CHAPTER 8

2966 Words
Araw ng Linggo. I woke up because of the smell of familiar food that I always eat when I am at home. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang kisame ko na pulos glow in the dark stars. Hindi na ako nag-atubili pang bumangon at dumiretso sa banyo para mahimasmasan ang ang aking sarili. Ngunit laking gulat ko nang may bigla na lang sumigaw sa harap ko na siyang nagpagulat sa akin. "Surprise, sweetie!" My mom greeted me with her genuinely smile. I quickly rerouted my gaze to the clock on the wall, and I was left dumbfounded when I saw the time. It was only 6:30 in the morning, and I didn't expect my mom to be here this early. "Hala, ma! Ba't napaaga po kayo? Akala ko po ba after lunch pa?" I asked her with an awkward smile, and I went closer to her to hug her. "Ayaw mo bang makita nang maaga si mama?" nanlalabing ang boses na tanong niya. My lips parted, barely. "Hindi naman po, ma." I chuckled. "Wait, where's papa po?" sambit ko at nilibot ko ang aking paningin sa loob ng dorm at wala akong nakitang kahit anong bulto ng isang lalaki. "Ah, e, sweetie, may inasikaso kasi kaya hindi nakapunta, maybe next time," she answered, shyly. Well as expected. Minsan lang naman kung sumama ang tatay ko sa mga ginagawa namin ni mama. Hindi siya masiyadong vocal sa mga actions na ginagawa niya sa pamilya namin, at naiintindihan ko naman iyon. Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Napansin ko na wala ang mga kaibigan ko sa loob ng dorm kaya tinanong ko ulit si mama. "Wait ma, nasa'n po sina Sakiya pati si Roxanne?" My mom shrugged. "Girls out daw, sabi nila." Hinanda niya ang pagkain sa lamesa at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Favorite bonding ko bukod sa family bonding ay 'yong makasama rin ang mga kaibigan ko. Pero dahil nandito si mama, kay mama muna ang buong atensiyon ko. Napailing na lang ako dahil nagagawa pa ni Roxanne na mag-girls out gayong nabalitaan ko na kailangan niyang mag-review ng sandamakmak na topics. Well, ayos na rin iyon para kahit papaano mahimasmasan ang utak at katawan niya. "Ah ganon po ba. Sayang naman at 'di ka po nila makasasama," I said. "No, don't worry sweetie, marami pang next time," she jokingly said. I checked my phone when I felt it vibrated. I quickly checked it only to realize that I had received a message from an unknown number. "Hi, Klaire! This is Nadine, just save my number na, ah. Anyway, papasok ka ba ngayon?" Nakalimutan ko pala siyang sabihin kagabi dahil nakatulog din ako kaagad. Ang working time kasi namin ay 8 AM to 4 PM. Pero dapat daw nasa resto na ng 7 AM para maihanda ang kailangan gawin. I immediately replied to her. "Hello. I'm sorry I can't go today. Bumisita kasi mama. Tomorrow na lang since it's Monday, thanks!" Hinintay ko pa saglit ang reply niya pero hindi na iyon dumating pa. Naalala ko tuloy 'yong mga pinaggagawa namin ni Iyah kagabi kaya nakatulog ako nang maaga, at ang problema ni Roxanne na hindi namin mawari ni Iyah. Habang sinasabayan namin ni Sakiya ang isang kanta na galing sa isang sikat na girl group. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Roxanne nang pasuray-suray. Dali-dali akong tumayo para alalayan s'ya at pinatay naman ni Sakiya ang bluetooth speaker. "Hoy, hala bakit ganiyan ka? Anong nangyari?" tanong ko kay Roxanne at inalalayan s'yang makahiga sa kama n'ya. Umiling lang s'ya nang umiling at nakikita ko sa mata n'ya na may mga nagbabadya ng luha. "Hey Roxanne, tell us what happened. We're here to listen to you," Sakiya said. "Yeah tell us," untag ko pa. Hindi s'ya sumagot at ang mga luha niyang nagbabadya kanina ay sunod-sunod nang pumatak sa kaniyang pisngi. "Ano kasi..." panimula n'ya at nag-umpisa siyang humikbi. "Ano?" sabay naming sambit ni Sakiya. Tumawa nang pagkalakas lakas si Roxanne at pinahiran ang kanyang luha. "It's a p-pank," she said while laughing really hard. Lumukukot naman pareho ang mukha namin ni Iyah. Labis na 'yong pag-alalang naramdaman namin at ganito lang ang gagawin niya. Akmang babatukan na sana ni Iyah si Roxanne, pero agaran din itong nakailag nang dahil sa katatawa. "Ikaw nga'y magtigil sa ganyang prank mo, akala namin kung anong nangyari sayo, baka mamaya—" Sakiya didn't finish what she was going to say when I halter her. "Baka mamaya na-raid ka na pala sa labas," I said, jokingly. "Hoy, grabe naman! Nagpa-practice lang ako kasi may sinalihan akong talent show ta's ito sana 'yong talent ko. Ano, okay ba?" she asked while wiping her tears. "Need an improvement," sambit ni Sakiya at umalis na para patugtugin ulit ang bluetooth speaker. "Ang harsh ng kaibigan mo ate Klaire, tch," reklamo niya at bahagya pang tumawa. "Masanay ka na," I said, smiling. Her face contorted upon when I said it. Tinapik ko na lang muna ang balikat niya bago siya tumayo at sumunod kay Iyah. Kahit hindi sabihin sa 'min ni Roxanne ang pinagdaanan n'ya at dinadaan n'ya lang 'to sa biro. Alam kong mayroon s'yang problema base sa mga mata n'ya. Maybe she was shy to tell us what really happened. But I hope someday she will, para hindi n'ya kinikimkim ang lahat. Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Pero ang mga ngiting iyon, ay hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. May mga tao talagang gustong kinikimkim ang lahat kaysa sa magsabi sa mga kaibigan, pamilya o kahit na ano pa. Maraming mga dahilan kung bakit nila gingawa 'yon. Mayroon pa nga na kung sino 'yong masaya sa paningin mo, na kung sino 'yong mga taong tawa nang tawa, kahit wala namang nakatatawa, sila pa 'yong mga taong, ang laki ng pinagdaanan. Dinadaanan na lamang nila ito lahat sa tawa, at mukhang ganoon ang ginagawa ni Roxanne ngayon. "Sweetie?" my mom caught my attention. "You're spacing out. What bothers you?" she asked. I stared at my mother for about a couple of seconds. "Ah, ma I have a question po," I stated. "Yes, what is it?" tanong niya at inumpisahang lagyan ng pagkain ang plato ko. "Why do some people keep their problems to themselves rather than saying them to their friends or relatives?" I curiously asked. My mom sighed. "May problema ba anak?" she asked me and he held my hand. "Ah, ma, wala naman po. I have this friend po kasi na alam ko pong may problema pero 'di naman po s'ya nagsasabi sa 'min," I said. "Parang dinadaan n'ya na lang po sa tawa ang lahat kahit iba po 'yong pinaparating ng mga mata n'ya." I added, remembering what happened last night. "Well, first of all privacy," she said, na kahit hindi n'ya na ipaliwanag naintindihan ko naman na. "However, there are some people chose not to tell it to anyone, kasi akala nila nakaiistorbo sila. Akala nila kapag sinabi nila 'yong problema nila i-ju-judged sila, na akala nila sasabihan sila na ang drama mo naman. Akala nila kapag sinabi nila 'to walang makikinig o wala man lang papansin, in short they didn't care." panimulang saad niya. "Pero hindi nila alam na kapag sinabihan ka nila ng problema, isa ka sa mga pinagkakatiwalaan nila," she added. Hindi ako sumagot sa kaniya at hinintay na lamang ulit ang kaniyang sasabihin. "Kasi imagine sweetie, sa sampung kaibigan n'ya, isa lang ang nasabihan n'ya. Dahil hindi naman lahat ng bagay, alam dapat ng lahat. May mga bagay na p'wede mo namang sarilihin na lang kung kaya pa, pero kapag alam mo ng hindi na, at ikaw mismo ang nakakikita maaari mo silang kausapin nang sa gayon mabawasan ang bigat ng nararamdaman nila," makahulugang sambit ng aking ina. The most favorite part when I talk to my mom is when I ask her a question, then she answers it whole-heartedly, as if she was experiencing it by herself. Ang galing lang na kahit wala ka ng kaibigan basta may nanay kang parang kaibigan mo na rin kung makausap, sapat na. I just sighed heavily. I need to talk to Roxanne before she does harm to herself. "Sino ba 'yang sinasabi mo sweetie?" my mom asked. "Si Roxanne po," tipid kong sagot. "'Yong nakasasama n'yo rito?" I nodded. "Pero bakit parang wala naman s'yang problema?" I smiled. "'Yon nga po, ang galing po niya magtago ng nararamdaman. Pero dama ko po na may problema s'ya. Ewan ko rin, ma. I just feel it po kasi." I answered. "Well sweetie, you need to talk to her, hmm?" "Yes, ma I will. Ayoko rin po s'yang pilitin magkuwento kung ayaw n'ya talaga." I replied. Natapos na kaming kumain ni mama at napagdesisyunan naming magkuwentuhan at magkumustahan sa pagitan naming dalawa. Nakahiga ako sa hita niya at bahagya niyang hinahaplos ang aking buhok. As I watched the glow in the dark stars in the ceiling, my mother suddenly spoke. "Anyways, how's your day here? I mean every day?" she asked. Kahit gusto kong sabihin sa kanya na nakahanap ako ng trabaho, malilintikan lang ako rito. Kaya ang pinaka-best option, magsinungaling na lang talaga. "Okay naman po, actually, enrolled na po kami ni Sakiya sa Harmown University," I said, smiling. "Oh, great. Anong course ba ang ita-take mo? Accountancy pa rin ba?" she asked me while combing my hair with her hands. Actually, ang gusto ni mama na kuhanin kong course sa college ay Education. Oo, ako nga mismo gusto sanang maging guro. Pero naiisip ko na hindi pala talaga babagay sa akin ang ganoong propesyon. "Yes po ma," I shyly, answered. She just sighed heavily. "Okay. If that's what you want, I'm always here to support you in your every decisions," she said and kissed my forehead. Marami pa kaming napagkuwentuhang mga bagay tungkol sa mga nangyayari sa pamilya ko sa Cebu at paminsan-minsan ay tinatanong din ako ni mama tungkol sa nangyayari sa akin dito sa Harmown Town. Ala-sais rin ng hapon nang makauwi ang aking nanay. Ngunit hindi ko man lang natanong kung kumusta na ba ang kanilang mga utang. Whenever I open that topic, bigla bigla na s'yang magtatanong ng iba o 'di kaya'y tatayo at may gagawin. Hindi ko na rin pinilit pa at baka ayaw n'ya lang akong pag-alalahanin pa sa mga bagay tungkol sa mga iyon. It was 7 o'clock in the evening, but Iyah and Roxanne were not home yet. I decided to call Sakiya. The number you have dialed is cannot be reached, please try again later. Paulit-ulit na iyon lamang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Tinawagan ko naman si Roxanne at ganon rin ang bumungad sa 'kin. The number you have dialed is cannot be reached, please try again later. Napagdesisyunan ko na ayusin na ang mga gamit ko pangpasok para wala na akong problemahin pa sa susunod na linggo. Tutal hindi pa rin naman ako inaantok at maaga pa para matulog. Kinuha ko ang bag na ginamit ko rin no'ng nakaraang taon, dahil maayos pa naman ito hanggang ngayon. Gusto pa sana akong bilihan ni mama ng bago, pero tinanggihan ko na lamang iyon. Nakita ko rin ang mga gamit na ginamit ko noon na hindi pa naaayos ngayon. Hindi ko na nabigyan pa ito ng pansin dahil mas naging busy ako noong nakaraang bakasyon. Habang pinapagpag ko ito nakita ko ang mga kalat na nasa bag ko na nahihinuha kong isang taon ng naroon. Omg! Ito yung sulat ko sa long time crush ko noong Grade-11! Well, anyway, limot ko naman na s'ya, at wala na akong pake sa kaniya. Ilang buwan din ata akong nagkagusto roon dahil sa itsura niya. Nawala lang iyon ng malaman ko na binabae siya. Pero kung tutuusin kung titignan siya, mukha talaga siyang maskulado, at hindi akakalain na mahinhin pala. Niligpit ko na lahat ng kalat ko at inayos na rin ang buong bahay. Ni-lock ko na rin ang mga pinto at bintana, at mukhang walang balak umuwi sina Iyah at Roxanne. While scrolling through my phone, and let drowsiness visit me. I saw a post of a girl that she was in the bar. May namukhaan ako na nahagip ng camera, kaya ni-zoom ko ito. At hindi nga ako nagkakamali! Si Roxanne at Sakiya nasa bar! Napagdesisyunan kong tawagan muli si Iyah at baka sakaling masagot na niya ito. Nag-aalala ako masiyado para kay Roxanne dahil hindi ko naman alam kung sanay ba iyon uminom, at may pasok pa siya bukas. "Hello, Klaire! Sunod ka rito, dali! Party, party!" Iyon agad ang binungad sa 'kin ni Sakiya, at mahahalata sa tono ng boses n'ya na lasing na siya. "Hoy—" I was halted by the voice of Roxanne. "Yeah, ate Klaire ang ganda rito!" sigaw ni Roxanne mula sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako ng may marinig akong boses ng isang lalaki. "Wanna make out with me?" Nanlaki ang mga mata kong napatayo sa aking pagkakahiga. "Hoy, Sakiya Josefina Morfelliano at Roxanne Peralta. Umuwi na kayo ngayon, kung ayaw n'yong isumbong ko kayo sa mga magulang n'yo!" I shouted. "Wait, what? We can't hear you! I'll call you later." Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita at binaba na niya ang linya. Ang baba pa naman ng alcohol tolerance ni Iyah, hindi niya masiyadong kakayanin ang mga alak sa bar na iyon. Pero alam ko namang mabilis siyang maka-sober up. Kaya ang pinag-aalala ko ngayon ay si Roxanne na mukhang may tama na rin ng alak base sa pagkakarinig ko ng boses niya kanina. Hindi na ako nag-atubuli pang magpalit ng damit at lumabas ng bahay na suot lamang ang pantulog ko at ang jacket na binigay sa akin ni mama kanina. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bar na iyon, amoy alak at ang mga usok na nanggagaling sa vape nila ang sumalubong sa akin. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Hinanap ko sila sa lahat ng sulok ng bar na iyon hanggang sa may nakabangga akong isang lalaki. Hindi ko maaaninag ang mukha dahil kakaunti lamang ang ilaw sa bar na 'yon at puro neon lights pa. "Hey, I'm sorry." Iyon lang ang sinabi ko, pero akmang aalis na ako ng bigla n'yang hawakan ang palapulsuhan ko kaya ang nangyari napadikit ako nang bahagya sa kaniya na siya ko namang ikinagulat. Pagtingin ko sana lalakaran ko, may nakita akong mga lalaki na pasuray-suray na ang lakad at kung tinuloy-tuloy ko ang paglakad ko maaring mabunggo nila ako. Nang tignan kong muli ang lalaking humawak sa pulsuhan ko, namalayan kong magkadikit pa rin pala kami at dali-dali akong lumayo sa kanya. "Uhm, t-thank you," I stuttured. Hindi ko pa rin makita ang mukha n'ya pero nang aninagin ko ito nakita ko s'yang tipid na ngumiti. Tuluyan na akong umalis at saktong paglingon ko sa gawi ng mga bartender nakita ko ang isang lalaki na pinipilit si Sakiya na sumama sa kanya. "Hoy bobo ka ba? Sinabi ko ng ayaw kong sumama sa 'yo!" pasigaw na sambit ni Sakiya. Pumunta ako sa kinalalagyan nila at hinawakan ang kamay ng lalaki. "Let go of her hand, if you don't want me to break it," I said, nonchalantly. "Who the hell are you—" He didn't finish what he was going to say when I spoke once again. "Bitaw." "Wait, sino—" Bago pa n'ya matapos ang sasabihin n'ya, kinuha ko ang kamay n'ya at pinaikot ko ito mismo sa katawan n'ya at may narinig na lang akong biglang may nabaling buto sa braso n'ya. "Ah!" Daing niya pero hindi ko iyon pinansin. "Next time, just follow what I said, okay?" sabi ko at mas diniinan ko pa lalo ang pagkakahawak sa kaniya. "Ah, stop it, ah!" Muling daing n'ya. Lumapit ako nang bahagya sa tenga niya para marinig niya nang maigi ang aking sasambitin. "Sa susunod na makita kitang may pinipilit na babae. Alalahanin mo ang ginawa ko sa 'yo ngayon, dahil hindi lang 'yan ang matatamo mo." Banta ko sa kaniya at tinulak na siya papalayo sa kin. Dali-dali s'yang tumayo at sinenyasan pa ako ng bad finger. I didn't mind that and when I rerouted my gaze to Sakiya, she was just smiling at me. "Where's Roxanne?" I said, seriously. May tinuro lang s'ya sa likod ko at paglingon ko nakita ko si Roxanne na pasayaw-sayaw sa gitna ng stage. Kaibigan ko ba 'tong mga 'to? Hinawakan ko sa pulsuhan si Sakiya para puntahan si Roxanne. Nang makita ako ni Roxanne bigla s'yang sumigaw. "Wa! Ate Klaire you're here!" she said, enthusiastic. Pinasadahan ko nang tingin ang kaniyang itsura mula ulo hanggang paa. "I'm not here to play along with the two of you, we need to go home," I said it seriously and held their hands. Hawak hawak ko silang dalawa nang biglang magsalita si Roxanne. "Ate Klaire naman, we're having fun here, 'di ba Ate Iyah?" saad ni Roxanne at tumingin sa gawi ni Iyah. Sakiya just nodded, and her eyes were now half-closed. Humarap ako sa kanila at binitiwan sila saglit. "Isa pang reklamo n'yo, malilintikan kayo sa mga magulang n'yo," sabi ko nang may halong pagbabanta. Akmang hahawakan ko na muli ang mga pulsuhan nila nang masuka si Roxanne kaya hindi ko nagawang lumapit sa kanila kaagad. Bago ko pa man maalalayan si Roxanne patungong banyo, bigla na lang n'ya itong naiduwal sa isang lalaki na nasa likod n'ya. "What the hell?!" bulyaw ng isang lalaki. Hindi ko malaman ang gagawin gayong mukhang galit na galit ang lalaki base sa mga paghingang ginagawa nito. Malapit kasi kami sa lugar niya, at hindi ko alam kung anong sunod na kilos ang gagawin ko. Bakit ko ba kasi sinundo ang dalawang ito. Tch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD