CHAPTER 31

1764 Words
Huminga ako nang malalim at pinipigilan ang sarili kong huwag lumaban sa kaniya. Dahil kapag nagkataon na lumaban ako, masisibak ako sa trabaho ko. "Problema ko sa 'yo?" dugsong na sabi n'ya. "Ayokong makita buong pagkatao mo, naiirita ako sa t'wing nakikita kita, at nakakaramdam lang ako ng ginhawa sa t'wing nagkakaganiyan ka," she said in a bitchy tone. Pinasadahan niya pa ng tingin ang kabuuan ko. "Kung p'wede nga lang na burahin kita sa mundong 'to, matagal ko ng ginawa." Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosiyon sa kaniya. "Edi burahin mo sarili mo, kung hindi mo magawa sa 'kin, as simple as that pathetic," sagot ko. Her jaw clenched. "What did you just say?" Akmang masasampal n'ya ako nang sumigaw ako. "P'wede ba?! Tigilan mo na nga 'to!" Halos lahat ng customers sa restaurant na 'yon ay tumingin sa gawi namin. "How dare you—" She didn't finish what she was going to say, when I heard Khirro's voice behind me. "Aica, stop." Sa isang iglap, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng office habang pinapagalitan ni Mrs. Villanasis. Ang dami n'yang sinabi sa 'kin, na ako raw 'yong mali pero hindi pa naman n'ya alam ang buong nangyari. Pinamumukha nila sa 'kin 'yong katagang Customers' always right kahit hindi man lang nila tanungin 'yong side ko. At sa t'wing magsasalita ako pinipigilan ako ng mga sigaw n'ya na s'ya namang nagpapatahimik sa 'kin. Naiwan si Nadine at Khirro sa labas habang kinakausap si Aica, hinatid lang ako ni Nadine rito sa loob ng office at sinabing 'wag na lang isipin ang mga sasabihin pa ni Mrs. Villanasis. At 'yon ang ginawa ko. "Naka-ilang eskandalo ka na sa loob ng resto na 'to, at hindi ka pa nahiya?" galit na sabi sa 'kin ni Mrs. Villanasis. Nakatungo lang ako habang iniisip ang mga nangyari kanina. 'Yong pagod ko sa pagtatrabaho, na mauuwi lang sa ganitong eksena. Hindi ko akalain na kayang mangbaliktad ni Aica nang gano'n gano'n lang. Hindi na lang ako sumagot at paulit-ulit na huminga nang malalim, dahil naninikip na ang lalamunan ko sa sobrang pagpigil sa mga luha kong nagbabadyang tumulo. "Get out!" 'Yon na lang ang narinig ko bago ako tumayo, bago pa man ako umalis humingi muna ulit ako ng tawad. "I'm sorry, Mrs. Villanasis." I smiled. Right after I uttered those words I quickly leave that office. Pagkalabas ko ng faculty room, halos lahat ng tao ay nakatingin sa 'kin na para bang awang-awa. Dumiretso ako sa counter at sinalubong ako ni Nadine ng kaniyang nag-aalalang mukha. "Ayos ka lang?" she asked. "Yeah, uwi na muna ako," sabi ko at kinuha ang sling bag ko na nasa couch at nagpaalam kay Nadine. Naintindihan naman n'ya ako, kaya hindi na n'ya ako pinigilan pa. Pagkalabas ko sa restaurant, umupo ako sa bench na nasa pinto and I quickly dialed my mother's number. Nakatungo lang ako habang hinihintay na sagutin ng aking ina ang kaniyang telepono. At this time, I just want to talk to my mother. Nag-ring pa muna ito ng maraming beses, bago niya sinagot. "Hi, sweety! How are y-you?" Bagsak ang mga balikat ko nang marinig ko ang boses ng aking ina. Naalarma ako sa narinig kong boses na para bang sa mga oras na 'to ay umiiyak s'ya. "Ma, what happened?" I asked, concerned. Narinig ko ang mahaba niyang buntong-hininga sa kabilang linya. "Nothing sweety, how's my baby Klaire?" hikbing tanong niya. "Ma, ano pong problema?" pag-uulit na tanong ko, dahil hindi matatahimik ang pagkatao lalo pa't naririnig ko na naman na umiiyak ang aking ina. "Ah anak...wala t-talaga. I j-just watch some tragic movies, so that's why I'm crying..." I just sighed heavily. Kailan nga ba nagsabi sa 'kin si mama ng problema? Paniguradong tungkol na naman 'to sa mga utang namin. "Ma I'm always here po, ah. If you need anything nandito lang po ako. 'Wag ka na pong umiyak, I love you ma," I said and I ended the call. Ayoko nang marinig ang mga hikbi n'ya at paniguradong maiiyak na rin ako sa mga pinagdadaanan namin ngayon. Tinawagan ko s'ya para magsumbong, knowing na may problema rin pala s'ya roon. Pagtunghay ko ng aking ulo, nakita ko si Suze na masayang kumakaway sa 'kin, habang s'ya ay nakasakay sa kaniyang bisikleta. Tumingin siya sa akin nang mapang-asar nang makalapit ako sa puwesto niya. "Wow, Kaykay hindi ko alam na may side ka pa lang palaban, ah?" mapang-asar na sabi n'ya, at bahagyang kiniliti ang aking bewang. "Pwe, manahimik ka," sabi ko at pilit na pinipigilan ang kaniyang kamay na dumapo sa aking balat. Hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako sa bike n'ya at pinapaandar ito patungo sa park na nasa tapat lang ng resto. Maliwanag ang buong lugar, nag-uumpisa ng mag-ingay ang mga bandang nasa unahan, at parami-rami na rin ang mga taong dumaraan. Tinignan ko ang relo ko at alas-siyete na ng gabi. There was a defeaning silence between us. Nakatingin lang ako sa malayo, habang iniisip ang mga pangyayari kanina, na hindi ko akalain na mangyayari pala. Hindi ko alam kung anong problema sa 'kin ni Aica at pati ang trabaho ko ay ginugulo n'ya, wala naman akong nagawang masama sa kanya para guluhin n'ya ako ng ganito. I was a happy human being, enjoying living in this f*ck world. May mga tao talaga na sisirain ang buong maghapon mo, kahit pagod na pagod ka na. Sa sitwasyon ko, si Aica 'yon. Na kahit wala akong ginawa, nagiging sagabal na 'ko sa itsura n'ya. Dumagdag pa ang isipin ko tungkol sa aking pamilya. It was a hard situation in our family. Problema namin noon, problema pa rin namin hanggang ngayon. Narinig kong tumikhim si Suze pero hindi ko lang s'ya pinansin, nakatingin lang ako sa kawalan habang hinayaang maglayag ang aking isip. "Okay ka lang?" he asked out of nowhere. Doon na mismo kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, sa isang tanong na 'yon, doon na mismo ako nahirapan. I hate someone asking me if I'm okay, kasi roon na ako mismo nawawasak. Na kahit anong pigil ko sa mga luha ko, kapag tinanong ako kung okay lang ako. Hindi ko na napipigilan ang mga ito. Hinayaan ko lang ang sarili ko na tumulo ang mga luhang kanina pa nagkukumawala sa aking mata. Naramdaman ko namang tumingin sa gawi ko si Suze nang hindi ako sumagot sa tanong n'ya. Dali-dali n'ya 'kong niyakap, at hindi na 'ko tumutol pa nang dahil sa kahinaang aking nararamdaman. "Shh, I'm here Klaire. Cry as much as you can. My shoulder is open for your tears," he said between my sobbing on his shoulders. Naramdaman kong hinahagod n'ya ang likod ko para patahanin ako, pero mas lalo lang n'on pinapatulo ang mga luha ko. "I know you can do it, you're the bravest girl I've ever known Kaykay, I'm always here," he stated. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak, at kahit na gustuhin ko mang pigilan ito hindi ko na magawa. I heard his sighed. "Let me sing a song for you, this is what I always do whenever my mom is crying," he stated. Hindi ko s'ya pinansin at hinayaan lang ang aking sarili na umiyak sa bisig n'ya. At sa pagkakataong 'yon, wala akong ginawa kundi pakinggang ang kanta n'yang pinapaulit-ulit na kantahin sa 'kin, habang ako ay patuloy na umiiyak sa mga bisig n'ya. HABANG papalabas ng office ang isang lalaking nakasuot ng white polo, at itim na slacks, hindi n'ya mapigilang magsalubong ang kanyang kilay nang malaman nawala na si KM sa loob ng office. Nang makarating s'ya sa counter, dali-dali n'yang tinanong si Nadine, habang abalang inaasikaso ang mga pera. "Nadine, where's KM?" pagtatanong n'ya rito. "Ah, Sir Khirro, nakauwi na po e, bakit po pala?" sagot ni Nadine, at hindi mapigilang mapakunot ng noo dahil ngayon lang ito tinanong sa kaniya ng kaniyang amo. "Nothing," sabi ni Khirro at dali-daling lumabas sa resto at inaasahang maabutan pa si KM sa labas. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita n'ya ang lalaking naging kaaway n'ya at naging kahati n'ya sa lahat ng bagay habang yakap-yakap ang babaeng kaniyang hinahanap. "Nice bro," sabi n'ya sa sarili n'ya, at hindi mapigilang mapait na tumawa. Wala s'yang ginawa at pumunta na lang s'ya sa kotse n'ya na nakapark malapit din sa resto, dali-dali n'yang tinawagan ang mga kaibigan n'ya at ipinaalam ang mga nangyari kanina. "Hey Khirro, nakausap mo na ba ulit 'yong bagong target?" tanong ng isa n'yang kaibigan na nasa kabilang linya. "Not yet, may humarang na naman sa magiging plano ko," sinabi iyon ni Khirro na para bang inip na inip s'ya. "Oh, let me guess 'yon na naman ba 'yong pabida mong kapatid?" mapang-asar na sabi ng kaibigan n'ya mula sa kabilang linya. Hindi n'ya ito sinagot at ibinababa na lang n'ya ang linya. Habang pinagmamasdan n'ya ang babaeng nangangalang KM at ang lalaking nakayakap sa mga bisig nito. Hindi n'ya mapigilang mapangiti, habang sumusunod sa tadhana ang kaniyang mga plano. Nagsimula ang lahat ng iyon nang makita niya ang babae sa restaurant na pag-aari niya at nagkaroon sila ng kaunting interaksiyon na para bang hiyang-hiya ang babae. Lihim siyang napangiti sa mga naiisip niya. Hindi na nila pinansin pa ang sinabi ng babae at bumalik na sila sa table nila. "Lakas ng karisma mo, bro," pang-aasar sa kaniya ng kaibigan n'ya. "Shut up Gab," sabi ni Khirro at mahahalata sa mga ngiti nito na may binabalak na s'ya. Nang makabalik na sila sa table nila, nahalata ni Gabriel ang mapaglarong ngiti na nakaukit sa mga labi ni Khirro. "New target?" excited na tanong nito. Khirro just gave a meaningful looked at Gabriel, at hudyat na ito na may bago na silang target. "Oh, exciting, let me tell this to our friends." Pagkasabi ni Gabriel, tinawagan na n'ya ang mga iba pa nilang kaibigan. Sa kabilang banda, mahahalata ang mapaglarong ngiti na kanina pa nakaukit sa mga labi ni Khirro habang nag-iisip na ng mga plano. Lingid sa kaalaman ni Klaire na may mga gawaing gagawin si Khirro na hindi n'ya lubos maiisip na magagawa n'ya pala ito. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ni Khirro ang babaeng nakatagpo n'ya sa nakaraan. At patuloy pa rin n'yang ginagawaan ng paraan ang paghanap dito. Tumingin muli si Khirro sa gawi ni KM at sa lalaking kinasusuklam n'ya nang makita n'ya na kinakantahan ito ng lalaki. "Hindi mo masisira ang plano ko Kiel," bulong niya sa kaniyang sarili at mabilis na pinaandar ang kaniyang kotse paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD