CHAPTER 14

1820 Words
I averted my gaze from her, and sighed heavily. "Just a small mis-understood by the customers. I'm really sorry," nakayuko kong saad, at literal na nagulat ako nang ihampas niya ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng mesa na siyang gumawa ng isang malakas na ingay. "You didn't mean it?!" sigaw na sabi n'ya at tumayo. I bit my lower lip, and tried to calm myself. I need to do this, because I'm wrong in this situation. Hindi maganda na sabayan ang galit ng boss ko gayong ang alam lang niya ay 'yong side n'ong customer na nakaaway ko. Pinilit ko ang ngumiti sa kaniya. "Yes po. I already apologized to her—" I got halter by her. "You're fired!" My lips left gaping upon hearing those two words from her. "Mrs. Villanasis, can you please—" Hindi na niya muli pinatapos pa ang sasabihin ko nang magsalita muli siya, at doon na ako napatayo dahil sa lakas ng boses niya. "Get out! Get out of my of—" She also didn't finished what she was going to say, when suddenly a man entered the room, which was now I didn't expect that he will be here. He looked at me first, and later on, he diverted his gaze to Mrs. Villanasis. "You're not going to fired her. It's Aica's fault. Don't blame her if you're not yet finish watching that video and if you are not asking her side," Kiel said seriously and he looked intently to the eyes of Mrs. Villanasis. Napahawak sa bibig si Mrs. Villanasis matapos marinig iyon. "Kiel, what are you doing here? I thought you—" Sa ikalawang pagkakataon, hindi na naman niya natapos ang kaniyang sasabihin nang hawakan ni Kiel ang kamay ko, at padarag akong hinila papalabas ng office na iyon. "Khirro Kiel! I'm not yet done talking to you!" Rinig kong sigaw pa ni Mrs. Villanasis. Hindi ko iyon pinansin at okyupado ang utak ko sa magkahawak naming kamay. Ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa mga kamay ko, at ramdam ko rin ang panlalamig ng kamay ko na siyang pinapainit ng mga kamay niyang nakadikit sa mga kamay ko. Halos lahat ng tao sa loob ng faculty room ay tumingin sa amin, at wala akong nagawa kundi ang iyuko na lang ang ulo ko at magpatianod sa pagpapahila sa kaniya palabas ng restaurant na iyon. In a snap, I saw myself standing in front of him. Kinakailangan ko pang itunghay nang bahagya ang ulo ko dahil masiyado siyang matangkad. Unang nagtama ang mga mata namin, at sa hindi malamang dahilan, para bang ang saya-sayang titigan ang mga mata niya, kahit pa kung tumingin siya ay walang kabuhay-buhay o interes man lang. Kung ano 'yong nakikita ko sa mga mata niya noong mga bata pa kami, walang pinagbago iyon sa ngayon. Ang mala-tsokolate n'yang mga mata, ang napakatangos n'yang ilong, ang mga kilay n'yang sobrang kapal, at higit sa lahat, ang mga labi n'yang mamulamula na akala mo'y dinampian ng kahit na anong brand ng lipstick sa sobrang pula at lambot. Halos mawalan ako ng balanse nang maramdaman ko siyang pinitik ang noo ko. "Miss, I said don't look at me like that, and you don't even listening on what I said," he said casually. He intucked his hands in his pocket and he lowered down his head to meet mine. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya, dahil ramdam ko na ang hiya sa buo kong sistema. Ramdam ko na rin ang pamumula ng aking mukha, kaya wala akong nagawa kundi ang kalikutin ang mga kamay ko sa likod ko. "Where's my thank you, hmm?" His voice is like a f*cking lullaby in my ears. Pinilit ko ang humarap sa mukha niyang nakatapat sa mukha ko, at sa sobrang lapit n'on, humakbang ako paatras para kahit papaano madali na lang sa akin ang pagtakbo. "T-thank you." Bahagya akong ngumiti, na siyang nagpabalik sa dati niyang puwesto. "You're welcome." Isang tipid na ngiti ang ginawad niya sa akin. "Don't mind that, you are still an employee of that restaurant." He shrugged his shoulders after uttering those words. Sa hindi malamang gagawin, tumango na lang ako, at sa walang sapat na dahilan tumakbo ako papalayo sa kaniya dahil na rin sa kaba at kahihiyan na nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko siya. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hindi ko na siya nilingon pa at kung sakaling nandoon na naman siya sa restaurant mamaya, hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya. Pero sa lahat ng nangyari kanina, ang hindi ko makakalimutang narinig ko ay iyong pangalan niya. "Khirro Kiel," ngiting-ngiting saad ko sa sarili ko. Pero ganoon na lang din ang paglukot ng mukha ko nang marinig ko na naman ang isang boses na palaging nagpapasira ng araw ko. "Ayan shuta ka! Sinasabi ko na nga ba obsessed ka sa 'kin no?!" Sa totoo lang, stalker ko ba 'to? Kung nasaan ako nandoon din siya susulpot. Hindi ko malaman kung ano talaga ang pakay niya sa akin, gayong hindi naman kami magkakilala para kausapin at lapitan niya ako ng ganito. Bigla kong naalala iyong kahihiyang hindi ko sinasadyang nagawa kanina. Pinilit kong alisin iyon sa utak ko dahil walang dahilan para maalala iyon. Binigyan ko siya ng isang tipid na pagrolyo ng mata, at dumiretso sa conveniece store na malapit sa akin. Dumiretso ako sa beverage stall at kinuha ang paborito kong inumin sa t'wing nakararamdam ako ng hingal. Pumunta ako sa counter para sana magbayad, at doon ko lang napansin na hindi ko pala dala ang bag ko. Napasapo ako sa aking noo nang sinabi na ng cashier kung magkano ang kailangan kong bayaran. "28 pesos po Miss," kaswal na sabi ng babaeng cashier sa 'kin. I smiled awkwardly. "Ah—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumulpot sa gilid ko iyong lalaki at nakangising tumingin sa akin. "Wala 'atang dalang pera si balahura girl, ah?" He squinted his eyes at me, which made me pissed Balahura girl? In which part of this universe did he get that? Hindi ko siya pinansin, at tumingin sa cashier na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Kinapa ko muli ang aking sarili, at halos lahat ng bulsa sa suot kong pantalon at damit ay nagawa ko na pero wala akong nakitang kahit na anong pera. Mariin kong pinikit ang mga mata ko sa sobrang malas na dinadananas ko ngayon. I heard him talked beside me. "Mahirap hanapin, ang ayaw magpahanap," kaswal na sambit niya, at nakita kong inabot niya iyong 100 pesos sa cashier. "Suze ha, iba na 'yan." Umarte pa na umubo ang cashier, matapos niyang makuha ang binayad noong tinawag niyang Suze. His name is Suze, but he introduced himself to me as Kiel. The audacity of this guy to take what is not his. Hindi ko na pinigilan pa ang ginawa niyang pagbayad dahil alam kong sa sarili ko na uhaw na uhaw na ako, at kailangan ko nang mainom ito. "Thank you." Hindi ko maiwasang mahimigan ang sarkastiko sa mga sinabi ko. Dumiretso ako sa bakanteng upuan at doon umupo. Payapa na sana ang sistema ko, pero nagkaroon pa rin talaga siya ng lakas na loob para sabayan ako at umupo pa talaga siya sa mismong harapan ko. "Hoy, balahura girl, utang 'yan," kaswal na sabi n'ya habang kinakain ang dala-dala n'yang chips. I rolled my eyes. "Will you please stop calling me balahura girl?" iritado kong sambit. Mukhang wala ng magiging dahilan para iwasan ko siya. Gumagawa talaga siya ng paraan para patuloy na maglandas ang daan naming dalawa, at iyon ang bagay na hindi ko kailanman palalampasin. "At paano kung hindi ako tumigil?" pang-aasar na sabi n'ya. "Edi panibagong sugat sa noo," nakangisi kong sagot sa kaniya. "Sige, panibagong bukol din ang matatamo mo," nakangisi n'ya ring sinabi. Napapitlag ako sa sinabi n'ya dahil naalala ko na naman ang bukol na 'yon. Binalot na naman ng kahihiyan ang buong sistema ko, nang marinig ang mga salitang iyon sa kaniya. Tanda na naalala na naman niya ang nangyaring aksidenteng paghawak ko sa alaga niya. "Oh, ano takot naman pala sa bukol," nakangisi pa ring sabi n'ya at diniinan pa n'ya ang pagkakasalita n'ya sa salitang bukol. Lalo akong nilamon ng kahihiyan at gusto ko na lang pagsaklubin ng langit at lupa. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit pa ramdam ko na talaga ang labis na kahihiyan sa sistema ko. "'Di ako takot s-sa b-bukol." Kahit na anong pilit kong ayusin ang pananalita ko, hindi ko magawa dahil sa sobrang kahihiyan. "Ah, kaya naman pala walang pakundangan kung—" Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang ibato ko sa kaniya ang hawak kong bote, na siyang napatigil sa kaniya. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng convenience store na iyon. Naramdaman kong sumunod din siya sa akin, at wala akong nagawa kundi ang tumigil sa pagtakbo dahil ramdam ko pa rin talaga ang hingal sa sistema ko. "Hoy utang mo! Binukulan mo pa ako!" tatawa-tawang sabi n'ya at nahihimigan kong nang-aasar s'ya. Napipikon akong tumingin sa kaniya. "Kailan mo ba ako titigilan? Kagabi lang tayo nagkita, pero kung mang-asar ka daig mo pa 'yong kakilala ko simula noong bata!" sigaw din na sagot ko. Halos ang boses lamang naming dalawa ang maririnig sa katahimikan ng kalsadang iyon, pero hindi namin nabigyang pansin dahil abala kami sa pagsigaw sa bawat isa. Nakaisip ako ng isang paraan kung saan alam kong makakalaya ako mula sa taong 'to. Isang paraan na alam kong magpapahiya sa kaniya, at inaamin kong na-e-excite akong gawin iyon. I swear, after this commotion, this was my last interaction with him. Huminga ako nang malalim bago sumigaw. "Tulong! Tulong! May magnanakaw dito! Tulungan niyo ako!" Nagawa ko pang ilagay ang mga kamay ko sa gilid ng labi ko, para kahit papaano ay lumakas iyon. Pero itong lalaki sa harapan ko, halos walang ginawa kundi ang matawa sa ginagawa ko. Para bang nasisiyahan pa siya kasi ganito ang ginagawa ko sa kaniya. He let out a playfully smile on his lips, which made me feel a little nervous. Ganoon na lang ang pagpantig ng tainga ko sa mga marinig kong isinigaw niya "Girlfriend ko na ang babaeng 'to! She is now my girlfriend!" Buong-tapang na sigaw niya at nagawa pa akong ituro at kindatan. Sa mga sinigaw niyang iyon, nakaiwang nakaawang ang mga labi ko, at nagawa pa niya akong ngisian na para bang akala niya natutuwa ako sa mga ginagawa niya ngayon. Of all the things he’s done to me since last night, this is the one thing I didn’t really like and I won't let it pass. The audacity of this man was too high. I can't stand the courage of him to annoy me like this, even though we just first met last night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD