CHAPTER 47

1363 Words
Dali-dali kaming lumabas at dumiretso sa isang coffee shop na malapit sa school. 'Yong pwesto ng coffee shop ay hindi kita masiyado ng guard kaya pwede muna kaming tumambay dito, since air conditioned ang lugar. Iilan lang ang tao at ang iba ay estudyante rin. Paniguradong nauuto nila ang guard o tumakas lang din sila kagaya namin. Nag-try kami ni Iyah na makiusap sa guard noon, na kung pwede paalisin kami kasi may emergency kahit ang balak namin ay maggala lang. Kaya ang ending, kami pa 'yong napasama at pinaglinis kami ng garden. Hanep. Pumuwesto kami sa isang table na malapit sa counter, at umupo ako patalikod sa pinto. Umupo rin si Denise sa tapat ko. "Ano order mo?" Naglabas ako ng pera at inabot sa kaniya. "Toast bread and coffee cappuccino." Halos ilang araw na pala akong hindi nakakapasok sa trabaho ko. Nagpaalam naman ako kay Nadine at alam naman ni Khirro na finals namin kaya hinayaan niya ako. Sana lang hindi rin ako pagalitan ng nanay ni Khirro kapag nagkataon, may naipon naman na ako kung sakaling tangggalin niya ako sa trabaho. Sapat na siguro 'yon sa pang araw-araw ako. Babawi na lang ako, kapag tapos na ang finals at kapag hindi na busy. Ilang minuto rin ang nakalipas, bumalik na si Denise na may dalang order namin. Hindi na ako magtataka kung ginaya niya ang order ko. Well, gano'n naman talaga siya. She leaned forward at me, that make me confused. "Girl na sa likod mo Suze." Umayos niya nang upo, na parang walang sinabi sa akin. I really need to talk to him. I sighed. Tumingin ako nang bahagya sa puwesto niya. He was wearing his STEM uniform. A light yellow polo and black slacks. He is busy tapping on his phone, so he didn't notice that I'm glancing at him. I check my wristwatch to check the time. Cutting 'to. "May gagawin ka ba?" I asked Denise who is now enjoying sipping her coffee. Nabilaukan pa siya nang bahagya at umiling. "Okay lang, sana maayos niyo relasyon n'yo. Charot, sige na mag-usap na kayo. See you bukas," bulong niya sa akin, at dali-daling umalis papalabas ng coffee shop. Ilang beses muna akong huminga nang malalim, bago pumunta sa puwesto niya. "Is this seat is available?" tanong ko nang nasa tapat na ako ng table niya. Hindi pa niya ako nakikita, pero tumango siya. He glanced at me, and he was so shocked that I'm in front of him. "K-klaire..." "Can we talk?" He composed his self a little and smirked. "Talk lang ba?" I rolled my eyes. "G*go mo." Inayos niya ang gamit niya. "Tara sa park, wala naman akong class e," he said and smiled at me. Hindi na ako nag-atubili pa at sumama na sa kaniya, gusto ko rin naman siyang makausap para kahit papaano, mabalik na 'yong mga time na kasama namin siya. Sa iilang buwan na nakalipas ang dami talagang nangyayari. Hindi ko naman 'yon mapipigilan kasi baka 'yon ang nakatakda. Umupo kasi sa isang wooden bench na nasa ilalim ng punong mangga. Nasa tapat ko siya at inaayos ang gamit niya. There was a defeaning silence between us. Tanging naririnig lang namin ay ang mangilan-ngilan na daan ng sasakyan at mga punong sagana sa pagwagayway na nagbibigay ng presko sa lugar. I looked at him, but his gaze is in the other direction. Looking in something. I shook my head. "Ba't mo 'ko iniiwasan?" He looked at me with amusement in his eyes. "Luh, iniiwasan kita?" "I'm sorry..." I meant it. I promised to myself even if I hate promises. I'll say sorry to Suze once we talked again, and this is the time. Tumawa siya nang bahagya at uminom sa dala niyang bottled water. "Para saan?" I sighed. "For not... choosing you," I almost whispered the last two words. Sapat na para marinig niya. Hindi ko naman inaasahan na maibubuga niya sa mismong mukha ko ang kaninang iniinom niyang tubig nang sabihin ko ang sinabi ko kanina. I looked at him with serious expression, at hinayaan na tumulo nang tumulo ang tubig sa mukha ko. "Hala k*ngina wait! Ito, ito!" tarantang-taranta na saad niya habang pinupunasan ang mukha ko ng dala niyang tissue. "Wait, basa 'yong shirt mo. May extra 'ata ko rito." "'Wag na, uuwi rin naman ako maya-maya." Namayani muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, ilang saglit lang at nagsalita na siya. "I'm sorry, nagulat ako sa sinabi mo e." He scratched his forehead, and smiled awkwardly. "Halata nga," I sarcastically stated. I heard him sighed. "I was so busy in the past few months, and yeah, some reasons to avoid you..." he finally admitted. Sabi ko na e iniiwasan niya talaga ako. Dati naman kahit busy siya gumagawa siya ng paraan para sumama sa amin, ngayon na lang talaga nag-iba. I looked at him. "Bakit?" He just looks away, not meeting my eyes who's now fixated on him. "Wala naman, medyo nasaktan ang lolo mo..." He sarcastically laughed. Yeah, I know the reason. I sighed and cast downwards my head, looking at my hands. "I'm sorry Suze. I didn't mean it. I'm really sorry." Sumilip ako nang bahagya sa direksiyon niya at nakita ko na ngumiti siya. "It's okay. Una pa lang naman alam kong hindi na ako. Kaya nga nag-try aking umamin sa 'yo, baka sakaling mabago 'yong nararamdaman mo," he admitted and shook his head. I was so close to crying, but I managed to composed myself from breathing slowly. "Wala na sa akin 'yon," he smiled genuinely. I pouted like a child. "Sorry talaga ha, libre na lang kita magnum later. Uuwi ka na ba?" Tumawa pa siya nang bahagya at tumingin naman ako nang masama sa kaniya. "First time kong kakain ng magnum, ta's ikaw kasama ko. 'Wag na 'oy!" pagtanggi niya sa alok ko, kaya mas lalo ko siyang tinignan nang masama. "Joke. Tara na, may gagawin pa ako e," he smiled and fix his things again before he stood up. Bumili ako ng magnum sa tindahan na malapit sa dorm namin, at parehas na tinanggal ang mga plastic n'on. "Oh, ayan, bati na tayo." Inabot ko 'yon at tinanggap niya. He chuckled. "Labag pa yata sa loob mo ah, 'wag na sa 'yo na." Muli niyang inabot sa akin 'yon, pero tinignan ko lang siya nang masama. Nang nasa tapat na kami ng dorm, tumigil ako at humarap sa kaniya. "I hope after this, we can get along again together," saad ko habang inuubos ang ice cream na hawak ko. "Miss na miss mo siguro ako 'no?" nakalolokong tanong niya at tinapon ang ice cream na nasa basurahan sa gilid. "L*ntek ka." Kahit hindi naman niya sabihin 'yon, totoong na-miss ko siya. 'Yong araw-araw na pang-aasar niya sa akin kahit mabilis akong mapikon sa ganoon. Hindi ko maaakila na sa araw-araw na dumadaan palagi kong namimiss ang ginagawa niyang 'yon. He laughed. "Okay lang naman Kay aminin mo na, okay lang talaga." "Tss. Ewan sa 'yo. Umuwi ka na nga." He patted my hair softly. "I miss you too." I looked at him, but he was now looking at the plants beside our gate but his hands are still in my head. "'Yong mga plants," he added. Tinaggal ko naman ang pagkakahawak niya sa ulo ko, at hahampasin ko na siya ng dala kong bag pero dali-dali siyang tumakbo papalayo sa akin. "'Wag kang feeling Kaykay! See you, kinabukasan!" he shouted at the same time he's laughing. Wala na talaga siyang ginagawang matino, kapag ako ang kasama niya. Palagi na lang akong inaasar sa mga bagay na alam niyang magpapapikon sa akin. Ginawa ba talaga siya para asarin ako habang buhay? Hanep. Lakas ng trip niya. Pero hindi ko ikakaila na naging magaan na ang pakiramdam ko, dahil alam kong sa mga susunod na araw ay madalas ko na siyang makakasama lalo pa't nagkausap at nagkaayos na kami kahit papaano. Sana lang talaga hindi niya ako asarin sa mga susunod na araw na 'yon. I sighed. "And I hope he finds his girl, that makes him happy and feels the home..." bulong ko sa sarili ko at diretso nang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD