CHAPTER 46

1834 Words
"Hoy!" Naramdaman kong tumapik sa akin si Iyah. Kung babatukan niya ako hindi na ako mag-aaksaya ng paliwanag sa kaniya. I looked at her, and rolled my eyes. "What? Are you going to throw me some words like sl*t? B*tch? Wh*re? ha?" Sinabayan ko ang pagka-OA niya at kita sa mukha niya ang pagkalito sa mga sinasabi ko. "B*bo manahimik ka! Ang akin lang naman, nasa tapat kayo ng dorm, baka may makakita sa inyo or what. Hindi sa parang kinukunsinti kita ah, pumili kayo ng lugar boba, 'yong private hindi 'yong paglalandakan niyo 'yung kalandian niyo sa public!" iritableng saad niya. I throw her a deadly glare. "Grabe ha, kaibigan pa ba kita?" "Hindi na, sisteret mode ako ngayon, psh." "Whatever." Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ang kamay ko at sapilitan muli akong pinaupo. "Hindi pa tapos ang usapan Klaire Marriane." "Will you please drop the Marriane? It's disgusting!" pag-iinarteng saad kong muli. Kita sa mga rekasiyon ni Iyah ang pagkalito sa mga sinasabi ko. She didn't know, that I was just tripping her. B*bo at t*nga pala, ah. Pinilit kong magseryoso, at pinipigilan ang tawa ko para maging clueless pa rin siya sa mga sinasabi at inaakto ko. Pero siguro kailangan ko ng itigil, mukhang mag-uumpisa na ang pangaral niya. "Klaire, I trust you. I mean, hindi sa sinasabi ko na mabubuntis ka, mag-ingat ka lang. Lahat kasi nag-uumpisa sa ganiyan, you know? Mga bagay na magpapainit sa inyong dalawa, tapos mapupunta sa bagay na magkakaroon kayo ng anak, basta gano'n, alam kong alam mo 'yon. Kaya as much as possible iwasan mo muna. Saka na 'yang pamilya na 'yan, kung nakapagtapos na kayong dalawa." See, ang OA niya, family na agad ang naiisip e, halos normal kiss lang 'yon 'no. Hindi ako sumagot at pinakinggan lang siya. "Alam mo naman 'di ba? Tanggap ko naman na si Khirro para sa 'yo, but I have this strange feelings about him. 'Wag kang OA, wala akong gusto roon 'no. Sa Doctor na ako nakalaan. So going back, 'wag mong hahayaan 'yung sarili mo na masaktan, ha? I know it's going be a long ride for the both of you, just be happy and enjoy the moment. And when the time, that he hurt you, always remember he didn't meant that, okay?" I scoffed. "Tss. Sinaktan na nga ta's hindi sinasadya. E, kung barilan kita sa mukha, ta's pumunta ako sa pulis sinabi kong hindi rin sinasadya. Kalokohan mo naman pinapairal mo," pang-aalaskang saad ko. She sighed. "What I'm trying to say is, if the day comes that he hurt you so much, don't hate him." Hindi ko na naman alam sinasabi nito, halatang may tinatago sa akin pero hindi ko na lang siya pinapansin sa mga ganoon. Hinahayaan ko na lang na kusa niya itong sabihin sa akin. Tumango na lang ako at dumiretso na sa loob ng dorm. "Guys listen! We don't have class to Mr. Garcia, because he's doing something! But I according to him, all of us should attend the seminar that will be held later in the gymnasium. May attendance 'yon mga sh*nga!" announcement ng VP namin sa harap, hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si Sebi, pero sinabi niya na papasok naman na siya next week, at hahabol sa mga lesson na tinalakay na namin. Fast learner naman siya, kaya hindi mahirap sa kaniya iyon. Halos magkanda gulo-gulo ang loob ng classroom sa sobrang saya ng mga kaklase ko, halata naman sa kanila na gustong-gusto na nilang umuwi. Sino ba namang hindi uuwi kung ang last subject niyo e Gen. Math? Uuwi ka na lang pasasakitin pa ulo mo. Buti na lang talaga wala siya, at makakapag-relax na kami nang maaga. Naramdaman ko naman na kinalabit ako ni Denise na nasa tabi ko. "Hindi tayo a-attend o hindi tayo a-attend? You choose," saad niya, na halata na rin naman na gusto niya na ring umuwi. Inilingan ko na lang siya at nagpaaalam na lalabas muna para tawagan si Khirro. Nakadalawang ring lang 'yon, bago niya sinagot. "Hi babe! What's the problem?" he said softly on the other line. I can't help but to giggle, when I heard his voice. "Hmm, nothing. I just miss you. What are you doing?" I heard him sighed on the other line. "I miss you too. I am preparing for our project and some papers that we need to pass later." "Ah, ganoon ba, sige ibaba ko muna 'yong tawag, ayusin mo muna 'yan. Goodluck!" pagpapaalam ko, at binaba na ang linya. Akmang papasok na ako sa room namin, nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran. "I miss you and I love you, babe." I heard Khirro's voice in my nape. Hindi ko mapigilan na mahiya lalo pa't lahat mg tao sa room pati na sa labas ay nakatingin sa amin. Jusko afternoon break ngayon 'no! Aalis na sana ako paharap sa kaniya when he suddenly blurted out. "Just stay us like this for a while, I need energy babe, please?" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin, at wala akong nagawa kundi ang tumango at binalik sa kaniya ang init na yakap na dulot niya sa akin. We stayed up hugging each other for about 5 minutes. I checked my wristwatch, and we have still ten minutes. Nagpaaalam ako kay Denise na aalis muna ako saglit, at inaya si Khirro na mag-canteen. "Let's go?" I asked, but he shook his head and hug me once again. "No. I want hug, only hug please?" he pouted like a child. Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang sinabi niya, niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik. Mga ganitong galawan paniguradong hindi niya ako maihahatid mamaya. "Is there something wrong?" I worriedly asked. Umiling lang siya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Nothing, I won't be able to send you home later. So I need to hug you like this. Hindi kita mayayakap mamaya, so ngayon ko babawiin." Parang batang sumbong niya, at hindi ko mapigilang mapangiti sa inasal niya. Tumango na lang at hinayaan na yakapin niya ako. In a snap, his phone rang. And he immediately answered it. "Hello... Yeah... I'll be there in three minutes... Okay... No, don't you dare touch that... Okay, okay." And he ended the call. He looked at me, and he cupped my face using his two hands. Tumingin pa siya sa paligid kung may makakakita sa amin, at dali-dali niyang hinalikan ang labi ko pero saglit lang 'yon. Nagulat ako sa ginawa niya, kaya napabitaw at nahampas ko siya nang bahagya. "G*ga ka, ang daming estudyante! Baka may makakita sa 'yo na teacher!" kabadong saad ko, at tinago ang aking mukha dahil ramdam kong namumula ako. "Tsh. They will not spill it in the office. In a snap, they will be fired," nakangising saad niya, at hinila muli ako para sa isang napakahigpit na yakap. "Masama 'yon, baliw ka! Sige na baka hinahanap ka na roon." Humiwalay ako sa yakap niya. "Good luck, take care!" Tumingkayad ako para halikan ang gilid ng labi niya. Nagulat pa siya sa inasal ko pero dahil dali-dali na akong pumasok sa loob ng room, hindi ko na nakita pa ang susunod niyang reaksyon. Pagkaupo na pagkaupo ko, hinampas ako ni Denise na siyang nagpangiwi sa akin. "K*ngina sismars! Ano 'yon?! Kayo na?! Kailan pa?! Jusko dzai! Aakyat ako mamaya sa stage, para i-announce 'yon! Jusko t*ngina kinilig ako roon! Gago halos lahat ng nasa room nasaksihan 'yong pag-kiss sa 'yo ni Khirro, at isa ka ring malandi, humalik din sa kaniya. Mamatay na 'ata ako, teka!" Sunod sunod na sabi niya, at umarte pa na parang nauubusan ng hininga. Nakatingin naman sa amin ang mga kaklase namin, at pinagtatawanan lang siya. Parehas sila ni Iyah na OA, jusko. Nang mahimasmasan, tumingin siya sa akin na mapang-asar. "How was the kiss?" kinikilig na saad niya na parang bulate na binuhusan ng asin, dahil hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. Napalakas niya ring sinabi ito, kaya halos ng kaklase ko na ultimo mga lalaki ay napatili na rin. Hindi ko sinagot ang tanong niya, at dali-dali na lang inayos ang mga gamit ko para mauna na sa gymnasium. Hindi naman siya nagpahuli at sinundan niya ako. "So ano gano'n? Iwasan ng tanong? Siguro may iba kayong kiss bukod doon 'no?" pang-aalaska pa niya sa akin. Tumingin naman ako nang masama sa kaniya, at lumiko papuntang garden, para roon muna magpalipas ng ilang minuto bago pumunta sa gymnasium. Umupo ako sa isang bench na malapit sa alatiris tree. Umupo rin si Denise sa harap ko, at bahagyang kinurot ang balikat ko. "Aray naman!" "Boba ka? So how was the kiss? What's the feeling? Heaven ba?" nakakalokong tanong niya. I rolled my eyes. "Try mo sa jowa mo." Hindi naman siya umimik, at nakatingin lang sa akin nang masama. "Napakasama mo, kailangan talaga ipamukha na wala akong gano'n? Sarap mong tuktukan ng bente!" "We kissed last night." Pag-aamin ko, at halata sa kaniya ang matinding gulat at literal na nanlaki ang mga mata. Napasinghap siya bago nagsalita. "Wow, wow! Kaya pala ang lakas ng loob mo kanina inggrata ka!" Kasabay nang malakas na pagbigkas niya ang paghampas niya rin sa akin. "Hoy! teka, teka! Tumigil ka nga masakit!" Ilang minuto rin at kumalma na siya. "So anong feeling?" tanong niya nang paulit-ulit. Hindi ko naman alam ang isasagot ko, dahil hindi ko alam kung anong tamang word ang para roon. Sadyang OA lang talaga 'to si Denise at akala mo ay hindi pa nakararanas ng ganoon. I shook my head and smile. "It was okay in the feeling, the butterflies inside my stomach became wild." "Sus baka nag-se—" I halted her. "Hoy t*nga ka! Ewan ko sa 'yo ang daming mong naiisip hindi pa kami para sa bagay na 'yon 'no!" I defensively said. Tumawa naman siya nang malakas na siya kong ipinagtaka. "Baka kako nag-seminar si Khirro kung paano kumuha ng lakas ng loob halikan ka! T*nga t*nga 'to," nakangising saad niya. Umiwas naman ako ng tingin, at pinahalata sa kaniya na hindi ako nahihiya sa sinabi ko. Aba, kasalanan ko bang unahan siya sa mga sinasabi niya, panigurado humanap lang ng palusot 'yon. Tsh. Narinig namin na may nag-uumpisa ng magsalita sa gymnasium, kaya inaya ko na si Denise na pumunta roon. Dali-dali naman siyang tumayo, at sumabay sa akin sa paglalakad. "Teka 'wag na tayo um-attend! Boring na naman 'yon panigurado!" Sabagay palagi naman kaming inaantok sa t'wing may seminar na ginagawa sa gymnasium, minsan pa nga halos lahat ng section namin wala roon, sa dami ba naman ng mga tao na nandoon hindi na siguro kami mahahalata kung wala kami roon. Lumiko ako at dumiretso sa daan papunta sa front gate. Narinig ko namang tumawa si Denise at inumpisahan niyang maglakad kaysa sa akin, para tignan kung may guard sa labas. Sumilip siya ng ilang minuto at sinabing wala ang guard. Baka nag-cr. "Sismars, confirmed. Wala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD