CHAPTER 20

2077 Words
Naramdaman kong nakahiga ako sa isang malambot na kama, habang naririnig ko ang taong bubulong-bulong sa gilid ko na animo'y may sinasabing ritwal. Unti-unti kong ginalaw ang mga daliri ko at iminulat ang aking mata. "Omg! Thank God! You're alive!" I heard Sakiya's voice beside me, and all I could see on her face right now was happiness. My face contorted. Grabe talaga ang OA niya. Lumapit siya sa akin, at inalalayan akong makaupo. "Saan ka ba kasi galing? I tried to call you kanina but your phone is out of coverage," nag-aalalang saad sa 'kin ni Iyah. Nararamdaman ko pa rin ang pagsakit ng ulo ko, gayundin ang kakaibang sakit sa mga katawan ko. Pinilit ko pa rin ang makaupo, at alalahanin ang mga nangyari kagabi sa akin. "Sino n-nagdala sa 'kin dito?" Pinilit kong magsalita para matanong lang 'yon, kahit alam ko na naman 'kung sino ang nagdala sa 'kin dito. "I don't know too. I didn't bother to ask who is that person, sa sobrang pag-aalala ko sa 'yo." Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "How did you know that I'm here?" I said, confused. "Kanina kasi natanggap ko 'yong text mo, I guess I read it around 11:42 PM. Tatawagan sana kita kaso naunahan mo 'ko, kaya sinagot ko. I was so shocked when I heard a male voice. I confronted him, ang dami kong sinabi sa totoo lang, kasi naman sino ba namang matutuwa na 'yong best friend mo 'yong tumawag pero lalaki 'yong nakausap 'di ba? Napatigil na lang ako n'ong sinabi n'ya na, I'm on the way to the hospital, Klaire is with me. S'yempre literal na napanganga ako saka kamuntikan pa ngang—" I halted her. "I was asking you how did you know that I'm here. I didn't say to you to narrate it," iritable kong sinabi, dahil panigurado hahaba at hahaba ang kuwentuhan namin. "Sungit mo, e, ano ba kasing nangyari sa 'yo?" "It's a long story." Humiga akong muli dahil hindi ko nakayanan iyong sakit sa aking ulo. Bahagya akong tumalikod sa gawi niya. "'Wag mo 'kong artehan Klaire, ha. Okay, I understand, magpahinga ka muna," sabi n'ya. "At bukas na bukas k'wentuhan mo 'ko sa nangyari, alis muna ako." Tumayo na s'ya at iniwan ako sa loob ng kuwarto. Isa lang naman ang nagiging dahilan kung bakit na-o-ospital ako, at 'yon ay dahil sa phobia na mayroon ako. Nagising ako nang dahil sa sikat ng araw na dumadapo sa binti ko. Hindi katulad kahapon, mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Bumalik na kahit papaano 'yong lakas na nawala sa 'kin kahapon. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pandidiri sa ginawa sa 'kin ng lalaking iyon. Hindi ko s'ya kilala at wala akong balak na kilalanin s'ya. Awang-awa ako sa sarili ko ng mga sandaling 'yon. Na kung tutuusin kaya ko namang lumaban, pero naunahan ako ng takot ko, sa dilim. Tumayo ako sa pagkakahiga at inihilig ang aking ulo sa headboard ng kama. The place was clean and neat. It had a refrigerator on the right side beside the window. A couch on my left side that is near my bed and a television in front of me. May napansin rin akong mga prutas na nakalagay sa mesa. I was about to get some fruits when suddenly the door opened. "Oh, gising ka na, kumusta pakiramdam?" Sakiya said, smilling. "Nagugutom," ang tanging nasabi ko. "Ay, sino bang hindi, e halos isa't kalahating araw ka ng tulog," sabi n'ya at inaayos ang mga dala niyang pagkain sa mesa. My mouth was left hanging. "I don't have any time for your joke, tsh," maang na sabi ko, hindi makapaniwala. "Ay 'te walang sinabing maniwala ka, kahit itanong mo pa sa lahat ng doktor dito." Pumunta s'ya gawi ng bintana at isinara ito nang bahagya. "E, 'di ba may pasok na? Kung halos isa't kalahating araw na 'kong tulog, edi Tuesday na ngayon?" I asked, bewildered. She just nodded, and I left dumfounded. "And it means we're absent for two days na?" Naphawak siya sa dibdib niya. "Anong we are? 'Te remember ikaw lang nandito, pumasok kaya ako 'no," saad n'ya. "E, how about me?" nanlulumong sagot ko. Kung two days na akong absent, sayang 'yong lesson na napag-aralan at sayang 'yong suweldo dahil hindi ako nakapasok sa trabaho. "Just don't think about it, naayos ko naman na." Kumindat siya sa akin at umupo sa isang bench malapit sa pinaghihigaan ko. "E, bakit feeling ko, kahapon kita nakausap?" naguguluhan ko pa ring tanong. Para kasi talagang kahapon ko siya nakausap, tapos nalaman ko dalawang araw na agad ang nakalilipas? Parang ang imposible naman. "Aba malay ko sa 'yo," ismid na sabi n'ya. "Anyway, how's your feeling except for the fact that you're hungry?" "Ano... ayos naman, medyo nababahuan na rin sa sarili." Ngumuwi ako at bahagyang inamoy ang aking sarili. She looked at me with disgust. "Pagtapos mong kumain, p'wede ka namang magpalit nagdala ako ng mga gamit mo," saad n'ya. May inabot s'ya sa 'kin na prutas, sa tingin ko isa 'tong mansanas. "So..." panimula n'ya. Sa mga ganitong hakbang niya, alam kong gusto na niya akong magkuwento sa kaniya. "Spill the—" I halter her. "Wait, did you already told to my parents what happened to me?" kinakabang tanong ko. Kapag kasi nalaman nila, paniguradong malalagot ako at baka hindi pa ako papasukin sa school. Ang masaklap pa n'on baka hindi rin ako makapasok sa trabaho ko. She didn't answer, she just gave me a smirk. "Do you think so? Hmm." Umakto pa siya na para bang nag-iisip talaga. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Knowing Iyah, lahat ng mga nangyayari sa akin nire-report niya sa magulang ko. Simula't sapul ganoon naman siya, kaya siguro nakasanayan na niya. "Hindi pa naman," biglang saad n'ya, na nagpaginhawa sa kabang nararamdaman ko. "Buti na—" Before I could finish what I was going to say, she cut me off. "Hindi pa naman, if you're going to tell me what happened," she added, which made my face contort. Napahawak ako sa sentido ko at naiinis na tumingin sa kaniya. "Simula ba talaga?" naiinip na sabi ko. "Oh, e, ano gusto mo pabaliktad mong i-kuwento?" sarkastikong sagot n'ya. "Nagtataka lang ako, kaya mo namang lumaban 'di ba? Bakit sa ospital kita nadatnan?" Kaya ko naman talaga lumaban, marami na rin akong na-encounter na mga ganoong tao sa nakaraan. Pero kapag usapang dilim na, hindi pa man din nag-uumpisa alam kong ako na ang talo. Hindi ako sumagot dahil alam ko na rin naman na alam n'ya 'yon, at hihintayin ko na lang na sabihan niya iyon. "Don't tell me naulit na naman?!" maang na tanong n'ya. I nodded. That made her perplexed. "Bakit? Three years ago 'yong last, ah?" Lumapit siya sa kama ko, at doon umupo. I shrugged. "Exactly. Nagulat na rin ako no'ng nandoon na ako e, hindi ko rin naman mapigilan 'yong sakit kaya siguro dito mo na 'ko naabutan." Paliwanag ko habang kinukotkot ang mga daliri ko. "E, bakit ba kasi umabot ka sa madilim na part, teka nga," awat n'ya sa sarili n'ya. "Ikuwento mo nga sa 'kin ang lahat." She crossed her arms while looking at me intently. Huminga ako nang malalim at pilit na pinablik sa utak ko ang mga nangyari kagabi. "Basta nasa parking lot ako, nagkataong hindi ko alam kung paano ang lumbas sa parking lot na 'yon, kaya nag-text at tumawag ako sa 'yo," panimula ko. "Sakto namang hindi ka rin sumagot, kaya naglibot-libot pa rin ako roon at napapansin ko na halos pabalik-balik na lang din ako sa p'westo ko. Tapos, I saw a car coming, and I was about to go there nang biglang may humila sa 'kin tapos 'yon na." Hindi ko mapigilang maluha, dahil hindi ko aakalain na mangyayari sa 'kin iyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang nga kamay ko. "I'm sorry, I understand," sabi ni Sakiya. "Nandoon na rin pala 'yong lalaking gunggong sa presinto." I looked at her, confused. "Sino nagdala roon?" "Oh, I didn't bother to ask his name again, but one thing I'm sure s'ya rin 'yong nakausap ko sa phone and yeah, he's handsome." Impit na sigaw n'ya. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Sakiya at hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya, hindi na rin ako nag-abala na tanungin pa s'ya. Habang ako, nalulunod sa kakaisip kung paano at kung saang paraan gagantihan 'yong gunggong na lalaking 'yon. Habang lunod sa pagiisip, the door opened and the doctor come inside. "How's your feeling Ms. Frakier?" saad ng doctor. May malaking pangangatawan ang lalaking 'to at hindi mo mamamalayan na ito'y may edad na, ngunit sa tingin ko nasa mga mid-50's na rin ang edad. "I'm more than okay, Doc." "Gezan. Doctor Gezan," he said, smilling. "So going back, are you aware that you're here?" biglang seryosong saad nito. "Yes po, Doc," sagot ko. Hinanap ng mata ko si Iyah at nakita ko siyang prenteng nakaupo lang sa sofa habang nanonood. "And also are you aware that you have a phobia?" "Yes po, Doc." Nyctophilia. "So basically all you need to do is rest, rest, rest, and as much as possible do the one-on-one talk therapy with your family or to your friends," panimulang saad n'ya habang may tinitignan sa papel na hawak n'ya. "And do the relaxation techniques such as deep breathing, It's important to your health, and lastly you'll take some anti-anxiety medication." Nakangiti s'yang tumunghay sa 'kin, ngunit kalauna'y bigla na itong sumeryoso. "Okay po, Doc noted," pilit ang ngiting sinabi ko. Sumingit bigla si Iyah. "No Doc, palagi n'yo pong paalalahan 'yan, hindi po 'yan sumusunod sa 'kin," biglang saad ni Iyah na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Siniko ko siya, at bahagyang pinandilatan ng mata. Grabe rin kasi kung manlaglag 'tong babaeng 'to. "Hmm, if that's the case then don't mind her, hayaan mo," ngiting saad ng doctor, na ikinagulat ko. Tumawa naman nang malakas si Sakiya at bentang-benta ang biro sa kaniya ng doctor na 'to. Natigil lang ang pagtawang 'yon ni Sakiya nang biglang sumeryoso ang Doctor. "I'm not joking, just don't mind her if ever na hindi s'ya sumunod sa 'yo," he seriously said. "Anyway I'll go ahead. Pagaling ka hija." Tumango ito sa 'kin bago umalis. "Oh, hija, narinig mo naman sabi ni Doc. Gezan, hayaan daw kita kapag 'di ka sumunod," sabi ni Sakiya at umaarteng may tinitignan sa kamay. "Tsh, abnormal s'ya." "Gaga ka talaga, teka nga ako'y lalabas muna at bibilhin ko na 'yong gamot na nireseta sa 'yo," saad n'ya. "Pagaling ka b*tch." At tuluyan na siyang lumabas sa kuwarto. Minutes after the door opened, akala ko si Sakiya iyon ngunit nagkamali ako. "Suze..." "Klaire, how's your feeling? Are you okay?" he sounds concerned. Hindi ako makatingin sa direksiyon niya at bahagya akong nakaramdam ng ilang. "Ano... okay naman na. Thank you," I sincerely said. "Hindi ko alam 'yong gagawin ko kung hindi ka dumating doon, salamat." I really mean it, 'yon talaga ang balak ko sa oras na makita ko siya. "No worries, you're always welcome... babe." He smirked. Binatukan ko s'ya na siya nang nagpangiwi sa kanya. "Hanep ka rin e 'no? Naiisingit mo pa rin talaga 'yon?" maktol na sabi ko. "Yes, babe," nakakalokong ngising dagdag n'ya. "Tigil-tigilan mo 'ko sa kaka-babe mo Suze, baka hindi kita matantiya at tumalsik ka." Pagbabanta ko sa kanya. "Willing namang tumalsik, basta sa 'yo pa rin babalik." And then he winked at me. Tumingin ako nang masama sa kaniya at lumayo naman siya nang bahagya ngunit ang lalaking 'to mapang-asar talaga. He gave me the try-me-looked. Hindi ko na lang s'ya pinansin at bumalik na rin sa pagkakahiga. Naramdaman ko namang lumapit siya and he sighed heavily. "I was worried to you, Klaire. I didn't know what to do to that man, if something bad happens to you," biglang seryosong saad n'ya na nagpagulat sa 'kin. Humarap naman ako sa kaniya bigla at nagtatakang tumingin sa kaniya. "I mean babe kita e, s'yempre hindi ko alam gagawin ko." Ang kaninang pag-aalala sa boses n'ya napalitan na naman na mapang-asar na tawa. Umupo ako at sumandal nang bahagya sa headboard ng kama. "Alam mo minsan ang sarap mong sapakin, minsan naman—" I got halted by him. "Ang sarap mahalin?" Nakakaloko siyang ngumisi. "Hindi, ang sarap sakalin," dagdag ko at tumingin nang masama sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD