CHAPTER 25

2116 Words
Bumontong-hininga ako at hindi na lamang iyon pinagtuunan ng pansin. Kung ganitong palagi ako ang trip niya, mas mabuti na iwasan talaga siya. Pero ewan ko ba, sa t'wing may mga bagay na ginagawa siya sa akin, napipikon kaagad ako kaya hindi ko agad maiwasang gumanti. Tsh. As we enter the canteen I saw Sakiya waving her hands at me. "Klaire!" she shouted. Inaya ko si Ciara sa table na kung saan nandoon si Iyah. Mukha rin naman kasi siyang walang kasabay kaya mas maigi na sa amin na lang siyang makiupo at para makilala n'ya rin ang mga kaibigan ko. Wala naman s'yang nagawa dahil pinilit ko s'ya. "Iyah this is Ciara," panimula ko. "And Ciara this is Sakiya." I smiled. "Hello Ciara, nice meeting you!" Sakiya said cheerfully. Ngumiti lang nang tipid si Ciara na animo'y nahihiya pa. Lumapit naman sa kanya si Sebi at inakbayan s'ya. "Hello girl! Don't be shy, hmm? from now we're friends, okay?" Sebi asked, smilling widely. "What are you talking about Ignacio? We're seatmates kaya," Ciara said. Ha? Seatmates? Bakit sila naging seatmates? "Charing lang, ah, Klaire si Ciara Vice President ng SSG, tapos classmate natin," Sebi said, looking at me with a wide smile on his face. Naguguluhan akong tumingin sa kanila, at alam kong halata na rin ang gulat sa aking hitsura. "E? F-for real?" Tumingin ako sa gawi ni Ciara at mukhang hindi s'ya nagulat. "Alam mo?" I almost whispered, while pointing at her. She just nodded at me. "Yes. I thought you already know?" naguguluhan din siyang tumingin sa akin at akward na ngumiti. Iiling-iling akong ngumiti sa kaniya. Kaya naman pala ganoon na lang niya ako i-approached kanina, kaklase ko naman pala siya. At kaya siguro hindi siya naka-attend ng class kanina, marahil busy siya sa kaniyang ginagawa. Vice President pa man din siya ng SSG. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at hindi na binigyan pa ng pansin. Tinapunan ko ng tingin si Sebi. "Ano pala in-order niyo?" "Chicken sandwich and juice, order na lang kayo roon, kung may gusto pa kayong iba," Sebi said while sipping his apple juice. Hindi na lang ako nagsalita at sinimulan ng lantakan ang nasa mesa, tumingin naman ako sa gawi ni Ciara at prente lang din siyang nakikipag-usap kay Iyah. Habang ini-enjoy ang aking sarili sa pagkain na nakahanda sa lamesa, bahagya akong napakislot nang maramdaman ang pares ng isang braso na umakbay sa akin. "Oh, PDA! PDA!" Sebi said, teasing us. Ito na naman 'tong lalaking 'to. Nag-uumpisa na naman siya. Bakit ba kailangan pa niyang sumabay sa amin? Tsh. "Hoy Suze! Alisin mo 'yang kamay mo!" bulyaw ko sa kaniya. "Sige Kaykay, ganito na lang." Pinatong n'ya ang dalawa n'yang kamay sa lamesa at nilagay niya roon ang kaniyang mukha. Mukha tuloy siyang tutok na tutok sa akin sa t'wing ganoon ang puwestong ginagawa niya. Isa lang ang masasabi ko sa taong 'to, abnormal talaga siya. Hinayaan ko na lamang siya at wala na rin naman akong magagawa. Sa t'wing pipigilan ko kasi siya, mas lalo lang siyang magiging makulit, at talaga namang hindi ako tatantanan. Narinig ko naman na tumikhim si Sebi. "Hey bebe Klaire, pakilala mo naman 'yang hot papa na katabi mo," Sebi said, in flirty voice. Ngumiwi naman ako at bumaling sa gawi ni Suze. "Pakilala ka raw." I rolled my eyes at him. His face contorted. "A-yo-ko, ayoko, pahingi muna ako ng permission galing sa 'yo." He pouted. "Abnoy ka ba? Bumalik ka na nga kung sa'n ka nararapat," malditang sabi ko na s'ya namang ikinangiwi n'ya. "Anyway my name is Kiel Suzeurto, you can call me Suze and soon to be boy—" Bago pa n'ya matuloy ang sasabihin n'ya sinalpakan ko na ng sandwich ang bibig n'ya. "Kya! Soon to be boyfriend daw ni Klaire! Ehe," kinikilig na saad ni Sebi at doon na tuluyang lumukot ang aking mukha. "Shh, tama na 'yan bawal mag boyfriend-boyfriend si Klaire, kumain na nga kayo." Narinig kong awat ni Iyah sa aming tatlo. "I agree mars," sabi ko at nakipag-apir sa kaniya. Pero hindi n'ya lang ako pinansin at pinagpatuloy lang n'ya ang kanyang pagkain. I rolled my eyes at her, when she sting out her tongue, basically she's annoying me by doing that. Papalabas na kami ng canteen nang maalala ko na kailangan kong pumunta ng library at manghiram ng libro para kahit papaano ay may reference ako sa pagsagot ng mga take home activities ko. "Ah, guys una na pala kayo, may five minutes pa naman bago mag-start 'yong class, may dadaanan lang ako sa library." Ngumiti ako sa kanila. "We? Library ba talaga?" pang-aasar ni Sebi. "Gaga, it's my first day here, 'wag kang tamang hinala," I said. "Ouch papa Suze, gaga raw ako?" paglalambing n'ya kay Suze na kumawit pa sa braso nito, mahahalata naman ang pagkairita sa mukha ni Suze. Narinig kong nagsalita si Ciara, "Bagay kayo," sabi n'ya na s'ya namang nagpatawa sa aming lahat. "Hindi ako agree," sabi ni Sakiya. "Mas bagay kayo." And then she pointed out Ciara and Suze. Mahina akong napatawa. Kung tutuusin, bagay nga talaga sina Ciara at Suze, pero mukhang hindi naman ganoon ang type ni Ciara sa mga lalaki at hindi rin ganito ang type ni Suze sa mga babae. Well, kung sila naman talaga ang para sa isa't isa e, 'di mas maganda. Nakita ko namang bahagyang namula si Ciara na ikinangiti ko, I rerouted my gaze at Suze and he just looked at Ciara with no emotions. Pero agad na nabaling ang tingin niya sa akin, at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Ang sama n'yo sa 'kin mga bakla," pagtatampong sabi ni Sebi. "Sige na sige na, una na 'ko." Tumalikod ako sa gawi nila at narinig ko pang sumigaw si Suze na ginawaran ko na lang ng pagtaas ng kamay bilang paalam. Medyo malayo-layo ang library sa canteen, dahil medyo magkatabi lang and dean's office at ang library, aabutin pa ata ng mga limang minuto bago ako makarating doon. Pero ganoon na lang ang pagtigil ko sa paglalakad kung kailan malapit na ako sa library, nang maramdaman ang isang malamig na likido na dumadaloy sa ulo ko. "Oh, I didn't know that I'm gonna spill it to you," I heard Aica's voice behind me. Napasapo ako ng aking noo nang narinig ko na naman ang boses niya. Kailan ba ako titigilan ng taong 'to? Halos wala ata siyang pinapalampas na araw para i-bully, at gawan ako ng masama, ah? Humarap ako sa kaniya and she just arched a brow with a little smirk on her face. I looked at her boredly. "Ano na naman ba 'to?" Buti na lang at wala ng gaanong estudyante at hindi nila nakita ang pagpapahiya sa 'kin ng babaeng 'to. "Hmm, a game? What do you think so?" sagot ni Aica at umakto pa na para bang nag-iisip s'ya. "Pitiful scenes," sabi ko ng walang pag-aalinlangan, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at sinumulang punasan ang aking sarili. Wala pa man din akong dalang extra shirt, at hindi ko alam kung kaya ko pa bang pumasok sa next subjects na ganito ang hitsura ko. Apple juice pa man din ang ibinuhos niya sa ulo ko. Tch. "What did you—" I halted her. "I said it's your pitiful scene, and please stop bothering me," pagtitimping saad ko, at kasabay n'on ang pagdiin din ng bawat salitang binibitawan ko sa kaniya. "Sino ka naman para sundin ko? Ni wala ka pa nga sa kalingkingan na mayroon ako. You're just a peace of trash, so you better leave this campus," sabi n'ya habang dinu-duro ako sa balikat ko na s'yang nagpapaatras sa 'kin. Iniwas ko ang mga kamay niya sa balikat ko at nalagyan ko iyon ng puwersa na siyang nagpawala ng kaunting balanse sa kaniya. "Sa iyo na mismo nanggaling, wala nga ako sa kalingkingan na mayroon ka pero bakit sa akin ka lumalapit? Bakit pinagpipilitan mo 'yong sarili mo na pagtrip-an ako? Where in fact, wala pa nga ako sa kalingkingan mo?" sarkastiko kong tanong. "O, baka hindi mo lang talaga malabanan 'yong mga ka-level mo, kaya 'yong mga taong wala pa sa kalingkingan mo ang pinupuntirya mo?" dagdag ko. At kita ko mismo sa hitsura niya ang labis na panggigigil sa mga salitang binitawan ko. Lumapit ako sa kaniya, at pinantayan ang masama niyang tingin sa akin. "I already warned you, Ciara. Isa pang bangga mo sa 'kin, hindi na ako magdadalawang isip na patulan ka." Pinagkakadiinan ko talaga ang bawat salitang binibitawan ko sa kaniya. "Wala akong pake kung mapera o mataas ang impluwensiya mo, dahil doon ka lang din naman kumakapit para masabi mong malakas, at maging makapangyarihan ka sa mata ng tao." Nakatingin kami sa mata ng bawat isa at masasabi ko na bahagya siyang naapektuhan sa sinabi ko. Sa labis na galit at inis na nakikita ko sa hitsura niya, mukhang hindi na niya napigilan at akmang masasampal na n'ya ulit sana ako, at handa ko na rin sanang mapigilan ito, nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa likod ko, na hindi ko aakalain na makikita at maririnig ko rito. "Stop." Unti-unting kinuyom ni Ciara ang mga kamay niya, at nagpasada ng isang malanding tingin kay Khirro na nasa likod ko. "Hi president, what—" Khirro cut her off, and she diverted his gaze at me. I cast my head downwards because of nervous. "You, what do you think are you doing?" I heard Khirro asked, hindi na ito katulad noong boses n'ya na malambing, may halo na itong pagkairita. Dali-dali kong tinignan si Khirro at nakatingin s'ya sa gawi ni Aica. "Ah president, I'm just giving her a lesson—" Muli siyang hindi pinatapos ni Khirro. "What lesson? By spilling a juice to her? Nasaan ang utak mo?" Khirro asked sarcastically. "President, ganito kasi—" Aica didn't finish what she was going to say when she halted again by Khirro. "Stop with the explanation, I don't need it. Go back to your room, now." Hindi na s'ya nakaimik pa, and before she leaved she just glared at me badly. Hindi ko s'ya pinansin at nakita ko na lang na naglakad papalapit sa 'kin si Khirro. 'Eto na naman 'yong feeling na para bang nalulunod ka sa kaniyang iisang tingin. I just want to scream all over the world how cute this guy. His hazel brown eyes, always caught my attention. "Are you okay?" he asked, at napakalambing ng boses n'ya. I don't know if it's his normal tone or what. Pero isa lang ang masasabi ko ngayon, ang nararamdaman kong inis kay Ciara ay napalitan na kung anong kiliti sa aking nararamdaman. "Ah, I'm okay thank y-you," I stuttered. "Here." Tinignan ko ito at may iniabot s'ya sa 'kin na isang white t-shirt na ikinailing ko naman. Tumingin ako sa kaniya at sinensyasan n'ya lang ako na kunin ko ito. Kinuha ko naman ito, at medyo nakakahiya na baka nangangalay na s'ya sa pag-abot sa akin ng t-shirt na iyon. "Fix yourself before you go to your class, and if ever Aica's bullying you again... tell me, okay?" he said with a small smile on his lips and then he patted my hair. Pinalobo ko ang aking mga pisngi, para hindi niya mahalata ang mga ngiting gustong kumawala sa aking labi. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi, kaya hindi ko alam kung napapansin niya ba iyon o hindi. Ako na mismo ang nahihiya sa mga ginagawa ko ngayon, at gusto ko na lang ulit tumakbo para kahit papaano ay hindi niya makita ang reaksiyon ko. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong eksena, dahil wala pa naman ang gumagawa sa akin ng ganito. Kaya ganito na lang ang hiyang nararamdaman ko at hindi makatingin ng diretso sa gawi niya mismo. "Anyway, I'll go now, long time no see.... KM." He patted my hair once again, and he walked away. Sa mga oras na iyon, doon ko nakumpirma na ang nararamdaman ko sa kaniya ay totoo. Hindi ko alam kung papaano nag-umpisa, at bigla ko na lang din iyon naramdaman. Marahil simula bata, simula noong nakilala ko siya noong minsan akong nadapa, roon na nag-umpisang sumibol ang nararamdaman ko. At natuloy lang iyon, nang makita ko siyang muli ngayon. Hindi ko mapigilang mapasigaw nang mahina dahil naalala niya ako, at ang pangalan na binigay ko at dahil na rin sa kilig na nararamdaman ko. He is just the one guy I always admired with his little moves, and always bringing up the butterflies inside my stomach. How could this guy let me feel that I'm in love with only those moves?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD