CHAPTER 15

2247 Words
Mariin kong hinawakan ang aking sentido at nagtitimping tumingin sa kaniya. "Ano ba ang problema mo? Hindi ka ba titigil?" I gritted my teeth because of too much anger. Sumilay ang nakalolokong ngisi sa kaniyang labi. "Kung mahawakan mo ulit ang bukol-este kapag nabukulan mo 'ko." "Ah, sige ganoon." Yumuko ako para sana kunin ang tsinelas ko at ibabato sa kaniya iyon, nang dali-dali naman siyang tumakbo papalayo sa akin. "Hoy! Bumalik ka rito, hayop ka!" buong lakas na sigaw ko dahil mukha siyang kabayo kung tumakbo dahil na rin sa sobrang bilis n'on. Pero mukhang hinahamon niya talaga ako, at mas tini-triggered niya ang nararamdaman kong inis sa kaniya. "Kung maabutan mo!" sigaw niya pabalik sa akin at nagawa pa niya akong pagdilaan na para bang isa siyang bata. Isa lang ang napansin ko habang hinahabol ko siya, ang dami naming nilukaang kanto at hindi na ako nagiging pamilyar sa tinatakbuan ko. Basta na lang ako sunod sa mga tinatakbuan niya sa kagustuhang maabutan siya, kahit pa hindi ko na alam kung saan ito papunta. Ipinagpapasalamat kong tumigil siya, dahil hingal na hingal na rin ako. Ang layo ng agwat naming pareho, kaya hindi ko pa ring magawa ang gusto kong gawin sa kaniya. Nakangisi siya sa akin, na para bang sinasabi ng ngisi na iyon na panalo siya. Pero laking pagtataka ko nang magsimulang lumaki ang kaniyang mga mata, habang nakaturo sa aking likuran. "Takbo, balahura girl!" Halos maputol ang litid niya sa sobrang lakas n'on. Dahil sa taranta na naramdaman ko, ang kaninang paghingal at pagpapahinga na ginagawa ko ay nadagdagan na naman nang magsimula akong tumakbo. Ramdam na ramdam ko na ang sobrang hingal sa sistema ko, pero ang katotohanang maabutan ko ang lalaking ito, at magawa ang gusto ko ang siyang nagpapagaan ng damdamin ko kahit papaano. Tumigil ako saglit para ipahinga ang sarili ko, pero laking gulat ko nang marinig ko ang sirena ng barangay na papunta sa direksiyon ko. "Tumakbo ka, tanga!" sigaw muli sa akin ni Suze. At sa mga oras na iyon, doon ko lang na-realized na hinahabol pala kami ng barangay tanod! Dali-dali akong nag-ayos ng aking sarili, at inumpisahang muling tumakbo. Pero sa iisang maling hakbang ng paa ko, at sa 'di inaasahang pagkakataon natapilok pa 'ko. Dahil na rin sa dinulot na sakit nito, hindi ko agad magawang tumayo lumingon ako sa aking likuran at binomba ng kaba ang dibdib ko nang makitang malapit na ang mga barangay sa direksiyon ko. Hahayaan ko na sana silang hulihin ako kahit hindi ko naman alam ang nagawang kong kasalanan, pero naramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko at puwersahan ako nitong itinayo. "Two in one ka girl?! Ang balahura mo na nga, tapos lampa ka pa!" nakakunot ang mga noong sigaw niya sa akin. At wala akong nagawa kundi ang magpadala sa hila. Hawak-hawak niya ang mga kamy ko habang parehas kaming tumatakbo. "What? Are you crazy?! Let go of my hand!" Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko, pero dahil na rin sa sobrang higpit ng kapit niya sa akin at pagtakbo namin hindi ko iyon magawa nang tama. Kaya tuluyan na 'kong walang nagawa kundi ang magpatangay sa mga hila niya at hayaan siyang hawakan ang mga kamay ko habang parehas kaming tumatakbo. Ang layo na rin ng tinakbo namin at namalayan namin na wala na rin ang mga barangay tanod na humahabol sa amin. Huminto ako sa pagtakbo at gano'n rin siya, roon ko lang napagtanto na hawak pa rin pala niya ang pulsuhan ko kaya dali-dali kong winakli ang kamay n'ya sa kamay ko at hinihingal na napahawak sa tuhod ko. Saktong pag-alis ko ng kamay niyang nakahawak sa akin, ang siyang pag-upo niya sa kalsada at kapwa naming hinahabol ang aming hininga. Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, senyales na sobrang hingal nga talaga ang kaniyang nararamdaman. Pero kahit gano'n pa man, nagawa ko pa ring lumapit sa kaniya at agaran siyang binatukan. "Malas ka sa buhay ko kung sino ka man! Hindi naman kita kilala, pero grabe na 'yong malas na inambag mo sa buhay ko 'no?" Napairap ako nang makitang ngumisi lang siya sa akin. He bit his lower lip ang brushed his hair. "Correction, hindi ako malas, ako ang suwerte... babe." Kagat-labing kinindatan niya ako na siyang nagpalukot ng mukha ko. How could this guy let himself act like this in front of strangers? We don't know each other, yet he didn't bother to act like a devil to others? Hindi ko na siya pinansin at ayoko ng gumawa ng bagay na alam kong magkakaroon pa ako ng interaksiyon sa kaniya. Sa t'wing sinasabayan ko kasi ang asar niya sa akin, at sa t'wing sinasabayan ko ang trip niya, mas lalo lang siyang gumagawa ng paraan para ikainis ko iyon. Kung ganito ang tactic niya, mas mabuting umiwas at 'wag na lang siyang pansinin. Pero laking pagtataka kung bakit kami hinahabol ng tanod, gayong wala naman kaming ginawa? I was so confused about what happening around me. I was about to ask him about that, when suddenly I heard the engine of some tricycles behind me. When I looked at it, and there I saw four barangay tanod's who was going to our direction. "Mga bata kayo akala n'yo matatakbuhan n'yo kami," serysosong sabi ng isang maskulandong tanod. "Dalhin ang mga 'yan sa barangay!" pasigaw na sabi niya sa mga alalay niya at inumpisahan kaming hawakan ng mga tanod. Naguguluhan akong tumingin sa kanila, at akmang hahawakan na sana ako ng isa sa kanila nang pumiglas ako. "Wait, wala naman po akong ginagawang masama, ah? So, please let me go!" Nakaupo pa rin ako hanggang ngayon, at pilit iniiwasan ang mga kapit nila sa braso ko. "Sa barangay na ho kayo magpaliwanag, Miss," anas ng isang tanod. Wala na akong nagawa kundi ang magpahawak sa kanila, since pursigido talaga silang hawakan ako kaya hinahayaan ko na rin sila. Tumingin ako sa gawi ni Suze at hinahayaan niya lang talaga na hawakan siya ng mga barangay tanod. Kung ganitong may kasalan siya sa barangay, bakit kailangan pa niya akong idamay? Napakasama talaga ng ugali ng lalaking ito! Hindi ko naman kilala, kung bakit nag-f-feeling close siya sa akin, at nagawa pa akong isama sa barangay. Kalilipat ko lang dito, pero mukhang may record na agad ako. When we arrived at the batangay station, they let us sit in the couch near the door. Umupo sa tabi ko si Suze kaya lumipat ako ng panibagong couch, magkatapat na kami ngayon at ang mas nakakairita roon ay para bang wala lang sa kaniya na nandito na kami sa barangay. Para bang sanay na sanay siyang nandito at komportableng-komportable na siyang umupo, at nagawa pa niyang ilagay ang kaniyang braso sa sandalas ng upuan! I gave him a deadly glared. Sa utak ko paulit-ulit ko na siyang minumura, at sana lang ma-voice out ko 'yon sa kaniya para malaman niya kung gaanong galit na ang nararamdaman ko sa mga ginagawa niya. "Ano'ng mayroon at may mga kabataan na naman kayong dala?" tanong ng isang tanod habang kumukuha ng tubig sa water dispenser. Napalingon sa kaniya ang isang tanod na humawak sa akin. "Mga nagsisigaw sa labas, alam mo na, violation 'yon dito sa 'ting lugar," sagot nito. Napangiwi ako nang malaman kung bakit kami kailangan habulin ng mga tanod. Sa iilang sigaw na ginawa namin, barangay pala talaga ang dulong destinasyon ng ginawa naming pagtakbo kanina. Kung alam ko lang na bawal ang sumigaw, sana lumapit na lang ako sa tainga ni Suze at doon ko sinigaw ang mga bagay na gusto kong ilabas sa sobrang inis ko sa kaniya. Sa ganoong paraan man lang makabawi ako. I diverted my gaze at him, and he was just looking at the barangay tanod's who was now talking and fixing some papers. I felt my phone vibrated from my pocket. It was a message from Sakiya, and I immediately opened it. "Nasaan ka na? Gabi na, hoy! Pakalat-kalat ka pa sa kalsada." Akmang magre-reply sana ako sa kaniya, pero bigla ko na lamang naramdaman na may pumitik sa noo ko. Sinamaan ko nang tingin kung sino man ang nasa harap ko, at wala namang iba kundi si Suze iyon. Sa totoo lang talaga, ayoko na siyang makita. Sobra-sobra na 'yong inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya at para bang hindi niya nararamdaman iyon. Buti na lang nagagawa ko pang magtimpi, at tinapunan na lamang siya ng isang masamang tingin. Pinapirma lang kami sa isang papeles na may nakalagay na violation, at kung ano ang gagawin namin dahil nalabag namin ang violation na iyon. Ayoko pa sanang pumirma, pero gusto ko na rin matapos 'to kaya wala akong nagawa kundi ang pumirma na lang talaga. Marami pang sinabi ang barangay tanod sa amin, pero hindi ko na iyon inabala pa. Naglalayag na ang isip ko, kung papaano ako makakaiwas sa presensiya ng taong 'to sa harap ko at mukhang magkapit-bahay lang kami pareho. "Sige na, gabi na. Puwede na kayong umuwi." Dali-dali akong tumayo at lumabas ng station na iyon, hindi ko na nagawa pang tignan ang direksiyon ni Suze para makaiwas talaga ako sa presensiya niya. Nang sumigaw siya sa akin para ipaalam na magkikita pa kami bukas, mas lalo ko iyong hindi pinansin at akala naman niya papayag ako na magkita kami? Para lang akong nag-free trial n'on sa impyerno kung sakali. Ngayon ko lang din napagtanto na malapit lang ang dorm na tinutuluyan ko sa barangay station, kaya hindi na naging mahirap sa akin ang paglalakad. Pero ipinagtataka ko ang kadiliman sa puwesto ng dorm namin. Usually, mga ganitong oras dapat bukas na ang ilaw sa labas, at dapat maliwanag sa loob. Pero 'yong ganitong poste lamang ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag, e, pinapakaba ang damdamin ko. Patakbo na akong lumapit sa gate ng dorm, at puwersahan iyong binuksan. When I opened the door, one thing realized me. "Happy Birthday, Klaire!" sabay-sabay na bati nina Iyah, Roxanne, Nadine, at Denise na may kaniya-kaniyang hawak na confetti at may mga party balloon din ang nagkalat sa paligid. Hindi ko alam kung bakit hindi ko natandaan ang araw na ito bilang kaarawan ko. Well, isa 'ata ito sa mga rare na surprise na nangyari sa buhay ko. Sa t'wing nasa Cebu kasi ako, walang masiyadong ganap sa mga kaarawan ko dahil na rin sa kawalan namin ng budget sa handa. Palagi lang akong pumupunta n'on sa matataas na lugar para i-celebrate ang sarili ko kasama ang paglubog ng araw. Kaya ang makitang ganitong ka-effort ang ginawa nila, hindi ko maiwasan ang maluha nang bahagya. Surprise birthday was my favorite part every year, and now that I'm here standing in front of them, I suddenly feel the urge to cry, because of the. euphoria I was feeling. Kung sino man ang may idea ng ganitong surprise, masiyado niya siguro akong mahal, at nagawa pa niya akong i-surprise. Nakarinig ako ng isang birthday song, at ganoon na lang gulat ko nang makitang papalapit sa akin si mama at may hawak na cake na nakangiti sa akin. I covered my mouth out of shocked. I couldn't just imagine that my mother will be here at my birthday. Nangilid ang mga luha ko nang simulan niyang sabayan ang kanta. "Happy Birthday, anak!" Lumapit siya sa akin at dinampian ako ng isang matamis na halik sa pisngi. Ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko sa aking mga pisngi kaya agaran ko iyong pinunasan. Pero mas lalo lamang nadagdagan sa emosyon ko nang makita ang mga nakasulat sa icing ng cake, Happy Birthday, future CPA! We are rooting for you! "Make a wish sweety! It's your day!" nakangiting saad sa akin ni Mama, kaya agaran kong pinunasan ang aking luha at pumikit. To be more years with my parents, especially to my mother. Nagmulat ako ng aking mata, at kasabay n'on ang paghipan ng kandila. Nagpalakpakan ang mga kaibigan ko, at mas lalong lumakas ang ingay ng Happy Birthday song. Nakangiting lumapit sa akin si Nadine, at may inabot sa akin na isang paper bag. "Happy Birthday, girl! To be more years and friendship goal with you." May malapad na ngiting nakaukit sa kaniyang labi nang sabihin niya iyon. "Ay, kabog! Nag-wish kahit hindi birthday." Singit ni Denise sa usapan namin. Binalingan niya ako ng tingin, at may iniabot din siya sa akin. "Happy Birthday! Sorry for the last time we met, I mean in the coffee shop before." Awkward siyang ngumiti sa akin. I gave them my warm smile. "It's okay. Salamat pala rito." Bahagya kong tinaas ang regalong binigay nila sa akin, at nakangiting sinilip iyon nang bahagya. "Nag-abala pa kayo." Natapos ang gabing 'yon nang pulos na tawa at k'wentuhan ang nangyari. Halos hindi namin namalayan malalim na rin pala ang gabi. Hindi na namin pinauwi pa ang aking mga kaibigan kaya ang naging resulta para tuloy kaming sardinas na nagsisiksikan sa loob ng dorm! Nilinis namin ang mga kalat na aming nagawa at hindi ko mapigilang malungkot dahil sumagi na naman sa aking isipan na wala ang aking tatay sa mismong kaarawan kong 'to. Pilit kong pinakalma ang aking sarili at ngumiti na lamang. Nagulat na lang ako ng may umakbay sa 'kin at paglingon ko nakita ko si Iyah na nakangisi sa akin. "Ngingiti-ngiti mo riyan? Ikaw ha, sa'n ka galing at inabot ka ng gabi siguro nakipag-date ka 'no?" ngising sabi n'ya habang kumakain pa ng lumpia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD