CHAPTER 19

1988 Words
"Ano... ano ba 'to... okay lang ako. I'm sorry." Pinilit kong kumawala sa bisig niya, at nagawa ko rin naman iyon. "I'm sorry, it was not my intention to make you awkward." Bahagya kong nakita ang isang tipid na ngiti sa kaniyang labi. Napaubo naman agad ako sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ako kahalata? Namagitan ang nakakatinding katahimikang sa aming dalawa, at hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan ang usapan sa aming dalawa, o kailangan pa nga ba? Tutal, ang balak ko ay umalis na talaga sa lugar na ito, nagpapaalam na ako. "Una na ako, salamat." Pero saktong pagtalikod ko, roon ko ulit naramdaman ang pagsakit ng aking sentido. "Ah," daing ko at mahigpit na hinawakan ang ulo ko, na para bang sa pamamagitan n'on maiibsan ang sakit nito. Naramdaman kong may humawak muli sa braso ko, panigurado akong si Khirro iyon, dahil na rin sa pabango na naaamoy ko sa kaniya, gayong magkatabi kami ngayon. "Lady, let me take you to the hospital, okay?" Walang kasing lambing ang boses n'ya. Na kung kanina aakalain mong pasan-pasan n'ya ang buong mundo, ngayon malambing na ito ngunit hindi mo mahihimigan ang pag-aalala base pa lamang sa kaniyang tono. My eyes rolled spontaneously. Lady nang lady, Klaire pangalan ko e. Well, anyway, hindi ko pa naman naipapakilala ang sarili ko sa kaniya. Kahit nga hindi na siya magpakilala, kilala ko na agad siya. Siya lang naman kasi iyong taong 'yon, pero malaking katanungan pa rin talaga sa isip ko kung bakit nangyari ang mga alaalang iyon kanina? Pamilyar ang boses niya, at doon ko naman naalala ang memorya sa aking nakaraan. Kung sakaling siya iyong batang iyon, bakit hindi ko naman matandaan na may ganoon pala kaming interaksiyon ni Khirro? Bakit ang alam ko lang ay 'yong ginawa niyang pagtulong sa akin noon? Pilit kong winakli iyon sa akin isipan, kung patuloy akong mag-iisip nang mag-iisip, hindi malabong hindi matanggal ang pintig ng sentido ko. Mas mabuting sa ibang araw ko na lang iyon isipin at ayoko rin naman na pilitin ko ang aking sarili. Kasalukuyan na kaming papalabas ng bar, habang siya ay nakaalalay pa rin sa akin. Ramdam ko pa rin kahit papano ang sakit ng sentido ko, kaya hindi ko magawang bumitaw sa mga kapit niya sa akin. Ang kaninang bouncer na nakaharap ko ay humigi ng tawad sa akin, pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko rin malaman kung ano ba ang trip noong bouncer na iyon, at pinalabas lang ako kung kailan kasama ko si Khirro. Tss. "Klaire." I said out of nowhere. Sa ganitong paraan man lang masabi ko ang pangalan ko kahit hindi niya tinatanong. Pero ganoon na lang ang pagtataka sa sistema ko nang matigilan siya sa paglalakad, he slowly turned his gaze to me and now we were looking into each other's eyes again, but all I could see in his eyes was pain and bereavement. Bahagyang namutla ang kaniyang hitsura na siya kong ikinaalarma. "What did you say?" His voice was about to break, but he managed to speak in a normal tone. I shook my head. "Ah, nothing. You can call me KM." I gave him a warm smile. "Lady ka kasi nang lady kanina e." I tried to lift the atmosphere between us since I'm not accustomed to witnessing someone crying infront of me, especially if it is a man. Para kasing paiyak na siya kapag binabanggit ko ang pangalang Klaire. He squinted his eyes at me. "No, the one you said earlier, the named... Klaire?" naguguluhan na ring tanong niya. Makikita talaga na pursigido na may malaman siya tungkol sa pangalan na iyon. Inalis ko ang pagkakakapit niya sa mga braso ko, at doon ko naramdaman na ayos na rin kahit papaano ang nararamdaman ko. Kamot-batok akong tumingin sa kaniya nang makita kung gaano siya kaalerto sa mga sasabihin ko. "Ah... si Klaire ano... tawag dito—" He halted me. "What? What about her? Tell to me, please." It was almost a whisper. Para kasing kapag nilakas niya ang boses niya, tuluyang mahuhulog ang mga luhang nagbabadya sa kaniyang mga mata. Nag-isip ako ng maaring dahilan sa kaniya, dahil hindi ko kayang sabihin na ako si Klaire. Mamaya kung ano pa ang mangyari sa kaniya, kung sakaling banggitin ko iyon. Mas mabuti nang makasigurado kaysa mapahamak ako sa taong ito. "My friends' name, nothing more and nothing less." Palusot ko, at sana maniwala siya. "Are you sure?" I nodded. Maraming dahilan para magsinungaling at isa sa mga dahilan na iyon ang ginawa ko ngayon. Nakita ko naman s'yang nahimasmasan, at napiliting ngumiti. Pero hindi nakaligtas sa 'kin ang paghihinayang sa kaniyang mga mata. Ano ba talagang mayroon sa Klaire? "Okay, then. What are you feeling right now? Are you okay?" Bumalik na naman ang pagiging malambing nang boses n'ya pero hindi mo talaga mahihimigan ang pag-aalala, para pa ngang inip na inip pa siya. Marahan akong tumango."Ah, yeah. Thank you, Khirro," I sincerely said. Nagtaka pa s'ya noong una, para bang hindi n'ya inaasahan na alam ko ang pangalan n'ya. Sino bang hindi makakalimot e, s'ya lang naman 'yong nagtanong sa 'kin noon ng, "What will you do if someone waits for you... but it is only until the sunset?" Na hanggang ngayon e, 'di ko pa rin nakakalimutan at hindi ko pa rin alam ang isasagot. Tanda pa kaya n'ya 'yon? Marahan din siyang tumango sa akin, sumilay pa ang isang ngiti niya bago siya nagsalita, "Okay, bye. See you around KM." After he uttered those words, he walked away. Akala ko ba ihahatid niya ako sa ospital? Nakatunganga kong sinundan ang papaalis niyang sasakyan, at hindi malaman ang gagawin sa parking lot na iyon. Kung ganitong iiwan niya ako rito, sana pala noong una pa lang hindi na 'ko sumama sa kaniya. Tss. I looked around, and all I can see was a lot of cars. Nasa parking area ako ngayon at ang masaklap doon hindi ko alam kung saan palabas. I got my phone from my pocket and tried to call Sakiya. But unfortunately, her line was busy. "Iyah, please answer your phone," I hopelessly whispered to myself. Nag-uumpisa nang kumabog nang mabilis ang dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan n'on. Nagsimula na akong maglakad-lakad at buti na lang medyo may kaliwanagan ang buong parking area, hindi ako mahihirapang hanapin ang daan palabas. I tried once again to call Sakiya. But after many rings that I heard, she didn't pick up the phone. I sent her a message, instead. "Hoy g*ga! Nasa'n ka? Pasundo naman oh, nasa parking lot ako ng bar na dati n'yong pinuntahan ni Roxanne. Mag-reply ka, please." Tumingin pa muna ako saglit sa screen ng cellphone ko, nag-aasam na magre-reply agad siya. Pero ilang minuto ang nakalilipas, wala pa ring dumarating na reply na galing sa kaniya. Pinilit ko ang maging matapang at hinarap ang malamig na parking lot na iyon. Nag-aasam na makita ko sana agad ang lagusan papalabas, at makaalis sa lugar na ito. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang cellphone ko, at kada hakbang ng mga paa ko ay siya ring mas lalong dumadagdag sa kabang nararamdaman ko. Mas dumoble ang nararamdamang kaba ko sa aking sarili nang mag-umpisa nang magsipatayan ang ilaw sa parking lot na iyon. Nabuhayan ng pag-asa ang loob ko nang saktong paglingon ko sa kanan ko, may ilaw na nanggagaling doon. Isang ilaw na galing sa kotse. Akmang papunta na sana ako sa direksiyong iyon nang maramdaman kong may puwersahang humila sa pulsuhan ko na siyang nagpagulat sa akin. Sa labis na gulat, hindi agad ako nakatanggi agad, at naramdaman ko na lang na dumampi ang mga likod ko sa malamig na pader. Sa labis na sakit na naramdaman ko sa puwersahang pagtulak sa akin, doon ko naramdaman ang sakit kaya hindi ko maiwasang mapapikit. But then a realization hit me. I was almost in the dark, which made me anxious. Kapag ganitong nasa dilim ako, hindi ko alam kung makakalaban ako. Narinig ko ang matunog na tawa ng isang tao sa harap ko, at nagulat ako nang makitang papalapit siya sa akin. Pulos itim ang suot niya, and based on his posture he's a guy! Sa isiping iyon, doon ako pinanghinaan ng loob at hindi malaman kung ano ang dapat gawin. "'Wag ka lalapit. I'm warning you!" Pagbabanta ko kahit mayroong nginig sa boses ko. Nagsimula na akong magsisigaw, kahit alam kong malabong may tumulong sa 'kin dito. "Tulong!" I shouted, as much as I could. "Miss beautiful, walang tutulong sa 'yo rito, alas-onse na ng gabi." May halong kamanyakan n'ya itong sinabi. Naiwang nakanganga ang mga labi ko sa sinabi niya. Unti-unting nawawala ang liwanag sa puwesto namin, at unti-unti ko na ring nararamdaman ang paghigpit ng aking hininga. Please, help me. I need help. Ngumisi ang lalaking nasa harap ko. "Ano ba kasing ginagawa mo sa parking lot na 'to? Hindi mo ba alam ang mga kuwento, kuwento rito?" nakangising sabi n'ya, at kaunting hakbang na lang malapit na siya sa 'kin. "Please kuya, sa may liwanag... w-wag dito..." utal-utal ko nang sinabi, at hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib ko. Nakita ko s'yang ngumisi nang pagkalapad-lapad. "Gusto mo rin naman pala, ang dami mo pang sinasabi riyan," sagot nito at tuluyan na itong nasa harap ko. He misinterpreted what I was talking about! Hanggang sa wala na 'kong liwanag nakita, at unti-unti na 'kong pinapatay nang sakit ng dibdib ko, ramdam ko rin ang malagkit ng haplos ng lalaking nasa harap ko at kahit anong piglas ko hindi ko makayanang pigilan ang lalaking 'to lalo pa't nanghihina na 'ko. "Please kuya... t-tama na..." pigil hininga kong sinabi, habang ginagawa ko ang aking makakaya na pigilan siya. Huminga ako nang malalim, para kahit papano ay mabawasan ang sakit ng dibdib na nararanasan ko. Sobra na ang higpit ng mga dibdib ko, at tanging paghinga na lang nang malalim ang nakatutulong sa akin, para kahit papaano ay magkaroon pa ako ng kaunting lakas na pigilan ang taong hindi pa rin tumitigil sa paghaplos sa mga balat ko. Inipon ko ang lakas na nanatili pa sa 'kin at ubod nang lakas akong sumigaw, kahit alam kong kaunting layo lang ang aabutin ng sinabi ko. "Tulong!" Ramdam ko ang kamay n'yang humahagod sa likod ko, ang mga malalagkit n'yang labi na humahalik sa braso ko, at ang mga kamay kong pilit pinipigilan siyang makalapit sa 'kin. Kahit alam kong wala ng magagawa 'yon sa sobrang panghihinang nararamdaman ko. "T-tulong!" Pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa mga oras na 'to, alam kong talo na ako, at wala na akong magagawa kung sakaling may gawin siya sa akin. Kung nasa maliwanag kaming parte ng parking lot na 'to, paniguradong kaya ko siyang labanan, pero kapag ganitong nasa madilim kaming parte? Wala akong laban, at mas malala pa roon ay nauubusan ako ng lakas. Binitawan ako ng lalaking ito, at hindi ko na napigilan pang mapaupo sa sobrang kahinaang nararamdaman ko at kaunting minuto na lang alam kong malalagutan na 'ko ng hininga rito. Habang hinahabol ang hininga, paunti-unti akong tumayo, at baka sakaling matakasan ko ang gunggong na lalaking 'to. Akala ko roon na nagtatapos ang ginawa n'ya sa 'kin. Nakita ko ang nakalolokong ngisi sa kaniyang labi kahit pa madilim sa parteng iyon kung nasaan kami. Narinig ko ang pagkalas ng mga sinturon niya, at sa mga oras na iyon, doon na ako tuluyang sobrang napaluha. Hindi ako handa sa bagay na ito, at hindi ko alam na aabutin ko ang ganito, habang naninirahan ako sa bayang ito. Ngunit bago pa s'ya makalapit sa 'kin may narinig akong isang tinig na nagpabuhay sa pag-asang nawala na kanina sa loob ko. "G*go ka!" I heard a familiar voice. A guy that I didn't expect to save me. At narinig ko na lamang ang lagutok ng kani-kanilang kamao bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD