CHAPTER 9

3371 Words
Mas lalong dumagdag sa inis na nararamdaman ko ang pagtawang ginawa ni Iyah. Hindi ko na alam kung ano ang problema niya at nagagawa niyang gumawa ng mga ganitong bagay. Kapag nasa Cebu naman kami, halos hindi siya lumalabas ng bahay at doon lamang nagkukulong sa kuwarto niya. Imbes na pagtuunan ng pansin si Iyah, pinuntahan ko na lamang ang lalaking aksidenteng naduwalan niya at ako na ang nagpresintang magpunas sa kaniya. I rerouted my gaze to Sakiya, who was laughing really hard. I gave her a deadly look, and gestured her to go to Roxanne. Pigil-tawa siyang sumunod kay Roxanne habang hawak-hawak pa ang kaniyang tiyan. Binalingan kong muli ng atensiyon ang lalaking aksidenteng nasukahan ni Roxanne, kinuha ko ang dala kong bimpo at pinunas ito sa parteng nasukahan. "Ah Sir, I'm really sorry, we didn't mean this to happen," I said, apologetically. I heard his deep sighed. "Stop." Hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ko lamang ang aking ginagawa. "Ah, Sir wait tanggalin ko—" I didn't finish what I was going to say when he suddenly shout. "I said stop!" sigaw niya sa akin at paalis na tinanggal ang kamay ko na s'yang dahilan nang pagbagsak ko. Huminga ako nang malalim at pinatiling kalmado ang nararamdaman ko. Kanina ko pa nararamdaman ang inis simula no'ng pumunta ako rito, at ayoko sanang patulan ang lalaking nasa harapan ko, pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "Siraulo ka ba? Ikaw na nga 'tong tinulungan kong matanggal 'yang suka sa damit mo, ta's may gana ka pang itulak ako?!" gigil kong sinabi sa kanya. Hindi talaga ako eskandalosa. Hanggat kaya kong magtimpi, magtitimpi ako. Pero 'yong inis na nararamdaman ko ay mas lalo lang niyang dinagdagan. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, at siya ang nagpatuloy sa pagpagpag ng damit niya. Mas lalo akong nakaramdam ng inis ng hindi siya sumagot sa akin na para bang wala lang ako sa harapan niya. Sa sobrang inis na naramdaman ko, binato ko sa kaniya iyong hawak kong bimpo na pinangpunas ko rin sa suka niya kanina. "The f**k," rinig kong sambit n'ya. "Sa susunod na ayaw mong tulungan ka magsabi ka ha, or kung gusto mo umalis ka na," sarkastiko kong saad. "Sayang effort ko, punyeta ka." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumalikod na sa kaniya. "Kababaeng tao, skandalosa, tss." Narinig ko ang matunog niyang pagtawa, nang tumalikod ako sa kaniya. I rolled my eyes upon hearing what he said. Wala na akong panahon para makipag-away pa sa kaniya, at wala rin namang mangyayari kung aawayin ko pa siya. Naghintay ako saglit sa labas ng banyo, at nakita ko silang dalawa na lumabas na para bang nahimasmasan na sa kanilang ginawa. Maang silang ngumiti sa akin, at nahihiyang salubungin ang aking mga mata. "Bilisan n'yo." Nauuna akong maglakad sa kanila, at ramdam ko rin ang pagsunod nila sa akin. Halos alas-onse rin ng gabi nang makauwi kami. Hindi ko na sila binalingan pa ng atensiyon at hinayaan na lang sila na mahiga sa mga kama nila. 'Yong inis na nararamdaman ko ay hindi pa rin humuhupa at ayoko silang kausapin kapag ganito ang nararamdaman ko, panigurado kasi na may masasabi akong makapapanakit ng damdamin nila. "What a tiring day," rinig kong sambit ni Roxanne at padabog na humiga sa kama niya. Pero kailangan ko pa rin silang kausapin para paalalahanan. "Sa susunod na iinom muli kayo, siguraduhin n'yong walang lalaking lalapit sa inyo," I said seriously and looked at Sakiya. "At wala kayong mapupurwisyong tao." I added and looked to Roxanne. Lumapit sa akin si Iyah at hinawakan ang mga braso ko, umarte pa siya na para bang humihingi ng tawad at nagawa pa niyang mag baby-face sa harap ko. "Klaire, sorry na may pina—" I halted her. "I don't need your explanation, just rest. Good night." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at pumasok na sa loob ng banyo para mag-half-bath. Habang inaalala ang nangyari kanina, hindi ko makalilimutan 'yong taong nagawa akong itulak para matigil lang ang ginawa kong pagpunas sa damit niya. Sana man lang pinatapos niya 'yong ginagawa ko saka siya magsabi na itigil ko na. Hindi ba siya makapaghintay at nagawa pa niya talaga akong itulak makalayo lang sa kaniya? I'm just really unlucky because I didn't see his face, but I remember his voice. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako, dumagdag pa sa mga nangyari ngayong araw 'yong lalaking nabalian ko ng buto, dahil hindi agad sinunod ang gusto ko. Kaya ko lang naman nagawa iyon, dahil maling-mali ang pagtrato niya sa babae. If a girl was drunk, it doesn't mean that a man will take advantage of her. Ang mga babae pa naman ay marurupok kapag nakararamdam sila ng alak sa kanilang sistema. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa, dahil pinangungunahan sila ng excitement at saya. Pagkalabas ko ng banyo, napansin ko na mahimbing na ang tulog nilang dalawa, marahil ay tuluyan ng tinamaan ng alak at gano'n na lang kabilis ang pagtulog nila. Walang sinasabi sa akin si Iyah kung bakit kailangan niyang mag-inom, kung tungkol pa rin ito sa naging date niya, sa tingin ko hindi naman sapat na rason iyon para magpakalango siya. Hihintayin ko na lang na magsabi siya, dahil kilala ko siya, magsasabi siya sa akin kapag hindi na niya kayang dalhin ang nararamdaman niya. I checked my phone and it was already 11:45 in the evening. Ilang oras na lang din pala ang itutulog ko dahil maaga pa ang pasok ko bukas para sa trabaho. Hindi na ako puwedeng um-absent o ma-late at baka mapagalitan na ako ni Mrs. Villanasis kapag nagkataon. Habang prentang nakahiga sa aking kama hindi ko makalimutan iyong lalaking ngumiti sa akin nang tulungan niya ako na hindi mabunggo sa grupo ng mga kalalakihan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang maala ang mga ngiti niya na siyang nagbibigay ng kung anong kakaibang feeling sa aking nararamdaman. Paulit-ulit kong tinampal ang aking sarili para magising sa mga kahibangan na aking naiisip. "'Wag kang malandi, Klaire. Wala lang 'yon, at baka assuming ka lang." Habang hinahayaan na dalawin ako ng antok, pilit ko pa ring tinatanggal sa aking isip ang ngiting paulit-ulit na pumapasok sa aking isipian. Sa hindi malamang dahilan, bago ako makatulog, ang inis na nararamdaman ko ay natanggal habang iniisip ang ngiting ginawad sa akin ng lalaking iyon sa bar. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang cellphone ko na tumunog. Agarang nabuhay ang diwa ko at sinabayan sa pagkanta ang favorite theme song ng isang cartoon character habang nag-aayos ng mga gagamitin ko. "Klaire! ano ba! Ang ingay, ang aga-aga kanta ka nang kanta r'yan!" ungot ni Iyah at nagawa pa niyang takpan ng mga unan ang kaniyang tainga. Iiling-iling kong pinatay ang ring tone ng cellphone at pinagpatuloy ang pag-aayos ko ng mga gamit. Papaalis na sana ako ng dorm para sana pumasok na sa trabaho, nang maalala ko na may pasok pala si Roxanne ngayon, at kailangan na niyang magising para mag-ayos nang sa gayon hindi siya ma-late sa kaniyang klase. Lumapit ako sa kama niya at pinasadahn ng isang tingin ang kabuuan niya. Seryoso siyang natutulog at himbing na himbing pa sa pagkakahiga niya. "Roxanne, gising na. May pasok ka pa." Bahagya kong niyugyog ang balikat niya para sana magising siya, pero kahit anong yugyog ang gawin ko hindi man lang nagbabago ang puwesto nang pagkakahiga niya. My eyes rolled spontaneously. "Roxanne, gumising ka na, mala-late ka na sa class mo today." Kinuha ko ang unan na hindi niya ginagamit at bahagya iyong hinampas sa kaniya. Iiling-iling siyang tumingin sa akin at hinilot-hilot ang kaniyang sentido. "I can't attend class today, masakit pa ulo ko 'te." Nagpagulong-gulong siya sa kama habang mahigpit na hinihilot ang kaniyang sentido. Wala akong nagawa kundi ayusin na lang ulit ang kama niya at tinapik siya sa kaniyang balikat. "Okay, mauna na ako, rest well. Nandoon sa lamesa 'yong pagkain n'yo in case na makatayo pa kayo r'yan sa kinalalagyan n'yo," I jokingly said. Tumango-tango lang siya sa akin at bumalik na sa kaniyang pagtulog. Binalingan ko naman nang tingin si Sakiya na nagawa pang humilik habang nakanganga ang kaniyang bungaga. Kinuha ko ang sticky notes sa dala kong maliit na bag, at iniwanan siya ng note sa side table na katabi ng kama niya. Inayos ko rin ang pagkakakumot sa katawan niya, at tuluyan na akong umalis sa dorm na iyon. Naglakad na lang ako papuntang restaurant na pagtatrabahuan ko, since malapit lang naman ito sa dorm na tinitirahan ko. Habang nililibot ang aking panigin sa mga bahay na dinadaanan ko, bahagya kong nakita si Nadine sa 'di kalayuan, katapat ng coffee shop na minsang pinag-apply-an ko. "Nadine!" sigaw ko at patakbong lumapit sa direksiyon niya. Pero ganoon na lang ang gulat na rumehistro sa pagkataon ko nang makita ang babaeng minsang nagtaray sa akin no'ng tinanong ko kung may hiring ba sa coffee shop na pinasukan ko noon. 'Yong babaeng hindi pantay ang kilay, at grabe kung magtaray! "Klaire, si Denise pala, kaibigan ko." Ngumiti sa akin si Nadine matapos niyang sabihin iyon at binalingan ng tingin ang nangangalang Denise. "Hi!" Denise said, she even raised her hands and waved at me. "Hello," pagbati ko pabalik at binigyan siya ng isang pekeng ngiti. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang ginawa niyang pagtataray sa akin noon, wala naman akong ginawang masama sa kaniya no'ng araw na iyon, kaya bakit niya ako tatarayan ng ganoon? Kung masama ang timpla ng isang tao, dapat hindi nila binabaling ito sa mga kausap nila lalo pa't baka ma-mis-interpret sila n'ong tao. Nagawa pang magkuwento sa akin ni Denise tungkol sa mga bagay na nangyayari sa kaniya at bahagya akong nagulat nang malaman ko na kinu-kuwento pala ako ni Nadine kay Denise. "Ah, gano'n ba?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin gayong hindi naman ako sanay na pinag-uusapan ng iba at talagang sasabihin pa nila sa akin iyon nang harapan. Nagpaalam kami ni Nadine kay Denise na aalis na kami para pumasok sa trabaho. Ngumiti naman siya sa amin at tuluyan na ring siyang pumasok sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya. I diverted my gaze to Nadine, who was now smiling like she had got good news. "What's with the smile?" I asked her, confusingly. Iiling-iling siyang tumingin sa akin. "Wala naman, ang galing lang kasi, elementary friend ko kasi 'yan si Denise, tapos hanggang ngayon nakauusap ko pa rin siya." Hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi. "So?" Humarap siya sa gawi ko. "Wala lang, kasi 'di ba bihira lang 'yong friendship na nagtatagal? Kaya humahanga ako sa sarili ko dahil kahit papaano may tumatagal pa rin sa akin." Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti sa akin. Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Sabagay sa panahon ngayon, bibihira na nga lang talaga ang mga tunay na mananatili sa iyo hanggang dulo. "Well, anyway, kanina ko pa napapansin na para bang iritable ka kay Denise? Anong mayroon? Spill." She nudged at me, which make my face contorted. "Okay, let me tell you something. 'Yong Denise na pinakilala mo sa 'kin, s'ya lang naman 'yong taong nagtaray sa 'kin noon. Tinanong ko lang naman kung sakaling may hiring na position sa coffee shop na iyon, aba e, nagtaray bigla." She just laughed softly. "Just don't mind her, gano'n lang talaga s'ya 'pag bad trip," she said, laughing. Hindi na lang ako sumagot kay Nadine, since matagal na rin naman na nangyari iyon. Okay din naman kausap si Denise kapag hindi siya badtrip, baka sadyang nasaktuhan ko lang na ganoon ang mood niya kaya sa akin niya binuntong ang inis niya. Pero mali pa rin ang kaniyang ginawa. For now I'm going to focus on my job first. Absent ako kahapon kaya hindi ko pa masiyadong alam ang gagawin ko. Magtatanong na lang ako kay Nadine mamaya, para matulungan niya rin ako. Pagkapasok namin sa restaurant, kailangan naming ayusin ang mga upuan at lamesa para maging presentable itong tignan. Kailangan din naming magwalis at magpunas kahit papaano para kapag nag-open kami mamaya, ang mga customers na lang ang aasikasuhin namin. "Hey, palit muna ako ah," pagpapaalam ko kay Nadine na ngayon ay pinupunasan ang mga lamesa. She nodded. "Ah yeah, after mo ako naman, parating na rin 'yon si nunal," she said while wiping the tables. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Nadine at dumiretso na papasok sa loob ng faculty room. Saktong paglabas ko ng pinto ng faculty room, napansin ko rin na nakapapasok lang ni Levy galing sa main door. Napadako ang tingin niya sa akin, at ganoon na lang gulat na rumehistro sa kaniya nang makita ako. His lips parted upon seeing me. "Hello, good morning," I cheerfully said, at the same time, with full of sarcastic in my tone. "Oh, what are you doing here?" he said, irritatedly. I just demonstrated what I wore and he looked at me not interested. "Oh, e, ano naman kung su—" He didn't finish what he was going to say when he realized what I'm wearing. "Shuta! Teka, Nadine kasama natin 'to?" gulat na gulat na tanong niya habang nakatingin kay Nadine. "Yes," ako na ang sumagot. "Paano natanggap 'to rito?" he asked again. Ako na muli ang sumagot. "Kasi may hiring kayo at saktong ako ang nakakuha sa posisyong 'yon?" I said, asking. "Teka ba't ba ikaw ang sumasagot, ikaw na ba si Nadine?" he said, sarcastically. "E, if you look closely at Nadine, do you think she can hear you?" Muli n'yang tinignan si Nadine at tumawa. "Hindi naman s'ya bingi para 'di ako marinig ah," he replied, acrimoniously. "Shunga, what I'm trying to say is, she wears an earphone." "Oh, e, ano naman kung ma—" Eto ang hilig hilig magtanga-tangahan. 'Di malaman kung nagseseryoso o hindi. "Aish! Bahala kayo sa buhay niyo!" Padabog siyang umalis sa harapan ko sa sobrang inis na kaniyang nararamdaman. Bago siya pumasok sa faculty room, pinasadahan pa niya ako ng isang tingin, at nirolyohan ako ng mata. Iiling-iling na lang akong ngumiti at hindi na siya pinansin. Pumunta ako sa puwesto ni Nadine at tinulungan siya. Naging mahirap ang araw na 'to para sa 'kin. Sa dami ba naman ng costumer, hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin ko. Waitress ang naging trabaho ko rito, pero mukhang magpapapalit-palit ako ng p'westo. Cashier to Waitress. Kanina ko lang din nalaman na ang Cachinèes Restaurant na 'to ay tourist spot sa buong Harmown Town. Halos lahat daw ng mga tao mapaloob at sa labas, dumadayo rito para lang matikman ang mga pagkain nila rito. "Kumusta na kaya sila mama?" I whispered to myself. I decided to get my cellphone since it's our break time. As I opened my cellphone I got one message and two missed call from Sakiya. I quickly opened it. "Hoy Klaire, sakit ng ulo ko, need pa ng alak neto, joke teka punta ako sa resto n'yo boring dito sa dorm. Nangunot ang aking noo nang mabasa ko iyon, nilapag ko saglit ang basahan na hawak ko sa isang tabi saka siya ni-reply-an. "Nasaan ba si Roxanne?" Hindi ko na sana hihintayin pa ang reply niya para matawagan na ang aking nanay, nang bigla uling nag-notif na may message ako galing sa kaniya. I instantly checked it. "Humabol sa second class n'ya, ewan ko ba roon sabi n'ya nahihilo pa raw ta's pumasok pa ang yawa." Ay na'ko ewan ko na lang kung anong sabihin ng magulang n'ya 'pag nalaman 'yon. I immediately reply to her. "Hayaan mo na, baka excellent achiever 'yon 'no. Anyway, 'yong resto, malapit lang sa park, halos katapat lang ng park pala, makikita mo naman agad 'yon since ang laki n'ong pagkakalagay nila ng Cachinèes Restaurant." Hndi ko na pinansin pa ang text message ni Iyah at akmang tatawagan ko sana ang aking ina nang mapansin ko si Levy na masamang nakatingin sa akin. I rolled my eyes at him. "Hoy, bawal gumamit ng telepono sa oras ng trabaho." Bahagya niyang tinapik ang kamay ko na may hawak ng cellphone. I gave him a deadly glare. "Ano bang problema mo? Break time naman, ah!" His face contorted and imitated what I said. Imbes na maasar sa ginawa niya tinignan ko na lang ang message na galing kay Iyah nang hindi sagutin ni mama ang aking tawag. Papunta na raw siya rito, at baka ilang minuto na lang ay nandito na siya. "Sumbong kita kay Mrs. Villanasis." Nagawa pa niya akong takutin bago siya umalis sa harap ko. Buti na lang at hindi ako mabiis mapikon kung sakali na ganoon ako baka matagal ko na siyang nasaktan sa sobrang pagkapikon na nararamdaman ko sa kaniya. Wala naman akong masamang ginagawa sa kaniya, bukod sa pang-aasar, pero hindi naman 'ata tama na asarin niya rin ako 'no. Kaunti na lang at tuluyan na akong mapipikon sa kaniya. Mga ilang minuto lang ang nakalipas, bigla ng dumating si Sakiya. "Hello world, this is Sakiya Josefina Morfelliano!" she said, cheerfully as she entered the restaurant. Hindi man lang talaga s'ya nahiya. "Hey, Klaire!" she shouted and waved at me. Pasimple akong ngumiti sa kaniya dahil pinagtitinginan at pinagbubulungan na s'ya ng mga tao, pero confident pa rin s'yang naglalakad papunta sa 'kin. Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to? "Hoy Klaire ba't 'di ka namamansin?" Nagawa pa niyang hampasin ang braso ko. "Ngumiti ako, shunga. Saka nakakahiya ka, bunganga mo lang 'yong nangingibabaw," prangka kong saad na siyang nagpalukot ng kaniyang mukha. "Tse." She rolled her eyes at me, before she walked away. She went to the chair near the window, and scanned the menu placed on top of the table. Natapos na ang break time namin at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatawagan si mama. "Mamaya na nga lang pag-uwi," I whispered to myself. Nang tignan ko ang gawi ni Iyah nandoon na si Levy sa harapan niya at medyo rinig ko ang kanilang usapan. Dito ko malalaman kung ito 'yong Balboa na iniyakan ni Iyah. "Hi Ma'am! Welcome to Cachinèese Restaurant. May I have your order?" rinig kong sabi ni Levy. Nang iangat ni Iyah ang kaniyang tingin, lumatay ang pagkunot sa kaniyang noo, at gulat naman ag rumehistro sa kabuuan ni Levy. So, meaning si Levy nga talaga 'yong dapat na makaka-date ni Iyah? Tuluyan nang sumama ang timpla ng mukha ni Iyah at masamang tumungin kay Levy. "Hi Levy Balboa," Sakiya said with a smirked. "Ah, h-hello," utal na sagot ni Levy, at kita na ang pagkabalisa sa kaniya base sa kaniyang kinikilos. You messed with the wrong person' "Can we talk?" Iyah said, sarcastically, at base sa tono n'ya mukhang napipika na s'ya. "Who a-are you to talk with?" naguguluhang tanong ni Levy at kahit na anong pilit n'yang diretsuhin ang pagsasalita niya, mukhang hindi niya magawa. "Oh, you don't know me?" Iyah replied, and she even arched her brow. Halos lahat ng tao sa restaurant na iyon ay nakatingin na sa kanila dalawa. Medyo kinakabahan na ako dahil hindi magdadalwang isip si Iyah na gumawa ng eksena, lalo pa't si Levy pala 'yong tinutukoy niya. "Yes. I d-don't know you!" Bahagyang tumaas ang boses ni Levy kaya tuluyan na nilang naagaw ang atensiyon ng lahat at pinagbubulungan at tinginan na silang dalawa. Iyah smiled sweetly. "Can I introduce myself again? Like the way I introduced myself before?" Iyah crossed her arms. Makikita na ang pagkabalisa sa itsura ni Levy simbolo na hindi na niya alam ang gagawin. "What a-are you talking about?" Nagpipilit pa rin siyang patay-malisya kahit pa alam niyang sa sarili niya na alam niya ang tinutukoy ni Iyah. Palihim akong tumawa, hindi ko talaga sila pipigilan kung sakali mang may gawin si Iyah kay Levy. Deserve niya rin naman siguro iyon, dahil hindi siya um-attend sa date dapat nila. He was a irresponsible man. Isa siya sa mga patunay na ang mga lalaki ay hanggang salita lang ang kayang patunayan, pero kapag gagawin na nila ito, nagdadalawang isip pa sila. Siguro 'yong iba kaya naman panindigan, pero may mga tao pa rin talaga na hindi kaya, at iniiwan na lang ang isang babae na hindi nagpapapaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD