CHAPTER 12

2738 Words
"Ya! Why did you do that?!" nakakunot ang mga noo na tanong niya, at kasabay n'on ang paghimas niya sa noo kung saan ko naibato sa kaniya ang flashlight at mga bato. Maang akong napatingin sa kaniya. "Wow, ha? Ako pa talaga?" sarkastiko kong sagot, at tumayo. Hawak-hawak ko pa rin ang noo kong bahagyang may bukol. Pinagrolyohan niya ako ng mata, at kinapa ang noo niya. "Hindi nga kita inaano r'yan. Bigla-bigla ka na lang namamato!" sigaw niya sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinagtuunan ng pansin iyong noo niya na namumula. Nang tanggalin niya ang kamay niya roon, laking gulat ko ng may halong dugo na iyon. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at kinuha ang panyo sa aking bulsa. Lumalayo pa siya sa akin sa t'wing lalapitan ko siya, pero nang sinenyasan kong pupunasan ko ang dugo hindi na siya umalma pa. Inalalayan ko siyang maupo sa bench habang hawak-hawak ko ang braso niya. Kinuha ko ang bottled water ko sa bag, at binasa ang panyo ko. "Deserved mo 'to. Kung wala lang 'tong dugo, kanina pa kita iniwan dito." Bahagya kong diniinan ang parteng may dugo na siyang nagpadaing sa kaniya. "Sino bang may sabi sa 'yong punasan mo?" sarkastiko niyang sagot sa akin. Mas lalo kong diininan ang pagpupunas, at wala siyang nagawa kundi ang dumaing nang dumaing. "Teka naman! May galit ka ba sa akin?" Para bang maluluha na siya sa sobrang hapdi na kaniyang nararamdaman. "Oo. Tinakot mo 'ko, kaya 'yong galit ko ibubuhos ko na lang dito sa sugat sa noo mo." "Hindi naman ako nanakot, kasalan ko bang natakot ka?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench, at kinuha iyong flashlight na naibato ko sa kaniya. "Sino ba naman kasi ang isa't kalahating tanga, na itatapat ang flashlight sa mukha sa madilim na parte pa?" Humawak ako sa bewang ko at pinagtaasan siya ng kilay. Walang gana siyang tumingin sa akin. "Ang skandalosa mo 'no? Kababae mong tao." I gulped. "What did you say? Nagsasabi—" He halted me. "Oo na. Oo na, panalo ka na Miss, okay na? Satisfied na po?" Nagawa pa niyang sumenyas ng like sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng lalaking ito sa harap ko. "Alam mo?" Kinuha ko ang bag ko at nilagay ulit doon ang bottled water, saka ko iyon sinakbit sa balikat ko. "Lahat kayo napakasama ng ugali! Kayo na nga 'tong tinutulungan ko, tapos parang ako pa 'yong may kasalanan? Ganito ba talaga ang mga tao rito?" I rolled my eyes at him. Mas lalong dumadagdag ang inis sa nararamdaman ko nang nag-m-maked face lang siya sa bawat salitang binibitawan ko. "Tapos na po? Salamat sa information ha, malaking tulong, hija." Nagawa pa niyang ngumiti sa akin, pero alam kong sa sarkastiko iyon! Hindi ko maiwasang magpapadyak-padyak sa kinatatayuan ko. Sa mga ginagawa niya, nagagawa niyang painisin ang nararamdaman ko, kahit pa puro sarkastikong sagot lang ang ginagawa niya. "You know what? I'm out of this! Wala kang kuwentang kausap!" Tumalikod ako sa kaniya, pero narinig ko pa ang binulong niya. "Ikaw rin naman walang kuwentang kausap, bonus points pa 'yong pagiging skandalosa mo." I stopped walking upon hearing those words from him. I bit my lower lip to compose myself. Isa pang asar ng lalaking 'to, hindi ko na naman alam ang magagawa ko. Hindi ko na siya pinansin, at tinaas ko na lang ang mga kamay ko. Sinenyas ko sa kaniya ang bad finger, at narinig ko ang matunog niyang pagtawa. "Kiel ang pangalan ko, Miss! Don't forget that!" he shouted. My eyes rolled spontaneously. Walang magagawa kung papatulan ko pa siya, at mas lalo lamang madadagdagan ang inis ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang paliwanag na ibibigay ko kay Mrs. Villanasis bukas, kung sakaling malaman na niya ang aksidenteng skandalo sa restaurant kanina. Hindi ko naman sinasadya iyon, at wala akong intensiyon na kahit ano. Alam ko naman na ako ang mali, pero hindi naman siguro sapat na basta-basta na lang akong matatanggal na hindi nila alam ang side ko. Napabuga ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ramdam ko na ang pagiging kalmado ng damdamin ko, at ang payapa sa sistema ko. Halos alas-otso ng gabi nang makauwi ako sa dorm. Naabutan ko sina Roxanne at Iyah na nakatalikod sa gawi ko, habang hawak-hawak nila ang laptop ni Iyah. Nagtatawanan sila roon na para bang iyon na ang pinakamasayang nangyari sa buhay nila. Hindi nila napansin ang presensiya ko, at dumiretso ako sa ref para uminom ng tubig. Hindi ko maaninag kung ano ang tinitignan nila, kaya hindi na ako nagbalak pang tignan iyon. Pero nagpantig ang tainga ko nang marinig ko ang pangalan ko sa boses ni Iyah. "Tignan mo si Klaire rito." Tinuro niya ang laptop niya na siyang naging dahilan nang pagtawa ni Roxanne. "Seriously? Is that her? Bakit ganiyan?" Sinabi niya iyon sa kalagitnaan nang pagtawa niya, at nahawa naman doon si Iyah. Dali-dali akong lumapit sa kanila. "Hoy! Ano na naman 'yang kabalastugan, ah?" Pahablot kong kinuha ang laptop ni Iyah, at halos mailayo ko sa akin iyon. Paano ba naman, picture ko iyon around 10-12 years old ako. Mag panahong puro ka-jeje-han pa ang alam ko sa buhay. Narinig kong muli ang pagtawa nilang dalawa na siyang nagpalukot sa aking mukha. Pinagtuunan ko ng pansin si Iyah na masayang-masaya sa kaniyang ginagawa. Binatukan ko siya nang bahagya, at inabot ko ang laptop niya sa kaniya, matapos kong burahin ang picture. They both looked at me. In a matter of seconds, they blurted out a laugh that was hard upon seeing me. "Ano 'yan, Klaire? Ba't ganiyan?" takang tanong ni Iyah sa akin, pero nanatili pa rin siyang nakatawa. "Bagay sa 'yo ang ganiyan, Ate Klaire!" Tumawa rin si Roxanne matapos sabihin iyon. Naguguluhan akong tumingin sa kanila, at sinenyasan nila akong tumingin sa salamin. Dala-dala ang nakakunot na noo. Pumunta ako sa vanity table na kung saan may salamin. Pero ganoon na ang paglaki ng mata ko, nang makitang may bukol sa mismong gitna ng noo ko. Halata iyon kaya kahit anong takip ko gamit ang buhok ay walang nangyayari. Mamula-mula pa rin ito hanggang ngayon, at hindi pa rin tumitigil ang pagtawa nilang dalawa. Bigla kong naalala iyong ginawa sa akin noong lalaki kanina. Kung hindi niya ginawa ito, marahil hindi ganito kasaya ang mga kaibigan ko. Nakanguso akong humarap sa kanila. Wala naman akong alam na remedy dito kundi yelo lang, at hindi ko pa alam kung effective iyon. Padabog akong umupo sa upuan at hinimas ang noo ko. Bwiset talaga 'yong lalaking 'yon. 'Wag lang talaga magtatagpo landas namin, bubukulan ko siya nang matindi. "Ano ba kasi ang nangyari r'yan?" tanong ni Iyah sa akin, pero hanggang ngayong, nagpipigil pa rin siya nang tawa. I didn't answer. I just gave her a deadly glare, and went to the bathroom. Pagkalabas ko dumireto ako sa ref para kumuha ng yelo, at nilagay ko iyon sa isang tela. Si Roxanne ay nakaupo na agad sa study table niya na halata namang nag-aaral na. Samantalang si Iyah ay abala pa rin sa pagkalikot ng cellphone niya na may halong ngiti sa labi. Umupo ako sa kama ko, at kinuha ang maliit na salamin. Nang mapansin ni Iyah na umupo ako, umalis siya sa kama niya, at umupo na rin sa kama ko. "Kuwento ka, ano nangyari r'yan? Sabi ko naman sa—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang magsalita ako. "Wait naman, s'yempre tumutupad naman ako sa usapan 'no. Saka mali 'yong iniisip mo," I said looking at her. Sa tuwing nakatatanggap kasi ako ng kahit na anong sakit sa katawan ko, panigurado alam na agad ni Iyah na nanggaling ako sa basag ulo. Ganoon kasi ang gawain ko dati at palaging si Iyah ang kasama ko. Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Oh, e kung ganoon, bakit ka nakakuha n'yan?" she asked and turn off her phone. Sa isang tanong na iyon, obligado akong i-kuwento sa kaniya ang nangyari kanina. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, at inumpisahang i-kuwento sa kaniya ang lahat mula sa restaurant, hanggang sa lalaking nakaaway ko kanina. And I regret that I mentioned Kiel's name. Imbes na ako ang magtatanong kay Iyah, patungkol doon sa Briel na nabanggit niya, mukhang babaliktad ang mesa. Napakamot na lang ako sa batok ko nang mag-umpisa siyang magtanong. "Sino si Kiel?" naguguluhang tanong niya. Nakita ko rin ang mabilis na pagkilos na ginawa ni Roxanne, at wala pang isang minuto nakaupo na rin siya sa harap namin at hinihintay ang sasabihin ko. Ayokong magsalita, dahil kapag nagbitaw ako ng kahit na anong salita panigurado sunod-sunod na naman ang magiging tanong sa akin ni Iyah hanggang sa malaman na niya kung sino talaga iyon, at kung bakit kami nagkakilala. Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagpahid ng yelo sa aking mukha. Ramdam ko ang seryosong titig na ginagawad sa akin ni Iyah, habang si Roxanne ay nakangiti na para bang excited sa sasabihin ko. Maang akong tumingin kay Iyah. "E, sino muna si Briel?" taas-kilay na tanong ko. She was about to answer but then Roxanne preceded her. "What? Kiel and Briel magkapatid pa talaga ang pinatos niyo?" "Roxanne!" sabay na sigaw namin sa kaniya. Bahagya siyang tumawa sa naging reaksiyon namin na siyang nagpalukot ng aking mukha. Si Iyah naman ay pumunta sa puwesto ni Roxanne at inakbayan ito. "Ikaw alam mo? Sa susunod alamin mo muna buong pangyayari ha," sabi ni Iyah kay Roxanne at inalalayan itong tumayo papuntang study table niya. "At 'di ba dapat nag-aaral ka?" dagdag pa ni Iyah. At buti na lang talaga nabaling ang atensiyon ni Iyah kay Roxanne. Malamang sa malamang, hindi na ako matatanong ni Iyah, at hindi na rin ako makabibitaw pa ng salita. Ayoko rin namang pag-usapan ang lalaking iyon, dahil wala namang dahilan para pag-usapan siya. Isa siyang malaking bwiset sa buhay ko, at nagagawa niya akong asarin dahil lang sa mga sarkastikong sagot niya. Tumayo ako at inayos na ang telang ginamit ko. Gusto ko na ring magpahinga nang maaga, para kung sakaling maisipan ni Iyah na tanungin ako, abala na ako sa pagtulog at hindi na niya 'ko maiistorbo. Habang inaayos ang tela, nakita kong lumabas si Iyah, pero kay Roxanne lamang nagpaaalam. "Hoy! Gabi na. Saan ka pupunta?" sigaw ko. Pero ang tanging naging tugon niya ay tinaas niya lang ang kaniyang mga kamay senyales na nagpaalam na siya sa akin. Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na umaalis siya sa gabi pero dumadating din ng madaling araw. Hindi ko na lamang iyon pinapansin at binibigyan siya ng privacy sa buhay niya. Well, after all, she won't do anything that might hurt her or us. May tiwala naman ako sa ginagawa niya, at alam kong para rin iyon sa kaniya. Nagpaalam ako kay Roxanne na matutulog na at tumango lang siya. As I lay down on my bed, my phone beeped and notified me that I had a message. I saw in the notification bar that it came from Sakiya. My creased forehead upon seeing it. "Neng, labas ka neng." Natawa ako sa naging tawag niya sa akin, pero wala akong nagawa kundi ang bumangon sa pinagkakahigaan ko. I went straight to my cabinet and got my favorite yellow hoodie jacket and went outside. Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Roxanne. "Ate sa'n ka pupunta?" "Diyan lang sa tabi papahangin." Ngumiti ako sa kaniya at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Tumalikod ako at hinanap si Sakiya sa labas. Nakita ko siya sa open field na nakaupo sa isang bench habang ang mga paningin niya ay nakatingin sa kadiliman ng kalangitan. Sa mga ganitong eksena alam kong may problema siya. Umupo ako sa tabi niya at mabigat na bumuntong-hiniga. Walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa kaya inumpisahan kong tanungin ang tungkol kay Briel. Humarap ako sa gawi niya, nakatingin pa rin siya sa kalangitan na para bang malalim ang iniisip. "Kumusta pala? Natanong mo na ba kay Briel?" Bahagya ko pa siyang kinulbit matapos tanungin iyon. She sighed heavily. "Well..." 'Yon pa lang ang sinasabi n'ya pero mukhang nahulaan ko na. Sana lang talaga mali ang iniisip ko, at ayoko siyang makaramdam ng kahit na anong sakit pagdating sa pag-ibig. "So, what happened?" I asked and I couldn't help but worry based on her expression. Tumingin siya saglit sa akin, at iniwas niya agad ito. Kinalikot niya ang kaniyang mga kamay niya at maang na tumawa. "Ano... naguguluhan ako sa kaniya e." Alam kong kaunting salita na lang niya, mababasag na ang kaniyang boses. Nakakunot ang noo ko nang tanungin ko siya. "Ano bang magulo?" She diverted her gaze to me, and her tears are now visible in her eyes. "Bakit ko ba iniiyakan 'yon 'no? Ang ganda ko lang talaga." Maang siyang tumawa, at pinaypayan ang sarili niya—partikular sa mga mata. Tumunghay pa siya nang kaunti, para pigilan ang mga luha niyang gustong kumawala. I hugged her and feel to her that I'm always here to comfort her no matter what situation is. Saktong pagyakap ko sa kaniya, ang mga luhang pinipigilan niya kanina ay naramdaman ko na sa mga balikat ko. Ang mga mahihina niyang iyak, ay biglang napunta sa pagkahikbi na siyang nagpaalarma sa akin. Humiwalay siya nang yakap sa akin, at ramdam ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Ayoko siyang pilitin sa mga bagay na hindi pa siya handang sabihin sa akin, dahil alam ko namang nagkukusa siya. Pero nagawa ko pa rin siyang tanungin, dahil masiyado na akong nag-aalala. "So spill, tell me what happened," I said, encouraging her to speak to me. Nangilid muli ang mga luha niya at kahit wala pa naman siyang sinasabi sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha niya. I sighed. "Okay. Sige next time na—" She halted me. "No, I need to vent this out. Kilala mo 'ko, hindi ako titigil sa pagdadrama rito hanggat wala akong nasasabihan." Mabigat siyang bumontong-hininga at inilapat ang kaniyang ulo sa balikat ko. "Yeah, so start." Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinaparamdam sa kaniya na nandito lang ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung ilang beses na siyang bumubuntong-hininga, pero paulit-ulit niya iyong ginagawa. "I don't know how to start it. I don't know the right word for it," iiling-iling na panimula niya. Ngumiti ako. Palagi siyang ganito sa tuwing nagkukuwento siya. "Sige na, alam kong alam mo, ayaw mo lang mismong manggaling sa 'yo," sabi ko at tinapik-tapik s'ya. For the nth time, she sighed heavily again. "Ang gaso kasi e." Tumawa pa muna siya at nakita ko ang pagpunas ng mga luha sa pisngi niya. "Ako 'yong nandiyan, pero hindi ako 'yong napahalagahan." Mariin siyang lumunok, at pigil-iyak na pinagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Oo nga't wala akong karapatang komprontahin s'ya dahil wala kaming relasyon. Pero bakit ganoon 'yong nangyari?" patawa-tawang sabi n'ya at kasunod no'n ang pagtulo ng mga panibagong luha galing sa mga mata nya. "I gave love but... I received pain." And by that time, her voice broke upon uttering those words. Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang s'ya dahil alam kong 'yon lang ang magpapagaan ng loob n'ya. Humiwalay ako sa pagkakayap at humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang mga pisngi at pilit itong pinaharap sa akin. "Shh stop crying, Iyah. Hindi ka pinalaki ng nanay mo, para lang umiyak sa ganiyang eksena." Pinunasan ko ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. "At first, you don't deserve him, okay? Don't let yourself get hurt in that scenario," I said and looked directly into her eyes. Nakita ko mismo sa mga mata n'ya kung gaaanong kasakit ang kanyang pinagdadaanan. "Everything happens for a reason. Hindi 'yan gagawin ni God kung wala s'yang dahilan. Trust his plan for you, hmm?" Inalis ko ang kamay ko sa mga pisngi niya at umayos ng upo. "Maybe... maybe because you experienced that to become better version of yourself 'di ba? Hindi sa lahat ng pagkakataon lahat ng gusto natin makukuha. Hindi sa lahat ng pagkakataon na por que't mahal natin ay sa 'tin na ang bagsak nila," makahulugan kong sabi. "Sige, sabihin na nating wala nga kayong relasyong dalawa. Pero siguro naman pinaramdam n'ya sa 'yo 'yung pagmamahal na dapat maramdaman mo, tama ba?" dagdag ko na siyang nagpa-angat ng ulo niya at tumingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD