CHAPTER 30

2276 Words
Nang malaman ko na si Khirro ng boss ko all of a sudden. Nagkaroon ako ng kaunting hiya at pagkailang na nararamdaman sa kaniya. Ang tanga tanga ko lang sa part na hindi ko agad naiisip 'yon. Marami naman ng sign na sinasabi na may connected siya sa trabaho ko, pero hindi ko man lang naiisip 'yon. Tsk. Nasa counter ako ngayon kasama si Nadine, halos sa kaniya ko binuhos ang inis na nararamdaman ko dahil lang sa ngayon ko lang nalaman na si Khirro pala ang boss namin. "Bakit kasi hindi mo sinabi sa 'kin?" inis na tanong ko na s'ya namang nagpatawa sa kaniya. "Walang nakakatawa." "E, hindi ka naman kasi nagtatanong e," sabi n'ya na lalong ikanainis ko. Bakit palaging ganoon na lang ang dahilan nila? Por que, hindi lang tinanong ng isang tao, matik na hindi talaga nila iyon sasabihin. "Kahit na, buong akala ko si Mrs. Villanasis ang boss, tapos si Khirro pala!" bulyaw na sabi ko. "E, parang si Mrs. Villanasis na rin kasi nga anak n'ya si Sir Khirro, teka nga oh, e, ano naman ba sa 'yo kung s'ya 'yong boss?" intrigang sabi sa 'kin ni Nadine at humawak sa bewang n'ya. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Nakakahiya 'no, we're schoolmates tapos malalaman ko na s'ya 'yong boss ko tapos alam n'ya pa. Samantalang ako walang kaide-ideya, tsk," asik ko na s'yang nagpatawa sa kaniya. "Are you inlove?" she asked straight to the point that made me stop. I looked at her confused. "Tss, what are you t-talking about?" I stuttered. She just shrugged and smiled like she's teasing me. "You know what I'm talking about." Hindi naman ako ganoon kahalata kaya bakit napansin niya iyon kaagad? Tch. Tumawa ako nang bahagya at lumayo ng kaunti sa kaniya. "Wala, w-wala akong gusto sa kaniya 'no! Ako magkakagusto roon? Tss. Asa!" todo-tangging sabi ko, kahit taliwas naman ang iniisip ng utak at sinasabi ng puso ko. "Defensive ka masiyado Klaire, nagkautal-utal ka pa." Lumapit s'ya sa 'kin at tinapik tapik ang balikat ko. "Hayaan mo at darating din sa point na hindi ka na in denial, hmm?" pang-aasar na sabi n'ya. Tinarayan ko lang s'ya at bumalik na sa naging p'westo namin kanina. Sa araw na ito, marami na naman kaming naging customer. At dahil dakilang tourist spot ang restaurant na 'to, at sa dami ng customer nagagawa ko na ang trabaho na hindi naman nakaatas sa 'kin. Katulad ng paghuhugas ng pinggan, pagpunas ng mga table, at ultimo paglinis ng cr nagawa ko na. Pero hindi ko naman masiyadong dinadamdam ang mga nararanasan kong 'to, dahil alam kong sa sarili ko na masaya ako sa ginagawa ko at para rin naman sa 'kin ito. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nag-ha-hired ng iba pang employee lalo pa't sa araw-araw ay parami nang parami ang customers na dumadagsa rito. Nabanggit din sa 'kin ni Nadine na t'wing weekends daw ang dagsa ng tao sa restaurant na 'to, at t'wing weekdays naman ay sakto lang kaya hindi sila nahihirapan kung absent man ako. Kasalukuyan kaming nagpapahinga ni Nadine sa counter, nakaupo ako sa couch na kulay white at kaharap ko si Nadine na nakasalampak sa monoblock chair na kaharap ko ngayon. Para bang pagod na pagod s'ya sa naging trabaho namin ngayon, at nakapikit na hinahabol ang hininga. "Grabe pala kapag weekends 'no?" sabi ko habang pinupunusan ang mga pawis na nagkalat sa noo ko. "Oo, halos buong bansa ata dumadayo rito," sabi n'ya na s'ya namang ikinatawa ko nang bahagya. "Bakit ba hindi sila nag-ha-hired ng iba pang employee? 'Di ba sila aware na marami ang customers ang resto nila?" tanong ko na s'ya namang nagpamulat ng mata ni Nadine. Umayos s'ya nang upo, at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. May binulong s'ya sa 'kin na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba. "Wala silang pambayad." "Walang pambayad? Ang dami-daming customers na dumadagsa, ah?" I asked, baffled. Tumawa s'ya na s'yang nagpailing sa 'kin. "Charot lang, ano ka ba! Hindi lang sila basta-basta nagtitiwala. Last time kasi may naganap, hindi ko alam kung ano dahil hindi pa naman ako empleyado rito no'n, nasagap ko lang 'yon dati no'ng unang pasok ko rito," paliwanag n'ya at tumango-tango ako. "E, ilang years ka na pala rito?" tanong ko. "Two years," she stated. "Kilala kasi ako ni Khirro, at saktong kinulang sila sa empleyado ako na 'yong hinired n'ya," dugtong na sabi n'ya. "E, kung hindi sila basta-basta nagtitiwala kahit kanino, bakit mo 'ko tinanggap no'ng mga panahong need ko ng part time?" tanong ko na s'ya namang ikinatawa n'ya. "Ah 'yon ba, nag-try lang ako. Nakakasawa na kasi 'yong mga kasama ko rito," sabi n'ya na halos pabulong. "E , di ba ikaw dapat 'yong mag-iinterview sa 'kin that time?" sunod na tanong ko. "Yep, kaso narinig ni Mrs. Villanasis 'yon, kaya nagpresinta s'ya. Actually nagulat nga ako ng na-hired ka bigla e, akala ko kasi hindi ka talaga matatanggap, unless na lang kung kilala ka nila," sabi n'ya na s'yang nagpakunot ng noo ko. Hindi ko naman sila kilala, bukod kay Khirro na naririnig ko ang boses n'ya sa mga alaala ko. "Hindi ko sila kilala e," I said, and she shrugged. "Well, hindi ko rin alam kung bakit ka na-hired ng gano'n-gano'n lang. Hayaan mo na, basta hanggang ngayon nandito ka pa," aniya habang inaayos ang pagkakasabit ng cap n'ya. "E, pero—" I didn't finish what I was going to say, when someone halted me. "Trabaho ang pinunta rito, pero bakit nagchi-chismisan lang kayo?" Kahit hindi ako lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon, alam ko na kung sino iyon. Hindi ko talaga alam kung kailan ako titigilan ng babaeng 'to. Talagang tinotoo niya 'yong prepare for hell niya ah. Magpasalamat pa siya dahil nakakapagtimpi pa ako sa mga ginagawa niya. Tss. Nagtatakang tumingin sa 'kin si Nadine, at bahagyang tinuro ang direksyon ni Aica. Ngumiti lang ako sa kaniya, at sinenyasan siya na siya na lang mag-take ng orders nila. Hangga't maaari ayoko nang makausap sila, dahil may mangyayari na naman kung kami ang magkakasagutan. Tumayo naman si Nadine, at sinalubong nang masayang ngiti si Aica pati na rin ang mga alipores n'ya. "Hi! Welcome to Cachineés Restaurant! May I know your order?" masiglang bati ni Nadine, na akala mo'y hindi nakaramdam ng pagod kanina. "Can I make request?" rinig kong sabi ni Aica, at kahit hindi ako lumingon sa kaniya alam kong pinapakita n'ya ang pagiging bitchessa n'ya. "Yes ma'am, what is it po?" magalang na sagot naman ni Nadine. "I want that girl, named Klaire to be our servant today. I mean she will be the one who will get our orders," she said. Tumingin ako sa kaniya, at nakatingin na s'ya sa 'kin. Kung visible lang ang sungay n'ya, makikita mo na unti-unti itong lumalaki. She smirked. Tumingin naman sa gawi ko si Nadine. I smiled genuinely. Assuring her. "Yes po ma'am, wait." Lumapit sa 'kin si Nadine, at sinenyasan na akong lumapit sa kanila. "Inform me kung may ginawa sila sa 'yo ah, resbakan natin 'yan," bulong n'ya na s'yang nagpatawa sa 'kin. "Sige roon mo na 'ko sa ibang customer," sabi ni Nadine at umalis na sa counter. Tumayo ako, at lumapit sa kanila nang nakangiti. Trabaho ang pinunta ko, pero hindi ko alam kung kaya kong magtrabaho ng tama kung si Aica lang naman din ang nagiging customer ko. "Hi Ma'am welcome to Cachineés restaurant! May I know your order?" masayang sabi ko kay Aica, at makikita sa mukha n'ya ang pagkaasiwa sa nakikita n'ya. "You didn't greet my friends?" she asked, and she raised her left eyebrow. "My apologize. Hi Ma'am welcome to Cachineés restaurant," sabi ko sa dalawang alipores n'ya na nasa likod at bahagyang itinungo ang aking ulo. They are all smirked. I smiled. "May I know your order?" I asked again, looking directly into her eyes. "Hmm, I want Lasagne, hmm, Ravioli Pasta and Fusili Pasta," sabi n'ya at agad ko rin naman 'tong pinunch. "That's all Ma'am?" "Can't you wait?" iritableng sabi n'ya at bahagya n'ya itong napalakas, kaya ang ibang customers na malapit sa 'min ay napalingon na. "My apologize again, Ma'am." "Tsh, whatever. Anyway what do you guys want?" Humarap s'ya sa mga alipores n'ya at tinanong ito. "Matcha Smoothie," sabay na sagot ng mga alipores n'ya. Humarap s'ya sa 'kin at tinignan ako nang masama. Wala pa nga akong ginagawa sa kaniya, kung makatingin 'tong bruhang 'to. "Please add on, the two order of Matcha Smoothie, Tropical Fruit Smoothie and, hmm, the Banana Smoothie," sinabi n'ya 'yon sa paraang napakaarte na boses. "Okay Ma'am, that's all?" Naiirita niyang pinagrolyohan ako ng mata. "Will you please stop asking me if that's all, I'm not yet done checking this menu!" pasigaw na sabi n'ya kaya ang ibang customers ang napatingin na sa 'min at nag-umpisa na silang magbulungan. "My apologize, Ma'am." I hate apologizing, especially if it's not worth it to sorry for. "You keep apoligizing to me, pero inuulit mo naman!" sigaw n'yang muli, na s'yang nagpapaingay ng bulungan sa paligid. Hindi ako sumagot at ngumiti na lang sa kanya. "Tsh, add on again the Cookie Dough Cheesecake, and Apple Pie Bake. That's all," she said emphasizing the word that's all. "Okay Ma'am noted. Just let me clarify it uhm, Lasagne, Ravioli Pasta, Fusili Pasta, and for drinks two orders of Matcha Smoothie, Tropical Fruit Smoothie, and Banana Smoothie—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang nila akong tinalukuran at pumunta sa table na malapit sa bintana. Pinagpatuloy ko na lang sa isip ko ang mga orders nila. At dahil nag-request s'ya na ako raw ang maging servant nila, ako na rin ang nagdala ng orders nila kahit hindi ko naman 'yon gawain pa. "Hi Ma'am, this is your order Lasagne, Ravioli Pasta, Fusili Pasta, and for drinks two orders of Matcha Smoothie, Tropical Fruit Smoothie, Banana Smoothie and lastly for dessert Cookie Dough Cheesecake and, Apple Pie Bake," sabi ko at inisa-isa ang pagbaba ng mga orders nila sa lamesa. "Wait, did I order this Ravioli Pasta?" she pointed out the pasta in front of her. "And this Matcha Smoothie? And this desserts?" she asked and looked at me confused. "Yes ma'am," I said and smiled. "No, I said Lemon Parsley Pasta, not Ravioli Pasta and Chocolate Smoothie, not Matcha Smoothie, and especially Ice Cream cake, not this desserts, gosh!" sabi n'ya at tumayong pinagtuturo ang mga maling nai-serve ko na pagkain sa lamesa nila. "But you said—" "Ah, sasagot ka pa? Don't you know the quote customers' always right, ha?'" she said, emphasizing the quote. Alam ko naman 'yon, pero kung ikaw lang din magiging customer, hindi ka kailanman magiging tama. Tsh. "Yes ma'am, I know that. But—" I didn't finish what I was going to say when she halted me. "Stop with your nonsense reason, palitan mo na 'yong mga orders ko!" she commanded. "Pero Ma'am—" Pero ganoon na lang ang gulat ko kaya napatigil ako sa pagsasalita nang ibuhos ng dalawang alipores n'ya sa mismong harapan ko ang Matcha Smoothie na in-order nila. Huli na para makaiwas ako kaya ang ginawa ko na lang ay mariin na pinikit ang mga mata ko. Gulat akong napatingin sa kabuuan ko, at hindi inakalang ganito ang aabutin ko sa kanila. Narinig kong nagbungisngisan sa tabi ko ang mga alipores n'ya. "Oh, we apologize," sabi ng nasa kaliwa ko at bahagyang tumawa. Narinig kong nagbulungan ang mga tao sa paligid ko. "Grabe, kawawa si girl." "Sinabi mo pa, mukha na s'yang basahan na itsura n'ya." "Mali rin naman s'ya, mali 'yong na-served n'ya na food e." Nice, ako pa 'yong napasama. Tumingin ako sa mga alipores n'ya at ngumiti nang bahagya. "It's okay." 'Yon na lang ang tanging magaganti ko. Ang hindi magpaapekto sa mga ginagawa nila sa akin. At kahit sa ganoon paraan man lang mainiis din sila. Pinagsawalang bahala ko na lang ang kahihiyang nararamdaman ko kahit alam kong kinakaawaan na 'ko ng iba tao, at ramdam ko na rin na kumukuha na sila ng video. I smiled once again. I looked at Aica, and she just crossed her arms, while smirking at me. "I'll serve your order, within three minutes. I'm sorry." Lumapit ako sa table nila, at akmang kukunin na ang Ravioli Pasta, ng tapikin ni Aica papaitas ang plate at sakto itong tumama sa suot ko, at may ibang tumalsik sa mukha ko. Nalaglag naman ang plate na s'yang ikinabasag nito. "Oh, I apologized," sabi ni Aica at mahahalata namang peke ang pagkakasabi n'ya. Sa pagtitimping naipon ko sa kaniya, lahat 'yon nauubos na. Padabog akong humarap sa kaniya. "Ano bang problema mo? Ano bang nagawa ko sa 'yo?" Nararamdaman kong may mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. Ayoko sa lahat 'yong ganitong sitwasyon. 'Yong tipong wala namang dahilan para tumulo ang mga luha ko, pero parang may sarili silang isip at gugustuhin ang tumulo kahit hindi naman akma sa sitwasyon ko. "Oh, it looks like our dearest Klaire, will going to cry," she stated. Lumapit s'ya sa 'kin, at tinitigan ako sa mata. "Maybe, it's a mission accomplished," dagdag niya na kaming dalawa lang ang nakaririnig. Ang daming kong naririnig na bulungan sa paligid, at bago pa tumulo ang luha ko itinunghay ko na ang aking ulo, at nagawa ko namang pigilan ang mga ito. "Tell me, what are your problems?" tanong ko na s'ya namang nagpatawa sa kaniya. She smirked. "You don't remember what I said before? Okay, let me repeat it again. Prepare for hell, Klaire."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD