang pagshi-shift ng strand. Sinabihan ko pa siya na sa second semester na lang lumipat pero nanaig ang kagustuhan niyang makasama ang crush niya sa STEM-II. Hindi ko na siya pinilit pa at hinayaan na lang. Sa t'wing may umaalis sa section namin ay siya ring pagdating ng isang tao. Pinalipat ng teacher namin sa GenMath na si Mr. Gomez si Denise sa section namin dahil may nakikita raw siyang potential sa batang iyon. Ang dati niya kasing section ay ABM-III, at halos siya lang daw ang nakikipag-cooperate sa section na iyon, kaya napagdesisyunan ni Mr. Gomez na ilipat siya sa section namin, at hindi nga nagkakamali si Mr. Gomez dahil napaka-competitive at active niya sa bawat klase. I checked my wristwatch and it was 10:15 AM. Halos limang minuto na lang bago dumating ang teacher namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Denise. Absent na siya kanina sa first subject namin, at tinext niya ako na hindi siya makakapasok, pero sinabi niya na makakahabol naman daw siya sa second subject. Kukunin ko na sana ang cellphone ko, nang maramdaman kong may bagong dating sa tabi ko na para bang hapong-hapo na akala mo'y daan-daang kilometro ang tinakbo nito, na kung tutuusin ay malapit lang naman ang dorm niya sa campus na ito. "Shut*ngina, akala ko hindi na ako makakaabot g*gi!" hingal na saad niya at padabog na umupo sa upuan. I chuckled. "E, saan ka ba kasi galing at parang hangos na hangos ka?" Tumawa siya nang bahagya na siya kong ipinagtaka. "Kilala mo naman 'yong pinsan ko 'di ba? K*ngina girl, nagpahabol lang namin kami sa barangay kagabi!" tumatawang ani niya, na para bang isang malaking achievement 'yon sa buhay niya. I stopped. I literally stopped. Maang lang akong tumitig kay Denise habang siya ay tumatawa. Napansin niya naman agad iyon. "Hoy bruha, okay ka lang?" Umiling-iling ako kasabay ng pagtango. "Yeah, I just remembered something." She snorted. "Sus 'yang mga remember remember na 'yan may magandang kuwento iyan e, spill mo naman!" eskandalosang sabi niya. Kahit kailan talaga, hindi ako nanalo sa lakas ng bunganga niya. Minsan kung bumulong pa siya, halos normal na pananalita ko pa lang. Nginiwian ko na lang siya habang inaalala ang kalagayan ni Sebi ngayon. Nalaman na kasi ng mga magulang niya na hindi siya straight at hindi niya matanggap ang katotohanang hindi siya kayang suportahan ng mga magulang niya. Two days na siyang absent at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kaniya. Naputol ang pagmumuni kong iyon nang pumasok na si Ms. Dalia sa room namin na halata sa itsura niya ang pagkainis. "Good morning class," iritableng saad niya. "Good morning, Ms. Dalia!" masayang bati naming lahat kahit pa unti-unti nang sumisibol ang kaba sa aming mga dibdib. Kapag kasi ganitong iritable ang prof. namin, at kapag lalo siyang nairita sa amin, magpapa-quiz siya ng walang pakundangan at ang masaklap pa n'on ay pang next week na topic ang ipapa-quiz niya. Ang dahilan niya minsan kapag kami ay nagrereklamo, "All of you, should know how to advance reading! It will help you a lot in your future!" Tss. Hindi lang naman siya 'yong teacher na nag-aadvance reading kami, sadyang pang next week 'yong topic kaya hindi namin inaaral! "So going back, what did we tackled about our last meeting? Anyone?" pagtatanong niya at agaran naman kaming nagsipagtaasan ng kamay. "Okay, Ms. Laurette?" pagtatawag niya kay Denise. Dali-dali namang tumayo si Denise at sumagot, "We tackled about the Elements of Communication which is, the basic communication that consists of five components," she proudly said. "Okay nice!" may ngiti ani ni Ms. Dalia at isa lang ang ibig sabihin nito, paunti-unti ng nagiging okay ang mood niya. Basta nakakasagot ka lang sa mga tanong niya. "And what are those five components?" tanong ulit niya. Nagsipagtaasan muli ng kamay ang iba kong kaklase. "Okay, Mr. Garcia?" Lorencio Garcia, isa sa mga kaklase kong lalaki na may ibubuga pero kadalasan ay bulakbol lang din ang ginagawa niya. "The five components of communication are the sender and receiver, the medium, contextual factors, and the feedback po Ms." masayang saad nito, pero tinarayan lang siya ni Ms. Dalia. "Okay good. But how important these five components in our communication?" Halos dadalawa lang kami ni Denise ang nagtaas kaya ako ang tinawag ni Ms. dahil natawag na kanina si Denise. "Okay Frakier." I stood up, proudly. "These five components of communication is important because each component is affected by their many variables and varies across the situation. In addition, it's essential that the communicators take the time and effort to plan and target their messages carefully." "Okay, nice." Nagtuloy-tuloy ang pagtatanong sa amin ng teacher namin, at nagpaliwang na rin siya ng kaunting introduction sa susunod na topic namin which is Nonverbal and Verbal Communication. Magpapa-quiz pa sana siya, pero hindi na niya natuloy dahil nag-ring na ang bell, hudyat na lunch break na. Halos magkandahiyawan ang mga kaklase ko at pati na rin ako, dahil hindi natuloy ang quiz namin. "Okay guys, prepare for our next meeting. We will be observe by our board of directors. I don't know what exactly the date but please cooperate and study the Nonverbal and Verbal Comm. that's all. Have a nice lunch guys." Pagkasabi na n'on, ay tuluyan na siyang umalis kaya halos lahat ng kaklase ko ay kinabahan. Board of directors 'yon! "Grabe naman sh*ta, required ba na kapag papalapit na finals magiging hell week talaga?" ani ng isang kaklase ko na si Kris. "ABM pa," pang-aasar ng kaibigan niyang si Jonah. "'Pag hindi kinaya sa ABM, tara na't magtinda na lang ng fishball sa daan!" ani ni Carlo. Halos lahat kami ay nagtawanan sa sinabi niya. "Mauna ka, please," gatong naman ng isa niyang kaibigan na si Andrew. Inilingan ko na lang sila, at maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Khirro. "Hi my precious, I can't be with you this lunch. I'm so f*ckin' busy, hope u understand it. I love you." Hindi ko alam kung ano ang nakakangiti sa nabasa ko pero hindi ko mapigilan mapangiti ng dahil dito. Damn this guy! Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag dahil naiintindihan ko naman iyon, at dahil siya rin naman ang president ng SSG kaya natural lang din na maging busy siya araw-araw. Bonus na nga lang kung palagi niya akong sinisingit sa time niya. I replied. "It's okay. Don't forget to eat your lunch on time. Eat well." Akmang itatago ko na sana ang telepono ko nang mag-vibrate ulit ito. "Where's my I love you?" insert the pouty face. Maang naman akong napatawa sa sinabi niya. In almost two months, I didn't say I love you to him. I just feel like it's not necessarry because he still courting me. I want to save my ily's to him if we're official and I think that's more sweet. Well, I guess so. I instantly replied. "Malapit na. Can you wait a little more? It takes time Khirro." Nakagawian na namin ni Khirro ang hindi paglalagay ng emoji sa mga tini-text namin, bagkus palagi na lang namin inilalagay ang salitang insert the minsan pa nga ay tinatawanan na lang namin ang bawat isa sa mga kabaliwang aming ginagawa. Hindi ko na hinintay ang text niya at nagsimulang ayusin ang gamit ko para bumaba. "Hoy t*nga! Halika na!" pagtatawag ko kay Denise na abala sa kaniyang ginagawa. Kadalasan kasi ay hinihintay niya lang ako na masundo ni Khirro at sasabay siya sa amin. Ang ibang students ay nasasabihan na siya na third wheel pero hindi niya pinapansin iyon. Sinamaan niya lang ako nang tingin, at kumawit sa braso ko papalabas. "Nasaan bebe mo? Hindi ka ata sinundo ngayon?" intrigang tanong sa akin ni Denise habang papunta kami sa canteen. "Busy pa raw e," pag-amin ko. She scoffed. "Sus baka iba na ang pinag-aabalahan ha." Hinampas ko siya nang bahagya na siya namang nagpatawa sa kaniya. "Alam mo ikaw minsan hindi ko alam kung boto ka ba kay Khirro o ano, hanep ka e." She smiled. "Siyempre boto ako roon 'no, basta sa ikasasaya niyo mga sh*ta kayo." Nang makarating sa canteen, umupo kami sa dati ko na ring inupuan no'ng unang pasukan. Palagi rin naman itong bakante, kaya akala ng estudyante ay kami lang ang p'wede umupo rito. Agaran namang umalis si Denise at bumili na ng pagkain namin. Hindi na ako nag-atubili at tinext si Iyah at Suze. "Sabay ka ngayong lunch?" I texted Iyah. Mga ilang minuto rin ang nakalipas ay tumunog na rin ang aking telepono. Isang message galing kay Iyah. "Sorry I'm busy b*tch, sabay na lang tayo uwi mamaya. Nandito rin kasi crush ko girl!" Nang mabasa ko ang text niya ay inilingan ko na lang ito, at nagtipa ng mensahe para kay Suze. Nag-alinlangan pa ako kung itutuloy ko, kadalasan kasi ay hindi na siya sumasabay sa amin, pero gusto ko pa rin siyang makasabay kahit ngayon lang. "Hoy! Kumusta life? Sabay ka ngayong lunch, please." Ilang minuto rin ang nakalipas at nakatanggap na rin ako ng mensahe mula sa kaniya. "Sorry Kay. Busy ako ngayon. May biglaan kasing reporting e, bawi ako next time." Hindi ko maaakila na nalungkot ako, dahil hindi ko na naman siya makakasabay ngayong lunch. Palaging reporting ang dahilan niya o 'di kaya'y paminsan-minsan ang sinasabi niya ay nakapag-lunch na siya. Pero namamataan ko siya minsan na late kumakain sa canteen at binibilisan niya para hindi mahuli sa klase. Alam ko namang iniiwasan niya ako pero hindi ko matanggap na hahantong na lang kami sa ganito. One of these days, I'll talk to him. Mga ilang minuto muli ang lumipas at dumating na si Denise na may dalang order namin. Hindi na niya ako tinanong kanina dahil alam naman niya ang palagi kong ino-order. She scoffed. "Ikaw na naman kasama ko? Wala ng iba?" prangkang tanong niya na para bang sawang-sawa na ako ang kasama. Sinamaan ko lang siya nang tingin, at nag-umpisa ng kumain. Maya-maya ay binuksan niya ang topic patungkol sa amin ni Suze. She sighed. "Mars, nakausap mo na si Suze?" Hindi naman ako tumingin sa kaniya at pinagpatuloy na lamang ang aking ginagawa. "Hindi pa rin, lagi raw busy e." "Feel ko 'yong pain na nararamdaman niya, grabe 'no. Siya 'yong unang umamin, ta's siya pa 'yong hindi unang sumubok. Ang bagal din kasi," panghihinayang na saad niya, pero alam ko namang kinokonsensiya niya ang utak ko. Ganiyan si Denise, akala mo mabait pero nasa loob ang kulo. Lakas maka-guilt trip hanep. Sinamaan ko naman siya nang tingin, at maang siyang napatingin sa akin. "Oh, bakit? I'm just telling the truth." I snorted. "Telling the truth your face. Guilt trip pa ha, guilt trip pa," prangka kong sabi na siyang nagpangiwi sa kaniya. Namayani ang saglit ang katahimikan sa pagitan namin, maya-maya ay nagsalita siya. "Bakit kasi hindi siya?" Tinapos ko ang pagkain at tinignan ang aking relo. Ten minutes na lang tapos na ang lunch namin. Hindi ko siya sinagot, at nag-umpisang ayusin ang lamesa at gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga ito, niyaya ko na siya papunta sa next subject namin. Habang naglalakad narinig ko siyang bumontong-hininga. "I want to know your reason, una talaga kay Suze na ako e. Ewan ko ba sa 'yo at ba't mo pinayagan 'yang president ng SSG, e—" I halted her. "Wala akong ibang nararamdaman kay Suze kundi kaibigan lang, ang unfair naman sa side niya kung papayagan ko siyang manligaw sa akin gayong wala naman akong nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yong pagkagusto niya sa akin, kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya umabot sa puntong iyon. Nag-umpisa kami ng magkaaway, walang araw na hindi kami nagbabangayan. Kaya hindi ko alam, paano, at saan nanggagaling ang nararamdaman niya para sa akin." Tahimik lang siyang nakikinig at sakto namang nasa room na kami kaya pumunta na kami sa dati naming p'westo malapit sa bintana. Inayos ko ang mga gamit ko, at naramdaman naman niya na wala na akong sasabihin kaya nagtanong muli siya. "E, bakit hindi nga siya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD