CHAPTER 10

4350 Words
Akmang magsasalita na sana si Iyah para ipakilala muli ang kaniyang sarili, ngunit dali-dali namang hinawakan ni Levy ang bibig ni Iyah. "H-hey! What are you d-doing!?" utal na saad ni Iyah dahil na rin sa pang-iipit na ginawa ni Levy sa bibig ng kaibigan ko. Nakita kong bahagyang inilapit ni Levy ang kaniyang sarili kay Iyah, marahil ay may binulong na siyang nagpalukot ng mukha ni Iyah. Para silang tanga na lumabas sa restaurant na iyon, at lahat na ng tao sa loob ay pinagtitinginan at pinag-uusapan na sila. I was about to follow them to stop Iyah from whatever he was up to with Levy, when Nadine suddenly appeared in front of me. "What happened? May narinig akong sigawan dito?" nag-aalalang tanong niya, at bahagya pa niyang pinunas ang kaniyang kamay sa apron na suot niya. I shook my head and laughed sofly. "'Wag mo ng pansinin iyon, balik ka na lang sa trabaho mo." Naguguluhan siyang tumingin sa akin, at sinulyupan ang entrance ng restaurant. Bahagya naming nakikita ang ginagawang pag-ilag na ginagawa ni Levy, marahil nakatatanggap na siya ng hampas mula kay Iyah. "Sino 'yon? Bakit parang ilag na ilag si Levy?" takang tanong niya, at bahagya nang nakakunot ang kaniyang noo. Umiling ako. "Kaibigan ko. Hindi siya sinipot n'ong guy, kaya ayan." Bahagya ko pang tinuro kung nasaan sila nakapuwesto, at sa 'di inaasahan, hagalpak na tumawa si Nadine. She was panting hard when she looked at me. Buti na lang talaga, ang tawa niya hindi masiyadong malakas, kaya ang atensiyon ng mga customers ay hindi nababaling sa kaniya. "So, 'yong hinatid kong girl before, ang makaka-date dapat niya is si Levy?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Nadine, at bahagya pang nakahawak sa kaniyang dibdib. Marahil ramdam na niya ang hingal sa ginagawa niyang pagtawa. Naguguluhan man, tumango ako. Pigil tawa siyang lumingon sa pinanggagalingan nina Levy at Iyah. "He was really like that, ever since they broke up with Aryhan. He's always looking for someone to date, but when he's lazy, he won't show up." Bahagya niyang hinawakan ang kaniyang bibig para pigilan ang sarili na matawa. Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Pero bakit ka tumatawa? Wala namang nakatatawa, ah?" Humarap siya sa gawi ko, at hanggang ngayon, 'yong tawa niya ay hindi pa rin humuhupa. "Ilang beses na rin kasing nangyari 'to, kapag nalaman 'to ni Mrs. Villanasis, tanggal na siya sa trabaho niya panigurado," kibit-balikat na sagot niya. "Don't get me wrong, hindi naman ako 'yong nagsusumbong or what, sadyang may mga mata at bibig lang 'yong ibang staff dito." Tumawa pa muli siya, bago niya kinuha iyong mga dala niya kanina. "Sige na, una na 'ko. Ikaw na lang bahala r'yan." I just nodded at her, and she walked away. I just shrugged my shoulders about what she said. Kung ganitong matatanggal siya sa trabaho, sa tuwing ginagawa niya iyon. Bakit paulit-ulit pa rin niyang ginagawa ang kamalian niya? Nilalagay niya lang talaga ang sarili niya sa hukay. Nakarinig ako ng sigawan mula sa likurang bahagi ng restaurant, marahil ay lumipat silang dalawa ni Levy doon. Since, nacu-curious ako, at wala pa man ding customers, I decided to go with them. And there, I saw Levy bow his head, and he even clasped his hands, like he was asking for forgiveness from Iyah. Habang si Iyah, ay nanatiling seryoso ang mukha, at nakatingin lang kay Levy na nakayuko at para bang maluluha. Tumingin sa kaniya si Levy, at matapang na hinarap ang mga nanlilisik nitong mga mata. "I'm sorry that was not my intention—" He got halted by Sakiya. "Do I need your explanation?" she asked, sarcastically. Bagsak ang balikat na tumungo muli si Levy, at nag-try muling humingi ng tawad. "I'm sorry. I'm really really sorry. Naging—" He didn't finish what he was going to say again when Sakiya suddenly spoke. "Again, stop with the nonsense explanation," Iyah said. "Next time, if you will meet a girl be sure that you will attend, kasi nakakahiya naman na pinaghintay mo pa ta's 'di ka naman pala pupunta," she added. Nakita ko ang buntong-hininga na ginawa ni Iyah, marahil ay nagpipigil na sa kaniyang nararamdaman. "Kasi walang tatagal sa 'yo kung ganyan ka. Be a man, not a boy." She tapped the right shoulder of Levy, and she walked away. This is my most favorite part. When my best friend has an argument with someone or anything, hindi s'ya nagagalit, hindi rin naman s'ya mabait. Ang ginagawa lang n'ya pinagsasabihan lang n'ya ng mga words of wisdom n'ya. Nang balingan kong muli ng tingin si Levy, nakaayos na siya ng tayo, at tinatanaw ang pag-alis ni Iyah. Hindi rin nakaligtas sa akin, ang paglukot ng kaniyang mukha, at pagkamot sa kaniyang batok. Pagkabalik ko sa loob ng restaurant, bahagya akong tumakbo nang makitang marami ng inaasikasong customers si Nadine. "Saan ka ba galing?" tila ba napipikon na saad na niya sa akin. Kinuha ko ang mga ginagawa niya, dahil trabaho ko rin naman iyon. "May tinignan lang," sagot ko, pero hindi na niya ako pinansin. Pinagpatuloy niya na lang ang ginagawa niya, at ganoon din ako. Naging super busy ang araw na 'yon sa aming lahat. Maraming mga tao ang dumayo para lang matikman ang specialty ng Cachineès Restaurant. Halos sunod-sunod ang dating ng mga tao, kaya hindi na kami nakapag-break time. Kalimitan ay nagpapalit-palit kami ng p'westo ni Nadine, ako ang waitress s'ya ang cashier. Hindi ko na rin napansin si Levy dahil nakotoka s'ya sa loob ng kusina, at minsan lang kung lumabas para kumuha ng order ng customers sa t'wing wala s'yang ginagawa sa loob. Hindi ko na rin nakita pa si Iyah simula noong makita ko s'ya sa likod ng restaurant. Hindi rin naman s'ya nag-text o tumawag kung sa'n s'ya pupunta. It was 7:45 in the evening when I got home and I saw Roxanne crouching at her desk and I heard her sobbing. I roamed my eyes around the room and my eyes searched for Iyah, but she was not there yet. I just approached Roxanne, who now still hasn’t stopped sobbing. Lumapit ako sa kaniya, at bahagyang kinalabit s'ya. "Roxanne, what happened?" I asked her worriedly. She didn't respond and she just hugged me. "Shh, stop crying. Tell me what happened, hmm?" I said while combing her hair from the back. Humikbi pa muna siya bago niya inalis ang pagkakayakap sa 'kin, bahagya niyang pinunasan ang kaniyang mga luha, at humarap sa akin. "My parents..." pahikbing-hikbing sambit n'ya. 'Yon pa lang ang naririnig ko mukhang alam ko na ang dahilan nang pag-iyak n'ya. I could see the urge for another wave of tears in her eyes, but she managed to compose herself. Ngumiti ako para ipahayag sa kaniya na ayos lang sa akin na sabihin niya ang kaniyang problema. "My parents are disappointed at me... again," she said with a laugh. "I can't remember kung kailan sila naging proud sa 'kin," iiling-iling na dugtong n'ya. "But ate Klaire, promise I did my best... but it ended up like my efforts are not enough for them." Bigla s'yang napatakip ng mukha n'ya at doon umiyak. "They're always comparing me to my cousins, my kuya's, my ate's without even knowing kung ano'ng nararamdaman ko habang ginagawa nila 'yon, ate... why do they need to compare? Bakit kailangan nilang ipa-mukha sa 'kin na mas magaling si ganito, si ganiyan?" emosiyonal niyang wika, at ang mga luha niya ay sunod-sunod nang pumapatak. "Why they need to do this to me ate Klaire? They don't know what I'm going through... I spent how many sleepless nights, hindi na 'ko kumain kasi feel ko mauubos 'yong oras kapag inasikaso ko 'yong sarili ko tapos... tapos gano'n 'yong mangyayari. How pathetic I am," tatawang-tawang sabi n'ya at tumulo na naman ang mga luha n'ya. "May panahon sila para pagsabihihan ako, pero hindi man lang nila inalam 'yong nararamdaman ko sa mga oras na ginugol ko, maabot ko lang ang mga expectations nila." Pinunasan niya ang kaniyang mga luha, pero kahit anong punas ang gawin niya, may panibago na namang luha ang dumadaloy sa mata niya. "Palaging ako 'yong kawawa, palagi akong nasisi sa lahat, pero ate Klaire bakit gano'n? Sa lahat ng tamang ginawa ko, hindi nila nakikita, pero kapag may mali na akong nagawa... kung anu-ano na ang sinasabi nila. Ang unfair ate Klaire, ang unfair, unfair," she said and for the nth time, her tears uncontrobably fell. Tama nga si Maxpein sa He's into Her, Patas ang mundo, hindi ang mga tao. "I could not meet their expectations to me. Too high for someone like me to reach," she said emotionally. "I'm starting to hate myself... I want to disappear, gusto kong mawala. Gusto kong walang maramdaman." Bahagya niyang sinabunutan ang kaniyang sarili kaya agad ko siyang nilapitan para yakapin. "Shh, stop crying, hmm? Don't stress your self okay? Kung ano man 'yong expectations sa 'yo ng ibang tao, 'wag mong pilitin abutin. Sinasabi mo na rin naman kanina na you did your best. Grades doesn't define who you are, always remember that." Umalis ako nang pagkakayakap sa kaniya, at hinarap siya papunta sa gawi ko. "First, don't pressure yourself, na kapag sinabi na ganito 'yong grades mo, dapat gano'n din 'yong kalalabasan. No, kung ano 'yong kaya mo, kung ano 'yong kinalabasan ng paghihirap na ginawa mo, then that's enough." Pinunasan ko ang mga luha niya, gamit ang nga likod ng palad ko. "Second, people nowadays or even before always compare yeah, hindi mawawala 'yon. Pero 'di ba dapat gawin mong inspiration 'yong mga taong nagdo-down sa 'yo, even your parents. Prove them wrong, na kaya mo pang taasan yung expectations nila sa 'yo. Na nagagawa mo lang 'yon kasi na-p-pressure ka sa kanila. It's not always about the grades, it's about you, your happiness and how it develops you to become better version of yourself okay?" Hinawakan ko ang nga kamay niya, at pinisil iyon nang bahagya. "Just live your own life. Don't mind those people who are downgrading you, just because they didn't meet their expectations to you, okay? Hayaan mo silang i-judge ka sa paraan na gusto nila, hayaan mo silang magalit sa 'yo, hayaan mo silang kamuhian ka. Dahil alam nating pareho, someday, those sacrifices that you've done, maganda ang idudulot nito sa 'yo sa hinaharap." Tumingin siya sa mga mata ko, at bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Always remember that, no matter what people say to you, there is a God who is guiding you in your every decision, even if it is wrong for other people. Just go with the flow. And I know someday you're parents will be proud to you." Nakita ko ang paglandas ng isang tipid na ngiti sa labi niya. She just nodded at me and she hugged me once again. Narinig ko pa ang hikbi niya, kaya wala akong ginawa kundi ang patigilin siya sa pag-iyak niya. Ilang minuto lang din, at nakatulog na siya. Marahan ko siyang nilapag sa kama niya, at nilagyan siya ng kumot. Inayos ko na rin ang mga gamit na nagkalat sa side table ng kama niya, at inumpisahang linisin ang buong dorm. Sinubukan kong tawagan ang numero ni Iyah, dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Palalim na nang palalim ang gabi, at sa bawat patak ng minuto, nadadagdagan n'on ang kabang nararamdaman ko. I tried multiple times to dialed her number but it can't be reached. Hindi ko rin p'wedeng tawagan sila tita paniguradong wala 'yon doon, tapos baka mapahamak ko pa s'ya. Nakaramdam lang ako ng ginhawa sa aking nararamdaman nang marinig ko ang pag-ring sa kabilang linya. Ilang segundo lang din, at sinagot niya ito. "Hello?" "Ah, thanks God! Hoy! Babae ka, alam mo ba kung anong oras na? Nasan ka ba?" Mahina kong sigaw sa kaniya, dahil baka magising si Roxanne kung lalakasan ko pa ang aking boses. "What's with the thanks God and yeah, it's already 9:06 and I'm here at the tapsihan," she answered on the other line. Hindi ko pinansin ang sinabi niya, at gumawa ako ng sarili kong kasunduan, na alam kong masusunod naman agad niya. "In ten minutes dapat nandito ka na. I don't care if you're too far in our dorm, 'pag wala ka pa rin in ten minutes, maghanap ka na ng matutulugan mo." I warned her. I didn't let her to answer, and I ended the call. I set my alarm at ten minutes Ilang segundo na lang at patapos na ang oras, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumarating. "Akala siguro niya nagbibiro ako." Lumukot ang aking mukha nang marinig ang pagtunog ng alarm, hudyat na tapos na ang sampung minuto na binigay ko sa kaniya. Dumiretso ako sa pinto, pero bago ko pa man maisarado ito, biglang may humawak sa seradura ng pinto, at hangos na hangos na pumasok si Iyah. "Omg! What time is it?" hingal n'yang sabi at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom. Sinenyas ko lang sa kaniya ang oras, at bigla siyang napamura sa kaniyang kinauupuan. "Buti na lang talaga mabilis akong tumakbo! Kingina ka, Klaire! Wala akong matutulugan kung sakaling sinaraduhan mo 'ko." Hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang dibdib. I just crossed my arms, and I arched my left eyebrow. "Sino ba ang may sabi na magmadali ka?" I asked, seriously. Pinagrolyohan niya ako ng mata, at uminom muli ng tubig. "'Wag mo 'kong i-serious mode, Klaire!" Hindi siya tumingin sa gawi ko nang sabihin niya iyon. My brows furrowed. "I'm not in the mood to play around with you. Sa'n ka galing?" I said with a serious tone. Nakita ko s'yang bahagyang nagulat at napa-ayos pa nang upo. "Sa a-ano sa—" she didn't finish what she was going to say when I halted her. "Sa?" "T*ngina Klaire sa bar lang ako galing," sagot n'ya at padabog na nilagay ang kanyang bag sa couch. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng isang mahinang hampas. "Abnormal ka ba? Ba't ka nagdadabog? Kita mong may natutulog, tss," sambit ko, at dumiretso na sa pinto para isardo ito. "Nakaka-pressure ka kaya magtanong, kingina ka," sabi n'ya at tinarayan ako. "Tapsihan naman pala e, 'no?" sarkastiko kong sagot, nang maalala ang rason niya kanina. Pumunta siya sa cabinet niya, bago siya lumingon sa akin at sumagot. "E, kasi alam kong pupuntahan mo ulit ako 'pag—" Hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin. "Ya! Sinong may sabi na pupunta ako? Bahala ka na roon 'no!" Iiling-iling siyang tumawa sa akin. "He! Manahimik ka, alam kong pupuntahan mo 'ko." Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi niya, bago siya dumiretso sa banyo. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya, at padabog na humiga sa kama. Sa ganitong asaran, alam kong ako ang talo, kaya hindi ko na siya sinabayan pa. Hinayaan ko ang sarili ko na dalawin ng antok, at hindi naman ako nagkamali, dahil ilang minuto lang din ay tuluyan na akong nakain ng kadiliman. Naalimpungatan ako nang dahil sa nararamdaman kong pagyugyog sa balikat ko, at saktong pagmulat ng mata ko ang nakangiting itsura ni Iyah ang sumalubong sa akin. "Ugh, anong oras na ba?" inis kong sabi. Kapag talaga maaga pa, at ginising ako ng taong 'to sa harapan ko ng walang dahilan. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya, kapag nabitin ang tulog ko. Maang siyang napangiti sa harap ko. "4:30." Babalik na sana ako sa pagtulog ko, nang ma-realized ang sinabi niya. Padabog akong umupo mula sa kinahihigaan ko, at inabot ang buhok niya gamit ang mga kamay ko. "Bakit mo 'ko ginising?! Wala pa namang pasok ah!" Akmang tatayo sana ako, pero ramdam ko ang pagdidilim ng panigin ko kaya hindi ko na tinuloy pa ang pagtayo ko. Tumingin lang siya sa akin na bahagyang nakangiti, at sumenyas ng peace sign sa akin. "Favor lang." Pinanliitan niya ako ng mata, at kasabay n'on ang pagpapaawa ng kaniyang mukha. I have this habbit na kapag ginising mo 'ko nang maaga, hindi na ako makakabalik pa sa pagtulog at ang masaklap nito palaging ganitong oras na 'yong gising ko. I just rolled my eyes at her, and I went back to where I was lying. Tumalikod ako sa gawi niya, at pinilit ang sarili ko na makatulog muli, kahit alam kong malabo na iyong mangyari. Ramdam ko na rin ang diwa ko na gising na gising, kaya wala ng dahilan para bumalik pa ako sa pagtulog. Ramdam ko ang paglapit ni Iyah sa kama ko, hinawakan niya ang mga balikat ko at bahagya ulit iyong niyugyog. "Klaire, papasama lang e. Dali na." Lumukot ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya. "Ganitong ka-aga magpapasama ka? Kung 'di ka naman isa't kalahating timang alam mo naman 'yong sitwasyon ko kapag ginigising ako ng ganitong ka-aga," inis ko pa rin sabi sa kanya at hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ako sa gawi n'ya. "Edi matulog ka na." Inis akong bumangon at humarap sa kaniya. "Sa tingin mo ba gano'n lang kadali 'yon?" Hinampas ko ang braso niyang hanggang ngayon nasa balikat ko pa. The next thing I knew, I was wearing my uniform at the restaurant. Napagdesisyunan kong suotin na lang din ito, mukhang magjo-jogging lang naman si Iyah base sa mga suot niya. Panigurado na sa park ang jogging niya, since roon ang maganda ng ambience ng lugar. Katapat lang naman iyon ng restaurant, kaya hindi na ako mahihirapan. Bahagya nang sumisilip ang araw nang makalabas kami. Kanina ko pa napapansin na abalang-abala si Iyah sa cellphone niya, at marahil ang dahilan na naman ng mga iyon, ay ang mga ka-fling niya sa social media. "Anong oras nga pala umalis si Roxanne?" tanong ko habang inaayos ang aking buhok. Hindi siya sumagot sa akin, at palingon-lingon lang kung saan-saan. Ibabalik niya rin agad ang paningin niya sa cellphone na hawak niya, at abala na naman siya sa pagta-type. "Hoy!" I said and giving her a poke. Masamang tingin ang ginawad niya sa akin, nang lumingon siya sa direksiyon ko. "Aray naman! Ba't biglang kang nanakit d'yan?" tanong n'ya habang hinihimas ang parteng nabatukan ko. "You're too occupied, what's bothering you?" Kumapit ako sa braso niya, matapos tanungin iyon. Actually hindi kami nag-jo-jogging ngayon, tamang normal na lakad lang. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang trip nito. "Huh? Ako? Hindi 'no! Sinong may sabi hinihintay ko si Briel?" she defensively, said. I give her another poke. "Ayan gaga ka! Sino si Briel, ha?" Tumigil ako sa paglalakad, at humarap sa kaniya. Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niyang paglalakad, at iiling-iling na tumingin sa gawi ko. "Briel? Wala naman akong sinasabing ganoon, ah?" Patay-malisya pa talaga siya, habang naglalakad papatalikod. Hinabol ko siya, at pinandilatan ng mata. Sa huli, pabuntong-hininga siyang sumuko, pero kalauna'y, napalitan ng excitement ang kaniyang hitsura. "E, kasi naman we had a conversation yesterday, that we will meet today," she excitedly said. "Ah, gano'n? Sinama mo pa talaga ako sa meet up n'yo?" I sarcastically answered. "Aren't you going to support me?" she said while pouting. "Support my ass tch." "Ikaw napaka-bitter mo—" I halted her. "Bitter ako o isusumbong kita sa magulang mo?" pagbabanta ko sa kaniya. "Go tell them. Sasabihin ko rin na may part time ka, che." Iwinasiwas niya sa harap ko ang kaniyang buhok, at patakbong umalis sa tabi ko. Ilang minuto lang din ang nakalilipas, at nakarating na kami sa park. Una ko agad napansin, ang kalinisan nito, at ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko. Hindi ko maiwasan ma-miss ang lugar na kinalakihan ko, at ang mga magulang ko. I just shook my head to get rid of those thoughts. I diverted my gaze to Iyah, who was now smiling in front of her phone. Siguro 'yong Briel na 'yon yung dahilan kung bakit 'to mukhang baliw sa t'wing kaharap n'ya ang cellphone niya. Naisipan kong asarin s'ya patungkol sa label nilang dalawa n'ong lalaki n'ya. "Iyah, I have a question," I said with a smile. Humarap s'ya sa 'kin at tumawa pa na animo'y kinikilig. Hindi ko pa man din naitatanong ang tanong na nabubuo sa isipian ko, nauuna nang tumawa ang sistema ko. Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Go ahead," she said with a wide smile. I smirked. "Do you and Briel have a label?" I asked and grinned. And in that moment, her genuine smile from a few minutes ago vanished. She didn't answer and looked at me seriously. Tumawa ako nang paglakas-lakas dahil mukhang natamaan s'ya sa sinabi ko. Tumingin s'ya sa 'kin nang seryoso. "Walang nakakatawa sa tanong mo." Tumaas ang sulok ng labi niya, na siya muling nagpatawa sa akin. "There is. Imagine, you and Briel have been talking for a long time and still hanging up at night and you don't have a label yet," I said and laughed really hard. "Klaire hindi ka na nakakatuwa." "Pero bakit natatawa ako?" Tumingin ako sa gawi niya na ngayon ay para bang pinipigilan niya ang matawa. "Don't hold back, you're too obvious," I said while laughing. And at that moment, the park was filled with laughter. Tumigil ako sa pagtawa at naging seryoso na. "Will you agree without a label?" Nakita ko s'yang natigilan, at maang na tumingin sa akin. "Maybe later you will come to me with tears, because he ghosted you," dugtong kong sabi ay bahagyang tumawa. Hindi s'ya tumawa at yumuko lang. "Ganoon ba talaga 'yon kapag walang label, ghost agad?" she asked me sadly. Tumigil na ako sa pagtawa at tumingin na sa kanya nang bahagyang nakangiti. "Well, 'di rin natin masasabi," sabi ko. Inakbayan ko s'ya at inakay papunta sa restaurant. Mukha wala na rin naman 'atang sisipot sa kaniya. "Wait, what do you mean?" nakakunot ang noo na tanong niya. I sighed. "There are a lot of people na mas prefer na walang label dahil takot sa commitments or whatsoever, so at the end na-g-ghost sila. But that doesn't mean that the two of you don't have a label, e, i-g-ghost ka na n'ya. Depende pa rin 'yon sa sitwasyon n'yong dalawa." Tumigil ako sa harap ng restaurant at humiwalay nang pagkakaakbay sa kaniya. "Kaya kung ako sa 'yo, itanong mo na hangga't maaga pa, para less heartaches," dagdag ko at umiling. "E, kaso hindi naman ikaw, ako," sabi n'ya at paturo-turo pa saming dalawa. "Sige tangahan mo pa," inis kong sagot sa kanya. "E, nahihiya naman akong tanungin s'ya." Yumuko siya matapos sabihin iyon. Lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Walang magagawa 'yang hiya mo kung sa huli ikaw yung masasaktan, gets mo?" Tinunghay ko ang kaniyang ulo gamit ang kamay ko, sinalubong ko ang malungkot niyang mga mata. "Gets mo?" Pag-uulit ko pa. She just nodded at me, and gave me a small smile. "Hindi porket na ikaw 'yong babae wala ka ng karapatang magtanong about sa label n'yo. You need an assurance sa relasyon niyo." Bahagya ko siyang binatukan. Tumingin siya nang masama sa akin, at hinimas ang kaniyang braso. "Oo na. I'll ask him later, ewan, naguguluhan din ako sa sarili ko," she replied in disgust. "Ay oo mo. Mamaya na natin pag-usapan 'yan, papasok na ko. See you later!" Nasa loob na ako ng marinig ko s'yang sumigaw. "Aren't you going to invite me to have breakfast inside?" Bumalik ako at binuksan ang pinto. "Sa dorm maraming pagkain, umuwi na," wika ko at sinensyasan s'yang umalis na. Nang makapasok na ako ng tuluyan sa restaurant, I saw Nadine at the counter and she was checking some papers. "Hi good morning. What's with the creased forehead?" I asked her and laughed a little. Dali-dali n'yang tinago ang mga papel at nilagay sa dala-dala n'yang sling bag. "Ah, wala naman," sabi n'ya at mahahalata mo na pilit s'yang tumawa. "Ay wait, did you see Mrs. Villanasis?" she asked. "Mrs. Villanasis? No, is she here?" I asked at nilibot ko aking ang paningin sa loob ng restaurant. "Ah, wala ulit, sige teka palit na muna ako." Ngumiti siya nang bahagya sa akin, at dumiretso sa loob ng faculty room. Habang hinihintay s'yang lumabas. Nakita ko na pumasok si Levy at bahagyang nangungunot ang noo. Dirediretso lang s'ya sa pagpasok, at kung hindi ko pa sasabihin na may tao sa loob ng faculty, papasok s'ya at maabutan n'yang nagbibihis si Nadine. "Hoy gaga may tao." "Ay may tao!" pagulat na sabi n'ya at napatalon pa nang bahagya. "Ba't ba nanggugulat ka r'yan?" pasiring na dugtong n'ya. "Mama mo gi—" I got halted by him. Bigla s'yang lumapit sa'kin at nagtanong. "Pupunta ba ulit si Sakiya rito?" I arched my brow. "And who are you, for me to tell you?" pataray na sabi ko. "Ha?" Nakaawang ang mga labing saad niya. "Hakdog." Nirolyohan niya ako ng mata, bago siya umalis sa harap ko. "Nagtatanong lang e," pabulong na sabi pa n'ya. Saktong pagharap n'ya sa pinto ay lumabas na rin si Nadine. "Oh, ang lungkot ng nunal boy naming ngayon ah," rinig kong sabi ni Nadine at natawa pa. "Che," Levy said and went straight inside the room. "Problema n'on?" Nadine asked while adjusting her uniform. I just shrugged. Sa buong araw namin sa restaurant ang masasabi ko lang ay pagod. Halos wala ring pinagkaiba ang naging eksena namin kahapon sa ngayon. Marami pa ring mga costumers ang dumadayo at naging magulo ang nangyari ngayon, pero kahit papaano naayos namin ito. Pagabi na rin naman at malapit ng matapos ang shift ko, makakapagpahinga na rin ako. Ang hirap pala talaga kapag ikaw na mismo ang kumakayod. Pa'no na lang kung may sinusustentuhan na 'ko? Malapit-lapit na rin ang pasukan, sana makayanan kong pagsabayin ang pag-aaral pati na rin 'tong pagtatrabahong ginagawa ko. Well, after all, this is for my own good. Nawala ang pagmumuning ginagawa ko nang bigla ko na lang maramdaman na may pumitik sa noo ko. Napayuko ako nang bahagya, at hinimas ito. Tumunghay ako at magsasalita na sana nang matigilan ako. "Hey Miss, I said give us the specialty dinner. ASAP."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD