CHAPTER 23

2702 Words
Maaga akong nagising, at maaga rin akong pumasok. Hindi ko na sila sinabay o ginising sapagkat hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ang sinabi sa 'kin ni Iyah kagabi. As usual naglagay na lang ako ng note sa side table na katabi ng kama ni Sakiya at Roxanne, hindi ko alam kung ano na ba ang ginagawa nila ngayon. I looked on my wrist watch and it was already 6:45 AM. Buti na lang at nakapaskil ang mga schedules namin sa wall doon sa dorm at naisulat ko agad ito sa isang papel. Iwinakli ko muna sa aking isipan ang mga sinabi sa 'kin ni Iyah kagabi. Kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko ngayon, bago ang lahat. Saktong pagbabasa ko sa bus, mga estudyanteng mga nakangiti ang mga bumungad sa 'kin. Hindi man sila literal na naka-tingin sa 'kin, makikita mo sa kanilang mga mata ang galak at saya sapagkat nagkita-kita silang muli. Habang papasok sa loob ng campus. Hindi ko maiwasan na mamangha, nakita ko na rin naman 'to noon, ngunit may nagbago rin kahit papaano. Pagpasok mo kaagad, may makikita kang fountain sa gitna na may nakapaskil na Welcome to Harmown University. Kapag tumingin ka naman sa kanan, makikita mo ang building ng mga Junior High School na sa tingin ko ay nasa limang palapag. Sa gawing kaliwa ko naman ay ang mga room ng Senior High School ng iba't ibang strand. Sa ngayon hindi ko pa alam kung nasaan ang College building, at wala pa akong balak puntahan 'yon. Masasabi ko lang na ang laki ng pinagbago ng school na 'to ng unang kong makita kaysa sa ngayon. I was about to go on the dean's office when suddenly someone anchored on my arms. Hindi ko pa man din s'ya nililingon, nakikita ko na sa peripheral vision ko ang pagkalapad-lapad nang ngiti n'ya. "Ano na naman bang trip mo Suze? Ke-aga aga ah," I said, irritated. "Good morning, babe, joke Kay-kay pala," he said smilling at me, widely. Bumitaw ako sa pagkakakawit ng braso n'ya at nginiwian s'ya. "Abnormal ka! Saan mo naman nakuha ang Kay-kay?" I aksed him, bewildered. "Hmm, wala lang. Since you don't want me to call you babe, I create a nickname for you, and promise me I should be the one, only one who's gonna called you that," he commanded. I shifted my gaze to him, and I arched a brow, "I don't keep promises." At tinalikuran ko s'ya at dumiretso na sa loob ng dean's office. Hindi ko na s'ya namalayan na humabol at ikinatuwa ko 'yon. "Sabay tayo mag-lunch mamaya Kaykay!" he yelled. I didn't respond to him, since si Sakiya naman ang kasabay ko mamaya. Pagkapasok ko ng office, I heard someone yelling on the room in my right side. Nag-alangan pa 'kong umalis nang biglang lumabas si Khirro galing sa kuwartong may nagsisigawan. Our eyes met. Nakita ko na naman siya, ang dahilan kung bakit may alaala akong naalala pero hindi ako pamilyar. His hazel brown eyes looking at me intently na para bang sinusuyod ang buong pagkatao ko, his thick eyebrow has a slit on the left that makes him more look like a bad boy, ang kanyang ilong na sakto lang taas, and his pinkish lips that I admired before when he smile at me for the first time and lastly his jaw line that are perfectly curved, that caught my attention even before. He just stared at me blankly and emotionless, pero hindi ganoon ang pinapakita ng mga mata n'ya. It looks like he's totally tired; mentally and emotionally. Hindi ko nakayanan ang titig n'ya kaya ako na kusang bumitaw. Walang kumikibo sa 'ming dalawa, at ang tanging ingay lang na maririnig ay ang mga estudyante na nag-iingay sa labas. I decided to ask him, to lift up the atmosphere between us, "Ano—ah, w-where's the dean?" I stuttered, not looking at him. Kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. But I didn't received a respond. I looked at him, and I was so bewildered when he just looking at me, while creasing his forehead. "Have we met?" Khirro said in monotone voice. What did he just say? Aba, nakalimutan na niya agad ako? I was about to speak, when he cut me off, "Nevermind." And he just walked away going to the door, without even looking at me and without responding on my question. Narinig ko na lang na nagsara ang pinto, at tumingin ako sa gawing 'yon. "Wow ah, tibay! Tinanong ko, tinanong din ako, nang sasagot na 'ko hindi naman ako pinag-salita. Napaka—" "Hey Miss, what are you doing?" I heard the dean's voice behind me. Humarap ako sa kanya nang may kaunting pagkapahiya. "Ah, hi good morning, dean," I greeted, smilling awkwardly. "Hmm, good morning. How can I help you, hija?" he uttered with full of authority. Tumikhim muna ako bago magsalita, "I just want to ask po, what will be the schedule of ABM-I today po?" I asked him, looking in his eyes. Naninigurado lang ako sa schedule na nandoon sa dorm namin. Minsan kasi trip din ako ni Iyah, kaya malay ko ba kung isa na naman 'to sa mga pakulo niya. Mas maganda na nga lang siguro 'yong makasigurado, at i-double check para hindi mapahiya sa huli. He looks serious that made me apprehensive. "What's your surname?" And then he get some papers on his upper right drawer. "A-ah, Frakier po," I stuttered. "Oh, so you're Ms. Frakier, that had been in hospital for two days?" I nodded. "Ah, yes po dean." "Okay, so going back, here's the schedule." And then he gave me a color yellow piece of paper. Inabot ko naman ito nang bahagyang nakatungo, and I smiled, awkwardly. "Thanks dean." "You're always welcome hija," he said smilling but his voice was full of authority that makes all the students nervous. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa boses niya, gayong normal lang naman siya kung magsalita. "If you have any questions, you are free to come here in office, okay?" he uttered. "Yes po dean, I will. Thank you po." Tumayo na 'ko at lumabas sa pinto. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang makalabas ako. Tinignan ko ang hawak ko na maliit na papel, at pinagkumpara ito sa schedule na nasa dorm. Nagkaroon naman ng kahinhawaan sa puso ko nang makita tama lang pala ang pinaskil ni Iyah. Iwinakli ko na lang muli ang naging pagtrato sa 'kin ni Khirro, at hindi na muling iniisip pa. Nandito ako para mag-aral, at hindi isipin ang mga bagay na tungkol sa kaniya. Halos may isang oras pa para mag-umpisa ang first subject namin. So, I decided to go to the canteen to have some breakfast, since hindi ako nakapag-umagahan sa dorm. At dahil hindi ko alam kung nasaan ito, nagtanong-tanong na lang ako sa mga estudyanteng dumadaraan. I asked the girl who's standing beside the tree. "Ah Miss, where was the canteen located?" I asked politely. She looked at me with her badly b*tch face. O baka na-misinterpret ko lang kasi napakaseryoso ng face niya? Minutes after she smiled at me genuinely and she waved her hand. Lumapit s'ya sa 'kin nang nakangiti. I looked at her intently and all I can say is, she has the beauty, but if you see her in serious mode para siyang makikipag-away. Her eyebrow was perfectly made, aakalain mo pang isang magaling na artist ang nag-ayos n'on. Her eyes was so ethusiastic that make all the boys fall for her. Well that's what I think. Her nose was not that pointed-nor-small, sakto lang na nababagay sa kanya. Her lips was so light redish that make her more adorable, and lastly she has this badly b*tch face if she's on the serious mode, katulad nang nakita ko kanina. "Hello! Are you done checking all the side of my face?" Hindi s'ya nagtutunog sarkastiko pero ganoon ang tingin ko. "Ah, hi! I'm sorry that was not my intention," I stated, formally. "Anyway my name is Ciara, you are?" "Klaire." I smiled and iniabot ko sa kaniya ang aking kamay, na agad n'ya ring namang kinamayan. "Nice meeting you Klaire, anyway the canteen is located on behind the narra tree there," sabi n'ya at may ituro sa likod ko na s'ya ko namang napansin agad. "Okay thank you Ciara—" She cut me off, before I could continue what I was going to say. "What's with the formality Klaire? You can call me Ara na lang or Cia, well kung ano'ng prefer mo." She shrugged and laughed mockingly. I just smiled awkwardly to her. Hindi ko mapantayan 'yong atmosphere na pinapakita sa 'kin ng babaeng 'to. She diverted her gaze to me at inakbayan n'ya ako. "Samahan na lang kita, Klaire," sabi n'ya at hinila ako papunta sa canteen. Bahagya pa kong nagulat sa inasal niya, pero kalaunay naka-recover din naman. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong tao na friendly, kahit kakakausap ko pa lang sa kanila. Anyway, maganda naman 'yong pinapakita niya, so feel ko mabait talaga siya. Bago pa man din kami makapasok, her phone rang. "Omo let me answer it for a while, excuse me," saad niya at bahagyang lumayo sa 'kin. Doon ko na lang ulit nalibot ang aking paningin. May mga narra tree na nakapaligid sa buong canteen na s'yang nakakapagbigay ng mga sariwang hangin. Perfect for picnic. May mga benches din sa ilalalim ng mga puno at mga pailaw na nakasabit sa sanga ng mga ito na s'yang nagpapaganda sa paligid. Tinignan ko ang bukana ng canteen, and it has the sliding door that makes it more impressive. Makikita mo sa loob ang mga refrigerators na pinaglalagyan ng mga drinks at mga food racks na may iba't ibang klaseng pagkain. Ang nakakuha ng pansin ko ay, imbis na pader ang makikita, ito'y pulos salamin kaya't kitang kita mo ang nasa loob ng canteen. Para s'yang style ng isang convenience store, pero ang canteen na ito ay malawak. Natigil na lang ako sa pagmamasid nang makita kong papalapit na si Cia. "Omo, Klaire baka hindi na kita masamahan. Pinapatawag ako sa faculty e, okay lang ba?" she said in dissapointment. "Ah it's okay, marami pa namang time, see you around Cia." I smiled to her and she just gave a light hug. "Nice meeting you again, Klaire. See you around too." And then she just waved her hands before leaving. Nang makalayo na s'ya, pumasok na ako sa loob ng canteen. Unang pasok mo pa lang maririndi ka na sa sobrang ingay ng paligid, mayroong mga nagtatawanan na para bang 'yon na ang masaya nilang pagkakataon sa buhay, mga taong walang ginawa kundi ang ayusan ang kanilang sarili, mga taong nagsosolo lang sa kanilang mesa at tahimik na kumakain, mga taong babad sa kani-kanilang mga gadget at higit sa lahat ang mga taong mapang-husga kung tumingin. Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta na lang sa isa mga stall ng mga pagkain. Wala roon ang mga balak kong kainin, so that I ordered a pancake and an orange juice. Umupo ako malapit sa mga salamin, at nilanghap ang mabangong amoy ng pancake. "Oh, what a pathetic girl," I heard a female voice, nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang isang babae na nakasalampak sa sahig at nakatungo lamang ito. "Oh, what now girl? Stand up!" Nakuha na n'ya ang atensyon ng lahat at para bang proud na proud pa s'ya sa ginagawa n'ya. "You're the one who is pathetic, tsh," I whispered. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na lamang sila pinansin, I looked at my wrist wratch and I left dumbfounded when I saw the time. It's already 7:55 AM and 5 minutes to go before our class will start. Matik na hindi ko pa rin alam ang room ko! Dali-dali kong inubos ang pancake na natira sa plate ko, at nilagok ang natitirang juice. Patakbo akong umalis sa kinauupunan ko at sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ko ang babaeng kaninang gumagawa ng eksena. Literal na napatigil ako, at bahagyang lumingon sa kaniya. Nagulat na lang ako nang nakasalampak na rin s'ya sa sahig. "Ah, what did you do!?" she exclaimed, angrily. I was about to help her when she suddenly spoke, "Don't come near, you stupid girl." At doon ko lang napansin na s'ya rin 'yong nakaaway ko noon sa park. Si Aica! Tinulungan siya ng mga alipores n'ya, and she looked at me angrily. "Oh, so ikaw na naman? What are you doing here—" I halted her. "Aica, I don't have time to your pitiful scenes, I nee—" She halted me too. "What are you talking about, pitiful scenes?" she yelled. "Did you know what did you to to me?" she added. Mariin kong pinikit ang nga mata ko, at binigyan siya ng isang lamyang tingin. "I'm sorry." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, at patakbong umalis na lang sa canteen. Narinig ko pa s'yang sumigaw ngunit hindi ko na inintindi pa. Nasa second floor na ako ng SHS building pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita kung nasaan ang room ng ABM-I. Hindi ko rin naman kasi namalayan ang oras, at abala ako sa paglibot ng aking tingin sa buong lugar. Sakto namang sa dulo na 'ko ng room, nakita ko ang signage sa may pinto na may nakalagay na "ABM-I". Nakasara ito, pero kinakabahan akong buksan, hindi ko alam ang idadahilan ko kung sakali mang magtanong ang teacher I was about to held the door knob when I heard the professor talked. "Ang ayoko sa lahat 'yong mga late," he said. "Kung late ka na rin naman sa subject ko, mas mabuting 'wag na lang kayong pumasok, understood?" he added, authoritatively. Maang akong napaatras bigla nang dahil sa sinabi ng teacher o baka adviser na namin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at dali-dali kong binuksan ang pinto nang nakayuko. Hindi ko makita kung anong naging reaksyon ng teacher at ng mga kaklase ko. I heard someone murmuring on my side, hindi ko 'yon maintindihan kaya hinayaan ko na lang. "And who are you, Ms.?" Narinig kong sabi ng teacher at wala akong balak tumunghay sa kaniya sa sobrang pagkapahiya. "F-Fra—" Before I could finish what I was going to say, I heard Sakiya's voice. "Ah, Sir! S'ya po 'yong student na na-ospital ng two days," sabi ni Sakiya at mahahalata mo sa tono ng boses n'ya ang kaba. Bahagya akong tumingin sa gawi ng teacher namin at napansin kong ito'y tumatango. "Okay, go to your seat, tabihan mo si Ms. Morfelliano," he said, in formal tone. Dali-dali naman akong sumunod and I was about to seat when he suddenly yelled. "At sino'ng ang may sabing umupo ka, Ms. Frakier?" he said, sarcastically. Narinig kong bumulong si Sakiya sa gilid ko, "Sa'n ka ba kasi galing? Kanina pa kita tinatawagaan, ah?" she said, out of frustration. Sinenyasan ko lang s'yang manahimik, at sinalubong ko ng tingin ang teacher na may halong kaba akong nararamdaman. He arched a brow, and looked at me intently. "So what now, Ms. Frakier. Give me your valid reason, now!" he shouted, at pinagkadiinan pa talaga ang salitang valid. Hindi ako sumagot, at naghahanap din ako kung anong p'wede kong sabihan sa kaniya. Hindi ko naman puwedeng sabihan na na-late ako kasi abala ako sa pagkain doon sa canteen? Hindi ko rin naman alam kung magiging valid na reason iyon? Kapag naman sinabi kong late ako gumising, masiyado ng common ang dahilan na iyon. You're so doomed, Klaire! "Ms. Frakier! Why are you not answering my question?!" muling sigaw niya na mas lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko. "I'm sorry Sir, hindi ko ho namalayan ang oras—" I got halted by him. "Oh, e kung hindi ko rin lagyan ng malay ang grades mo!" sarkastiko n'yang sambit. Narinig kong nagsipagtawanan ang mga kaklase ko. "E, Sir, wala naman po talagang malay ang mga grades, ah?" sabi ng isa na nasa kanan ko at sa tingin ko'y isa itong binabae. Nagsitawanan muli ang mga kaklase ko ng dahil sa eksena ng taong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD