CHAPTER 17

2139 Words
Napabuntong-hininga na lang ako. Mahirap talaga ang mawalay sa sariling pamilya, kahit pa ilang araw na rin kaming hindi nagkakasama. It was hard for me to realize that I didn't have my parents beside me while I was continuing my studies. But, I know that even if there was a long distance between us, they would keep on supporting me on my little journey I had. Pumasok na ako sa loob ng dorm at nadatnan ko si Sakiya na nakatihaya sa kaniyang kama. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya, at dinaluhan siya papahiga sa kama. "Hoy! Anong mayroon?" She held her tummy, which makes my face contorted. "Gutom," she mouthed. Napangiwi ako. "Itulog mo na lang 'yan b*tch mas maigi pa." Akmang tatayo na 'ko pero pinigilan pa niya ako. "Dali na, bibili ka lang naman sa kanto," pagmamakaawang sabi n'ya. "E, bakit 'di ikaw ang bumili? Abnormal ka?" "Dali na, please." Wala na akong nagawa kundi sundin na lang siya dahil gusto ko rin namang kumain. Sana lang talaga pumayat na s'ya. In God's will. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para sana iabot na niya ang pera. Pero nakakailang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang inaabot sa akin. She grinned at me, and awkwardly smiled. "Ikaw muna bahala." I gave her a puzzled look. "Ah gano'n? O'sige ikaw na bumili!" irita kong sabi at walang pasabi na umalis ng bahay. Mayroon talagang time na ganoon siya, 'yong tipong ang dami niyang pera, pero kapag tinamad siyang tumayo sa kinahihigaan niya paniguradong magpapalibre na lang siya! Gusto ko rin namang gawin iyon, lalo na't malaking bagay na rin ang naitulong niya. Sadyang hindi pa ngayon 'yong tamang oras para ibili ko ang mga bagay na gusto niya, gamit ang aking pera. Kasalukuyan akong naglalakad habang ang aking kamay ay nasa bulsa ng jacket ko at ninanamnam ang masarap na simoy na hangin na dumadapo sa aking balat. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at may nakita akong message galing kay mama at kay Iyah. Dali-dali kong binuksan ang message na galing kay Mama. "Hi, sweetie! I'm home. Ingat kayo, hmm? I love you! Good night." I replied. "I love you too, Ma! Good night, and be safe always." Agaran ko namang binuksan ang message na nanggaling kay Iyah. "b***h, badly need food" "Badly need your face, tch." I quickly replied to her. "I'm sorry b***h, wala akong dalang pera." Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply at nagpa-sound trip na lang. Nilagay ko ang earphones sa magkabilang tainga ko at inumpisahan ng muling maglakad. Ito talaga ang hilig ko, ang maglakad sa gabi at hayaang maglayag ang isip ko habang nakikinig ng mga kanta at sinasabayan ko ang mga ito. Isa rin sa mga hilig ko ay ang panonood o ang pagsaksi ng paglubog ng araw. Ang saya sa pakiramdam habang pinapanood ko ang mga 'to. Hindi mapaglagyan ang tuwa ko sa t'wing nakakakita ako ng ganoon. Sa t'wing nalulungkot ako paglubog ng araw lang ang nagpapagaan sa loob ko. Weird sa iba, pero ganito ako. Sunset will be the one who makes me happy, even if this world was cruel to me. Paglubog ng araw ang pahinga ko, sa nakakapagod na mundo. Hindi ko namalayan na nasa park na pala napadpad ang ganoong paglalakad ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko dahil ang ganda ng park ngayon. Sobrang ganda na halos 'di mo aakalain na inabandona na ito. Ang daming mga makukulay na neon lights sa paligid kasabay pa nito ang mga tugtuging nagpapabuhay sa malalim na gabi. Ang dami ring mga vendors na nagkalat sa paligid at higit sa lahat hindi nawawala ang stage na kung saan may mga nagpe-perform na mga magicians. Ibang-iba ang parke na ito t'wing umaga, aakalain mong abandonado ito dahil sa mga sira at ang mga makakalawang na parte. Pero ngayon, halos ibang-iba na 'to, kumpara noon sa una kong nakita. "Sayang 'di nakasama si Iyah," ngiti kong bulong sa aking sarili at pumunta na lang sa isang bench na malapit sa punong pinaliligiran ng mga malilit at makukulay na bilog na nakasabit sa mga ito. Umupo ako at pinagmasdan ang ganda ng paligid, kasalukuyan nilang pinatutugtog ang isa sa mga kanta ng Bee Gees. I cast my head upwards and let myself close my eyes for a second. A minute later, I opened my eyes, at ang walang bituin na kalangitan ang bumungad sa akin. Pilit kong winawaksi ang mga nagpapagulo sa aking isipin, dahil alam kong mali ang ganito. Mali ang malungkot sa kalagaitnaan ng mga nagsasayang tao, at pumunta rin ako rito para magsaya kahit papaano. Gusto ko lang libangin ang sarili ko para hindi naman ako makaramdam ng lungkot dahil lang hindi ko na naman makasasama ang mga magulang ko. Hindi ko hilig ang malungkot sa mga bagay na hindi naman dapat ikalungkot, kaya nga ako lumalabas at naglalakad sa labas para kahit papaano mabawasan ang nararamdaman kong ito. May mga problema akong 'di ko kayang ibahagi sa iba. I just feel like they didn't care about me, they didn't care about how I feel. Kahit pa nandiyan si Sakiya, na tinuring ko ng parang isang tunay na kapatid, simula't sapul hindi ko na talaga hilig sabihin ang aking mga problema. Nakilala nila akong malakas, taga-advice, 'yong palaging nag-sta-stand-out sa kanila sa t'wing may problema sila. Kaya hindi ako p'wedeng maging mahina, dahil sa akin sila kumukuha ng lakas para ipagpatuloy nila kung ano 'yong naumpisahan nila. Tumayo na lang ako bago pa ako magdrama sa kinauupuan kong 'yon. Napagdesisyunan ko na lang din ang maglibot-libot sa park tutal may dala rin akong pera kahit papaano. Ang dami kong nakikitang pagkain na halos gusto kong tikman lahat. Pero kapag naaalala kong nakalimutan ko 'yung wallet ko at kakaunting pera lang ang dala ko. Nanlulumo ako kung bakit hindi ko siya dinala ngayon. Kaya sa huli, sa lahat ng mga stall na nadaanan ko taglililimang s**o't gulaman lang ang nabili ko. Nag-try pa muli akong maglibot sa lugar, para mag-canvas ng mga bilihin na alam kong kakasiya sa pera na hawak ko. Napadpad ako sa isang stall ng mga popcorn, at naagaw n'on ang pansin ko nang mabanguhan ako sa amoy nito. Dahil wala pa namang mga costumers ang nabili. Mas binilisan ko pa ng kaunti ang paglakad. Tinignan ko ang menu na nakadikit lang sa gilid ng stall nila. "Cheese popcorn 50 pesos ta's ang iced tea nila 25?" gulat na tanong ko sa sarili ko. Wala naman akong nagawa at bumalik ang paningin ko sa harap ng stall. Sa huli napagdesisyunan ko na lang din ang bumili. "Pabile po, cheese popcorn at iced tea po," sabi ko habang kinukuha ang perang nasa bulsa ko. "Noted po," sabi ng babaeng nakatalikod sa 'kin. My mouth gaped upon hearing those words. It was so very familiar to me! "Iyah?!" taka kong tanong. Lumingon siya nang dahan-dahan at doon na ako nagulat, dahil ang nagtitinda lang naman ngayon ay walang iba kundi si Iyah. Awkward siyang lumapit sa direksiyon ko at kinuha ang order ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya, at hindi malaman kung paano niya ako naunahan sa lugar na 'to. "How many days have you been working in this place, Sakiya?" taas ang kilay na tanong ko sa kaniya. As far as I remember, she didn't need to work, because Tita Arlyne and Tito Roy could support her studies, since her father was working abroad. So what the hell is up with her and she's working right now? "Sa dorm na tayo mag-usap, please." Sumenyas siya ng peace sign, at inabot sa akin ang binili ko. Inabot ko ang mga buhok niya at bahagya iyong hinila. "Kakaltukan kita roon mamaya, sinasabi ko sa 'yo, Iyah! Delikado ang ginagawa mo," iiling-iling na sabi ko sa kaniya. She was about to speak, but then I heard a familiar voice behind me that preceded Iyah to speak. "Oh, look who's here," maarteng saad niya, at tinignan ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Humarap ako sa gawi niya, at pinantayan ang tingin niya. Wala naman akong balak na labanan siya ngayon, since ayoko rin naman ng gulo sa pagitan naming dalawa. Hangga't maaari ako 'yong iiwas, kung hindi niya kaya. I know to myself that I am matured enough to disregard to my life those people who is always make a way to argue with me. She met my gaze and she looked at me intently. "What did you say the last time we met?" nakataas na kilay na aniya, habang amoy na amoy ko ang bubble gum na nginunguya n'ya. I smiled. "I don't want a trouble, Miss. If you want to buy, then buy. Don't make any mess in this place." Tila ba napikon siya sa mga sinabi ko, at bahagyang lumapit sa akin. "Who do you think you are to lead me to what I want?" She arched her left eyebrow and crossed her arms. "I'm nothing, Miss. So, please excuse me." Akmang dadaan na sana ako sa gilid niya, pero mabis niyang hinawakan ang mga braso ko napunta muli sa harap niya. "Where do you find the guts to turn your back on me, huh?" Alam kong sa mga oras na 'to, napapansin ko sa mga mata niya at base sa mga pagngitngit ng kaniyang ngipin, na nagpipigil na siya sa mga ginagawa niya. I gave her a serious look. "I don't know who you are. So, what's the point of turning my back on you?" patay-malisya kong tanong. "What the hell?!" Tinulak niya nang bahagya ang braso ko na siyang nagpawala ng kaunting balanse sa sistema ko. "Oh," pang-aasar ng mga alipores niya. Nagpakawala ng isang ngiting tagumpay ang nasa harap ko. As far as I remember, her name is Aica. "Next time, make sure you know your place, hmm?" Hinayaan kong itulak-tulak niya ang balikat ko, kaya sa ginagawa naming ito ay nakakaagaw na kami ng atensiyon ng mga tao. "You don't know me, and my capabilities." Sa isang tulak niya, roon na ako tuluyang napaupo sa damuhan, kasabay nang paglagapak ko, roon ko rin naramdaman ang mga likidong tumutulo galing sa aking ulonan. I crumpled my fist and bit my lower lip to calmed myself. Walang magandang dulot ang ginagawa kong panguguna sa emosyon kung siya lang din naman ang magiging kaaway ko. She acts like a child, when in fact we are the same age. "That's where you belong, Miss." Narinig ko ang matunog na pagtawa ng mga kasama niya at ganoon din siya. Narinig kong tinawag ako ni Iyah kaya lumapit ako sa kaniya. Naguguluhan siyang tumingin sa itsura ko at padarag kong kinuha ang order ko sa kaniya. Mali ang ginagawa niya, at kung sa pagganti ko lang maibubuhos ang inis na nararandaman ko gagawin ko dahil sumosobra na 'tong babaeng 'to sa harap ko. Nang makalapit ako sa harap niya, wala akong pag-aalinlangan na binuhos sa damit at sakto sa mukha niya ang iced tea na binili ko. Kung ano ang ginawa sa akin ng tao, 'yon din ang ibabalik ko, pero mas malala pa sa ginawa niya mismo. Her eyes widened upon realization hit her. "What the f**k did you do to me?!" pasigaw na anas niya. Halos lahat ng tao ay nakatingin na sa direksiyon namin at ang iba sa kanila ay kinukuhanan na kami ng video. Pero hindi roon natuon ang atensiyon ko, at hinahayaan ko ang sarili ko na maengganyo sa taong nasa harap ko. "What you did to me always comes back to you, pero mas worse." I smirked upon uttering those words. She was about to slapped me but I preceded her. Sinampal ko ang magkabila niyang pisngi dahil na rin sa pangunguna ng emosyon ko sa sistema ko. "Inumpisahan mo 'to, ako ang tatapos." Sinampal ko pa muli siya nang hindi siya maka-recover sa ginawa ko. "Hindi ko alam kung sino ka, para ganituhin ako. Ni-hindi nga tayo magkakilala, pero daig mo pa ang nanay ko para pagsalitaan ako." Tinapunan ko siya ng isa pang masamang tingin, at hindi siya nagpatalo at pinantayan niya iyon. "Isa pang bangga mo sa akin, hindi ko na alam kung saan ka pupulutin." I gave her a tap on her shoulders before I walked away. "Fight me, then! You're a coward!" sigaw niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Narinig ko rin ang pagsigaw ni Iyah pero hindi ko na rin 'yon pinansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makaalis sa lugar na 'to bago pa sumabog ang pagtitimping natitira ko sa babaeng iyon. It doesn't mean you don't fight, it means you're a coward. There are some things that don't really waste of time because you don't really care about them at first. It's better to just avoid it, than to get into fights that don't matter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD