CHAPTER 28

3099 Words
Nagpaalam sa akin si Iyah na lalabas muna s'ya at may aasikasuhin muna raw saglit. Tumango na lang muna ako at mukhang seryoso 'ata ang gagawin niya. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari sa akin, at baka makatulong siya pero bigla ko na naman naalala 'yong nakaraang gabi na sinabi niya sa akin. Minsan talaga iniisip ko may tinatago na talaga siya sa akin, pero hindi ko pa rin sigurado dahil isa pa lang naman ang pinapakita niyang dahilan para masabi ko na may tinatago talaga siya. Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon, kung sakali man nga na may tinatago siya, ano ang magiging reaksiyon ko lalo na't tungkol naman iyon sa nakaraan ko? I decided to open the TV infront of me when suddenly Ciara entered the room. All I can see to her eyes was full of concern. "Klaire, what happened? May masakit ba sa 'yo? Sana 'di ka na lang pumasok, tsk. Anong sabi ng nurse sa 'yo, may naging—" I halted her. "Ciara calm down, I'm okay. Sumakit lang 'yong ulo ko. You don't have anything to worry about," I assured, smiling at her. Bahagya ko namang napansin na nahimasmas ang naging itsura n'ya matapos kong sabihin iyon. Umupo s'ya sa kinauupunan ni Iyah kanina at bumaling s'ya ng tingin sa 'kin, kasabay n'on ang paghawak n'ya sa mga kamay ko. Ngumiti muna s'ya sa 'kin, bago nagsalita. "If you're struggling in any problems, feel free to open up with me, okay? I'm always here in your side. No matter what." She smiled genuinely at me. Kahit nawiwirduhan ako sa mga inaasal niya ngayon, nagawa ko pa ring tumango bilang pagsang-ayon. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya at hinawakan ang kamay n'yang nakapatong sa kamay ko. "Okay, I appreciate you, thank you Ciara." Lumapit s'ya sa 'kin at bahagya akong niyakap, naging mabigat ang atmosphere sa 'ming dalawa dahil hindi naman ako sanay na ganito ang pinapakita n'ya. Niyakap ko s'ya pabalik, at bahagyang tumawa, senyas na hindi ko maintindihan ang ginagawa n'ya. So I decided to ask her on what she's doing on faculty room. "Ano nga pala ginagawa mo at lagi kang pinapatawag sa faculty?" "Ah 'yon ba gano'n talaga kapag malapit na ang Students' Fest. Baka nga next week na 'yon or next next week," she stated. Ha? May Students' Fest? Hindi ko alam na may ganito pa lang activity sa school na 'to kahit kakaumpisa lang ng klase. I looked at her, baffled. "What do you mean?" I asked. She looked at me, baffled too. "Ha? Students' Fest hindi mo alam?" I nodded slightly. "I mean, June pa lang ah, may pa Students' Fest na agad?" "Ay hindi ka ba aware? I mean, hindi ka um-attend no'ng orientation 'no?" pang-aasar n'ya pa sa akin. Totoo naman kasi na hindi ako um-attend, dahil noong mga araw na iyon ay abala ako sa trabaho. Akala ko kasi wala namang mahalagang sasabihin doon, pero hindi ko naman akalain na pag-uusapan ang bawat ganap na mangyayari sa buong school year. Nanahimik na lang ako dahil totoo namang hindi ako um-attend ng orientation. "Nako, nako. Isa sa mga important event ang Students' Fest kasi rito mo makikilala lahat ng mga students na taga rito," she said. "Parang acquaintance party?" "Hmm, sort of. Pero ang kaibahan two days 'tong sini-celebrate rito. And it's a whole day celebration! So basically walang klase ng two days!" ganadong sabi n'ya. Napatango na lang ako sa sinabi n'ya. Panigurado naman na hindi ako makakasama sa mga ganiyan. Mas pipiliin ko na lang na igugol 'yong oras ko sa trabaho, kaysa sa Students' Fest na gaganapin nila. Most especially there is one reason; I hate crowded places. "So, hindi ka excited?" nagtatakang sabi n'ya. Humarap naman ako sa kaniya na nanlilit ang mga mata. "Ano ba'ng ginagawa sa Students' Fest na iyan?" Umayos ako ng upo at sumadal sa head board ng kama. "Hey! It's the most awaited event kaya here in our university 'no!" she defended. "E, ano nga?" "Basta mag e-enyoy ka rito. May mga programs din na ihe-held, bawat strand. Kumbaga magkakaroon ng competition sa iba't ibang strand gano'n. And especially we have a party at night! Yuhoo! Just wait for the announcement of our president!" she said excitedly, at the same time she looked at me with her teasing face. Alam na n'ya talaga na kapag nabanggit 'yong president or 'yong name ni Khirro literal na mapapangiti ako nang palihim. "So, what's the score between the two of you?" kinikilig na sabi n'ya, habang ang kanyang mata ay kumikinang sa sobrang saya. "Real score, real score. Tss. I'm not even confessing my feelings to him 'no!" I defended. "So what? Malay mo naman, he has a feelings for you too." And then she winked at me. Ngumuwi ako matapos marinig iyon sa kaniya. "Tch, wala 'yon. Teka kumusta ba s'ya? I didn't saw him for two days na e," pagrereklamo ko ng parang bata. Sa t'wing magkikita kami ni Ciara, palagi kong tinatanong sa kaniya kung kumusta na si Khirro, dahil palagi naman silang magkasama sa faculty. Ang problema nga lang sa t'wing tatanungin ko s'ya, inuunahan s'ya ng kilig n'ya. She looked at me, smiling from ear to ear. "He will visit you here, anytime soon," kinikilig na sabi n'ya na s'ya namang nagpagulat sa 'kin. "F-for real?" Tumango s'ya na parang batang hindi mapigilan ang saya dahil nabigyan ng chocolates. In a snap her phone rang and it tells her that she needs to be in faculty room again. Nagpaalam s'ya sa 'kin, at sinabihan ako na anytime raw ay pupunta na si Khirro rito. Naguguluhan man ay tumango pa rin ako sa kaniya. Saka wala namang dahilan para pumunta siya rito, o baka may pinapagawa lang sa kaniya rito mismo sa clinic? Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang mga memories na naaalala ko. Kung p'wede lang siguro na bumalik sa past ginawa ko na, para maliwanagan ako sa mga nangyayari ngayon. As usual I grabbed my phone and open the notes app and I jut downs those memories that I've been reminsce earlier. Minutes after there are three knocks that I heard. Hindi na ako nagulat nang pagkabukas ng pinto, si Khirro na ito. Our eyes met. And it brings me to an angelic place. Sa t'wing nakikita ko ang mata n'ya nakakaramdam ako ng kaginhawaan. Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng nasa paligid ko. Para bang naging blured 'yong ibang gamit na nasa tabi ko at s'ya lang 'yong malinaw sa mga ito. My heart beat so fast, as if there were a race inside my chest. And I feel like they are butterflies inside my stomach. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito ng epekto niya sa akin, gayong ang nararamdaman ko lang naman sa kaniya ay paghanga. Hindi na ako magugulat kung isang araw, malaman ko na lang na hulog na hulog na ako sa kaniya at huli na para pigilan ko pa ito. We're looking into each other's eye, when he flashed a small smile on his attractive lips, that makes me slighy blushed. Agaran kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, at nagkunwaring tumingin sa TV na ngayon ay may pinapalabas na movie. I saw in my peripheral vision that he was going to my direction. Ramdam ko pa rin ang malalim niyang titig sa akin kaya ganoon na lang ang ilang na aking nararamdaman. Nagkaroon pa rin ako ng lakas loob na tumingin sa gawi niya kahit pa ramdam ko ang pagkailang sa sistema ko. Bahagya akong napangiti nang makita may isa siyang tipid na ngiti sa kaniyang labi. "How's here in our clinic? You felt comfortable, hmm?" he asked as he was looking directly on my eyes. I slightly nodded and smiled. "Yeah, it was pretty okay," I replied. He nodded repeteadly. Hindi na s'ya nagsalita pagkatapos kong sumagot. Napansin ko na nilibot n'ya lang ang kanyang paningin sa kabuuan ng clinic. I decided to ask him, what he was doing here. Hindi naman sa pagiging prangka, pero kasi wala akong makitang dahilan kung bakit siya nandito. Well, gusto ko rin naman na makita siya, since dalawang na ang nakalilipas simula noong makita ko siya. Kaya masiyadong binabagabag ang isip ko kung ano ang dahilan niya kung bakit siya narito. "Hmm, Khirro bakit ka pala nandito?" I casually said, kahit parang binobomba ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi talaga gumagana nang tama ang sistema ko, kapag kaharap ko 'tong taong 'to, tch. Naalarma naman s'ya na naging tanong ko. Bahagya akong napatawa sa inasal n'ya. "Don't get me wrong ah, I mean, 'yong president ng SSG pupunta sa clinic, para mabisita ako?" pahina nang pahina na sabi ko, dahil medyo makapal ang mukha ko ng nasabi ko 'yon. He looked at me intently and minutes after he burst into a peal of hilarious laughter. Kahit masarap pakinggan ang tawa n'ya at hindi ko mapigilan na mapatulala sa kaniya habang tumatawa siya, hindi ko rin maiwasan na magtaka sa inasal n'ya. I looked at him confused. Nang mahimasmasan doon na s'ya nagsalita. "Who told you that I came here to visit you?" There was a little smirked plastered on his lips. It caught off guard the hell out of me. Hindi ako nakaimik ng dahil sa sinabi n'ya. Akmang magsasalita na sana ako, pero naunahan niya agad ako. "Kidding around. I just came here to apologize," he seriously said, looking directly into my eyes. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "Ha? Why did you aplogize to me, e wala ka namang nagawa?" I asked, baffled. He smiled genuinely. "'At the parking lot... I'm sorry if I leaved you that time KM. I'm really really sorry. I didn't mean it to happen," he said apologetically. Bigla na lang ulit sumagi sa isip ko ang gabing iyon, kaya hindi ko maiwasang mangilabot. But I managed to compse myself, and looked at him with a smile. "Tss, wala na 'yon. Thank you rin pala no'ng nakaraan. I mean, 'yong sa amin ni Aica, kung hindi ka dumating baka hindi ako tigilan ng mga 'yon." "Ah about that, 'di ba kayo rin 'yong nagkaaway sa resto?" he asked. Oh, he still remembered it. "Yep, and marami na ring times na nagkaaway kami sa daan. Hindi n'ya siguro napigilan 'yong inis n'ya sa 'kin, kaya gano'n s'ya makipagtrato. And I didn't even know that she studied here," I stated. As the times passes by, I feel comfortable with him. "You seems so defensive, huh?" sabi n'ya habang nangliliit ang mga matang tumingin sa akin. Nakakunot ang mga noo akong tumingin sa gawi niya. "Hindi kaya 'no, defensive ka r'yan!" And I fake a laughed. "Just kidding around." And the he laughed too. Doon rin ako natawa, dahil nakakahawa ang tawa n'ya. Kung magsalita s'ya parang ang lambing, kung tumawa naman s'ya bruskong-brusko ang dating. I didn't imagined that Khirro and I will get along like this, I mean, we've known each other but not that much. Mayroon pa ring mga bagay na, litong lito ako lalo na't boses n'ya ang naririnig ko sa mga memories na naaalala ko. Hindi ko pa masabi na s'ya talaga 'yon, dahil sa t'wing may naaalala akong alaala malabo ang itsura ng lalaking nakakausap ko roon. Gusto ko s'yang kausapin sa ganitong bagay, once na na confirmed ko na s'ya talaga 'yong lalaking nasa alaala ko. We're just looking into each other, when he suddenly laughed again, and I see myself laughing too. And by that time I already felt the whole zoo inside my stomach. HABANG naglalakad si Iyah papunta sa garden ng Harmown University hindi n'ya lubos maisip kung paano n'ya uumpisahan ang topic about sa nangyayari kay Klaire. Nakailang ulit na s'ya ng lines sa isip n'ya na maaari n'yang sabihin, pero ang ending hindi pa rin n'ya mapagdesisyunan kung ano ang una n'yang sasabihin. Huminga s'ya ng malalim. "Kaya ko 'to, sina tita at tito lang naman 'yon," sabi pa n'ya sa sarili. Nang nagri-ring na ang telepono sa kabilang linya, halos marinig na n'ya ang kabog ng dibdib n'ya sa sobrang kaba. "Hello, who's this?" sagot ng nasa kabilang linya. "Tita si Sakiya po ito," sagot ni Iyah habang kagat kagat n'ya ang kaniyang mga daliri. "Oh, hija, kumusta? Kumusta si Klaire, may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ng nanay ni Klaire sa kabilang linya. "Ah, ano po tita... si Klaire po kasi..." Hindi na n'ya natapos pa ang sasabihin nang biglang magsalita ang nanay ni Klaire. "What? What happened to Klaire?!" "Ah tita, calm down. Si Klaire po kasi ano... sa tingin ko po... m-may naaalala na s'ya sa mga nakaraan n'ya..." sabi ni Iyah habang hindi s'ya mapirmi sa kinalalagyan n'ya. The sun is almost setting, at sumasabay ito sa bigat na nararamdaman n'ya. Hindi s'ya nakatanggap ng sagot mula sa kabilang linya. "Tita, are you still there?" nag-aalalang tanong iyon ni Iyah. "Yeah..." 'Yon lang ang narinig na sagot ng ina ni Klaire, na s'ya namang nagpakunot sa noo ni Iyah. "Tita, ano pong gagawin natin?" takang tanong ni Iyah. "No, wala tayong gagawin..." Nakunot ang noo ni Iyah nang marinig iyon mula sa ina ni Klaire. "Huh? Tita, what do you mean?" nagtatakang tanong ni Iyah at narinig n'yang bumontong-hininga ang nanay ni Klaire sa kabilang linya. "I guess this is the time, that Klaire will remember those memories that have been happened before." Doon na naalarma si Iyah, ang dami ng tanong na naglalaro sa isip n'ya pero hindi n'ya alam kung ano ang unang itatanong n'ya. "Pero tita, hindi ba kayo natatakot na baka—" Hindi n'ya ulit natapos ang sasabihin nang magsalita ang ina ni Klaire. "No, I guess, Klaire will understand us why did we keep those secrets to her. Well, in the first place it is for her own safety." Naintindihan naman ni Iyah kung ano ang gustong iparating ng nanay ni Klaire. Wala na s'yang balak tumutol pa rito, dahil gusto na rin n'ya mismong makawala sa mga alaalang hinahawakan at tinatago n'ya mula kay Klaire. Sakiya sighed heavily. "So, that's why we studied here in Harmown Town in order for her to remember all the memories in the past?" pagtatanong ni Iyah. Gusto na rin n'yang itanong ito mula pa noon, pero hindi n'ya kakikitaan ng halaga pa kung itatanong n'ya iyon. Dahil ang alam n'ya at ang sinabi sa kaniya ng mga magulang ni Klaire, ay ibabaon na lamang nila ito sa alaala. Narinig n'yang bumontong-hininga muli ang nanay ni Klaire at doon na n'ya nakumpirma kung bakit sila rito pinag-aral. "Yes..." Halos hindi n'ya malaman ang kaniyang mararamdaman ng mga oras na 'yon. Hindi niya lubos maiisip kung ano ang mangyayari kapag naalala ni Klaire ang lahat at ang masaklap pa alam n'ya ito, pati na rin ang mga magulang niya. "So ano po ang gagawin ko, tita?" kagat-labing tanong ni Iyah, habang pinipigilan ang bugsong nararamdaman n'ya. "Wala kang gagawin, just let Klaire remember all the things, that have been happened on her before..." At doon na ibinababa ng nanay ni Klaire ang linya. Kung anu-ano ng dahilan ang gusto n'yang buuin sa isip n'ya para kapag nagkataon na nalaman ni Klaire ang lahat may masasabi s'ya, pero hindi s'ya makapag-isip ng tama. She checked her wrist wratch and decided to go back to Klaire. Nang nasa pinto na s'ya, narinig n'ya ang tawa ni Klaire pati na rin ang boses ng isang taong may konektado sa nakaraan ni Klaire. Hindi muna s'ya pumasok at nakita n'yang bahagyang nakabukas ang pinto. Sumilip s'ya at nakita n'ya ang tawa ng kaibigan na halatang masayang-masaya sa nangyayari. Doon n'ya napagtanto ang lahat. Sinabi niya sa sarili na kailangan malaman ni Klaire ang lahat, kailangan n'yang maalala ang mga nangyari sa nakaraan, at higit sa lahat malaman ni Khirro na may konektado sila sa isat isa. Pero gaya ng sinabi ng nanay ni Klaire wala s'yang gagawin kundi ang hayaan sila. In order for them to live a normal life, without a hindrance about their past. SA kalagitnaan nang pagtawa namin ni Khirro. Napansin ko si Iyah na sumisilip sa pinto. Parang tanga. "Hoy Iyah, what are you doing there? Para kang tanga," sabi ko at tuluyan na s'yang pumasok. Napansin naman n'ya si Khirro na nasa tabi ko, at mapang-asar na tumingin sa 'kin. "Ayan ha, after ni Suze, president naman ng SSG nako nako Klaire, tsk," taas ang kilay na aniya, at tumabi s'ya sa kama ko sa bandang kaliwa. "Gaga ka, ano'ng sinasabi mo r'yan?" sabi ko na s'ya namang nagpatawa kay Iyah. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig niya. Buti na lang talaga at hindi ko pa sinasabi sa kaniya na nagkakaroon ako ng interes sa lalaking nasa kanan ko. At baka kung anu-ano na naman ang sabihin niya lalo pa't wala namang filter ang kaniyang bubunga sa tuwing magsasalita siya. Tch, bakit ko nga ba naging kaibigan 'to? "Wala, wala, spill anong meron sa inyong dalawa?" Mapanuksong tumingin siya sa akin, habang nakapangalumbaba sa harap ko. Bahagya akong tumingin kay Khirro, at makikita ang kaniyang inosenteng tingin sa amin. Para bang may hinihintay siya na sasabihin ko, kaya ganoon na lang ang tingin niya sa akin. Binalingan ko ng tingin ang kaibigan ko sa kanan ko. "Ano ba Iyah! Tumigil ka nga nakakahiya ka!" pabulong na asik ko, at bahagyang s'yang hinampas sa braso. Umarte naman s'ya na para bang nasaktan sa ginawa ko. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin, at nginitian naman n'ya ako. Tumayo siya at naglibot-libot sa kabuuan ng clinic, sinundan lang naman s'ya ng tingin ni Khirro hanggang sa umupo na s'ya sa paanan ko. "E kasi, ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit pumupunta ang president ng SSG dito, para bisitahin ang katulad mo?" prangkang tanong n'ya pero mahihimigan ang pang-aasar sa boses n'ya. Nailang ako sa naging tanong ni Iyah, tumikhim ako at sinulyapan ko si Khirro na ngingiti-ngiti sa kinauupuan n'ya. "Ah, Khirro, pagpasensiyahan mo na si Iyah ah, baka kasi umatake na naman 'yong sakit n'ya," pagbibirong ani ko, habang nakikita ko sa gilid ng mata ko na nagtaka ang reaksyon niya. "Hoy g*ga ka! Anong sakit?! Sinong may sakit?! At bakit may sakit?! E, kung ikaw lagyan ko ng sakit?! she shouted at me. Narinig ko namang tumawa si Khirro na nasa tabi ko. "You guys look good together. Magkapatid ba kayo?" ngiting aniya n'ya habang itinuro pa kaming dalawa. At sa hindi inaasahang pagkakataon nagsabay pa kami ni Iyah ng sasabihin, "'Eto kapatid ko?!" Kasabay n'on ang pagturo namin sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD