CHAPTER 11

2153 Words
Hindi ako nakatoka sa pagiging waitress ngayon, dahil absent ang isang cashier, si Nadine naman ay busy din sa ibang costumers. And as far as I remember we still have two waiters that are available. Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, nakatingin lang ako sa kanyang mga mata habang nilulunod ako ng mga ito. Para bang isa itong malalim nadagat na kahit sino ay 'di makaka-ahon. I gulped. He is looking directly into my eyes! Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko si Kiel ngayon! Naghuhumurintando ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "Miss?" he said once again. "Ah, y–yeah Sir, please wait to your order on number 12 VIP t-table," I stuttered, no matter how I tried to speak in normal. "We're not in VIP table," he answered. Magsasalita na sana ako ng mapansing kong may kasama s'yang isang lalaki sa tabi n'ya at s'ya na ang nagsalita. "Nando'n 'yong table namin, wala pa kasing lumalapit na waiter kaya kami na 'yong lumapit dito," sabi n'ong kasama n'ya at hindi mapalagay ang pagkalapad-lapad na ngiti sa mga labi n'ya. Infairness may itsura s'ya. Naka clean cut ang buhok n'ya and he was wearing a checkered polo that was tucked into his denim pants, and he had a piercing in his left ear. Pero hindi pa rin nalalayo sa kanya ang perception ko sa isang taong mala-f*ckboy ang datingan. Halos wala ng paglagyan ng hikaw ang tenga n'ya sa sobrang dami nito. "Miss, are you listening?" "Ah, yeah. I'm sorry with my sudden reaction lately," nakayukong sabi ko. "You can now go to your table po," dugtong na sabi ko at tinunghay na ang aking ulo at napadako ang aking paningin sa lalaking kaharap ko na kung tumingin ay walang kabuhay-buhay, o interes man lang. "And ano..." Natigil na naman ako sa mga sasabihin ko nang magsalubong muli ang aming mga mata. "And wait for your o-order." Pasimple akong ngumiti, kahit pa ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Kailangan ba talagang mautal kapag kaharap ko si Kiel? Tumingin lang s'ya sa 'kin ng mga ilang minuto, at walang pasabi na umalis sa harap ko. "Iba talaga karisma mo sa mga babae bro," rinig kong sabi n'ong kasama n'ya at pangiti-ngiti pa. "Shut up, Gab," Kiel said, seriously. Hindi ko malaman ang gagawin at napatunganga na lang sa dinaraanan nilang dalawa. Napahawak ako sa dibidib ko at pinakiramdan ang t***k nito. Ang bilis, sobrang bilis. "Hey Klaire, kanina ka pa nakatunganga," rinig kong sabi ni Nadine. At 'di ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala s'ya at mayroon na s'yang inabot sa 'kin para ihatid ito sa isang costumer. "Number 18." Kinuha ko na lang ang inabot n'ya sa akin, bago ako lumabas ng counter. Sinabi ko muna kay Nadine ang order nila Kiel, at s'ya na raw ang bahala rito. Habang papunta sa table 18, lunod ang isip ko, kung bakit sila nandito sa restaurant na ito. Bakit naman kasi dito pa sila kumain? Ang dami daming restaurant sa buong Harmown Town. Ba't dito pa sila napadpad? Nagbigay lang naman ako ng advice kay Sakiya kanina, tapos ganito ang kapalit? Aish. Tinawanan ko nga pala 'yong love life n'ya. "Ang bilis naman ng karma, bwiset," I whispered to myself. "What the hell?!" Nagulat ako sa isang matining na boses sa harap ko at literal na nanlaki ang mata kong tumingin sa taong nasa harap ko. "Hala! Miss, I'm sorry! I'm really sorry po. Sorry, sorry." Natapon ang mga pagkain na dala kong tray sa damit ng babae, at wala akong nagawa kundi ang kunin ang panyo sa bulsa ko para ipunas 'yon sa damit niyang naapektuhan. "Look what you've done! Aish, you're stupid!" sabi n'ong babaeng nakabunggo ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya, at pinanatili ko ang sarili ko na kalmado. Walang magagawa kung papatulan ko siya at kahit saang anggulo, ako ang mali rito. "Don't you know how much it is?!" pasigaw na sabi n'ya at bahagya pa akong naitulak, dahilan para mawala ako sa balanse, pero nagawan ko rin ito ng paraan. "Miss, I'm sorry po, hindi ko sinasadya." Patuloy pa rin ako sa pagpunas ng damit niya, kahit marami na akong mga salitang natatanggap sa kaniya. Kung ano 'yong natutunan ko bago ako umalis sa puder ng magulang ko. 'Yon ay matutong umintindi, at 'wag papatol. Kaya pipilitin kong kumalma, dahil hindi ko alam ang mangyayari kung ano ang magagawa ko sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang sentido, at mariin na tumingin sa akin. "Because you're stupid! Hiindi mo tinitignan ang dinadaanan mo!" Itinulak na naman niya ako, kaya wala na akong nagawa kundi ang mapa-upo. Hindi na ako tumayo, at inumpisahan na lamang ligpitin ang mga plato at pagkain na nagkalat sa lapag. Halos lahat ng tao sa loob ng restaurant ay nakatingin na sa 'min at iba pa ay kumukuha na ng video. Ngumiti na lamang ako nang bahagya at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagpunas sa sahig. "Why are you smiling there? Are you crazy?" she asked, sarcastically, and from my peripheral vision, I saw she had crossed her arms. Muli, hindi ko na lang s'ya pinansin at pinagpatuloy na lang ang aking ginagawa. "You really that crazy huh," rinig kong bulong n'ya. Hindi ko na napigilan pa ang pagtitimping inipon ko sa sarili ko. Tumayo ako at pigil ang inis na humarap sa kanya. "You think I'm crazy? Wait, how about you? What do you call to yourself, then?" I looked at her, fiercely. Her eyes widened upon hearing those words of mine. "What the hell?! Who are you to asked me like that?!" Nakita ko ang paglandas ng galit sa mga mata niya. Akmang sasampalin na n'ya ako nang mapigilan ko s'ya. Kita pa rin ang galit sa kaniyang mukha, base sa panginginig ng kaniyang labi na para bang may gustong bitawan na mga salita. Ang mga noo niya ay grabe na rin sa pagkakakunot, marahil iniisip niya kung bakit ko ito nagagawa sa kaniya. Pilit pa rin n'ya itong pinapadapo sa aking mukha, ngunit inaamin ko mas malakas akong nang bahagya. Isa sa mga bagay na hindi ko pinapalampas kapag ang isang tao nagbitaw sa akin ng hindi magandang salita, doble ang ibabalik ko sa kanila. Ang natitirang tapang sa sarili ko, ang siyang naging dahilan kung bakit ako nakatingin sa mga mata niya. "And who are you to call me stupid? Ilang beses akong humingi ng tawad sa 'yo, pero ano'ng ginawa mo? Alam kong ako 'yong mali rito, pero hindi naman ho ibig-sabihin n'on na babastusin n'yo ko." Kasabay n'on ang pagbitaw ko sa kamay n'ya. Bahagya pa akong lumapit sa kanya at pinunasan ang mantsa na napunta sa balikat n'ya. I whispered to her, "What you did is more embarrassing than what I did. So don't act like you're a devil, because maybe, I am Lucifer." I stayed away from her, and gave her my sweetest smile. Nakita ko ang patangis ng panga niya, senyales na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. She crumpled her fist, and she growled at me. "Again, I'm sorry for what I did. Babalik na ho ako sa trabaho ko." Huling salitang binitawan ko at nilayasan na s'ya. I heard her multiple cursed. Mukhang lalapitan pa sana ako, pero hindi na natuloy, marahil pinigilan na ng ibang staff at mga kasama niya. Ang mga tao sa paligid ay malalim na nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan nila ang kabuuan ko kung bakit ko nagawa iyon. I know the quote 'Customers is always right.' Pero sa akin? Hindi gumagana ang mga iyon, kung may nasabi kang hindi maganda sa pandinig ko, kahit pa ako 'yong mali, gagantihan kita higit pa sa ginawa mo. Ang ganda mo, ang ganda rin ng damit mo, hindi nga lang nababagay sa ugali mo. Basura, tch. Ang nag-aalalang mukha ni Nadine, ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko sa loob ng faculty. "Klaire, ano ang eksena 'yon? Kapag nalaman ni Mrs. Villanasis 'yon malilintikan ka! Ba't ba kasi pinatulan mo pa?" I sighed heavily. "I apologized. Pero sadyang sinagad n'ya 'yong pagtitimping natitira ko sa kaniya." Dumiretso ako sa bag ko, at kinuha ang mga tissue roon. "Wala kasi kayo sa position ko, kaya hindi niya narinig ang mga sinabi niya." Padabog na tinapon ko ang tissue na hawak ko sa trash can na malapit sa akin. Nakita kong mariin na pinikit ni Nadine ang mga mata niya. "Klaire naman, sana lang talaga walang magsumbong," sabi n'ya na parang s'ya pa ang problemado sa naging sitwasyon ko. "Edi magsumbong sila, I can defend myself, though," sagot ko at tinanggal na ang pagkakatali ng aking buhok. Tapos na rin naman ang trabaho ko, kaya wala ng dahilan para manatili pa rito. Hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin si Nadine. "Seriously, Klaire?" Tumawa lang ako nang bahagya. "Yeah, we have a lot of CCTV's naman. Malalaman din kung ano ang totoong nangyari," malumanay na saad ko. "Alam ko naman na ako 'yong mali, pero hindi n'on maalis 'yong katotohanang matabil ang dila ng babaeng 'yon." Ngumiwi ako matapos sabihin 'yon. "Aish! Klaire, sakit ka sa ulo," iiling-iling na sabi n'ya. "Edi tumawag ka ng Medic," patawa-tawa kong sagot. "Anyway, see you tomorrow. Goodbye!" Bahagya ko pang ginulo ang buhok niya, at kinuha ang bag ko sa table. Pinandilatan niya ako ng mata, marahil naiinis na siya sa mga nagiging sagot ko sa kaniya. "Bwiset ka talaga Klaire." Ngumiti na lamang ako, at hindi na siya pinansin pa. Lumabas ako na may tapang sa aking mukha, at hindi pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin. Sakto namang pagkalabas ko dumapo ang tingin ko sa table nila Kiel, at nakatingin s'ya mismo sa kinatatayuan ko, habang ang mga braso niya ay nakahalukipkip. Sa hindi malamang dahilan, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na para bang sa iisang tingin na iyon, nagagawa niyang patigilin ang mga bagay na nasa paligid ko. I inhaled a large amount of air, and composed myself. Para bang isang mabilis na kidlat na pumasok sa isipan ko iyong mga ginawa ko kanina. Dahil na rin sa hiya, nagawa kong umalis agad mula sa pagkakatayo ko, at hindi na tumingin pa sa gawi niya. Lumabas ako na may sama ng loob habang ang aking mukha ay nakalukot. Nagpapadyak-padyak ako habang naglalakad dahil na rin siguro sa inis na nararamdaman ko. "Edi, ibig sabihin nakita niya na napahiya ako?" bulong ko sa sarili ko at umupo sa isang bench na alam kong malayo na sa restaurant kung saan ako nanggaling. Kung hindi lang sana nagpakita sa akin iyong Kiel na 'yon, edi sana hindi masasakop ang sistema ko ang presensiya niya. Wala sana akong mabubunggo, kung hindi ko siya iniisip, wala sana akong magiging problema. Kaunting araw pa lang ako pumapasok, pero ganito na agad ang ginawa ko? Ilang kasalanan ba ang ginawa ko sa past life ko, at bakit ako nakararanas ng ganito? Inilapag ko ang bag ko sa tabi ko, at bahagyang sinabunutan ang sarili ko. "Ah! Susumpa na kita Kiel!" Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa gilid ng labi ko, at isinigaw iyon. Wala namang masiyadong tao sa kinaroroonan ko, kaya malaya ako kung ano ang gagawin ko. Pero laking gulat ko nang may narinig akong boses mula sa likuran ko. "Hey! Why would you curse me? What did I do?" Dahan-dahang akong humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon, at mas lalong nadagdagan ang gulat sa sistema ko nang makitang nakatapat mismo ang flashlight na hawak niya sa mismog mukha niya, na siyang naging dahilan kung bakit mukha siyang multo sa itsura niya. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko, at napasigaw na lang ako. Umalis ako sa pinagkakaupuan ko, at pilit kinuha ang mga batong nasa lapag para maibato sa taong iyon na nasa harap ko. "Hoy babae! Tumigil ka! Masakit 'yang ginagawa mo sa akin!" sigaw niya pabalik, at pilit din inihaharang ang kaniyang braso sa mga batong inihahagis ko sa kaniya. Pero hindi ako nakuntento dahil 'yong gulat at kaba sa sistema ko, ay hindi pa rin humuhupa. Patuloy pa rin ako sa pagbato sa kaniya ng mga malilit na bato, at rinig na rinig ko na ang malulutong niyang salita na siyang kahit papaano na nagpapawala sa kaba ko. Saktong patigil ko nang pagbato sa kaniya ng mga bato, nakatanggap naman ako ng isang bagay na tumama sa mismong noo ko. Yumuko ako para tignan ang bagay na iyon. My eyes widened upon realizing the thing had hit my forehead. "Bwiset ka! Bakit binato mo 'ko ng flashlight?!" Naramdaman kong lumapit siya sa akin, kaya wala akong nagawa kundi kuhanin din ang flashlight at dumampot ng ilang mga bato. When I made sure he was in front of me, I had no doubt that I had thrown at him the flashlight I was holding and a few stones that I had gathered in my hands.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD