CHAPTER 24

2303 Words
"E, kung tuluyan kita Mr. Ignacio?" sabi ng teacher na s'ya namang nagpangiwi sa katabi ko, na si Ignacio at nagsipagtawanan muli ang aking mga kaklase. "Stop!" biglang bulyaw ni Sir, na siya namang nagpatahimik sa buong classroom. "Sit down Ms. Frakier, pagbibigyan kita ngayon pero sa oras na mahuli ka sa klase ko, mag-drop out ka na!" Padabog akong umupo, at buti na lang hindi n'ya nahalata iyon. "Ano Klaire, saan ka galing? Hindi mo man lang kami sinabay ni Roxanne sa pagpasok?" bulong sa 'kin ni Sakiya at tumingin naman ako sa gawi n'ya. I looked at her intently. Ano ang ibig mong sabihin n'ong sinabi mo na dapat hindi ko na malaman? Gusto kong isatinig ang mga kaisipang naglalaro sa isipan ko. Ngunit hindi ko alam kung sasabihin n'ya ang totoo. "Frakier!" Natauhan lang ako nang marinig kong muli ang pasigaw na pagtawag sa 'kin ng teacher. Dali-dali akong tumayo, at bahagyang nakatungo. I saw in my peripheral vision that Ignacio smiling at me widely. "Ganyan talaga 'yan si Sir, masanay ka na," Ignacio said. "Introduce yourself lang papagawa n'yan sa 'yo, 'wag kang kabahan." At ngumiti na lang ito sa 'kin. "Absent na nga ng two days, absent minded pa rin hanggang ngayon?" he said sarcastically. Nakatungo lang ako at hindi tumutunghay, naramdaman kong lumapit s'ya sa 'kin, at umiikot-ikot pa. Narinig ko naman s'yang suminghal at bumalik na sa unahan. "Introduce yourself Ms. Frakier!" bulyaw niya na siya namang nagpagulat sa 'kin ng bahagya. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Sa paulit-ulit na school year na dumadaan, paulit-ulit din naman nangyayari ang introduce yourself, pero parang bago sa akin iyon at palagi akong kinakabahan. Tumunghay ako at tumingin ako sa mga kaklase ko. "Hello! My name is Klaire Marriane Frakier, I'm 19 years old, and you can call me Klaire," I said in with unblemished interest. Hindi ko na sinundan pa ang sasabihin ko dahil hindi ko naman kung ano ang isusunod. Sapat naman na siguro iyon para makilala nila ako, at magkaroon sila ng kaunting kaalaman sa pagkatao ko. "That's all?" hindi makapaniwalang saad ng teacher sa akin. "That's all, Sir." I assured him. "Nonsense, sit down!" Umupo na ako, at dahil nasa dulong bahagi naman kami ni Sakiya, malaya kaming nakakapag-usap nang patago. Winakli ko na lang sa isipan ko ang nangyari kagabi, at kinausap si Sakiya na para bang wala akong nalaman. "May dinaanan kasi ako, kaya hindi ko na kayo sinabay," pagsisinungaling na sabi ko. Tumango-tango naman siya at bahagya pang lumapit sa 'kin. "E, ba't late ka?" she asked. "Hindi ko namalayan 'yong oras sa sobrang pagkahanga ko sa buong campus," pabirong saad ko. "Omg! Same ganiyan din ako no'ng first day," she giggled. Ngumiwi ako at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa teacher namin na nagsasalita sa unahan. Hindi ko rin alam kung papaano kong nagagawa na makinig sa guro namin, habang ang kalahati kong utak ay patuloy na naglalayag sa kung saan. Hanggang ngayon kasi, abala pa rin ang utak ko kung bakit sinabi iyon ni Iyah. Kung bakit kailangan wala akong malaman? Kung bakit hindi ko na puwedeng malaman? Ano ba talaga ang nangyari sa akin sa nakaraan? Hanggang sa matapos ang klase ng pang-umaga. Ang dami ko ring mga teachers na nakilala, at puro pag alala ang nakita ko sa kanilang mga mata, hindi kagaya n'ong teacher ko no'ng una na akala mo'y pinagsakluban ng langit at lupa, and it turns out that, he's our adviser Mr. Crocia. Papaalis na sana kami ni Sakiya para mag-lunch sa canteen, nang biglang namang nagsabi ang adviser namin na magpaiwan muna ako, at may sasabihin lang daw ito. "'Wag kang kabahan girl, magtatanong lang 'yan," sabi ni Ignacio, at kanina ko lang din nalaman ang pangalan n'yang Sebastian dahil sa kadaldalan nito. Pero mas prefer daw s'yang tawaging Seb or Sebi. Siya 'yong tipong taong hindi nauubusan ng topic kapag kausap mo siya. Talagang gagawa at gagawa siya ng paraan para magtuloy-tuloy ang pag-uusap niyong dalawa. I just shrugged and gave them my assured smile. Wala akong nagawa kundi ang magpaiwan muna, at nauna na silang lumabas at kumaway naman ako sa kanila. "Hintayin ka namin sa canteen!" Sakiya said, yelling at me. Habang hinihintay si Sir Crocia, hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko na nakita ko si Khirro, kahit ba parang hindi n'ya agad ako maalala, makita ko lang ang mga mata n'ya tuwang-tuwa na ako. Hindi ko na alam kung ano na 'tong nararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ako, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa lalaking iyon. Iiling-iling akong ngumiti, habang inaalala ang mukha n'ya kanina. Why you're so adorable, Khirro? "What are you smilling at, Ms. Frakier?" Bahagya akong napakislot sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sarkastikong tanong ni Sir Crocia, dali-dali kong tinunghay ang aking ulo, at nakangisi s'ya sa harapan ko. "Ano'ng ngiti-ngiting 'yan Frakier?" he said and arched a brow. "Wala po Sir, I just remembered something," I said formally. Tumayo naman ako at humarap sa kaniya, nakita ko pa s'yang ngumiwi at pumunta sa desk n'ya na may mga maraming papel. Sumunod ako at may inabot s'ya sa 'kin, na sa tingin ko'y mga activities na na-missed ko no'ng mga nakaraang araw. "That's the activities you need to answer, lahat na ng subject iyan. Since you're absent for two days, asahan mong marami-rami 'yan," he said and then he smirked. "You can pass it all next week, you may go." Hindi ko alam kung trip ba ako ng teacher na 'to, o sadyang hobby niya lang ang ngumisi? Para kasing inis na inis siya sa presensiya at palagi ko na lang nakikita ang mga matutunog niyang ngisi. Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon at nagpasalamat sa kaniya bago lumabos ng kuwarto. Abala ako sa pag-aayos ng mga activities na binigay sa akin ng adviser ko sa aking bag. Masiyado kasing marami iyon, kaya inabot ako ng ilang hakbang nang hindi tinitignan ang aking dinadaanan. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla akong natalisod at ang masaklap pa n'on, ang nga papel na nilalagay ko sa bag ko ay ngayon ay nagkalat na. Tinignan ko ang babaeng nakabunggo ko, o binunggo ako. Pero dahil against the light siya, at nasisinagan ako sa araw, hindi na ako tumunghay pang muli. Kinuha ko isa-isa ang mga papel, at nagpapasalamat din ako sa ibang tumulong sa akin. Akmang kukunin ko na ang papel na malapit doon sa babaeng nakatayo sa 'king harapan, bigla niya naman itong tinapakan kaya ang ending, hindi ko siya nakuha. Pilit kong kinuha ito, pero hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatapak dito tumunghay ako at hindi ko maaninag ang mukha n'ya, pilit ko pa ring kinukuha ang papel at ramdam ko na ang pagdami ng tao sa paligid ko. Naiinip akong tumayo at mariin na pinikit ang mga mata ko. Pero ganoon na lang din ulit ang gulat na rumehistro sa nararamdaman ko nang makitang nakataas ang kilay ni Ciara sa akin, habang ang mga alipores niya ay nakangisi sa akin. Hindi ko pinahalata na bahagya akong nagulat, at pinantayan lamang ang ginagawad niyang tingin. Ano na naman bang problema ng babaeng 'to? She looked at me intently and all I could see to her eyes was anger. Ano na naman bang nagawa ko sa kaniya? "Long time no see, Aica!" I said, gratefully. Para bang nagulat pa s'ya sa naging akto ko, kaya maang s'yang napatawa. Lumapit s'ya sa 'kin at tinignan ako nang masama. But I managed to looked at her with no emotions. She smirked. "Long time no see, ha? Here!" Literal na naiwang nakanganga ang mga labi ko nang maramdaman ko ang kaniyang mga palad na dumapo sa aking pisngi. Bahagya pa akong napaatras dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal niya sa akin. "Oh!" Rinig kong sigawan ng mga nanonood sa paligid namin. Hinawakan ko ang labi ko nang may nalasahan akong dugo roon, humarap ako sa kaniya and she just smiled at me widely. She gave me the looked that make me disgust, but I managed to calm myself. "Oh, what a pity, Klaire," Aica said and she leaned forward at me. "What do you want?" I asked coldy. Umalis siya sa harap ko at inikutan pa ako, na akala mo'y tinitignan ang kabuuan ko. "Just leave this campus, and never comeback," she answered that makes me laugh sarcastically. She looked at me with confused aura when she heard that I was laughing. Tumaas ang nga kilay niya na para bang hindi niya maintindihan kung bakit ko tinawanan ang mga sinasabi niya. "And what will happen, if I don't?" I smirked. She turn into a deadly face emotion. "Then prepare, I will ruin your life," she answered, smirking. I just shrugged. "Okay, sabi mo. You'll ruin my life, then I'll prepare." I smiled at her genuinely I was about to get the paper, when she suddenly stop me. "And where do you think you're going?" Maang akong napatingin sa kaniya. "I'm going to prepare myself," inosenteng sagot ko. Nakita ko ang mariin niyang pagpikit sa kaniyang mga mata, at bago pa man din ako nakaiwas, nahawakan na niya agad ang nga buhok ko. Dahil sa gulat hindi agad ako naka-recover sa ginawa niya, pero n'ong nakaramdam ako ng sakit doon ko na hindi na rin napigilan pa ang sarili ko. Wala akong nagawa kundi ang gumanti sa kaniya dahil nasasaktan na rin naman ako. Nagpagulong-gulong kami sa sahig at narinig ko pang nag-chi-cheer ang ibang students kaysa sa awatin kami. "Aica!" Paulit ulit na sigaw ng mga tao sa paligid ko. Mariin kong kinagat ang mga labi ko at pilit na pinakalma ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa babaeng 'to kung sakaling mapuno na ako sa kaniya. Imbes na gantihan siya, pinilit ko na lang na alisin ang mga kamay niya sa buhok ko kahit pa sa ganoong paraan mas masakit iyon. Pero wala akong magagawa, ayokong gumanti dahil alam kong mas malakas na puwersa ang mabibigay ko at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya. Rinig ko ang iba't ibang mura na sinasabi niya, at mga salitang hindi ko naman alam na ganoon pala ako sa tingin niya. Pilit ko pa ring pinakikiusapan na bitawan niya ang buhok ko at kasabay n'on ang pilit rin na pagtanggal ko sa mga kamay niyang mahigpit ang kapit sa bawat hibla ng buhok ko. "Girls, stop it!" I heard a familiar voice. But it looks like Aica didn't hear anything and she continued on what she's doing. "Aica stop! Ano ba!" Pigil ko sa kanya at pilit pa rin na tinatanggal ang kamay n'ya sa aking buhok. "No you deserve this b***h!" gigil na sagot n'ya sa akin, at mas lalo pang hinila ang mga buhok ko. Mariin muli akong napapikit nang maramdaman ang kakaibang sakit na namayani sa ulo ko. Ramdam ko na rin ang ibang buhok na kumakawala sa anit ko dahil na rin sa sobrang higpit ng pagkakahila niya sa mga ito. "I said stop!" Naramdaman ko na lang na may pilit na nagpapahiwalay sa 'min. At laking pasasalamat ko dahil tuluyang binitiwan ni Aica ang mga buhok ko. Kinuha siya ng mga alipores niya, at bahagyang inayusan ang buhok niyang nagulo dahil sa sabunot ko kanina. Kung hindi ako nakapagtimpi, paniguradong bali ang leeg niya, sa iisang hila ko sa buhok niya. "Aica, what's this scene?" I heard Ciara's voice beside me. But Aica didn't answer, tumingin lang siya sa akin nang masama, at kitang-kita ko ang pagngitngit ng bawat ngipin niya. Habang ako, pilit kong inaayos ang buhok kong nagkandagulo-gulo. "Klaire, ano 'to?" Ciara asked me with a creased forehead. I was about to answer when Aica suddenly spoke. "You know that b***h, Ciara?" And then she pointed on me. I saw Ciara nodded. Akmang magsasalita na sana si Aica when she got halted by Ciara. "Enough with this scene," Ciara said. "Hindi ko na papaabutin 'to sa office, students go back to your rooms," she added authoritatively. Sa iisang utos na iyon ni Ciara ang mga estudyante ay unti-unti nang nagsisialisin sa lugar na iyon. Tumingin si Ciara sa gawi ni Aica. "You may now go Aica, fix yourself," she said. Tumingin pa muna ng isang masamang tingin sa akin kaniya, bago niya ako tinalikuran. She mouthed, "Prepare for hell." Ciara rerouted her gaze to me, and she looked at me with concern face. "What happened, Klaire?" I sighed heavily. "Wala 'yon Cia, hayaan mo na sadyang may saltik lang talaga 'yong babaeng 'yon," sabi ko na nagpangiwi rin mismo sa 'kin. Mukhang hindi s'ya naging kuntento sa sagot ko, so that I assured her, "It's okay Ciara, 'wag ka ng mag-alala. Salamat." And then I smiled at her. Sinabayan n'ya na lang ako papunta sa canteen since ang sabi n'ya kanina ay doon din s'ya pupunta, nagkataon lang na napadaan s'ya sa amin, at namukhaan n'ya raw ako. "Pasensya ka kay Aica ha, gano'n lang talaga s'ya. She's the bad b***h here in campus," she whispered the last five words. Wala naman akong nagawang masama sa kaniya bukod doon sa hindi sinasadyang pagtapon ko sa kaniya ng mga pagkain doon sa restaurant. Kung iyon lang ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa, then she's being childish. Mababaw na dahilan lang iyon, pero pinapalalim niya, at gumagawa pa talaga siya ng paraan para mas lalo kaming gumulong dalawa. "Every year may kaaway 'yan, siguro ang pinakamarami na e, 'yong last year," kibit-balikat na dagdag niya. "E, ba't nandito pa rin? I mean, alam ba ng dean?" naguguluhang tanong ko. She nodded. "Yes, alam ng dean. Kaso kasi sila yung pinakamalaking stocks dito sa school, kaya nga-nga." Tumawa pa siya nang bahagya nang sabihin niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD