CHAPTER 44

2478 Words
I looked at her with creased forehead. "Wala nga akong nararamdaman sa kaniya, kundi kaibigan lang." Tumango-tango naman siya at nagtanong muli. "Pero kay Khirro, mayroon?" Nanlulumo akong tumingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung slow ka o, sadyang hindi ka talaga maka-gets," prangka kong saad. She just rolled her eyes. I sighed. "Yes... ever since we met." Maang siyang napatingin sa akin, at humawak siya sa dalawang balikat ko na para bang gulat na gulat. "Shut*ngina nagkita na pala kayo dati pa?!" gulat na gulat na ani niya, at kasabay n'on ang paglaki ng kaniyang mga mata. Sasagot na sana ako sa kaniya nang pumasok ang teacher namin sa FABM, na si Ms. Karen. Nanghihinayang naman siyang binitiwan ako at kinuha na ang mga gamit niya na gagamitin sa FABM. "Kuwento mo sa 'kin later, sh*ta ka! Nagkita na pala kayo before!" pahina na pahinang saad niya. Dahil nag-uumpisa nang namayani ang katahimikan sa buong lugar. Kapag si Ms. Karen na ang kaharap namin ngayon, halos lahat kami ay tumitiklop. Kilala kasi siya bilang terror na prof. pagdating sa pagtuturo niya at kami mismong magkakaklase ay napatunayan iyon. May awra siya na hindi mo malaman kung bakit niya pinapakita, minsan tumatawa o ngumingiti siya pero bilang lang iyon sa isang linggo! Kadalasan kasi ang pinapakita niyang ekspresyon ay seryoso. Kaya kahit may mga nakakatawa na nangyayari sa loob ng room na iyon, makita mo lang ang seryoso niyang mukha kusa kaming titigil sa pagtawa. Magaling siyang magturo, at naiintindihan namin iyon. Paminsan-minsan naman ay sadyang mabilis niyang tinuturo ang lesson, na kahit kaming dalawa ni Denise ay hindi agad nakakasunod. Naalala ko nang minsang ituro niya sa amin 'yong lesson na Analysis and Interpretation of Financial Statements, halos 30 minutes niya lang 'yon itinuro na dapat ay 1 hour and 30 minutes. Sa dinami-dami niyang sinabi na iba't-ibang terms, ang naalala ko lang ay 'yong salitang stability of the business. Kaya 'yong kaklase kong si Carlo ay nakiusap kay Ms. Karen na kung p'wede raw ay ulitin niya ito. Kaya no'ng araw na iyon, halos magsalubong ang mga kilay niya sa amin, at kami pa 'yong napagalitan dahil ang babagal daw naming makaintindi. Kaya noong nagpa-quiz siya ng araw na iyon, lahat kami ay hindi nakapasa sa quiz niya. Naramdaman ko namang paulit-ulit akong kinakalabit ni Denise kaya maang akong napatingin sa kaniya. "Girl, tingin ka sa kanan mo!" parang takot na takot na ani niya. Tumingin ako sa kanan ko at halos lumabas ang puso ko sa sobrang kabang naramdaman ko nang makita si Ms. Karen na nasa tabi ko, at seryosong nakatingin sa akin. She looked at me with her serious face. "Day dreaming at the middle of my class, Ms. Frakier, huh?" she sarcastically said. "I j-just... I-I'm sorry Ms." I stuttured with so much nervousness. Tumayo naman siya at pumunta muli sa harap. "Stand up, Ms. Frakier!" nanggagalaiting saad niya, pero hindi man lang nagbabago ang ekspresiyon niya. Seryoso pa rin ito, kahit may nararamdaman na akong tensiyon sa pagitan naming dalawa. Dahan-dahan naman akong tumayo, at nakayuko lamang ako sa sobrang hiya. This is just my first time! Sana hindi ako gisahin, hindi pa naman ako nakapag-review! "Girl, calm down. I'm here," rinig kong bulong ni Denise sa akin. Ngunit sadyang malakas talaga ang pandinig ni Ms. Karen kaya pati siya ay napansin nito. "Care to share to us what you whispered to Ms. Frakier, huh? Ms. Laurette?" she said in monotone voice. Tumungo lang si Denise at hindi pinansin ang sinabi ng prof namin. Ilang segundo lang din ang nakalipas at bigla muli siyang nagsalita. She diverted her gaze at me. "If you didn't answer my question, feel free to leave my class and spend it outside and continue your day dreaming, understood?" she stated in the most serious tone. Halos manlambot ang tuhod ko ng marinig ko ang tanong niya. "Will you explain to us how to calculate the gross taxable income?" Ang alam ko pahapyawan ko siyang nabasa no'ng isang gabi, dahil pang next week na topic pa ito, kaya hindi ko siya binasa ng buo! Halos lahat ng kaklase ko ay napasinghap sa tanong ni Ms. Karen, marahil alam din nila na pang-next week pa ang topic na iyon. I heard multiple curse of Denise beside me. "Shut*ngina! nabasa ko 'to, ano nga ba 'yon? Shuta, shuta, utak gumana ka," Denise whispered while snapping her fingers. Tumingin naman sa gawi ko si Ms. Karen at halata ang pagkainip sa mukha nito kakahintay sa sagot ko. Ano ba 'yon, paano nga ba kino-compute 'yon, tsk. Bahala na basta 'yong natandaan ko na lang! "Uh, ano po, ah. T-the gross income, is... is s-subracted by the adjustments from your t-total income... Ah, it is the next s-step to figure out the t-taxable income, and t-then we subtract some certain deduction f-from our gross income, t-then the resulting amount of it, is the t-taxable income on which our taxes are calculated..." I stuttered when I recite those words, because I don't have the certainty with my answers. G*gi hindi ko alam kung tama 'yon, hanep! Tumingin naman ako sa gawi ni Ms. Karen at nakita ko siyang bahagya tumango-tango bago muling pumunta sa desk niya at kalikutin ang kaniyang laptop. "Okay, nice answer. You may now seat." Halos sambahin ko ang lahat ng santo sa kapapasalamat dahil naging tama ang sagot ko, narinig ko rin ang mga kaklase ko na bahagyang mabunutan din ng tinik sa dibdib katulad ko. Pagkaupo ko narinig ko na bahagyang bumulong sa akin si Denise. "G*ga ka, buti na lang nasagot mo," she whispered. Tinapik ko na lang ang kamay niya, at hindi ito pinansin. Payapa na lang kaming nakinig kay Ms. Karen habang tinuturuan kami patungkol sa Accounting Practice Set. Hindi naman ito masiyadong mahirap intindihin, dahil patungkol lang naman ito sa mga term na steps sa accounting cycle sa pag-prepare ng mga documents, analysis, and intepretation of finacial statements. Naging maayos ang daloy ng klase, pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang kalituhan sa mga tinuturo ni Ms. Karen, kaya nang matapos ang klase namin sa kaniya halos lahat ng kaklase ko ay napasapo sa ulo, sa kalituhan na naramdaman nila. "Grabe! Hindi ko na 'ata kaya ang Accounting!" rinig kong palahaw ni Denise at pasalampak na sumandal sa kaniyang upuan. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko at inilingan na lamang siya. Magtatanong pa naman siya sa akin about sa naging recite ko nang bigla ng pumasok si Mr. Obligar ang teacher namin sa Earth Science. Naging maayos din ang naging daloy ng klase kay Mr. Obligar, dahil magaling siyang magturo at marunong pakisamahan ang mga estudyante. Halos lahat naman ng subject teacher namin ay ganoon. Pero minsan may mga bagay pa rin na sa amin nila naibubunton ang kanilang mga inis kaya hindi rin naman maiwasan ang mainis sa kanila. Sa araw na ito wala akong masasabi kundi pagod, malapit na kasi ang finals namin at kailangan talagang maging subsob sa pag-aaral. Naging maganda rin naman 'yong result ng mid-term exam namin no'ng nakaraang buwan kaya wala na kaming problema sa mga 'yon. Ngayong finals na lang talaga ang kailangan namin intindihin, at pagkatapos n'on at sem-break na namin! Hindi ko pa alam kung uuwi ba ako sa amin, o sa dorm ko na lang sasalubungin ang pasko at bagong taon. Pero gusto ko pa rin makasama ang pamilya ko, lalo pa't sa t'wing nagpaplano ako na pupunta sa kanila ay hindi natutuloy. Bibihira na lang din akong makatawag sa kanila dahil sa subsob na pag-aaral o 'di kaya ay minsan busy ang line ng mga telepono nila. Marahil ay may inaasikaso sila na importante, kaya bihira na lang din nila akong matawagan. I miss them so much. Kakalabas ko pa lang ng room nakita ko na si Khirro na may malaking ngiti na papunta sa gawi ko. "Bebe mo, blooming na naman," rinig kong pang-aasar sa akin ni Denise kaya hindi ko naiwasan na ngusuan siya. Halos lahat din ng kaklase ko ay inasar ako na ultimo pati ang mga lalaki ay kinikilig. Nang nasa harap ko na siya, hindi ko mapigilang mahawa sa ngiting ibinibigay niya. May inabot siya sa akin na isang bulaklak at malugod ko naman itong tinanggap. He hugged me, and whispered, "I miss you so much. I love you." Napangiti na lang ako sa sinabi niya, at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa inasal niya. Hanggang ngayon na halos dalawang buwan na siyang nanliligaw sa akin ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala, na hanggang ngayon akala ko nasa panaginip lang ako pero ilang beses ko na ring kinurot at sinampal nang bahagya ang sarili ko, pero totoong nasa reyalidad talaga ako. Some people say, why I haven't answered him yet, and alam din nila kung gaano ko kagusto si Khirro. Ewan ko ba at gusto ko munang maranasan ang panliligaw sa akin bago sagutin siya. Palagi ko na lang sinasabi sa mga nagtatanong sa akin na, "We will be there at that point, and I can't wait to spend the rest of me, with him." Narinig ko naman ang bahagyang pagtikhim ng isang tao sa likuran ko, at nang lingunin ko ito hindi ako nagkakamali na si Iyah ito. "Hapon na hapon ang gaganda ng ngiti ah," sarkastikong saad niya, pero mahihimigan ang pang-aasar sa boses niya. Tumawa naman si Denise. "Paano naabutan na naman ng flowers," kinikilig na saad ni Denise. Habang naglalakad sa hallway, at habang nakaakbay sa akin si Khirro biglang nagtanong si Iyah sa naging araw ko. "Kumusta? Ano naging araw mo?" tanong ni Iyah, at bahagyang dinunggol ang balikat ko kaya mas lalo pa akong napalapit nang bahagya kay Khirro. Tumingin naman ako sa gawi ni Khirro na nasa tabi ko at maang lang siyang tumawa. Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Denise. "Ay na ko 'te! Grabe 'yong ganap kanina sa FABM, paano ba naman kasi itong lola mo, kung ano inisiip nakailang tawag na si Ms. Karen sa kaniya pero hindi pa rin natitinag. Ayon bahagyang nagisa, buti na lang may naisagot siya." Naramdaman ko naman ang titig sa akin ni Iyah at Khirro, kaya bahagya akong napatungo dahil sa sumisibol na hiya sa nararamdaman ko. "What happened, are you sick or something?" tanong ni Khirro at bahagyang hinawakan ang noo ko. I smiled. "Hindi naman, sadyang naalala ko lang talaga 'yong mga pangyayari no'ng mga nakaraang araw kay Ms. Karen." "You mean the biglang quiz na sinasabi mo sa akin?" tanong muli ni Khirro. "Yeah, ewan ko ba at naisip ko 'yon." Bahagya akong tumawa para maging magaan muli ang atmosphere sa pagitan naming lahat. Ba't hindi kasi mapigilan ni Denise, bunganga niya, tch. Nang makarating na sa main gate, ay tumigil si Khirro at humarap kay Iyah. "Ah, Sakiya, I just want to invite Klaire for a dinner date, because I want to spend my sucess with her. I mean my reporting earlier was a succesful one, and I want to be with Klaire... is it okay?" tanong nito kay Iyah, at mahihimigan talaga ang kaba sa boses niya. Minsan na rin kasi siyang hindi pinayagan ni Iyah, dahil busy ako ng mga panahon na 'yon, pero bumawi naman ako no'ng sumunod na araw. Si Iyah na ang parang tumatayo kong guardian, pagdating sa mga ganito lalo pa't hindi alam ng mga magulang ko na may nanliligaw na sa akin. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanila, pero alam ko sa sarili ko na aabot din kami sa puntong iyon. Hindi pa rin ako napapakilala ni Khirro sa mga magulang niya, at naiintindihan ko naman iyon. Iyah smirked. "E, may magagawa ba naman ako? Baka pag 'di ako pumayag, magkaroong ng war sa dorm," sarkastikong saad niya, pero may halo itong biro. Narinig ko naman na bumulong si Khirro. "Yes!" "P'wedeng sumama?" tanong ni Denise na siya namang nagpatawa kay Khirro. Hinawakan naman siya ni Iyah sa tenga at pahigit na inalis sa harap namin si Denise. "G*ga ka, date 'yon. Gagawin mo pang third wheel sarili mo." Nagkatawanan naman kami ni Khirro ng dahil sa inasal nila. "Enjoy!" pahabol na saad nilang dalawa bago sila umalis. Pumunta naman kami sa parking lot, at inalalayan akong makasakay ni Khirro sa front seat. "I love you," he whispered. Hilig na hilig niya ang pagsasabi ng I love you sa akin, at kung minsan ay sinasamahan niya pa ito ng pagdampi ng halik sa noo. At aaminin ko na sa t'wing ginagawa niya 'yon, ay kinikilig ako at ramdam ko na nabubuhay muli ang mga paro-paro na namumuhay sa kalooban ko. Yumuko naman ako at ngumiti, ramdam ko na naman na namumula ang pisngi ko at patuloy pa rin siyang nakatingin sa akin, habang nakasakay na siya sa driver seat. "Where's my I love you too?" he said and I know that he's pouting like a child, even if I don't see him. Tumingin naman ako sa kaniya nang may malalapad na ngiti. "Malapit na, tara na nga." He grinned. He started the engine, and drive peacefully. "Ah, is it okay with you if I'll send you home, and pick you up again at 5 PM?" I smiled. "Yeah sure, dapat pala sinabay na natin sila Iyah e." "Yeah I forgot, I'm just excited to be with you. I'm sorry," he stated and he really say sorry at me. "It's okay and by the way congrats! You mentioned earlier that your reporting was a succesful one, right?" pag-iiba ko sa usapan. He smiled. "Yeah and it is beacuse of you, I'm just thinking you for the whole time and I guess that help me to delivered my report successfully." Sumusulyap siya sa gawi ko habang nakangiting sinasabi sa akin iyon. Nakangiti lang naman ako na tinutuon ang atensiyon sa kaniya habang siya ay nagkukwento. Sa mga oras na iyon, wala na akong hihilingin na kahit na ano pang saya. Dahil nakakasama, at nahahawakan ko na ang matagal kong inaasam simula no'ng bata pa. Makikita sa mga mata niya ang labis na saya sa t'wing kasama ako at gano'n din ako, halos puro kilig at saya ang nararamdaman namin sa isa't-isa sa t'wing magkasama. Nagiging bonding na rin namin together and pag-de-date sa t'wing may successful na nangyayari sa kaniya at pati na rin sa akin na patungkol sa acads, o kahit ano pa, at palagi kong sinasabi sa kaniya kung gaano ako ka-proud na kasama siya habang paunti-unti kong inaabot ang pangarap ko at kung gaano ako ka-proud na paunti-unti niya ring naabot ang pangarap niya kasama ako. We were happy at the accompany of each other, but I'm just really wondering, what will happen If I proved that Khirro and the person in my past are the same? Will I able to say it to Khirro, and will he still remember me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD