CHAPTER 45

2225 Words
We are now seating on a couch in one of the most expensive Italian restaurant here in Harmown Town. I just wore a white fitted top and barclay jeans and I partnered it with my two inches sandals. Nagdala rin ako ng isang maliit na pouch para may paglalagyan ang wallet at ang cellphone ko. Actually, Iyah was the one who decided my outfit today. Hindi na lang ako tumangggi dahil 'yon naman palagi ang role niya sa t'wing may date kami ni Khirro. He ordered Chicken Easy Parm, Spaghetti and Meat Ball, and the Airfryer Pizza, and he ordered some drinks. Hindi ko pa nga lubos alam lahat 'yon kung hindi niya inisa-isa sa akin. Tch. Nagmumukha tuloy akong inosente sa harap niya. We are peacefully eating when he suddenly speak. "How's your FABM thingy that your friend mentioned earlier?" Kanina ko pa gustong ikuwento sa kaniya, kaso nahihiya akong mag kuwento lalo pa't baka 'pag nagsalita ako, e pagtingan ako ng mga tao. Grabe napakayaman kasi ng resto na 'to. I leaned forward at him. "Mamaya ko sasabihin," I whispered. He just laughed softly and shook his head. Sa t'wing nagtatanong kasi siya sa akin, ganoon ang ginagawa ko. Ewan ko ba sa sarili ko at conscious na conscious ako sa ibang tao. Feel ko tuloy 'di ako bagay sa lugar na 'to. "Why are you whispering? You can tell it to me right now," he stated it with well-manner voice. Nahiya naman ako sa boses kong kaunting buka, pandigma na. Wala akong nagawa kundi ang ikuwento na lang sa kaniya. "Kanina kasi... ewan ko ba kung ano'ng nangyari," I joked. Pero mukhang hindi niya 'yon naintindihan kaya pinagkunutan niya lang ako ng noo. I laughed. Napatakip pa ako sa bibig ko nang napalakas ko ito. Khirro just shook his head, and continued eating. "Sorry." And I peace sign at him. "It's okay, continue." Grabe magbago ng mood ang isang 'to, kani-kanina lang ang sweet ta's ngayon, bumalik na naman 'yong aura niya na parang ang seryo-seryoso. Tch. "Ewan ko talaga kung ano 'yong nangyari, basta nagulat na lang ako na nasa tabi ko na 'yong subject teacher ko. At buti na lang talaga nakasagot ako, e, ang tinanong pa naman niya sa akin na topic is 'yong pang next week pa." I pouted. Sumbong ko na parang bata. He just forms a small smile on his lips. Wala namang nakakangiti sa sinabi ko, hanep 'to! "Well, congrats. Next time don't daydreaming in the middle of your class, just focus and be attentive," pangangaral niya sa akin, pero hindi ko na lang pinansin. Minsan lang naman mangyari sa akin 'yon, tch. Ako naman ang nagtanong. "'Yong report mo, kumusta?" "I told you already, I passed it because of thinking you," straight-forward na saad niya, kaya bahagya ako nabilaukan at dali-daling kinuha ang tubig na malapit sa akin. Inabutan niya naman ako ng tissue. "Why? Sabi ko dahan-dahan mo lang ang pagkain niyan e," nakakunot ang noo na saad niya. Iyon naman talaga ang ginawa ko, nabilaukan ako sa sinabi niya! Hindi ko na lang 'yon pinansin at pinagpatuloy niya ang pagku-kwento sa akin. "It was a smooth report because Ciara help me doing that, well, she's my partner." Oo nga pala, lumipat din pala ng strand si Ciara. Hindi ko alam ang dahilan niya at bibihira na lang kami mag-usap kaya hindi ko naitanong sa kaniya. Sa t'wing nakakasalubong ko naman siya, hindi niya ako napapansin o 'di kaya ay minsan napapansin niya ako, pero may kausap sa telepono. Wala rin naman ako ng number niya kaya hindi ko siya ma-text o matawagan. Hindi ko rin siya mapuntahan doon sa room nila Khirro, dahil bihira lang ako pumunta roon at hindi ko pa siya naabutan. I just missed her, to bond with her. Someone snapped in front of me. "Hey, you're spacing out. What is bothering you?" I shook my head. "Wala naisip ko lang si Ciara, hindi na kasi kami nagkakausap." Hindi siya umimik at pinagpatuloy na lang namin ang aming kinakain. Naging maayos naman ang naging dinner date namin, at nagulat pa ako ng malaman ko 'yong bill ng mga kinain namin. Sabi ko pa naman sa sarili ko mag-aambag ako, kasi kadalasan si Khirro ang lahat ng nagbabayad ng mga date na ginagawa namin. Siguro hanggang drawing na lang 'yon. Bawi na lang ako next time. We are now walking in the middle of the night, with a chip in my hand, enjoying the cold breeze air, and looking at stars in the sky. He holds my hands and intertwined them. "Hey, what's bothering you?" He sounds concerned. I shook my head. "Wala nga, 'di lang ako makapaniwala na ikaw 'yong kasama ko. I mean long time crush kita 'no! Ta's hindi ko naman in-expect na liliwagan ako ng crush ko." He smiled. "Did you put some gayuma in my food, when we first met in my restaurant?" pang-aaslakang asar niya. Tinapunan mo naman siya nang isang masamang tingin. "Lakas trip ha, hindi por que may gusto ako sa 'yo ng time na 'yon e gagayamuhin na kita. Duh, I do not even know how to confess my feelings for you." Hindi siya umimik at bahagya lang na natawa. I chuckled. "Alam mo minsan, naiisip ko na marami pang p'wedeng mangyari," I said looking to the peaceful sky. "Like what?" Naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko. "We're just 19 years old. Mahaba-haba pa 'yong lalakbayin natin para maabot 'yong mga pangarap natin. Maraming mga bagay na hindi natin aasahan along the process," I blurted out. I looked at him, and he just nodded. "Yeah, you have a point. And we need to strive hard to achieve our goal." I smiled. Sana lang nandiyan pa rin ako sa kaniya, kapag naabot na niya ang pangarap niya. "We're here." Ba't kasi ang bilis ng oras! Kanina lang nagtatawanan kami, ta's 10 PM na agad ng gabi. Nakakahanep 'yong oras e. "Tsk naiinis ako. Nakakainis 'yong oras! Ang bilis-bilis!" Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko lang siyang tumatawa at bahagyang umiiling-iling. "Hoy wala namang nakakatawa sa sinabi ko, ah?" He shook his head. "Yeah. I just can't stop laughing at your reaction. It looks like you really need to be with me every time, right?" 'Eto na naman uumpisahan na naman niya akong asarin. Napansin ko na sa dalawang buwan na nagdaan mapang-asar talaga siya. Wala yatang araw na hindi ako napipikon sa mga sinasabi niya. Tina-try ko rin naman makipag-asaran pero sadyang magaling lang talaga siya, at maraming reserved na pang-asar. Inismiran ko na lang siya at humalukipkip. Bababa na sana ako, nang hawakan niya ang kamay ko. "Hey! Where are you going?" nagtataka pa na saad niya. I rolled my eyes. "Duh, siyempre uuwi na. Ano sa kotse mo ako matutulog?" prangkang saad ko. Hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang bumaba. Sa sobrang inis ko padabog kong sinara ang pinto ng kotse niya. Hindi ko man din nabubuksan ang gate sa harap ko. Naramdaman ko ng may humatak sa palapulsuhan ko bigla. At mas lalo akong nagulat ng saktong pagharap ko sa kaniya, naglapat ang mga labi namin, at hindi ko 'yon inaasahan. He kisses me passionately with so much respect and love. I closed my eyes and let him on what he's doing. I could hear his fast breathing as long as my heart is pumping loudly as if there were a race inside my chest. I'm so f*cking nervous, with no apparent reason. He encircled his arms on my waist, and he even pull me closer to him. I suddenly grabbed his shoulders when he bit my lower lip. Naramdaman kong bahagya siyang ngumiti habang magkalapat pa rin ang aming mga labi. Unti-unti siyang humiwalay sa pagkakalapat ng labi namin, at hindi ko inaasahan na hahabulin ko 'yon, kaya bahagya siyang natawa. Hawak pa rin niya ako sa bewang at hindi mapigilan ang hiya. Grabe! para namang sa ginawa kong akto, parang gusto ko pa, hanep! Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga palad, at akmang tatalikod na sana sa kaniya pero mabilis niya akong nahawakan muli, naramdaman ko na lang na lumapat na ang kaniyang labi sa aking noo. Hindi iyon nagtagal at hinatak niya ako papalapit sa kaniya para yakapin. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko kaya hindi ko naiiwasan na makiliti. I hugged him back. "D*mn. I love you so much," he whispered. Napangiti naman ako ng dahil sa inasal niya, kahit may hiya pa rin akong nararamdaman sa kaniya. "I love you too," I mouthed looking at the sky with full of stars. Humiwalay siya nang pagkakayakap sa akin, and he kiss again my forehead. "I love you, I love you." Pinatagal niya 'yon ng ilang minuto, bago ako humiwalay sa kaniya. I smiled awkwardly. 'Yong inis na naramdaman ko kanina, napalitan agad ng mga nagwawalang mga paru-paro sa kalooban ko. I smiled once again. "Good night. See you tomorrow." Tuluyan na akong pumasok sa dorm, dala-dala ang hiyang kanina ko pa tinatago. Narinig ko naman na tumunog na ang makina na ng kotse niya at tuluyan nang umalis. K*ngina first kiss ko 'yon, g*go! Pagkabukas ko ng pinto ng dorm, nagulat pa ako nang makita si Iyah na prenteng nakaupo sa kama niya at seryosong nakatingin sa akin. Samantalang si Roxanne ay katabi rin niya pero mahahalata mo na gusto nang tumawa sa labis na pagpipigil niya dahil halata naman sa kaniya na namumula na siya. Kumunot ang noo kong tumingin sa kanila. "Why?" Dali-dali namang lumapit sa akin si Iyah at walang awa na hinablot ang tenga ko. "Malandi ka! Alalang-alala kami sa 'yo, ta's aabutan ka lang namin sa labas na may kahalikan!" Nagulat ako sa sinabi niya ay pabagsak niya akong nilagay sa kama ko. Narinig ko naman na tumawa si Roxanne at dali-dali ring lumapit sa akin. I heard Iyah's panting, but I didn't care with that. Ang sakit kaya ng tenga ko! Binatukan niya ako na siyang biglaang paghiga ko sa kama ko. Tinapunan ko siya nang masamang tingin, pero nilabanan niya iyon at inambahan ako muli. Tumayo na ako at humarap sa kaniya. "Hoy nakakailan ka na, ah! Masakit na!" Totoong namang masakit na, nakakailan na kaya siya. Una piningot tainga ko ta's binatukan pa ako nang malakas. She crossed her arms, ang look at me with so much irritation. "Bobo ka o tanga ka?!" Napasinghap ako sa sinabi niya. Narinig ko naman na natawa lang si Roxanne at iiling-iling na bumalik sa kama niya. Wala na siyang ambag kundi tawa! Lumabas si Iyah ng dorm at isa lang ang ibig sabihin n'on, gusto niya akong makausap ng masinsinan. Hindi na ako nag-atubili pa at lumabas na rin ako at nakita ko siyang nag-aantay sa gate. Babatukan niya sana muli ako pero dali-dali na akong umiwas. "Hey! You're so too much na! It's ouchie!" pag-iinarteng saad ko na siyang nagpakunot ng noo niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Lasing ka ba?" "G*go, nag-inarte lang, lasing na agad?! Paano gawain mo kasi!" Tumawa ako at humalukipkip sa harap niya. 'Di ko inaasahan na mababatukan niya ako kaya hindi ako nakailag. "'Wag mong ililipat ang topic sa 'kin!" Akmang babatukan niya ulit ako, pero lumayo na lang ako ng kaunti sa kaniya para 'di na niya ako maabot. Inismiran ko na lang siya at hindi umimik. Dinama ko na lamang ang malamig na simoy ng hangin, na paulit-ulit dumadampi sa akin. Isa lang naman ang dahilan kung bakit kami nandito, kakausapain niya lang ako kung bakit nangyari 'yon lalo pa't first time ko sa bagay na 'yon. At walang dahilan para magsinungaling sa kaniya gayong nakita naman na ng dalawang mga mata niya. "So ano 'yon? Anong ganap 'yon Klaire Marriane?" She finally blurted out. I sighed. "I didn't expect that—" I was halted by her, when she hit me once again. "Hoy nakakailan ka na! P'wede bang walang sakitan kapag nagtatanong?!" sarkastikong tanong ko. Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang sa wooden bench na malapit sa convenience store. Sumunod naman ako, at padabog na umupo. She sighed. "Spill, what happen." Grabe naman kiss lang naman 'yong nangyari akala mo naman mabubuntis ako sa kiss lang! Napaka OA talaga nito, kahit kailan. "Kanina nasa kotse kami, medyo nag-inarte ako kasi parang 'di ako nakuntento na kasama siya e. Malandi na sa malandi wala akong pake, char. So, 'yon padabog akong umalis ng kotse niya ta's hinabol ako, e hindi ko naman expect na pagharap ko, sa labi niya ako didiretso!" sumbong ko na parang bata kahit pa alam kong sa sarili ko na nagustuhan ko 'yon. He was my first kiss, and I hope he will be the last. Umiling-iling ako sa naiisip ko. Napakaimposibleng mangyari 'yon. Hindi ko alam kung anong mayroon sa sarili ko at pinoproblema ko ang mga pangyayari sa hinaharap. Natatakot lang ako na baka mahal na mahal ko pa siya pagdating ng araw na kailangan na namin maghiwalay o mag-seperate for good. Kahit kailan hindi ako nagiging handa sa bagay na iyon. Ako 'ata ang talo sa aming dalawa. Hinayaan kong lalo akong mahulog sa kaniya, gayong alam kong hindi naman kami magtatagal. Hopefully, hopefully God let us to love each other, and to be with each others arm until the end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD