CHAPTER 26

2218 Words
It's been two days since I and Khirro met. Dalawang araw na noong huli kaming nagkita, dalawang araw ko ng hindi nakikita ang kaniyang mga mata, dalawang araw na rin simula nang makaramdam ako ng kilig ng dahil sa kaniya. Sa t'wing naaalala ko 'yong pagkikita namin ng araw na 'yon, kung paano niya hawakan ang buhok ko, kung paano s'ya ngumiti sa 'kin, at kung gaano kalambing ang boses niya nang kausap ako ay tanda ko pa. Hindi ko lubos maiisip na ang dati kong hinahangaan mula pagkabata ay nakakausap ko ngayon, at nalalapitan ko pa. Ever since na nabubuhay ako, wala akong naging boyfriend, mga manliligaw oo, pero hindi hinahayaan 'yon ni Sakiya na makalapit sila sa 'kin, at palagi n'yang idinadahilan ang pag-aaral ko. But the truth is, I don't want to be in relationship to others hanggat hindi si Khirro ito. Hindi 'yon alam ni Iyah, at wala pa 'kong balak sabihin sa kaniya. Ewan ko rin, 'yon na ata ang tumatak sa isip ko, simula noong makita ko siya. Kaya siguro hindi ako nagkakaroon ng interes sa ibang lalaki, dahil iyon na pala ang tumatak sa aking isipan. Nandito kami ngayon sa library, at may pinapagawang activity ang teacher namin sa Math subject. May meeting kasi siya kaya nag-iwan na lang siya ng activity para sa 'min, at iche-check n'ya raw ito sa Monday. "Mareng Klaire, baka naman mayroon kang blessing d'yan? Share mo naman mars," pabidang sabi ni Sebi na s'ya namang ikinatawa nina Iyah at Suze. Kasama namin si Suze ngayon, dahil vaccant daw nila ng two hours na s'yang nakapuwesto sa kanan ko at nasa kaliwa ko naman si Iyah, samantalang nasa unahan namin si Sebi na katabi sana si Ciara, kaso pinatawag na naman s'ya sa faculty. Kahapon ko lang din nalaman na si Khirro pala ang President ng SSG, kaya pala naging president ang tawag sa kaniya ni Aica noon. Ang akala ko kasi president lang siya sa classroom nila. Kalimitan kasi iyon talaga ang first impression ko, malay ko ba na mas bigatin pa pala si Khirro. Nagdadalawamg isip pa nga ako kung sasabihin ko kay Cia ang nararamdaman ko para kay Khirro. Minsan na rin kasi akong nahuli ni Cia na pasulyap na tumitingin kay Khirro noon, nang minsang isama n'ya ako sa faculty. Todo deny pa ako ng araw na 'yon, kaya 'di ko rin masasabi na walang nalalaman si Cia. Nitong mga nagdaang araw mas nagiging malapit ang loob namin ni Cia, mas nagiging open na kami sa isa't isa, I must say that she's the girl that you can easily vibe with. Ang dali n'ya lang pakisamahan sa lahat ng oras. Halos hindi ka rin mauubusan ng tawa sa mga biro n'ya. Samantalang si Iyah, palaging nagrereklamo, kesyo hindi na raw n'ya kakayanin pa ang ABM at gusto na lang daw n'ya lumipat ng strand. Natatawa na lang ako sa palagi n'yang sinasabi. Hindi na 'ko magtataka kung isang araw na sa STEM na s'ya nabibilang. Dahil Architect naman talaga ang gusto n'ya. Habang si Sebi, mas naging makulit na s'ya sa 'min. 'Yong tipong kapag s'ya 'yong kasama mo palagi kang nakangiti sa lahat ng oras. Palagi n'ya ring inaasar si Suze na s'ya namang laging kinaiinisan nito. Habang si Suze, mas naging komportable na kami sa isa't isa. Minsan na lang n'ya 'ko kung asarin, pero may mga araw talaga na halos hindi s'ya nagsasawa na inisin ako. Hindi ko naman masabi na may gusto s'ya sa 'kin, dahil iba naman ang pinapakita ng mga kilos n'ya. Masasabi ko lang na nang-aasar lang talaga s'ya. Sa tatlong araw ko sa school na 'to, nakatagpo na agad ako ng mga tao na 'di ko akalain na makikilala ko. Minsanan na lang kung magkatagpo ang landas namin ni Aica at saka ng mga alipores n'ya. At hangga't maaari ako na lang ang umiiwas sa kanila para maiwasan ko ang gulo sa pagitan naming dalawa. Naramdaman ko na lang na may pumitik sa noo ko na s'yang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. "Hoy Klaire! Kanina ka pa namin tinatanong, anong nangyari't lutang ka 'ata?" asik ni Sakiya, at humalukipkip pa. Nakita ko naman na tumingin sa 'kin si Suze at nagtanong. "Why Kaykay? Is there anything bothering you?" he said, with his usual malambing voice. I rolled my eyes at Suze. Nitong mga nakaraang araw masasabi ko na nagpapabebe siya sa akin, 'yong tipong palaging nakanguso, o 'di kaya ay maglalambing na hindi mo naman maintindihan. Tch. "Ayan, nag-uumpisa na naman po ang ating KlaZe lovers, maghihimagsik na naman sila ng kalandian," pagmamaktol ni Sebi, na sa sobrang lakas narinig na s'ya ng librarian. "Students, quiet! You're here in library." "Student, quiet! You're here in library," Sebi said, imitating what librarian said earlier in a whisper tone. Hindi namin mapigilan na matawa nang bahagya ng dahil sa inasal n'ya. "Ano Klaire, what happened you're spacing out?" pagbabalik tanong sa 'kin ni Iyah. "Wala wala, may mga naalala lang." "Ay bet ko 'yang naalala na 'yan, siguro mga sweet moment n'yo yan ni bebe Suze 'no?" singit ni Sebi, habang ang kilay n'ya at nagpapataas-baba. Nang balingan ko ng tingin si Suze, tumingin lang s'ya sa 'kin nang mapang-asar at ginawaran ng kiliti ang aking bewang. Impit ako na napasigaw. "Peste ka, tumigil ka nga!" Pero hindi n'ya tinigil ang ginagawa niya kaya napakalakas ako nang tawa kasabay nang paghampas sa kanya. "Ano ba!" biglaang bulyaw ko, na ako mismo ay hindi inaasahan ito. "Table number 14, get out!" the librarian shouted. "'Yan puro kasi kayo harot tsk," pagmamaktol ni Iyah. Wala kaming nagawa kundi ang lumabas na lang, tapos na rin naman ako sa ginagawa ko, at siguro tapos na rin ang mga kasama ko. We're still have less than one hour to finish our activities. At dahil na rin naman sa tulong ni Suze natapos namin kaagad ito. "Saan tayo?" tanong ni Iyah. I just shrugged. I rerouted my gaze to Sebi. At makikita sa kaniyang mukha ang ideya na s'ya lang ang nakakaintindi. "Sa garden na lang? Maganda roon promise! Tara na mga mars!" he said, excitedly. Sumunod na lang kami sa kaniya, at dahil may oras pa naman kami, roon na lang namin palilipasin ang natitira pang oras. Maganda ang lugar. It has a lot of different flowers, the smell of it was so fascinating. Nasa malayo ka pa lang langhap mo na ang bango ng mga ito. Aakalain mo pang isa ito sa mga bulaklak na binebenta sa mga popular store. Maraming mga puno na s'yang nakakapag-relax sa lugar at s'ya ring pagkakaroon ng sariwang hangin. May mga benches din sa ilalalim ng puno na hugis bilog at mga lamesa na gawa sa kahoy na s'yang nagpapaperpekto sa lugar na 'yon. Mayroon din na ma pailaw, na sa tingin ko ay maganda kung bubuksan. Maaraw pa kasi ngayon kaya hindi ito nakabukas. Mayroon ding maliit na wishing fountain na katabi ng isang mango tree, na s'yang lalong nagpapaganda sa lugar. All I can say to this place, was so perfect for romantic dates. Iyon nga ata ang theme ng garden na 'to. No wonder why a lot of students are here. Narinig ko rin noong nga nakaraang araw na isa ang garden ng Harmown University ang nagiging panlaban ng school na 'to. Kumbaga isa sa mga dahilan kung bakit naging sikat ang Harmown Univerisity ay dahil tinagurian itong Most Impressive Garden bukod pa ang pagiging high quality nang pagtuturo ng mga teachers dito. Naiisip ko rin, paano ako nakapasok sa ganitong kaganda at kayaman na paaralan gayong lubog naman kami sa utang? Minsan naiisip ko may sponsor ang mga magulang ko kung bakit ako nakakapag-aral dito ngayon. Alam ko naman na scholar ako, pero 'yong mga miscellaneous ko araw-araw, palagi kong nakikita sa bank account ko na palago nang palago ang pera roon. Umupo kami sa isang bench na malapit sa wishing fountain. Katabi ko ulit si Suze dahil ayaw daw n'yang mawala sa tabi ko, samantalang si Sebi at Iyah naman ay magkatabi. Good for two person lang kasi ang upuan na ito. Nakita ko nang napahawak si Iyah sa kaniyang bibig kasabay n'on ang kaniyang paghikab. "Guys, sleep lang ako, pakigising na lang ako," tamlay na sabi n'ya. Nitong mga nakaraang araw kasi mas naging busy na kami, at inaabot pa kami ng madaling araw sa kakagawa ng mga activities namin. "Sige mars, pero kung napasarap ka naman na, tuloy-tuloy mo na ha," pabirong sabi ni Sebi. Hindi na s'ya pinansin ni Iyah at pasiring na itinungo na lang ang kaniyang ulo sa mesa. Mayroon mga mangilang-ngilang estudyante na nakatambay din dito, at hindi naman sila gaanong ka-ingay, pulos pagkukuwentuhan lang ang kanilang ginagawa, ang iba naman ay parang gumagawa ng kanilang activity, kaya masasabi ko na libreng-libre ang matulog sa lugar na 'to. There was a defeaning silence between us not until Suze cracked it. "I have a question." Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan n'ya kaya lumingon ako, tinignan ko rin ang gawi ni Sebi pero nakakabit lang ang earphone n'ya sa tenga at may kinakalikot sa kaniyang cellphone. Wala akong nagawa kundi ang sumagot. "Ano? 'Wag katangahan ha." Inunahan ko na s'ya bago pa s'ya magtanong ng kung anu-ano. He just smiled at me. "Is it okay if you leave a person hanging out without a valid reason?" It caught off guard the hell out me. I'm shocked with his sudden question. Napamaang akong tumingin sa kanya. "Well, if you don't have the valid reason to leave that person, siyempre maling-mali 'yon 'di ba?" I said, looking at him. "Imagine, you leave that person with full of happy or sad memories tapos iiwan mo lang ng basta-basta. Ang gag* naman n'on." At umayos ako nang upo papaharap sa kaniya. "Bakit mo iiwan 'yong isang tao, gayong wala namang sapat na rason para iwan ito. But I guess, it also depends on a situation, teka nga, ba't mo naitanong?" kunot-noong tanong ko. He smiled painfully. "Our dad left us, when I was 8 years old." All I can see to his eyes was pain and sadness. Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Tumitig lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang buong mukha n'ya. Gusto ko s'yang tanungin kung bakit, pero ayokong pangunahan ang mga sasabihin n'ya. "My dad left us, without any reason. Iniwan na lang n'ya kami, naglaho s'ya ng parang bula. Ni kahit minsan sa nanay ko hindi s'ya nagpaalam. Ang galing 'di ba?" he said, with his eyes full of sadness. "Did you know your father's name?" I asked. Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya, bagkus sinundan n'ya lang ang kuwento n'ya kanina. "As far as I remember we were so happy family that time, not until I heard my mother saying that my father have a mistress. Nagulat ako s'yempre, hindi ko akalain na 'yong masayang pamilyang binuo ng pamilya ko mabubuwag lang ng isang malanding babae," sabi n'ya habang ang kaniyang paningin ay nasa bulaklak na nasa harap namin. "Siguro 'yon ang dahilan kung bakit n'ya kami iniwan, dahil nalaman ng nanay ko na may kabit s'ya. Pero wala pang kasiguraduhan kasi nga 'di ba iniwan na lang n'ya kami ng walang paliwanag ni miski isa." At humarap s'ya sa 'kin nang nakangiti. "It's been one decade since we met, and until now I still missed the love of a father, that I never been felt when I was a kid. Isang beses ko lang nakasama ang tatay ko Klaire, nakikita ko lang s'ya tuwing gabi tulog pa, tapos pagkagising ko sa umaga wala na naman s'ya. Masaya na sa 'kin 'yong ganoon dahil kahit papaano nararamdaman at nakikita ko naman na mahal n'ya ang nanay ko. Not until the day comes, that he left us, masakit, lalo na sa nanay ko," emosyonal n'yang sinabi, na kahit wala s'yang pinapakitang luha, mararamdaman mo ang bigat na nararamdaman n'ya. "Na 'yong dati masayang pamilya, nawala na lang ng parang bula," dugtong n'ya. Makikita mo sa mga mata n'ya ang lungkot, pero hindi mo ito kakakitaan ng kahit na anong luha. Para bang nasanay na s'ya na hindi umiiyak, sa t'wing pinag-uusapan ang tatay n'ya. Also, I hate the feeling of pity when guy is crying in front of me. Wala akong nagawa kundi ang yakapin s'ya at tapikin na lang ang likod n'ya, para kahit papaano maramdaman n'ya na may taong handang makinig sa mga problema n'ya. Humiwalay s'ya sa pagkakayap sa 'kin at kasabay n'on ang pagngiti n'ya na para bang walang problema. I didn't know that Suze has this side of him. Akala ko wala s'yang problema dahil masaya s'ya palagi sa t'wing ako, kami ang kasama n'ya. Tumingin s'ya sa 'kin at makikita mo ang sinseridad sa kaniyang mga mata sa sobrang pagkakangiti na ginagawad niya sa akin. "Did you know why I told you this?" he asked, smiling. But his eyes was full of bereavement. "Why?" halos pabulong ko na 'yong sinabi. Umiiling s'ya at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar. "Because of this place, I remember him because of this place. Sa isang garden ang huling pagkikita namin na s'yang ikinatuwa ko dahil naging masaya kami noon. Ngayong nandito ako, hindi ko maiwasang isipin ang alaalang 'yon." And then he smiled weakly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD