CHAPTER 21

1086 Words
"Alam mo, kung wala ka namang magandang maidudulot dito, you may go. Binabawi ko na 'yong thank you ko kanina, tsh," saad ko na s'ya namang ikinalukot ng mukha n'ya. "Ah, okay, pinapaalis mo na 'ko babe? Hindi mo man lang ba sasabihin—" Before he could say anything that I might cringe, I halted him. "Puwede ba Suze lumayas ka nga rito! Babe ka nang babe r'yan, g*go ka ba?!" Kasabay nang pagsigaw kong iyon ay ang pagbato ko sa kaniya ng mga unan. Nagpakawala siya ng isang tipid na ngiti. "Sige, honeybunch na lang, and Im not g*go ang sweet ko nga sa 'yo oh," malambing na sabi n'ya. Napahawak ako sa aking sentido sa sobrang inis na nararamdaman ko sa lalaking 'to. Kung ganitong pumunta lang siya rito para mang-asar, sana hindi na lang siya pumunta at hindi ko naman siya kailangan. "Ano bang problema mo? At ako palagi pinag-ti-trip-an mo?" Napamaang siyang tumingin sa akin. "Hoy! Hindi kita tini-trip, seryoso ako." And then, by that time he looked really serious. Maang na napatingin ako sa kanya, I opened my mouth but no words came out. I was about to utter some words, when he suddenly laughed. "Biro lang," tatawa-tawa pa n'yang sabi. "Kumain ka na ba?" dagdag n'ya pa. Magsasalita na sana akong muli nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Sakiya na may dala-dalang mga supot na sa tingin ko ay mga gamot at pagkain. "Oh, Klaire, grabe ang mahal ng gamot mo buti na lang—" She stopped talking when she suddenly saw Suze. She looked bewildered. "'Di ba, ikaw 'yon?" maang na tanong niya kay Suze. Tumingin naman ako sa gawi ni Suze nang magsalita siya. "What do you mean by ikaw 'yon?" He imitated. "I-ikaw 'yong tumawag at nagdala kay Klaire rito 'di ba?" Sakiya said, stuttering. "Oo." "Magkakilala kayo?" "Yes." "Omg, don't tell me both of you have a relationship?" turo n'ya saming dalawa ni Suze. Binato ko s'ya ng orange na nadampot ko sa gilid ng kama ko. "Ano ba ang sinabi mo? Manahimik ka nga!" "So, mayroon nga?" gulat na gulat pa rin na tanong niya. Lumapit siya sa amin, at sa mga oras na 'to, ito na siguro 'yong pinaka-OA na reaksiyon niya. Tumikhim nang bahagya si Suze. "Well, if that's what you—" I halted him. Binalingan ko siya ng masamang tingin. "Oh, isa ka pa! Magsama nga kayong dalawa, umalis kayo sa kuwarto ko." "'Eto naman nagtatanong lang, oh uminom ka na ng gamot mo." At may inabot sa 'kin si Sakiya ng isang tableta ng gamot at isang basong tubig. Bago ko tanggapin 'yon nagsalita muli ako. "For clarification, I don't have any care to that man, tsh." At tinuro ko si Suze na umarte pang parang nasaktan. "Hoy! He helped you naman, ah? Grabe makawalang pake, ha?" saad ni Sakiya na nagpangiwi sa 'kin. "I already said thank you to him, well I think that's enough?" I asked and looked at Suze who has a playfully smile on his lips. "What?" biglang bulyaw ko na s'yang walang pinagbagong reaksiyon ng lalaking 'to. "Hmm, I'll drive the both of you to your dorm, that's the payment." I growled at him. "No, that's a big no. Hindi ka namin kailangan." Ano ba talaga ang trip ng lalaking 'to? Hindi na mahiwalay-hiwalay sa akin, at para bang anytime gusto niya akong kasama. Kaya naman naming umuwi mag-isa, bakit kailangan pa siya? Tsh. "Ano ba Klaire, ang harsh mong magsalita, buti nga ihahatid na tayo. Anong gusto mo mag-tricycle? Mag-jeep? O maglakad? Aba kung ganoon na hindi ka papayag e 'di bahala ka na r'yan—" I cutt her off. Kahit kailan talaga ang OA niya, hindi ko malaman kung saan niya nakukuha 'yong mabilis na pagsasalita, at wala man lang kapreno-preno. "Tsh, 'wag ka ngang OA. Oo na magpapahatid na." Tumingin ako sa gawi ni Suze at sinamaan s'ya nang tingin. "Ang dami mong arte, magpapahatid ka rin pala," Suze said, teasing me. "Hoy manahimik ka hindi ko kailangan ng opinyon mo." I rolled my eyes at him. "We? Really... babe?" he asked, while bitting his lower lips "Anong babe?! Sinong babe?" naguguluhang tanong ni Iyah ngunit hindi ko na siya binalingan pa ng pansin. "P'wede ba manahimik ka nga kanina ka pa namumuro sa 'kin!" bulyaw ko kay Suze at binato s'ya ulit ng unan na s'ya namang naiilagan n'ya. He just laughed softly. "That's how I expressed my love, by teasing you... babe." "Love your face. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, naiirita lang ako sa 'yo." "Really babe? Hmm, if that's case let me hug you na lang." At aasta pa s'yang lalapit sa 'kin para yakapin ako. "Subukan mo—" "Oh, yes babe, I'll try it." "'Wag kang lalapit sa 'kin tatalsik ka talaga, oo!" "Did you heard what I said earlier? Okay, let me repeat it," saad n'ya na s'ya namang kinalukot ng mukha ko. "Willing akong tumalsik, basta sa 'yo pa rin babalik." And then he winked at me, once again. "Bobo! Manahimik ka nga, nanggigil na 'ko sa 'yo Suze! Makatayo lang talaga ako rito, lintik lang ang ganti ko sa 'yo!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. "Watch your words babe, don't say bobo again okay?" sinabi n'ya iyon sa malambing na tono, nang-aasar. "Nakakainis ka na talaga!" "Oh, I'm sorry babe, Hindi na mauulit," he smirked. "Tigilan mo 'ko sabi—" "T*NGINA!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig namin ang nanggagalaiting sigaw ni Iyah. Lumingon kaming dalawa ni Suze sa kaniya, habang siya ay para bang rinding-rindi sa pinaggagawa namin ni Suze. She looked at us, completely perplexed. "So ano ako rito, hangin ganoon? Kanina ko pa kayo inaawat jusko kayo," saad n'ya at para bang pikon na pikon na sa aming dalawa. "Umamin nga kayo, may relasyon kayo 'no?" she asked with a creased forehead. "Wala," saad ko. "Yes," saad ni Suze. Agad akong lumingon sa gawi niya, at nakita ko na naman ang nakalolokong niyang ngisi habang nakatingin sa akin. Bakit ba ang lakas mang-asar ng taong 'to? Sa mga ngisi at mga sagot niya, tuluyan niya talagang nasisira ang araw ko. Bakit ba sa dinami-dami ng babae sa mundo, ako ang naisipang asarin nito? Hindi ko na napigilan pa ang asar ko, at padabog na binato sa kaniya ang mga unan na nasa tabi ko. Kulang na lang talaga makatayo ako rito at magantihan siya nang bongga. "So, may relasiyon nga kayo?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD