CHAPTER 13

2295 Words
Umiling lang s'ya at sunod sunod na namang pumatak ang kaniyang mga luha. Sa isang relasyon talaga, mahirap 'yong wala talaga kayong label, at palagi lang nagbibigay ng motibo. Sasabihin ng lalaki na napaka-assuming ng mga babae, por que, ginawan lang ng mga bagay na nakakapag-flutter sa puso ng babae. Because that's the woman is, kaunting bagay, nagpapasaya sa kanila kahit pa gaano iyon kaliit sa tingin ng iba. "At ngayon alam mo na. Naramdaman mo na kung paano magmahal pati na rin ang masaktan. Pero sa sitwasyon n'yong dalawa, sa una pa lang. Sa una pa lang na nagkakilala kayo, talo ka na." Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang mga sinasabi ko. "Nakilala ka n'ya sa panahong nasasaktan s'ya at nagkataong nandiyan ka at pinaramdamdam mo sa kanya ang pagmamahal na nawala sa kaniya. At ngayong buo na ulit s'ya, binuo mo s'ya, madali ka na lang n'yang iwan kasi... kasi hindi ka naman talaga n'ya minahal." Sa sinabi kong iyon, ang mga luha niya ay sunod-sunod na namang pumatak. "Wala tayong magagawa sa sitwasyong mong 'yan. Kahit gustuhin ko man sugurin at ilibing s'ya ng buhay hindi ko magawa dahil una pa lang wala kayong relasyon. Hinayaan mo s'yang pumasok sa buhay mo 'di ba? Dapat handa ka rin... handa ka ring mawala s'ya." Hinawakan ko muli ang mga kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Siyempre masakit, masakit mawalan ng isang taong naging dahilan kung bakit ka masaya. Pero wala, ganoon talaga ang buhay, darating, papasayahin at kalaunan aalis sila. Tanggap mo na dapat na sa bawat taong darating sa buhay mo, aalis din sila. Masuwerte ka nga lang kung mananatili pa s'ya." Pilit niyang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi, pero walang saysay iyon dahil patuloy lamang tumutulo ang kaniyang luha. "Naramdaman mo 'to dahil kailangan. Lahat ng tao nasasaktan. At masaya akong ngayon mo 'to naramdaman para hindi ka na mahirapan sa susunod mong relasyon na mapagdadaanan." Ngumiti ako pagkatapos sabihin iyon. Kahit ako mismo hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga 'yon para pagsibahan siya na ganoon. Hinayaan ko na lang mag-isip 'yong utak ko kung ano'ng sasabihin, kahit hindi na konektado sa problema niya. "So stop crying, okay? 'Yang luha mo hindi niya deserve Iyah. Ilaan mo 'yan sa mga stories na binabasa mo, sa K-Drama o anime na pinapanood mo, ha? Tama na iyak. Talo ka ngayon sa sitwasyong 'to, pero hindi ibig sabihin no'n na makaka-apekto ito sa lahat ng gagawin mo. At tandaan mo, 'wag mong hanapin, hayaan mong dumating. Okay?" I said and smiled to her. Ramdam ko rin na may luha ng pumapatak sa pisngi ko. Nagawa kong intindihin s'ya kahit hindi ko pa naman nararanansan ang ganoong problema. She just smiled at me and hugged me once again. "Thank you Klaire, you're the best!" she said, emotionally. "Tch, ako lang 'to 'no! Ano ka ba," sagot ko at niyakap din siya pabalik. Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na lang ako at naglakad na pabalik sa dorm. Narinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Kahit ako mismo ay nadala sa problema niya, kaya ayokong makita niya na tumutulo ang aking luha. Mababaw ang luha ko sa mga ganitong bagay pagdating sa problema ng aking kaibigan, higit lalo kung sa problema na ng aking pamilya. Pagkapasok ko sa loob ng dorm, ang una ko agad na napansin ay si Roxanne na nakayuko sa kaniyang study table. Usually kasi, diretso na siya sa kama niya kapag matutulog. Kaya medyo nagtataka ako kung bakit nakayuko siya sa study table niya. Si Iyah ang lumapit sa kaniya. "Hala, nakatulog na siya. Ako na maglilipat sa higaan niya." Pag-pe-presinta niya, at bahagyang inalalayan si Roxanne mahiga sa kaniyang kama. Ako na lang ang nagligpit ng mga gamit na naiwan ni Roxanne sa study table niya. Paniguradong mag-iingay 'to kinabukasan, dahil nakalimutan niyang ligpitin ang mga gamit niya. Habang nililigpit ko ang mga papel, naramdaman kong may nadapuan ang aking daliri ng mga basa, marahil luha na naman base sa mga hulma nito sa papel. Oo nga't may expectation sa kaniya ang kaniyang mga magulang, pero hindi naman ibig sabihin n'on ay pababayaan na n'ya ang kanyang sarili. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping iyon. Alam ko na balang araw, lahat ng mga paghihirap na ginagawa ng isang tao, ay magiging maganda ang resulta. Pero hindi mo maabot ang mga iyon, kung hindi ka muna maghihirap. In life, in order for you to survive, you must fight all the struggles that come your way, while achieving your dreams. And in order to do that, you must trust yourself, and most especially, trust His plans for you. I just woke up because of my alarm clock. Nahagip ng mga mata ko si Iyah na nasa mesa na mukhang may hinahanda. Umunat ako ng katawan, at tumingin sa gawi niya. Abala siya sa paghiwa ng mga gulay na akala mo'y marami siyang lulutuin. Ipinagsawalang-bahala ko na iyon, dahil iyon naman palagi ang trip niya. Magluluto siya ng marami, tapos siya rin ang uubos. Kung ano 'yong special kay Iyah, 'yon ay magaling siyang magluto. Sa ganitong edad niya, ang dami na niyang mga pagkain na alam lutuin. Tumayo na ako, at pumunta sa lababo para maghilamos. "Oh, gising na pala ang birthday girl." Nakatayo siya malapit sa akin, pero hindi ko pa rin narinig ang sinabi niya. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Ano? Bitay na gear?" Iiling-iling niyang pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay. "Wala, ang sabi ko bilisan mo at baka ma-late ka na sa trabaho mo." I chuckled. "Sus, suportado naman pala 'no?" Hindi na niya ako pinansin pa, at inumpisahan ko ng ayusin ang aking sarili. Masiyado pa namang maaga, kaya hindi ako masiyadong nagmamadali. Sa araw na 'to, magiging busy na naman ako sa restaurant at panibagong pagod na naman ang mararamdaman ko mamaya. Pero alam ko namang worth it iyon, dahil para rin naman sa akin ang mga ginagawa ko, at hopefully makatulong din sa family ko. Abala ako sa pag-aayos ng aking sarili, nang marinig kong magtanong si Iyah. "Wala ka bang natatandaan ngayon?" nakataas ang kilay na tanong niya. I shook my head. "Wala naman, bakit?" Ngumiti siya. "Wala rin naman." Pinagkunutan ko siya ng noo matapos marinig iyon sa kaniya. "Ang gaso ng trip mo. Magluto ka na nga lang d'yan." Tatawa-tawa naman siyang sumagot sa akin. "Ano oras ang uwi mo?" Hindi ko alam kung ano ang plano niya. May mga bagay na ang weird ni Iyah, pero kalauna'y maganda naman ang resulta ng mga pagka-weird niya. Tulad ngayon, para siyang tanga na nakangisi sa akin na akala mo'y may malaking balak sa buhay ko. I just rolled my eyes. "Mga gabi na, around 7:30 ganoon." Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa pinto. "Ingat kayo, alis na ako!" Narinig ko rin siyang nagpaalam, at 'yon na rin ata ang saktong pagbangon ni Roxanne sa higaan. Simoy ng malamig na hangin ang unang dumapi sa mga balat ko. Agaran kong niyakap ang sarili ko, dahil na rin sa kilabot na naramdaman ko nang magsitaasan ang mga balahibo ko. Bahagya na rin namang sumisilip ang araw, pero parang may bagyo na darating. Mga ilang araw na rin kasi na ganito ang sistema, 'yong tipong tirik naman ang araw, pero malamig ang simoy ng hangin. Bahagya akong nagulat nang makarinig ng boses sa likuran ko. "Ang lamig naman! Nakalimutan ko 'yong jacket ko." Hindi ko iyon pinansin dahil sa mga ganoong boses niya, alam kong kapag pinansin ko siya, paniguradong sarkastikong sagot na naman ang ibibigay niya, na siyang magpapasira ng buong araw ko. Masiyado pang maaga para mainis sa mga katulad niyang tao. Ni-hindi ko nga siya kakilala, kaya ba't ko pa siya bibigyan ng pansin. Isa lang naman siyang hamak na nanakot ng isang tao, nothing more, and nothing less. Hindi ko na lang s'ya pinansin at dumiretso na lang sa paglalakad. Dahil kung papansinin ko pa s'ya magkakaroon lamang kami ng interaksiyon sa isa't-isa. Pero sadyang makulit ang taong 'to, at mukhang ako talaga ang puntirya sa araw na ito. Hinaharangan lang naman niya ang bawat dinadaanan ko, kaya mukha tuloy kaming nagpapatintero. Tamad akong tumingin sa kaniya, nakangiti siya sa akin at aaminin kong maganda ang pagkakangiti niya. Pero hindi n'on maiwawala ang inis na nararamdaman ko sa kaniya. I stopped walking and crossed my arms. "What do you think are you doing?" nakataas ang sulok ng labi na tanong ko. Ginaya niya lahat ng ginawa ko pati na rin ang sinabi ko! "What do you think are you doing?" Pero mukhang mas mataray ang kaniya, dahil nagawa niya akong pagtaasan ng mga kilay. I gulped. How could this guy imitate me in just a snap? May plano ba talaga siyang guluhin ang araw ko ngayon? I rolled my eyes at him. "The last time I checked, I was not aware that we knew each other. So, I don't care who you are. Please leave me alone." Inumpisahan kong muli ang maglakad, pero ganoon pa rin ang ginawa niya. Ginaya niya ako, at talaga namang nagawa pa niyang tumabi sa gilid ko at sinasabayan ang bawat paghakbang ko. Naiirita akong tumingin sa kaniya. "Abnormal ka ba? O kinulang ka lang talaga sa aruga?" inis ko nang saad dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kaniyang ginagawa. Nakatingin lang ako sa direksiyon niya, at nakatungo lang siya habang nakatingin sa mga paa namin na magkasabay. Pero laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, at padarag akong hinila papunta sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na may isang mabilis na sasakyan na papunta sa akin, at kung hindi ako hinila ng taong 'to sa gilid ko, paniguradong tatalsik ako kapag tinamaan ako ng sasakyan na iyon. Sa sobrang lakas ng impact nang pagkakahigit niya sa akin, napahiga kami sa gutter ng kalsada. Pero ganoon na lang pamumula ng mukha ko, nang may maramdaman akong bukol sa kamay ko. Dahan-dahan kong inilagay ang tingin ko sa mga kamay ko, at literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan mismo nakapatong ang mga kamay ko. Padarag kong inalis iyon, at pinilit na tumayo, kahit pa ramdam ko ang pagsakit ng tuhod ko. Tinignan ko ang reaksiyon ng lalaki at ganoon din siya—gulat na gulat sa naging puwesto ng kamay ko sa ibabaw ng pantalon niya. Dahil na rin sa labis na kahihiyan na naramdaman ko, hindi ko nagawang tulungan siya sa pagtayo at humingi ng salamat. Dali-dali akong tumakbo palayo sa kaniya, at ipinagpapasalamat ko dahil kaunti takbo na lang pala nasa resturant na ako. Hingal na hingal akong pumasok sa loob, at ang unang sumalubong sa akin ay si Nadine na para bang nag-aalala sa akin. "Klaire ba't ang tagal mo namang dumating—" I halted her. "Ano bang meron sa 'yo at tagaktak ang pawis mo r'yan?" Para bang hingal na hingal din siya, base sa mga pawis niyang nagkalat sa noo. Umiling-iling siyang pinunasan ang kaniyang noo. "Mrs. Villanasis was looking for you. She needs to talk to you right now." Humawak siya sa kaniyang dibdib matapos sabihin iyon. "Feel ko about na 'to sa gulo kahapon," nag-aalalang saad niya. Ang kaninag paghingal na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba. "Ganoon ba? Hindi naman siguro ako matatanggal 'no?" Awkward akong ngumiti sa kaniya, kahit pa ramdam ko na ang malamig na pawis sa noo ko. "Magdasal ka na sa lahat ng santo, hindi ko maipapangako." Tinapik niya ang mga balikat ko, kaya kahit papaano naiibsan ang kabang nararamdaman ko. "Ayaw kasi n'on sa gulo, kaya sabihan mo lang ang totoo, makikinig 'yon." Ngumiti pa muna siya sa akin, bago ako inihatid sa loob ng faculty room. Minsanan lang kung maabutan ko si Mrs. Villanasis sa faculty room na ito. At iyon ang dahilan, kapag may mga staff na nakagagawa ng gulo, matik na kinabukasan asahan na nandito na siya at naghihintay sa iyo. Mas lalong kumalabog ang kaba sa dibdib ko nang makitang halos lahat ng mga staff sa loob ay nag-aalalang tumingin sa akin. I managed to compose myself, and smiled at them. "Good morning." Pinilit ko ang ngumiti sa kanila. Ganoon din ang ginawa nila sa akin, at lumapit sa akin si Veronica. "Klaire, kanina ka pa hinihintay ni Mrs. Villanasis, dalian mo na." Tinapik-tapik niya ang balikat ko at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. Sa loob ng faculty na iyon, ay may isa pang maliit na kuwarto na kung saan doon naglalagi si Mrs. Villanasis, para bang 'yon ang pinaka-office niya sa resturant na ito. Dala-dala ang kinakahaban kong sistema, binuksan ko ang seradura ng pinto, at mas dumoble lalo ang kabang namamalagi sa nararamdaman ko nang makitang pinapanuod na ni Mrs. Villanasis ang CCTV footage na nangyaring gulo kahapon. Walang emosyon na mababahiran sa kaniyang mukha, at mas lalo lamang n'on dinadagdagan ang kaba sa damdamin ko. Maingat kong sinarado ang pinto, at nakatungong umupo sa harapan niya mismo. "G-good morning, Mrs. Villanasis," I greeted, at the same time I stuttered. Ramdam ko na ang panlalamig ng kamay ko, at hindi ko kayang tumingin sa direksiyon niya mismo. Sa mga ganitong eksena alam kong talo ako, alam kong ipanglalaban nila sa akin iyong katagang "Customers are always right" tapos bigla-bigla silang magco-conclude na ako 'yong mali, base lang sa pinapanood nilang CCTV footage. Well, ano nga ba ang magagawa ko? Isa lang naman akong hamak na empleyado, pero kailangan ko ang trabaho ko, kaya gagawa ako ng paraan para hindi ako matanggal dito. She diverted her gaze to me. She looked at me seriously. That made my heart pound inside my chest as if there was a race happening on it. "What happened yesterday?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD