CHAPTER 18

2220 Words
Sa mga nangyari kanina, wala akong pinagsisihan kung bakit ko iyon nagawa sa kaniya. Well, after all, deserved naman niya iyon, kaya bakit ko pa pagsisihan 'di ba? I felt my phone vibrated, and when I checked it, it was a message from Iyah. "Hoy! Ano ang ganap na iyon kanina? Kakalipat lang natin dito, may kaaway ka na!" Napailing ako sa aking nabasa. Kailan ko nga ba unang nakabangga ang babaeng iyon? Ah, noong nasa restaurant ako at abala sa pag-iisip. Hindi ko naman sinasadya na makabunggo siya noong araw na iyon. Kung alam na pala niyang mabubunggo ko siya, dapat siya na 'yong umiwas 'di ba? Unless, kung hindi rin siya nakatingin sa dinadaanan niya. Kapag nagkataon na ganoon nga e, 'di kasalanan naming dalawa iyon. I sighed heavily upon remembering why she was working at this late hour. I replied back, but I changed the topic. "How about you? Why are you working?" Hindi ko siya hinintay na sumagot at nag-dial ako ng number niya. Alam ko kasi na hindi siya magrereply sa akin lalo pa't alam niya na makulit akong magtanong sa text. It took a couple of rings before she answered it. "Hey!" tila ba kinakabahang saad niya sa kabilang linya. "Ano? Bakit 'di ka nagsabi?" kalmadong tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga, at base sa naririnig kong kilos, para siyang padabog na umupo sa upuan. "Wala lang, hindi ko lang na-trip-an sabihin sa 'yo." Narinig ko ang matunog niyang pagtawa. Sa mga ganitong sinasabi niya, alam kong may problema siya—financially. Ayoko ko siyang pilitin na i-open-up sa akin iyon, dahil baka hindi pa siya handa o baka ayaw niya talagang sabihin sa akin. Pero nagtataka talaga ako kung bakit kailangan pa niyang magtrabhao. I have known her parents for almost a decade, and I don't know why Tita Arlyne let her daughter work in the middle of the night. O baka hindi pa alam ni tita, katulad ko? "Iyah, alam mo ba na delikado ang trabaho mo?" pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang bagay na maaari niyang ikapahamak. Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng daan ng Harmown Town, taliwas sa daan papunta sa dorm namin. Ewan ko rin ba kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko at sila ang nagdedesisyon kung saan destinasyon dapat ako pumunta. Hindi sumagot si Iyah sa kabilang linya, hudyat na magsalita muli ako. "You're work is too risky, Sakiya. Masiyadong gabi ang pagtatrabaho mo, at matagal ko na talagang napapansin iyon. Aalis ka ng gabing-gabi, tapos uuwi ka ng madaling araw. Don't you know how risky it was?" malumanay na saad ko. "Babae ka, at dapat ang babae hindi na tumatagal ng gabi o madaling araw sa daan. Kahit pa may kakayahan ka pa o ano, hindi maalis sa 'yo na babae ka, at dapat bago lumubog ang araw nasa loob ka na ng tahanan," dagdag ko. I heard her sighed heavily on the other line. "I know... but I need to do this. May you understand why I'm not telling you the reason, Klaire. I'm sorry." Nasisiguro ko na bagsak na ang kaniyang mga balikat habang sinasabi iyon. I nodded like she was in front of me. "I understand, but, please be more careful, okay? Hindi natin masasabi ang pahamak, puwede kitang hanapan ng ibang trabaho kung kailangan mo talaga, 'wag lang 'yong sa gabi pa." Nagpakawala siya ng isang mahinhin na tawa. "It's okay. I can manage, thank you! Favor din pala." Naging iba na ang boses niya ngayon na kung kanina halos lungkot ang nahihimigan ko, ngayon para bang nagsusumamo na siya. "Please don't tell my parents about this, please?" Kung nandoon lang ako sa puwesto niya ngayon, marahil nakanguso na siya sa akin, para mapapayag ako sa gusto niya. "Okay, then, deal." Natapos ang tawag na sinabi niyang maghahanap siya ng panibaging trabaho, hindi nga lang niya alam kung makakahanap siya pero gagawa pa rin siya ng paraan para umalis sa lugar na iyon. I'm not against naman if she's working. Ang sa akin lang, 'wag siyang magtatrabho sa gabi, at uuwi ng madaling araw lalo na kung wala siyang kasama. Kalilipat lang naman dito, at hindi pa naman alam ang takbo ng sikmura ng lugar na ito. Kaya malay ko ba na may mga krimen na rito 'di ba? I shook my head. Bakit ba umaabot ka sa ganoong isipin, Klaire? Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang ngalay sa aking paa. Sakto naman na tumapat ako sa isang maingay na lugar, na marahil ay iyong bar. Ito rin 'ata 'yong bar na sinundo ko sina Roxanne at Iyah e. Sa hindi malamang dahilan, sinubukan kong pumasok sa lugar na iyon. Dala na rin siguro ng kuryosidad, hindi na nagpaawat pa ang mga paa kong tuluyang pumasok sa loob n'on Pagkapasok ko ang unang sumalubong sa 'kin ay ang mga pinaghalong kulay ng blue at red neon lights na nakakalat sa paligid, at ang usok na nanggagaling sa vape nila. Mayroon pang isang lalaki na saktong pagdaan ko saka n'ya binuga ang usok sa mismong mukha ko. "Hi Miss, wanna go out with me?" malanding saad noong lalaking nagbuga ng usok ng vape sa aking mukha. Buti na lang mabango iyon, kung nagkataong usok ng sigarilyo ang ibiniguya niya, madali ko siyang magagantihan lalo na't madalim sa parte kung saan naroon siya. I just rolled my eyes at him. Hindi naman ako pumunta rito para humanap ng fubu, talagang nahatak lang ang curiosity ko kung bakit gustong-gusto nila ang pumunta sa mga lugar na kagaya nito. It was a typical bar, like what I'm used to watching on television. There were a lot of people who were carelessly waving their hands in the air. Mga kabataan na katulad ko, na halos gumawa na ng kalaswaan sa sobrang kalasingan. Sana alam ng mga magulang nila kung ano ang pinaggagagawa nila sa buhay. People at the bar looked at me, like they were judging me from head to toe. Grabe 'yong mga talas ng mga tingin na gingawad nila sa akin, at ang iba ay pinagbubulungan pa ako. Nang sakto akong mapadaan sa isang grupo ng kababaihan, narinig ko ang mga bulungan nila tungkol sa akin. "Girl, what can you say about her outfit? So cheap. 'Di ba s'ya aware na bar 'to?" The girl whispered to her friend. Ano bang mayroon sa suot ko? Masama bang mag suot ng ganito 'pag nasa bar? I looked at them fiercely, minutes after they both arched they left eyebrow. Tinapunan ko sila ng isang hindi makapaniwalang tingin, bago ako tumuloy sa counter. They don't have to care about what I'm wearing. My body, my rules. Kung ano ang gusto kong suotin, then I'll wear it. Hindi naman siya 'yong nasa posisyon ko para pagdesisyunan nila ang buhay ko. Tch. Tuluyan akong nakalapit sa counter para sana mag-try ng mga inumin nila dito. But I was halted by the bartender, who was now looking at me baffled. "Ah, Miss kayo ba 'yong tinawagan n'ya? Pakihintay na lang po—ay! Ayan na pala!" sigaw n'ya at tinuro ang nasa likuran ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya at umupo isa sa mga bar stool na nasa harap ko. "Ha? I don't know what are you—" I didn't finish what I was going to say when someone suddenly dragged me. I heard him sighed heavily, and it looked like he was carrying the whole world. Minutes later, I was so perplexed when he whispered a name. "Marriane." It's my second name. "Sige na po Miss, iuuwi n'yo na po siya kanina pa 'yan dito—" I halted her. "Teka naman ho, hindi ko naman kilala 'to e." reklamo ko. Dali-dali akong humarap sa lalaking tinutukoy n'ong bartender na siya ring dumagan sa 'kin na mukha pang walang balak umalis mula sa likuran ko. Ngunit halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang gulat ng mapagtanto kung sino ito. "Khirro?" I almost whispered his name. "E, kilala n'yo naman po pala e, sige na po iuuwi n'yo na po. At baka mag-eskandalo pa ho rito," pakiusap sa 'kin ng bartender. "Pero—" "Hey! Who ever you are, please take me home," pabulong na sinabi iyon ni Khirro, at amoy na amoy ko ang alak na nanggaling sa kaniyang labi ng mga sandaling iyon. Ha? Teka, paanong gagawin ko? Hindi ko alam kung papaanong mag-entertain ng lasing na tao! "Hey Miss! What are staring at? I said please take me home," biglang bulyaw n'ya sa 'kin na nagpabalik sa wisyo ko. "Ha? Wait, I don't know who you are," tila naguguluhang sabi ko. Alam ko naman na taliwas ang sinasabi ng isip ko, lalo pa't siya iyong lalaking tumulong sa akin noon. 'Yon lang ang naaalala kong memorya sa pagitan naming dalawa, kaya hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tulungan. Pilit kong inalis ang hawak niya sa braso ko, at walang pasabi na umalis sa puwestong iyon. Hindi ko naman siya responsibilidad, at saka hindi ko rin naman alam kung saan ko siya iuuwi kung sakali. Ni hindi ko nga alam kung may dala ba siyang sasakyan, at baka mapagkamalan pa 'kong kidnapper, kapag nagkataon. Tss. I was about to leave that place when the bouncer blocked my way. "Hindi pa po kayo puwedeng umalis, Ma'am." Nalilito akong tumingin sa kaniya. "Ano? Bakit hindi?" Pinilit ko ang dumaan muli, pero ganoon pa rin ang ginagawa niya—hinaharangan ako sa bawat daan na pupuntahan ko. "Hindi po talaga puwede, Ma'am. Maghintay po kayo saglit, bago kayo lumabas," diretsong sabi niya. Hindi siya tumitingin sa akin, pero makikita mo talaga ang authority sa kabuuan niya. Napipika kong hinawakan ang sentido ko. "Bakit ba hindi pa ako puwedeng lumabas?" naiinis na tanong ko. The bouncer in front of me was about to say something, when I heard a familiar voice behind me. "Because I'm with you." I froze. Those voices. What an angelic voice. Suddenly, a memory flashed back to me. While playing in our garden, I decided to go on our seesaw to enjoy myself. When suddenly, I heard a voice near me. "Hey lady! What's your name?" he cheerfully said. But when I looked around at the garden, I didn't see any figures of people. "Ah, mama..." I started to cry, when I felt the cold breeze of air touch my skin. "Mama!" I shouted and I cried as much as I could. Minutes later, my mother came with a bag full of chocolates in her hands. "Omo, baby what happened? Why are you crying?" my mother said worriedly. "Mama, I-I heard someone asking my name, but when I looked around wala naman po s-siya... I'm scared, mama." Hikbing sumbong ko sa aking ina. "Tsk si Kir-kir talaga." "Po, Ma? Did you know that person po? It's a g-guy ma... natatakot po ako..." "Shh, baby stop crying, hmm? Let's eat your chocolate na, okay? Your daddy is waiting for you inside, let's go." Pag-aalo pa sa 'kin ni Mama. "Pero narinig ko po kayo na nagsabi ng p-pangalan..." "Shh, don't mind that, let's go. Don't be scared to that voice again, hmm? We're here for you. I love you baby." Inakay n'ya ako papasok sa loob ng bahay. Natigil ang memoryang dumadaloy sa utak ko nang naramdaman kong biglang sumakit ang aking sentido. Akmang mawawalan pa sana ako ng balanse, pero agaran akong inalalayan ng bouncer na nasa harap ko. "What the hell? What's that memory?" I whispered to myself. Pilit ko pa ring dinidiin ang nga kamay ko sa aking sentido dahil grabe pa rin ang pagtibok n'on. Para bang pinupokpok ito, sa bawat pintig na nararamdaman ko. Naramdaman kong may humawak pang muli sa braso ko at inalalayan ako nito. "Are you okay?" Those voices. It's acquainted. Pero hindi ko alam kung saan, paano, at kailan ko narinig iyon. Basta nakasisiguro ako na narinig ko na iyon mula sa nakaraan ko, pero hindi ko malaman kung sino ang nagsabi, at hindi ko matandaan na nangyari iyon sa buhay ko. "Miss, are you really okay?" His voice was enveloped in concern. I was confused to look at him. We were a few inches away from each other but I didn't care about that. Isang bagay ang pinagtataka ko, bakit noong narinig ko ang boses niya, may naalala ako mula sa aking nakaraan? Hindi ako pamilyar doon, kaya mas lalo n'on pinagugulo ang pag-iisip ko. Narinig ko naman na nang paulit-ulit ang boses n'ya, pero bakit may alalaala akong naalala? Na hindi ko naman ako pamilyar na nangyari pala sa buhay ko. "I'm okay, please let me go," sabi ko at inalis ko ang braso n'yang nakakapit sa 'kin. Ngunit hindi n'ya pa rin ito inalis bagkus iniharap pa n'ya ako sa kanya. "Are you sure?" His voice was deep as a well. Napakalalim. Ang sarap pakinggan. "Please look at me." Iyon na naman 'yong boses n'yang sobrang lambing, na kahit pakantahin mo lang ng ABC song, wala pa sa letter Z tulog ka na. Sakto namang pag-angat ko ng tingin, sa mga mata n'ya ako unang tumingin. Nakakalunod s'yang tumingin, para bang pinag-aaralan n'ya ang buo mong pagkatao sa iisang tingin. Hindi ko namalayan na napakalapit na pala namin kaya ako na ang kusang bumitiw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD