CHAPTER 29

2821 Words
Tumingin ako kay Iyah at gano'n din s'ya, sabay naming binigkas ang mga katagang palagi naming ginagawa sa t'wing nagsasabay kami sa mga ibang salita. "Money for us." we both said that in the middle of our laughter. "I like the vibes between the two of you," Khirro stated at sumabay s'ya sa pagtawa sa 'min. Hindi rin nagtagal pinatawag na rin si Khirro sa faculty room at may aayusin na raw s'ya about sa Students' Fest na magaganap na rin next week. Bago kami umuwi, marami ring naibilin ang nurse na nagbantay sa 'kin kanina. It turns out, na kaya pala ako nahimatay ay dahil sa init ng paligid na kinalalagyan ko kanina. Siguro ay dahil na rin 'yon sa pagsakit ng ulo ko ng dahil sa mga alaalang naalala ko mula sa nakaraan. Hindi ko ito sinabi kay Iyah o kahit na sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa magulang ko. Ayaw ko lang na pagaalalahanin pa sila lalo na't may kaniya kaniya rin silang mga problema. Habang nasa daan kami papauwi ni Iyah nakatanggap ako ng dalawang mensahe, nang tignan ko ito galing ang isa kay Nadine at ang isa naman kay Suze. I decided to open first the message coming from Nadine. "Hey Klaire, bakit hindi ka pumasok kanina? Don't worry napagtakpan na kita kay Mrs. Villanasis, basta make sure na makakapasok ka bukas, ah? Weekends din naman." Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kaniya, dahil hindi ko rin namalayan ang oras kanina. Dali-dali akong nag-type ng i-re-reply sa kaniya. Nakakahiya rin kasi na hindi ako pumasok tapos siya pa itong gumawa ng paraan para mapagtakpan ako kay Mrs. Villanasis, tapos hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya kung ano ang dahilan. "Hala, I'm sorry Nadine. May naging problema kanina, pero salamat. I owe you, I promise papasok na 'ko bukas. Thank you ulit." Pagkatapos kong mai-send ang aking reply kay Nadine, I opened the message coming from Suze. "Hi, Kaykay! I hope you're doing fine. See you tomorrow, babe!" Hindi ko na lamang s'ya ni-replay-an at sinabihan ako ni Iyah na nasa tapat na kami ng aming bahay. Pagkapasok namin sa loob, naabutan namin si Roxanne na natutulog, suot pa rin n'ya ang kaniyang uniform at nakadapa ito sa kaniyang kama. Nagkalat din ang ibang mga gamit n'ya sa lamesa. "Tsk, tsk si Roxanne talaga, 'di ba 'to naturuan sa bahay nila kung paano magligpit?" iritadong sabi ni Iyah habang nililinis n'ya ang gamit ni Roxanne. "Shh, 'wag kang maingay natutulog 'yong tao oh, pagod lang 'yan kaya 'di na naligpit," sabi ko habang inaayos ko rin ang mga gamit na gagamitin ko pagpasok bukas sa trabaho. Tumingin ako sa gawi n'ya at kaniya lamang pinaikot ang mga mata n'yang tumingin sa 'kin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, naisipan kong tanungin si Iyah kung ano ang sinabi ng mga teachers namin ng wala ako. "Iyah, ano nga palang sabi mo sa mga subject teacher natin kanina?" tanong ko at umupo ako sa dulo ng kama n'ya. Kasalukuyan na s'yang nakahiga at hinihintay na lang na dalawin s'ya ng antok habang nakatutok sa cellphone n'ya. "I told them that you're in the clinic, and they agreed naman. 'Di na nagtanong kung bakit." "Ba't daw 'di na nagtanong?" "Ako ba ang teacher at sa 'kin ka nagtatanong?" iritableng sabi n'ya habang pinandidilatan ako ng mata. Kanina ko pa s'ya napapansin na wala sa wisyo kung makipag-usap. Kung kakausapin mo, sasagutin ka ng pabalang at iritadong boses pa. Hindi ko malaman kung mood swings lang ba 'yong pinagdadaanan n'ya e. "Bakit ba parang pikon na pikon ka?" I asked and I arched my left brow. Tinignan n'ya ako nang masama saka s'ya nagsalita, "E kasi ikaw e!" pasigaw na sabi n'ya at kunwaring nagtatampo pa. "Hoy! Hinaan mo nga 'yang boses mo, natutulog na si Roxanne oh, saka bakit kasalanan ko? Abnormal ka?" sabi ko at binato sa kaniya ang unan na nakuha ko sa tabi ko. Sinamaan n'ya lang ulit ako ng tingin, at bumalik na sa pagkakalikot sa cellphone niya. "Hoy, ano nga?" sabi ko at hinablot ang cellphone n'ya na s'ya namang nagpainis sa kanya. "Nakakainis ka naman e! Hindi mo man lang sinabi sa 'kin kung bakit ka nagkakagano'n, tch," inis na sabi n'ya at humalukipkip pa. Nanahimik ako at pinipigilan ang matawa. Paniguradong red days niya ngayon kaya ganito siya. Sa t'wing hindi naman siya dinadatnan, hindi naman siya ganito. Magtatanong lang siya ng mga ilang tanong tapos sapat na iyon sa kaniya, partida alam naman niya ang nangyari sa akin, pero nagtatanong pa rin siya. "Ah so hindi mo pa rin—" I halted her. "This past few days, I don't know what's going on with me..." panimula ko na s'ya namang ikinatigil n'ya. "I remembered some memories from the past, that I'm not familiar with. It's looks like they are gradually popping in my mind, whenever they want." Tumayo ako at pumunta sa kama ko. Nakita ko namang sinundan n'ya ng tingin ang naging kilos ko. "Sa t'wing makakaramdam ako ng sakit ng ulo o ng sentido, roon ko na naaalala ang mga alaala na hindi ko alam na nangyari na pala sa 'kin sa nakaraan. Sa mga alaalang 'yon, nandoon ang mga magulang ko, pero may isang tao na malabo ang kaniyang mukha, pero naririnig at pamilyar ako sa boses n'ya," I said and look into her direction. She was listening to me carefully, at walang mababahiran na kahit anong gulat sa mukha n'ya. "Pero mayroon na 'kong ideya kung sino siya... hindi pa nga lang ako sigurado dahil hindi ko pa naman nakikita ang mukha n'ya sa 'king mga alaala," kibit-balikat na dagdag ko. I sighed. "I just feel like I'm being played. Bakit ako pa? Bakit parang sa dinami-dami ng tao sa mundo ako pa 'yong taong parang hindi kilala ang sarili ko ng dahil sa mga alaalang 'yon na hindi ko naman tanda na nangyari na pala sa 'kin noon." I looked at her, and she was looking seriously directly into my eyes. There was a defeaning silence between us, not until I cracked it. "May alam ka ba sa nangyayari sa 'kin?" She was caught off guard but she managed to smiled awkwardly. "W-wait, what d-do you mean?" she stuttered. I smiled. "Nothing, matulog na tayo," I said and lay down to my bed. I saw on my peripheral vision that she's not moving. Naging mabigat ang atmosphere sa 'ming dalawa, kaya tumawa ako nang bahagya. "Hoy Iyah, matulog ka na. I was just joking," I said, laughing. She just smiled awkwardly, and she lay down on her bed too. By those actions, she just proved to me that she have an idea, on what's going on with me. "Pagising ako bukas Iyah, may trabaho ang lola mo," sabi ko na s'ya namang ikinatango n'ya. "Goodnight, Iya—" She cut me off. "Klaire... don't hesitate to open up with me regarding your problem. I'm much more willing to help you..." Nakita kong bahagya siyang ngumiti. I looked at her, but she's not looking at me. Nakatingin lamang s'ya sa kisame na pinalilibutan ng mga glow in the dark stars, na para bang nakakausap n'ya ang mga ito. Naramdaman naman n'ya na nakatingin ako sa kaniya, kaya inilipat n'ya ang gawi n'ya sa 'kin. She smiled. I smiled back. "Kol?" "Kol." I assured. Naalimpungatan ako ng dahil sa pagkaing naamoy ko. Nakita ko si Iyah na nasa kusina habang may niluluto habang si Roxanne naman ay kalalabas lang ng cr na mukhang antok na antok pa. I diverted my gaze at the clock near the door and it was already 5:42 in the morning. Masiyado lang maaga para sa gising ni Iyah, pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil mukhang may lakad 'ata siya. "Oh, ate Klaire, good morning." Roxanne greeted me. "Hmm, good morning," bati ko pabalik. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa banyo. Hindi na rin naman maibabalik ang tulog ko since nagising na rin ako. Mahirap na para sa akin ang bumalik sa pagtulog lalo pa't nag-uumpisa na ring mag-ingay ang paligid ko. Naghilamos ako at ang unang pumasok sa isipan ko ay 'yong naging usapan namin ni Iyah kagabi. Hindi ko lang maintindihan kung may kinalaman nga ba s'ya o wala? Sabi ko kahapon sa sarili ko, hindi ako magsasabi sa kanila dahil ayokong mag-alala sila, pero ako 'yong nag-aalala. Lumabas ako ng banyo, at nakita sina Roxanne at Iyah na nakaupo na at hinihintay na lamang ako. Dumiretso ako sa vanity at pinahiran ng kaunting cream ang mukha ko, pagkatapos n'on umupo na ako sa katapat na upuan ni Iyah. Ginanahan akong kumain dahil halos lahat ng paborito kong pagkin ay nakahain sa mesa. Nandoon ang pritong itlog na hinaluan ng ginisang carrots at baguio beans. Mayroon ding ham at hotdog na sakto lamang ang pagkakaluto at hindi nawawala ang paborito kong fried rice. Ako na ang unang kumuha ng pagkain dahil wala namang kumikilos sa 'ming tatlo. Napansin ko na naging tahimik si Iyah ngayong araw, kadalasan kasi kung umaga ang lakas na ng boses n'ya at s'ya na ang nangunguna sa pagtawa. Kahit pa no'ng mga panahong mayroon s'ya, masigla naman s'ya. Kaya masiyado akong nagtataka kung bakit ganito siya ngayon. Pero ngayon kakaiba, tahimik at hindi mo mawari kung naiilang ba o sadyang wala talaga s'yang gana. Napansin naman kaagad ni Roxanne ang pagiging tahimik ni Iyah. "Ate Iyah, anong mayroon silent mode ka 'ata ngayon?" tanong n'ya kasabay ang pagtawa nang bahagya at kumuha na ng pagkain sa harap n'ya. "Ah wala, m-may naisip lang," sagot n'ya at tumawa rin nang bahagya. I felt the heaviness atmosphere between us. Naging tahimik ang umagahan namin ng araw na 'yon. Hindi na nagsalita pa si Roxanne dahil nakaramdam din yata s'ya ng ibang pakiramdam mula sa 'min. Samantalang si Iyah, pinandigan ang pagiging silent mode n'ya, hindi siya umimik at tahimik na kumakain lang kanina. Papaalis na sana ako para pumunta sa trabaho ng marinig ko si Roxanne na tinawag ako. "Ate Klaire, teka!" Hangos na hangos naman s'yang lumapit sa 'kin, at hinawakan ang balikat ko. "Bakit?" kunot-noong tanong ko. "May problema ba sa pagitan n'yo ni ate Iyah?" nag-aalalang tanong n'ya. "Huh? What do you mean?" Hindi s'ya sumagot at hinawakan n'ya lang ang aking pulsuhan at hinigit ako papunta kay Iyah na s'ya namang nagulat dahil sa presensiya naming dalawa. "What's the problem between the two of you?" Roxanne said, and she crossed her arms. I creased a forehead and looked at Iyah. Iyah looked back to me, and she also creased a forehead. In a snap Iyah and I said, "What do you mean?" Nagulat kami ni Iyah, dahil nagkasabay na naman kami sa pagsalita. We looked at each other and we both said, "Money for us." And we laughed. Nang tignan ko si Roxanne nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa 'ming dalawa, na tila ba litong lito s'ya sa mga nangyayari sa paligid n'ya. "Pina-prank n'yo ba 'ko?" "Anong prank?" tanong ko. Hindi sumagot si Roxanne at nakita ko naman na sa gilid ko na pinipigilan ni Iyah ang tumawa. Iiling-iling akong tumingin kay Roxanne. "Ay sige mamaya na nga tayo mag-usap papasok na 'ko, bye Iyah, bye—" Iyah cut me off. "Nandiyan pa lang 'yong sundo mo Klaire, may dalang limousine!" rinig kong sabi ni Iyah, kasabay ng kaniyang pagtawa. Susundo? Wala naman akong lalaki para sumundo sa akin, tss. "Kaykay!" Doon na mismo gumuho ang mundo ko nang narinig ko lang naman 'yong boses na palagi kong kinaiirita sa t'wing naririnig ko. Hindi ko alam kung anong balak n'ya sa buhay, at ako palagi ang pinagdidiskitahan niya. Wala naman siyang mapapala sa buhay ko. Pagkalabas ko ng gate, nakita ko s'ya na nasa harap at sinalubong ako nang kaniyang abot langit na ngiti. 'Yong limousine na sinasabi ni Iyah, bike naman pala ni Suze. Hanep. "Good morning my precious Kaykay," he greeted and smiled at me widely. "Tch, anong mayroon sa umaga kung ikaw ang makikita, aber?" prangkang sabi ko na s'ya namang ikinangiwi n'ya. "Siyempre gaganda ang umaga ng taong makakakita sa 'kin," he proudly said. "Taas confidence ah?" Binigyan niya ako ng tingin na para bang nagmamalaki. "Siyempre, kaya let's go sakay na, bago ka pa malate sa trabaho mo," sabi n'ya habang inaayos na ang likurang bahagi ng bike kung saan ako sasakay. "Ano ka chicks, asa ka. Maglalakad lang ako 'no. Medyo malapit lang 'yong resto rito Suze," I stated. Nag-umpisa na 'kong maglakad, at naramdaman kong nakasunod s'ya sa 'kin. Pilit n'yang hinaharangan ang dinaraanan ko, pero pilit ko rin na iniiwasan ang bike n'ya na madadaanan ko. Wala 'atang araw na hindi niya ako inaasar sa t'wing umaga. Well, kailan nga ba ako tinigilan ng taong 'to? Tch.. "Sasakay ka sa bike o sasakay ka sa 'kin?" Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan s'ya nang tingin. "Ano ba problema mo? Ang aga aga ah." "Sumakay ka na nga kasi sa 'kin, mapapagod ka lang sa kakalakad." I growled. "Mas gugustuhin kong mapagod, kaysa ang sumabay sa 'yo 'no." I rolled my eyes at him. At doon niya lang napagtanto na mali pala ang sinabi niyang word kanina. "'Wag kang assuming Kaykay, pero kung gusto mo—" Hindi na n'ya natuloy ang kanyang sasabihin, nang iamba ko sa kanya ang doll shoes na suot ko, dali-dali naman n'yang pinaandar ang bike n'ya papalayo sa 'kin. "Have a great day my precious Kaykay!" sigaw n'ya habang papalayo s'ya nang papalayo at kinawayan ako. "Hindi ka talaga nakakaligtas na asarin ako sa Suze, p'wede ka na talagang mamatay," nanggagalaiting sabi ko sa sarili ko. As I entered the restaurant, I was so shocked when I saw Khirro talking to Nadine, and it seems like they both happy accompanying each other. "Oh, Klaire, good morning. Aga natin ngayon, ah?" Nadine greeted me, between her genuinely smile. I smiled awkwardly. Lumapit ako sa kanila, and they both looked at me. Nadine was smiling genuinely, while Khirro looking at me intently. Nang makalapit na ako sa kanila, Nadine asked me what happened to me yesterday. "What's the reason why you're absent yesterday?" she asked, and based on her tone she was concerned. I was about to speak, when Khirro halted me. "She was in the clinic, yesterday," he stated formally. Nang balingan ko ng tingin si Nadine, nagtataka s'yang tumingin sa 'min. "Did you know each other?" she asked. "Hmm, sort of, we're schoolmates," Khirro answered. Ah, schoolmates. Para namang sinabi niya sa akin na 'wag na 'kong umasa. Tsk. Hindi dapat ako nagiging ganito dahil hindi naman niya alam ang nararamdaman ko. Saka anong pake ko kung schoolmates kami? 'Yon din naman ang totoo. "Yeah, we're schoolmates," I said emphasizing the word schoolmates. Bahagya namang napansin ni Nadine ang pagkakadiin ko sa salitang 'yon, kaya tinignan n'ya ako ng isang mapang-asar na tingin. Hindi ko na lamang pinansin 'yon, at tinanong kung bakit sila magkakilala ni Khirro. "E, how about the two of you?" I asked. Narinig ko namang tumawa si Nadine, na s'yang ikinakunot ng noo ko. Tumingin ako sa gawi ni Khirro, and he just smiled at me and then he shrugged. Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang makita ang mga ngiti niya. Those smiles, I love seeing it. Wala na, delikado na 'ko sa kaniya. Nang mahimasmasan na ng tawa si Nadine, tumingin s'ya sa 'kin at nagtanong, "So you didn't know Sir Khirro? You've been working in this restaurant for almost two weeks and yet you didn't know him?" tanong ni Nadine, habang pinipigilan ang kaniyang tawa. Sir Khirro? Don't tell me— "What do you mean by Sir Khirro?" I asked, confused. She just laughed once again and looked at me. "Ah, so you didn't have any idea who is him?" Then he pointed out Khirro. Hindi ako sumagot na s'ya namang nagpatawa sa kaniya ulit. Hindi ko na talaga maintindihna ang gusto niyang iparating dahil palaging nangunguna ang tawa niya. Ewan ko ba sa kaniya, sa mga ganoong eksena lang tawang-tawa na agad siya. Pagkatapos n'yang tumawa tumingin s'ya sa 'kin nang nakangiti at pinakilala ang lalaking nasa gilid ko. "He is the son of Mrs. Villanasis, and he is our boss. So basically he owns this restaurant," she stated that make me shocked. "S-seriously?" I stuttered. Nadine nodded. I looked at Khirro and he just smirked at me. Binaling ko ulit ang aking tingin kay Nadine. "Sh*ta all this time s'ya 'yong b-boss, at hindi si Mrs. Villanasis?" pagtatakang tanong ko at tinuro kung saan nakapuwesto si Khirro. "Yes," Iyah said, and then she smiled. I rerouted my gaze to Khirro, and he was looking at me intently. I was about to speak when he halted me. "Nice meeting you again KM," he said in a husky voice yet in a whisper tone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD