CHAPTER 22

2867 Words
Humarap ako sa kaniya. "Wala nga sabi, ba't ba ang kulit mo Iyah?!" "Oh, easy, 'wag masyadong defensive, nahahalata," tatawa-tawa pang sabi ni Iyah. Narinig ko na lamang ang matunog na pagtawa ni Suze na para bang masayang-masaya siya sa kaniyang nakikita. Kung makatawa pa parang walang kinabukasan, at inuubos na ang tawa ngayong araw. "Pikon ka pala?" tanong pa niya na siyang nagpainit lalo ng ulo ko. "Weak." I grimaced. "Hintayin mo lang talaga akong makaalis dito, sinabi ko sa 'yo." "I'll wait nga... babe." Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko, at pinilit na tumayo mula sa pinagkakahigaan ko kahit pa ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makaganti sa kaniya, dahil pikon na pikon na talaga ako sa mga ginagawa niya. "Kingina ka talaga, ah! Akma ko na siyang mahahawakan nang bigla siyang tumayo at dumiretso sa pinto. "Hey! Go back to your bed. Next time mo na 'ko gantihan, kapag may lakas ka na." Ngumisi siya sa akin, bago siya tuluyang nawala sa harap ko. "'Wag ka ng babalik dito, letche!" sigaw ko at padabog na sinara ang pinto. Nakita kong nangunot ang noo ni Iyah pagkaharap ko sa kaniya. "Oh, ano na naman?" inis kong sinabi. "Easy," sabi n'ya at bahagya n'ya pang itinaas ang kaniyang kamay bilang pagsuko. "Kasama na rin ba sa phobia mo ang high blood?" "Tch, I hate him! I really really hate him! Sinusumpa ko s'ya letche s'ya!" "Nako, Klaire—" "Ano na naman?" "Hinay hinay kako sa pagka-hate mo sa kanya. 'Di mo knows one day—" "What?" inip na sabi ko. "Peste ka! The more you hate, the more you love!" bulyaw n'ya sa 'kin, na s'yang ikina-gulat ko. "In your dreams, peste ka rin! Umuwi na nga tayo, at 'wag na 'wag na tayong magpahatid sa pesteng Suze na 'yon." Pumunta ako sa cr at naghilamos. Hanggang ngayon, nanggigigil, naiinis at napipikon pa rin ako. Kung naabutan ko lang talaga s'ya kanina, paniguradong titirisin ko s'ya. Lakas makapang-asar, akala mo naman kung sinong kagwapuhan. Grabe na talaga ang inaambag niya na inis sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano maalis ang inis na nararamdaman ko, kaya paulit-ulit na lang din akong naghilamos, para kahit papaano mahimasmasan ang ulo ko at baka sakaling maalis ang inis na nararamdaman ko. "L*che! L*che! Bw*set!" I shouted and repeatedly tapped the sink in front of me, as much as I could. Narinig ko na may mga yapak na papunta sa kinaroroonan ko. "O, Klaire what happened? At pati ba naman ang sink gigil ka rin?" tanong niya, at sinamaan ko siya nang tingin. Lumabas ako ng banyo at pumunta sa harap ng bintana. Agaran ko rin naman 'tong binuksan para makalanghap ng sariwang hangin. "What time should we go home?" I asked Sakiya. "Mamaya pa raw 4 PM. Kasi marami ka pang ite-take na medicine." "Hindi na puwede ngayon?" "Sige paalam ka, samahan kita," Sakiya said, sarcastically. Hindi ko na lamang siya pinansin and I rerouted my gaze on the clock beside the door. "G*go! 10:30 AM pa lang? Ang tagal pa!" nanlulumo kong sinabi at bumalik sa kama para mahigang muli. "Tsh, anyway kailan mo balak pumasok?" Pag-iiba niya sa usapan, at hinanda ang mga kakainin namin. "Sa oras na makalabas ako rito." "Edi bukas na?" dagdag na tanong n'ya pa. "It depends, baka ma-trip-an na naman ako n'ong doctor, at i-extend n'ya pa." "Ewan sa 'yo ang init ng ulo mo, o kumain ka na muna." At inabot n'ya sa 'kin ang tupper ware na kulay yellow. Tinanggap ko naman ito, at hindi na nag-atubili pang tumanggi, dahil nagugutom na rin naman ako. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na ako nag-abala pang makipag-usap sa kaniya, at baka sa ganoong paraan maalis ang mga inis na nararamdaman ko ngayon. The next thing I knew, I dozed off to sleep. Bahagya akong naalimpungatan dahil sa nararandaman kong tapik sa balikat ko. Pero ganoon na lang ang inis na bumalot agad sa pagkatao ko nang marinig ang mga salitang kinaiinisan ko. "Babe... wake up." I automatic opened my eyes when I heard the voice of that jerk. Pabalikwas akong bumangon, at papikit na humarap sa kanya, dahil nararamdaman ko na naman ang inis na nawala na kanina. "Ano na naman bang ginagawa mo rito?" sigaw ko sa kanya. Sakto namang pagmulat ko nang aking mga mata nagulat ako kung sino ang nasa harap ko. The nurse was so shocked by my sudden reaction to her. "Po?" maang na tanong n'ya pa. Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya at umayos nang upo. "Ah, bakit p-po pala?" nahihiya ko pang sinabi. "It's time to drink your last medicine po, then after 30 minutes you can go home na po," the nurse said, smiling awkwardly. "Okay po, sorry," pagpapaumanhin ko. "It's okay, here." May inabot siya sa 'kin na agaran ko rin namang ininom. "Thank you," I sincerely said. "Welcome po Ma'am. I'll go ahead." When she go outside, that's the time that I heavily sighed. Narinig ko talaga ang boses n'ya, na para bang s'ya ang gumigising sa 'kin kanina. Napasapo na lang ako sa aking noo, nang ma-realized na hanggang sa panaginip, nang-aasar talaga siya. Hindi ko naman aakalain na hanggang doon makaaabot siya, sana lang talaga hindi ko na siya pinansin pa noong una. E, 'di sana wala akong kinaiinisan ngayon, at matiwasay akong naninirahan sa lugar na ito. Bumontong-hininga ako, nang maalala muli ang nangyari sa akin kagabi. I rerouted my gaze at the clock, and it was already 3:32 PM. "Nasaan na naman ba si Sakiya?" I immediately grabbed my phone beside my table, and I dialed my best friend's number. It rang twice before she answered it. "Hello?" "Nasa'n ka?" "Oh, gising ka na?" Naririnig ko ang nga tunog ng sasakyan sa kabilang linya, marahil nasa baba na naman siya. I rolled my eyes. "Actually no, I'm still sleeping," I sarcastically said. "Ah, tulog pa, edi—" I halted her. "Nasaan ka ba kasi? Umuwi na tayo," naiinip kong sabi. "Paakyat na 'ko r'yan, hintayin mo 'ko." Tumawa pa siya sa kabilang linya na siya ko namang ipinagtaka. Minutes after the door opened, and Sakiya came in together with the jerk. My face automatically contorted upon seeing his wide smirk at me. "Bakit mo na naman kasama 'yan?" Tinuro ko si Suze at masamang tumingin sa kanya. "Ihahatid n'ya tayo, remember?" saad ni Sakiya. "'Di ba sabi ko 'wag na tayong papahatid sa kanya?" "Sige 'wag kang sumabay, ayos lang naman 'di ba Suze?" sabi ni Sakiya at humarap kay Suze. "Ayos lang naman," nakapamulsang sinabi ni Suze. "'Eto na sasabay na nga." Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Abala ako ngayon sa pag-aayos ng mga gamit na dinala rito ni Iyah. Hindi ako nakikisali sa kuwentuhan nilang dalawa, dahil alam ko namang patungkol din sa akin 'yon. Most of the time, si Suze ang nagtatanong sa akin, at buong-puso naman iyong sinasagot ni Iyah. Kaunti na lang talaga at iisipin ko na interesado sa akin itong lalaking 'to, pero sa t'wing sumasagi sa isip ko 'yong mga bagay na ginagawa niya sa akin, na ikinaiinis ko, imposible siyang magkagusto sa akin. Kaya ngayon, hindi talaga ako sumasali sa usapan nila, at isa na rin itong hakbang para hindi ko na rin siya makausap. Baka mamaya atakihin na lang ako bigla sa sobrang inis ko sa kaniya. Hanggang sa makarating kami ng sasakyan ni Suze abala pa rin silang dalawa sa pag-uusap. Sa t'wing tinatanong nila ako, tumatango na lang ako, o 'di kaya ay bini-busy ko ang sarili ko sa pag-tap sa hawak kong cellphone. Napapansin din naman nila iyon, kaya siguro hindi na sila nagtatanong. Namayani ang katahimikan sa aming tatlo, at ang tanging ingay lang ang 'yong radyo sa loob ng kotseng iyon. Nagawi ang pansin ko sa kalangitan. Papalubog na ang araw, at nag-iiba na rin ang kulay ng mga ulap. If someone asked me, what would I prefer between day or night? I would choose the night, I just so much loved the sunset, and I'm always amazed whenever I saw it. Even if I watched it multiple times, hindi ako magsasawang panoorin kung paano at kaganda kapag lumulubog ang araw. I started to love sunsets, when Khirro asked me 'that' question before. Nang makarating kami sa dorm ay wala pa ring imik ang dalawa, kaya ako na ang bumasag sa katahimikang namamayani sa aming lahat. "Iyah, is there any problem?" I asked her. She just shrugged. "Wala naman, masama bang manahimik?" pagmamalditang sabi n'ya. Narinig ko ng bahagyang tumawa ang kupal na lalaki sa likod ko. "Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" "Wala... babe." My eyes rolled spontaneously, nag-uumpisa na naman siya sa mga pang-asar niya. Aambaan ko na sana s'ya ng batok, nang pigilan kami ni Sakiya. "Tama na loving moment, gabi na landian pa rin, ah? Tibay n'yo." At nagpa-una siyang pumasok sa loob, para ihatid ang ibang gamit namin. "Tsh," singhal ko. I was about to get our some things, nang bigla itong kunin ni Suze. "Ako na, mahina ka pa." Inis akong humarap sa kanya."What? Anong mahina leche ka! Hindi naman ako lumpo!" pasinghal na asik ko sa kaniya. Pero tatawa-tawa na lang siyang umalis sa harap ko, at pumasok sa loob ng dorm. I decided to call my mom. And gladly she pick up it immediately. "Omo, baby, how's your day?" Biglang sumibol ang pag-aalala sa nararamdaman ko nang marinig ko ang boses niya na para bang kagagaling lang sa iyak. I sighed. "It went well po ma, how about you po?" I said with a softly voice, trying to calm myself. "It went well too sweetie, sige na, call me tomorrow na lang ha? May ginagawa pa si Mama, I love you." And before I could reply she ended the call. I just sighed heavily. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Roxanne in her usual place, studying hard for her future. Hindi n'ya siguro napansin na pumasok ako at hindi n'ya alam na may kasama kami ngayon. Bahagya rin naman s'yang nakatalikod sa gawi ng pinto, kaya siguro hindi niya napansin iyon. She was wearing a headphone, and maybe that's the reason why she didn't heard nor noticed us. "You may now leave Suze, thank you," I sincerely said, pero may halo pa rin talagang inis. "Yes babe—" I halted him. "Stop please," iritableng kong sinabi. "Okay, easy ka lang napaka-seryoso kasi ng dorm n'yo. Wala ba kayong clown dito?" he sarcastically said. "Wala, kaya umalis ka na bago pa kita gawing clown." At tinaboy-taboy ko s'ya paalis ng pinto. "Good bye, see you bukas!" rinig ko pang pahabol na sigaw n'ya. Nakita ko si Sakiya na ang seryoso habang inaayos ang gamit namin. "What's with the serious face Iyah?" I asked her. "Wala nga, naisip ko lang..." "Ano?" "Naisip ko lang na baka p'wede tayong mag-review 'no?" she sarcastically said. "Peste ka e! This past few days I can't focus on my studies, kasi naman habang nasa school ako iniisip ko kung ano na 'yong lagay mo roon, kung patay ka na ba? Kung humihinga pa? Kung naturukan ka ba? Kung uminom na ng gamot? Ku—" I halted her. "Ang OA mo!" Then I rolled my eyes. "Hoy Marriane! what did you just say?" May halong inis n'ya itong naisigaw. "Kako ang OA mo, tara na't mag review na tayo," sabi ko ng may nakakalokong tawa. "Anong OA ka r'yan, concerned lang ako sa 'yo!" nagtatapong kunwaring saad n'ya. "Walang utang na loob ang kingina." "Will you please shut up, guys?" rinig naming bulyaw ni Roxanne. Napahagikgik na lang kami ni Iyah nang marinig iyon kay Roxanne. Paniguradong uulitin na naman niya ang binasa niya, dahil naalis ang atensiyon niya roon. Hindi ko ba alam sa kaniya, at wala atang oras na hindi siya nag-aaral. Ang vacant time niya nga lang ata ay 'yong pagtulog niya. I sighed upon realizing something. Siguro ginagawa niya ito, para maabot na naman 'yong expectations sa kaniya ng mga magulang niya. Grabe rin palang pressure ang natatanggap niya. Iiling-iling akong pumasok sa banyo, para makapaglinis ng katawan, at malabhan ang iba kong damit na nagamit nitong mga nakaraang araw. The next thing I knew, we are now sitting on my bed. I decided to review the topic that Sakiya gave to me. Hindi na rin naman ako nahirapang unawain dahil ang ilang topic ay napag-aralan na rin namin noong Grade 11. On the other hand, Sakiya was memorizing her notes because she said that we have a recitation tomorrow. Hindi ko na lang s'ya pinansin kahit pa paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na "It's better to understand it, than memorizing it." On the other side of this room, Roxanne was sleeping peacefully on her bed. She sleep early because she said that she has a agenda tomorrow morning. Tapos na rin naman ang ginagawa niyang pagbabasa kaya hinayaan na lang namin siya. At ako, habang ni-re-review ang topic na hindi ko naabutan nang nagdaang araw, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong alaala na naalala ko kanina habang kasama ko si Khirro. It's weird, I dont know him that much, yet I remembered a memory that I'm not familiar with. Pilit kong inaaala kung saan ko s'ya nakita, at kung bakit na lang ganoon ang naging epekto n'ya. Ang natatandaan ko lamang na alaala na kasama ko s'ya ay 'yong mga bata pa kami, nang tulungan n'ya ako sa pagkakadapa. 'Yon lang at wala ng iba. Kaya ganoon na lang ang pagkalito sa aking sistema kung bakit may naalala akong memory noong narinig ko ang boses niya, tapos hindi ko pa alam kung totoo bang nangyari iyon sa buhay ko. "Ah, ang gulo gulo!" iritable kong sabi. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Iyah at sinenyasan na manahimik. "Ano ka ba? Manahimik ka nga tulog na 'yong tao oh." Tinuro niya si Roxanne sa likod ko. Mariin ko namang pinikit ang mga mata ko. "E, kasi naguguluhan ako." She looked at me perplexed. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakadapa at humarap sa akin. "Ano bang magulo? Wala ka pa nga sa topic—" I halted her. "Hindi naman kasi 'yon e." "E, ano nga?" Kamot-kamot ang batok na tanong niya sa akin. "Si Khirro," walang pag-aalinlangang sagot ko. Napansin ko na bahagya s'yang napatigil at kung hindi ako nagkakamali, gulat ang rumehistro sa kaniyang mukha. Ipinagtaka ko naman iyon, at narandaman kong bigla bumigat ang atmosphere sa aming dalawa. "Oh, gulat na gulat?" tatawa-tawa ko pang sinabi. She looked at me seriously. "Anong mayroon sa kaniya?" Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang sinasabi n'on na magsabi ako ng totoo sa kaniya. Bumontong-hininga ako. Baka sakaling matulungan niya kung sakaling may alam siya sa nakaraan ko. Tutal, siya naman itong palagi kong kasama noon. "Bago kasi ako nakapunta sa park, I was with him. And I remembered a memory that I'm not familiar when I heard his voice," panimula kong sinabi at humarap sa kaniya na nangungunot ang noo. "I don't remember that scene in my past kasi e, ang alam ko lang na nakita ko s'ya e 'yong minsang hinabol natin 'yong ice cream vendor tas nadapa ako, then he helped me. 'Yon lang ang alam ko." Hindi nagbabago ang ekspresiyon niya, kaya ipinagtataka ko iyon. Nagpatuloy ako sa pag k'wento. "Nagtataka lang ako kung bakit nang marinig ko ang boses n'ya may alaala akong naalala?" I asked with creased forehead. "Ang gulo talaga, ah! I heard his voice multiple times na rin at bakit kahapon lang ako bigla may naalala?" She was looking at me intently, and all I could see in her eyes was sadness. But she managed to hide it from me. Iniiwas niya ang tingin sa akin, at tumayo siya. "Alam mo, you better sleep na, kung anu-ano sinasabi mo." Niligpit niya ang mga gamit na ginamit niya sa ibabaw ng kama ko. "I'm telling the truth Sakiya," pangugumbinsi ko sa kaniya. Iiling-iling siyang tumango sa akin, at dumiretso sa kama niya. "Sige na, matulog ka na. Saka na lang natin pag-usapan 'yan," saad niya, at doon na siya humiga sa kama niya. Naguguluhan man, wala na rin naman akong nagawa kundi ang matulog na lang din, dahil maaga pa ang pasok namin bukas at kailangan ko rin ng pahinga. Pumikit lang ako pero 'yong utak ko ay naglalayag pa rin hanggang ngayon kung bakit may ganoon akong alaala. Ilang minuto rin ang nakakalipas narinig ko ang malalim at sunod sunod na buntong-hiniga ni Iyah. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, at dahil bahagya akong nakatalikod sa gawing 'yon, hindi ko alam kung ano'ng ginagawa n'ya. I heard her sighed once again. Naramdaman ko rin na humawak s'ya sa braso ko. "Klaire... this is not the right time for you to remember what happened years ago... at hindi mo na kailanman p'wedeng maalala 'yon." Narinig ko pa s'yang bahagyang humikbi bago umalis sa kama ko. I quickly opened my eyes and I was dumbfounded when she said those words to me. What does she mean?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD