CHAPTER 27

1940 Words
"Aw." Narinig kong sabi ni Sebi na s'yang nakikinig pala sa 'min ngayon. I rerouted my gaze to him, and then I saw that he's wiping his cheeks because of tears. "Bebe Suze why naman ganiyan? Malay mo tatay mo pala tatay ko, pakilala na kita later," pagbibirong sabi ni Sebi na s'ya namang ikinatawa ni Suze nang bahagya. I looked at him, and then he looked at me. Ngumiti ako at bahagya s'yang kiniliti. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang ginawa ko, gusto ko lang ulit marinig ang tawa n'ya pagkatapos n'yang sabihin ang mga bagay na 'yon. At hindi ako nagkamali, halos mawalan s'ya ng hininga sa kakatawa at pilit naman n'yang pinipigilan ang kamay kong dumapo sa parte ng katawan n'ya kung saan s'ya may kiliti. "Ya! Kaykay! Stop it!" Pagpupumiglas na sabi n'ya sa kaligitnaan ng kaniyang pagtawa. Tumigil ako at hingal na napaharap sa kaniya, hinawakan ko ang balikat n'ya at sinabing, "Good things, takes time. Always remember that, hmm?" Ngumiti lang s'ya sa 'kin at tumango na para bang bata. "Good boy." "Baka good boyfriend," pang-aasar ni Suze na s'yang ikinangiwi ko. My face contorted upon hearing what he said. Wala akong panahon sa boyfriend lalo pa't abala muna ako sa pag-aaral ko dahil graduating student na ako. "Ewan sa 'yo, teka nga bibili muna ako sa canteen, mayroon pa namang ilang minuto," pagpapaalam ko. Pagkatayo ko bigla akong nakaramdam ng hilo, humawak ako sa table na nasa tabi ko, at kalaunay nawala rin naman ang sakit nito. "Oh, Klaire? Akala ko ba bibili sa canteen ba't may pa eksena ka r'yan?" sarkastikong sabi ni Sebi. Sinamaan ko na lang s'ya nang tingin, at akmang tatayo na 'ko nang maramdaman kong muli ang sakit sa aking ulo, para bang pinipiga ito ng dalawang malalaking kamay, na s'yang ikinahihina ko. Napaupo akong muli at hinawakan ang aking sentido. Naramdaman ko na may umaalalay sa 'kin, pero hindi ko sila mapagtuunan ng pansin dahil sa sobrang pintig na nararamdaman ko sa aking sentido. Haanggang sa 'di inaasahan na pangyayari may naalala na naman ako. "Ma, where are you going po?" I asked my mother who is now wearing her beautiful dress. She smiled at me widely. "At the park baby, and you're with us!" she replied, happily. "Hala, totoo po? Yehey! Magpa-park kami ni mommy!" paulit-ulit na sabi ko sa sobrang tuwa. Nang makarating kami sa park hindi ko mapaglagyan ang tuwang aking nararamdaman. Sa sobrang ganda ng lugar, halos hindi ko na maisara ang aking bibig sa sobrang pagkahangang nakikita ko. Namalayan ko na lang na may humawak sa labi ko at isinara ito. Bahagya namang natawa ang mommy ko sa naging akto ko. "Mommy, maglalaro po ako sa seesaw na malapit sa punong 'yon!" I said, cheerfully. "Yes baby, just be careful." My mom warned me. "Yes po, ma!" Habang tumatakbo at hinayaan na dumapo sa aking mga balat ang sariwang hangin, hindi ko namalayan na may kasabay pala akong batang lalaki na papunta roon. "Hello! Sasamahan mo 'ko?" I asked the boy who's beside me, while we're running. "Hmm." 'Yon lang ang naging tugon n'ya. Na hindi ko pa masyadong narinig, dahil sa hina ng pagkakasabi nito. Hindi ko na lang s'ya pinansin, at nakipag-unahan na lang ako nang takbo sa kanya. Nang makarating na kami sa seasaw pumwesto ako sa kanan at s'ya naman sa kaliwa. Makikita sa mga labi namin ang labis na galak na aming nararamdaman, dahil sa dulot ng sayang aming nararanasan. Masaya kaming nakikipagtawan sa isa't isa nang bigla s'yang magsalita. "Hey lady, what's your name?" I literally stop from what I'm doing. I froze, those voices, it so quiet familiar. "Hey Kaykay! What happened?" Narinig kong sabi ni Suze kasabay n'on ang pagyugyog n'ya sa 'kin. Naramdaman kong nakahiga pala ako sa bisig n'ya at dahan-dahan akong tumayo. Hinawakan ko ang aking sentido na s'yang nagpapasakit sa aking ulo. What's that memory again? Ano na naman iyon at bakit may ganoon na naman akong naalala? Pilit kong iniisip kung bakit, saan at paano ako nagkaroon ng ganoong memorya. Hanggang sa 'di ko nakayanan at ang boses na lang nila ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. "Klaire!" Sa isang iglap, naramdaman kong nasa isa akong malambot na kama. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at ang unang bumungad sa 'kin ay ang kaputian ng isang kisame. "Hala Klaire, gising ka na!" Narinig ko ang boses ni Sebi sa 'di kalayuan, naramdaman ko na lang na may mga tao nang papalapit sa 'kin. Una kong nakita si Iyah at mababasa sa kaniyang mukha ang sobrang pag-aalala. "Klaire, ano kumusta? Ano ba naman kasi ang ginagawa mo? Ano'ng nangyari? Ba't ka nahilo? May masakit pa sa 'yo? Bakit kanina parang lantang lanta ka? Bakita parang—" Sebi cut her off. "Wow 'te, kailangan sunod-sunod talaga ang tanong?" Sebi said, sarcastically. Umismid lang si Iyah at binalik muli sa 'kin ang kaniyang paningin. "Ano kumusta may nararamdaman ka ba?" she said, concerned. "Nasa'n tayo?" I asked. 'Yon ang naging unang tanong ko ng hindi ko napamilyaran ang lugar ng aming kinatatayuan. Natawa nang bahagya si Sebi sa naging tanong ko. "At ganon, kami alalang-alala sa 'yo, ta's 'yong lugar pa talaga ang inalam mo?" he said sarcastically again. "Ano ba Sebastian! P'wede bang manahimik ka muna?" Rinig kong pagtitimping saway sa kaniya ni Suze. Nakita ko naman na umakto si Sebi na parang maiiyak at nasaktan sa naging trato sa kaniya ni Suze. I also saw that he mouthed, "Sebastian talaga?" Natawa na lang ako sa ikinikilos ng mga kaibigan ko. "Ayos lang ako, nasa'n ba kasi tayo?" pagtatanong kong muli. "Sa clinic ng school," Suze replied, looking at me with his concerned face. "Anong oras na?" sunod na tanong ko. Sabay sabay silang sumagot na ikinagulat ko. "4:30 PM na." My mouth left gaped upon hearing they said. "Ano?!" "Oo 'te, grabe! Iba pala matulog ang isang Klaire 'pag nahihimatay, fantastic!" sabi ni Sebi habang sumesenyas s'ya na para bang manghang-mangha s'ya. "Seryoso?!" "Oo nga, 'di makapaniwala?" sabi naman ni Iyah na s'yang nasa tabi ko, at tumingin sa 'kin nang bahagya. "E, 'di hindi kayo um-attend ng klase?" I asked, once again. "Si bebe Suze lang ang hindi um-attend," sabi ni Sebi na s'yang ikinagulat ko. Binalingan ko ng tingin si Suze na s'yang nakaupo sa paanan ko, at binato ko s'ya ng unan na nadampot ko. "Hoy! Ba't 'di ka pumasok sa klase mo?" Tumingin s'ya sa 'kin ng may mapang-asar na ngiti. "Tch, bago ba 'yon Kaykay? Babe kita remember?" mapang-asar na sabi n'ya, at kasabay n'on ang pagkindat n'ya. Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga hindi s'ya matino kausap. "Tigilan mo nga ako, tse," sagot ko na siya namang tipid na nagpangiti sa kaniya. Naramdaman ko namang lumapit s'ya sa 'kin at bahagyang ginulo ang buhok ko, huli na nang makaiwas ako. Tumingin s'ya sa mga mata ko, at ganoon din ako, makikita mo talaga sa mga mata n'ya ang sinseridad sa mga ito. "I'm always here in your side, whatever the situation is. Get well soon, Kaykay." Hindi ko malaman kung anong magiging tugon ko dahil iba ang pakikitungo n'ya sa 'kin ngayon. Tumayo s'ya at kinuha ang mga gamit n'ya na nasa lamesang nasa harap ko. "I'll go ahead, kausapin ko muna mga teachers ko, see you tomorrow Kaykay!" he said, smiling and then he walked away. Hindi ko maalis ang paningin ko sa pinto dahil hindi ako makapaniwala sa naging akto n'ya kanina. Madalas naman talaga s'yang maging concerned sa 'kin, lalo pa't may nangyari sa 'kin. Pero 'yong ngayon? Iba ang pinapakita ng mga mata n'ya, hindi ko masabi na nang-a-asar lang s'ya, dahil makikita mo talaga ang sinseridad sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung may gusto ba s'ya sa akin, o sadyang gano'n lang talaga s'ya. Napaka abnormal talaga ng taong 'yon kahit kailan. Nagawa pa niyang um-absent sa mga afternoon subjects niya para lang mabantayan ako rito? Grabe rin naman kasi iyon kung mag-alala sa akin. "Hoy Klaire, umamin ka nga, may relasyon ba kayo ni Suze?" pag-iimbestiga ni Sebi na s'yang umupo sa kaliwa ko. Hindi ko alam kung kailan sila titigil kakatanong kung may relasyon nga ba talaga kami ni Suze. "Wala 'no! Ano ba kayo, masanay na kayo roon. Gano'n lang talaga s'ya sa 'kin, tch," I replied, kahit ako mismo ay taliwas sa mga sinasabi ko. I have this feeling that he has a feelings for me. Paranoid ka lang Klaire, tch! Si Suze magkaka-feelings sa 'kin? Lintek lang naman ang pang-aasar sa 'kin n'on, tss. Imposible. Umiling-iling si Sakiya at tumingin s'ya sa 'kin nang isang mapang-asar na tingin. "Defensive," she mouthed. I gulped. Anong defensive roon? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Palibhasa kasi palagi nilang mini-misinterepret ang sinasabi ko. Tss. Naramdaman kong tumayo si Sebi mula sa kaliwa ko. "Basta don't forget me on your wedding ah, invited dapat ako!" pang-aasar na sabi n'ya. "S*raulo," ismid na sabi ko. Tumawa lang s'ya at kinuha ang mga gamit n'ya na nasa lamesa "Sige na mamsh Klaire, una na ako ah, baka magbuga na naman ng apoy ang aking tatay, pagaling ka!" sabi n'ya at dumiretso na papalabas. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. "Sige, ingat ka! Salamat ng marami." Pagkalabas ni Sebi, may katahimikang bumalot sa loob ng k'wartong 'yon. Tumingin ako sa gawi ni Iyah, mahahalata mo na malalim ang iniisip n'ya at nakatitig lamang s'ya sa vase na nakapatong sa lamesa. Samantalang ako, hindi ko pa rin maalala kung bakit may ganoon akong memorya. Memories that I didn't aware that have been happened on me, before. Una, no'ng marinig ko ang boses ni Khirro, at ito na ang pangalawa. Sa t'wing may alaala akong naaalala, naririnig ko ang boses ni Khirro sa mga 'yon, na hindi ko naman tanda na nakasama ko pala s'ya ng ganoon. Ang naaalala ko lang talaga na pagkikita namin ni Khirro, ay 'yong minsang nadapa ako, 'yon lang wala ng iba. Pero bakit parang sa lahat ng memories na naaalala ko, nandoon s'ya? Pero hindi ko pa rin sigurado, since blur ang mukha ng tao sa alaala kong iyon. Pero sa boses? Masasabi ko na kahawig pa ito ng boses ni Khirro. Sino ka ba talaga, at ano ang kinalaman mo sa nakaraan ko? NAKAUPO ang isang babae na nangalalang Sakiya sa isang upuan malapit sa kama ni Klaire at malalim ang kaniyang iniisip habang nakatingin sa mga vase sa kaniyang harapan. Hindi n'ya malaman ang gagawin lalo pa't may ideya na s'ya kung ano ang nagyayari sa kanyang kaibigan na si Klaire. Hindi n'ya lubos maisip na sa nagdaang taon, maalala pa rin pala ng kaniyang kaibigan ang mga nangyari sa nakaraan. "Bakit kasi rito pa sa Harmown Town kami pinag-aral ni tita, tsk. Hindi talaga malabo na maalala ni Klaire ang lahat!" Pagmamaktol ni Iyah sa kaniyang isip. Hindi pa alam ng magulang ni Klaire na may ganito na pa lang nangyayari sa kanilang anak, at wala pang balak na ipaalam ito ni Iyah sa kaniyang mga magulang. Pero aware ang mga magulang nila sa mga nangyari sa nakaraan ni Klaire. Natatakot lamang si Iyah na baka 'pag nalaman ng mga magulang ni Klaire na may unti-unti na itong nalalaman, ay baka kamuhian s'ya ni Klaire, dahil nagtatago sila ng isang sikreto na dapat malaman ni Klaire. Nagpaaalam s'ya kay Klaire na bibili muna sa labas, ngunit ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ang mga magulang ni Klaire at mag-isip ng paraan upang hindi maalala ni Klaire ang mga alaalang matagal ng ibinaon sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD