CHAPTER 16

2112 Words
Napangiwi ako sa sinabi niya. Maghapon kaming nagtakbuhan, tapos sa huli mapapa-barangay lang? Mas gugustuhin ko pang nasa date nga talaga ako kaysa sa makipaghabulan sa isang taong hindi ko naman talaga kakilala. "Okay, silence means yes," kinikilig na saad niya at tinapik ang aking balikat. "Make a move girl, pakilala mo sa 'kin." Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko, bago siya umalis. Medyo malaki naman ang aking hinihigaan kaya ro'n ko na pinatulog ang aking ina. Ang problema lang, si Sakiya at Roxanne na halos sakto lang ang kama para sa kanila pero napagdesisyunan ni Nadine na tumabi kay Roxanne at si Denise ay kay Sakiya. Wala silang nagawa kundi ang pagsiksikin ang sarili nila sa mga kamang iyon, hindi rin naman sila puwedeng humiga sa lapag dahil wala naman kaming extra comforter para higaan nila roon. Hindi naman sila puwedeng basta basta na lang humiga lalo pa't malamig ang sahig at wala silang sapin. Sana lang talaga makatulog sila nang maayos ngayong gabi, kasalanan ko rin naman ito kung hindi sana ako umuwi ng gabi, e 'di hindi sila matutulog dito ngayon. Nabanggit sa akin ni Nadine, na kanina pa raw nila ako hinihintay at ayaw lang daw nila akong i-text na umuwi na, at baka makahalata raw ako sa mga gagawin nila. Wala na akong hihilingin pa kung ganito rin naman kami kasaya. Sana lang hindi na maalis ang mga ngiti sa labi namin sa mga susunod pang araw na aming haharapin. Na sana makayanan pa rin namin ang mga problemang aming susugpuin. Na kahit anong pasakit ang dalahin sa 'min makayanan namin ito at masulosyunan na naayon rin naman sa sitwasyong aming kahaharapin. Masaya ang araw na ito para sa 'kin. Ito na ata ang kaarawan kong naging ganito ako kasaya. Sana lang talaga, saya na lang ang maramdaman at hindi na kalungkutan. Sana. Agad napamulat ang mga mata ko nang marinig ang pagtilaok ng manok. Una ko agad napansin ang aking ina na mahimbing na natutulog sa aking tabi. She was sleeping peacefully, like no one can harm her. I was so just so happy and lucky because I have this mother to me. Dumako ang aking paningin sa orasan at alas-sais na pala ng umaga. Muli kong ginala ang paningin ko sa buong k'warto at napapikit nang sumagi sa isipan ko ang mga masasayang pangyayari kagabi. Napangiti ako ng wala sa oras, sapat na dahil na iyon para maganda ang magiging kalabasan ng araw ko ngayon. I decided to go outside and buy some pandesal for our breakfast. Tutal ako pa naman ang gising ako na rin ang maghahanda. Nag-ayos muna ako ng aking sarili at sinuot ang hoodie jacket ko na halos dalawang araw ng 'di nalalabhan, pero mabango pa rin naman. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa table ko para pagkagising ni mama, mabasa n'ya 'yon ka-agad, at hindi siya magtaka kung bakit wala ako roon. Wala rin naman kaming trabaho ngayon ni Nadine, since this day was our rest day. Hindi ko nga alam kung tanggal na ba ako sa trabaho or what. Hindi ko naman alam kung ano ang posisyon ni Khirro Kiel, sa restaurant na iyon at nagawa niyang magdesisyon na hindi ako matanggal. Malalaman ko na lang iyon kapag may pasok na kami, at kapag nakausap ko nang masinsinan si Mrs. Villanasis. When I got out of the dorm, the cold breeze touched my skin. Halos walang pinagbago iyon sa araw-araw. Hindi pa naman magpa-pasko at ewan ko ba kung bakit ganito na kalamig ang simoy ng hangin. Naglakad-lakad ako para mahanap ang bakery dito sa Harmown Town. Since, hindi pa naman ako pamilyar sa kabuuan ng lugar, kaya kailangan kong tandaan ang bawat dinadaanan ko. Sakto namang pagliko ko sa isang kanto, doon ko nakita ang isang bakery shop. Aling Magda's Pandesal House "Pabili po," magalang na sabi ko sa isang babaeng bahagyang nakatalikod sa 'kin. Pero hindi niya 'ata ako narinig, at pinagpatuloy niya lang ang kaniyang ginagawa, ang masaklap pa nito nagawa pa niyang pumasok sa pinakaloob na siyang nagpahirap sa akin na tawagin kung sino man ang nagtitinda. "Pabili." Kinatok ko ang dala kong barya sa mga rehas na nandoon para gumawa ng ingay. Pero agad na lumukot ang mukha ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki na iiwasan ko sana, pero mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kaming dalawa. I acted like I didn't know him from the very start. I let myself smile at him. "Pabili pong pandesal, 40 pesos po," magalang kong saad. Biglag sumilay ang nakalolokong ngisi sa kaniyang labi nang marinig ang mga sinasabi ko. "Naks ah, ang galang naman natin ngayon, babe," sagot niya sa akin habang hinahanda ang mga pandesal na sinabi ko. Mariin kong pinikit at kinagat ang labi ko dahil nag-uumpisa na naman siya. Pinilit ko ang sarili ko na 'wag pansinin ang mga sinasabi niya, dahil magkakaroon lang ulit kami ng asaran sa isa't isa. Mas mabuti na 'yong ganito na ako ang umiiwas, dahil siya naman ang nag-uumpisa. "Oh, dahil special ka sa akin, may pasobrang isa!" Pabibong niyang inabot sa akin ang supot ng pandesal. Pasiring kong inabot sa kaniya ang bayad, at hindi na hinintay pa ang sukli. Tumalikod na agad ako sa kaniya, at narinig ko pang tinawag niya ako. Hindi ko na iyon pinansin at hinayaan ang sarili ko na maglakad na lang ng hindi binibigyang pansin ang pagsigaw ng lalaking iyon. Kaya ko naman palang magtimpi na hindi siya sinasabayan, bakit ba kasi kailangan ko pa siyang gantihan noong una? Nagkaroon pa tuloy kami ng malalim na interaksiyon sa isa't isa. I shook my head to get rid of those thoughts that were playing in my mind. Pagkapasok ko sa loob ng dorm, halos lahat na sila ay tumatawa at hinihintay ang pagdating ko. Nang makita ako ni Iyah agaran niyang kinuha ang pandesal sa mga kamay ko. Sa maghapong iyon, kuwentuhan at tawanan na naman ang maririnig sa buong k'wartong 'yon. Halos walang oras na hindi kami nagtatawanan at palaging may bidang k'wento si Roxanne at Nadine, na s'ya namang binabara ni Sakiya at Denise. Samantalang ang aking ina ay halos nakikigaya na lamang sa kanila. Hindi ko lubos maiisip na nakakayanan ng aking ina ang sandamakmak na mga problema. I'm just so proud of her, sa dinarami-dami naming problema, nandiyan s'ya para gabayan at suportahan ako sa lahat ng gusto. I love her so much. Halos papalubog na rin ang araw nang umuwi sila Nadine at Denise. Gusto pa sana nilang magpalipas pa ng isang gabi rito ngunit ang paalam lang pala nina Iyah at mama sa landlord namin ay isang gabi lang kaming mag-iingay, at magdadala ng kasama sa dorm. Actually, hindi nga puwede iyon sa amin, pero nagawa naman 'atang pilitin nina Iyah at mama ang landlord ng dorm na ito. May pagkasungit din kasi iyon minsan, pero sa lahat naman ng oras mabait siya. Sinabihan ko na lang sila na marami pang next time, since isang gabi lang din pala ang pinaalam nila sa kanilang mga magulang. Kaya kinakailangan na nilang umuwi, dahil iyon lang naman ang paalam nila. Sumabay din sa kanila si Roxanne papaalis dahil may dadaanan lang daw siya sa kanto para kunin ang kakailanganin niyang mga materials para sa activity nila. Naiwan kaming tatlo sa loob ng dorm habang inaayos namin ang mga kinainan namin. "Tita sa Monday na start ng class namin!" Sakiya said, excitedly. Napalingon sa amin si mama na ngayon ay naglilinis ng mga kama. "Mabuti kung gano'n. All settle naman na kayong dalawa 'di ba?" nakangiting tanong niya. I nodded. "Yes po," we both said at the same time. Nang magkasabay kaming dalawa ni Iyah na banggitin iyon. Napatingin kami sa isa't isa at sabay na ngumiti. Sabay din naming binanggit ang, "Money for us." At sabay din kaming yumuko. Nakagawian na namin ang ganitong akto sa t'wing nagkakasabay kami sa mga salitang sinasabi namin. And at the end, we were both laughing really hard. Narinig namin ang hagikhik ni mama. "Kayo talaga, mula noon hanggang ngayon dala dala n'yo pa ring 'yang ganiyan n'yo," tatawa-tawang sabi ni mama. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na 'yong kaibigan mo noon, kaibigan mo pa rin hanggang ngayon. Walang nagbabago, na kahit ilang taon ang lumipas magkasangga pa rin kayo sa lahat ng bagay. Minsanan lang kung makatagpo ka ng ganiyan. At ang suwerte ko dahil mayroon akong kaibigan na gano'n ngayon. Naalala ko pa no'ng mga elementary days namin ni Sakiya, halos walang araw na hindi kami magkasama at patuloy na naglalayag ang aming isipan sa hinaharap. Napag-usapan pa namin noon na parehong school ang pupuntahan namin hanggang sa mag-college kami at hindi nga kami nagkamali. Mayroon pa nga ang sabi n'ya na kapag kinasal na kami sa mga lalaking iniibig namin. Iisang bahay na lang ang tirahan, dahil nalulungkot kami kung iisipin naming maghihiwalay kami. Weird. But that's how our friendship works. Actually, we are not friends nor bestfriends. We treated each other like sisters. Naalala ko pa noon kung bakit kami naging magkapatid, na kahit hindi magkadugo, pinipilit namin sa isa't isa na magkapatid kami. Pinapadala kasi kami ng picture ng English teacher namin na kahit sinong miyembro ng pamilya. At dahil may kaibigan naman akong yayamanin sa pagpapa-print sa kanya na lang ako nagpagawa. S'yempre walang bayad. Nagkataon na ang pina-print n'ya ay picture ng aking ina pati na rin ng aking tatay. Nagkataon din na 'etong kaklase kong si Sakiya ay walang dala na kahit anong picture. Dahil wala s'yang dala, ako na ang nag-alok na idikit n'ya ang picture ng tatay ko sa mismong bond paper n'ya. At ako naman ang gumamit ng picture ng aking ina. Simula noon palagi na kaming nag-aasaran na tatay n'ya ang tatay ko, kaya tinawag namin ang isa't isa ng magkapatid ng dahil doon. 'Yong ang naging dahilan kung bakit kami magkapatid, at tinawanan din iyon minsan ng aking ina simula noong kinuwento namin ito sa kaniya. Napatigil sa paglalayag ang isip ko nang biglang may pumitik sa noo ko. Mariin kong hinawakan ang noo ko, at napakagat sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang mayroon at bakit sa t'wing tatawagin ako kailangan nilang pitikin ang noo ko. Tch. Tinignan ko si Iyah nang masama, at ganoon din siya sa akin. "Hoy! Ayan ka na naman, kanina ka pa tinatawag ni tita," asik niya na s'yang pumitik ng aking noo. "Ay ako ba? Akala ko ikaw?" maang kong sabi at tinuro siya. Her forehead creased. "Anong ako?! Anak ba 'ko ni Tita? Abnormal 'to!" pasigaw na sabi n'ya. I smirked. "Reminder tatay mo tatay ko, che." Ngumiwi lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa, napansin ko na about ito sa school kaya hindi na ako nagtataka dahil malapit na rin ang resume ng class namin. "Klaire anak, uwi na ako ingat—" I halted her. "Hala! Ma, uuwi na kayo?" gulat ko pang pagpipigil sa sasabihin niya at dali-daling pumunta sa direksiyon niya. Nasa pinto na rin kasi siya, at dala-dala na rin niya ang gamit niya. Hindi ko man lang napansin na papaalis na siya dahil na rin sa sobrang okyupado ng aking isip. "Ayan, puro ka kasi tunganga! Kanina ka pa tinatawag ni tita e," asik ni Sakiya habang abala pa rin siya sa kaniyang ginagawa. Hindi ko siya pinansin at binalingan lang ng tingin ang aking ina na ngayon ay hawak na ang aking mga kamay. "I need to go sweetie, may aasikasuhin pa kami ng papa mo." Ngumiti siya sa akin, at bahagyang pinisil ang mga kamay ko. Malungkot akong tumango at ngumiti. Akala ko pa naman magtatagal siya rito lalo pa't kaarawan ko naman, hindi ko naman alam na isang araw lang pala, sana sinulit ko na ang mga oras na kasama ko siya kahapon. Ilang buwan na naman kasi kaming hindi magkikita pagkatapos nito, kaya malaki ang panghihinayang ko na aalis na siya agad ngayon. Yumakap ako kay Mama para ibatid sa kaniya na okay lang sa akin, kahit hindi naman talaga. Wala naman akong magagawa dahil nandoon ang kabuhayan namin, at marami pa silang responsibilidad na kailangang asikasuhin. "Ingat ka po! Tawagan or i-text niyo po ako kapag nakauwi ka na!" magiliw kong saad. "Yes sure," ngiting sabi n'ya. Yumakap akong muli at hindi ko mapigilang mapaluha. Dali-dali kong pinunasan ang aking mukha bago kumalas sa pagkakayap sa kaniya. "I love you sweetie, pasok na." "Yes po, I love you too. Take care po ma. Balitaan n'yo po ako." Ngumiti lang siya sa akin, kasabay niyon ang pagdating ng isang tricycle at inalalayan ko siyang makasakay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD