[Aezelle's POV]
"Next semester pa ako papasok kaya hindi mo muna ako makikita sa school, so here's my calling card incase magbago yung isip mo."
Nung makababa na ako ng kotse ko ay tiningnan ko muli ang calling card ni Antoinette. Napabuga ako ng hangin dahil hindi ko maiwasang magdalawang-isip. Tama siya, kapag naging model ako ay walang hirap na mababayaran ko agad si Uno plus na hindi ko na kailangang dumepende sa perang iniwan sa akin ni Dad pero... kakayanin ko kaya?
Hindi naman ako maganda at mas lalong takot akong tumayo sa harapan ng maraming tao, but I think it would be possible since nag-offer naman si Antoinette na tutulungan niya akong paangatin yung self-esteem ko.
Pumasok na ako ng dorm at hindi ko inaasahang makikita ko siya sa pintuan ng aming kwarto.
"U-uno? Ba't ngayon ka lang?" Hindi ko maiwasang mag-alala lalo na nung narinig ko mula sa kanyang kapatid na mainit ang kanyang ulo at nagwawala sa loob ng kanyang kwarto. I can't help to feel guilty because I know he's upset because of me.
"Chanelle, I wanted to say sorry... for how I acted yesterday."
"It's not a big deal. How are you?"
Nahihiyang napahawak siya sa kanyang batok at napangiti dahilan para mapangisi rin ako. "I'm fine. Thanks for asking. Siya nga pala, gusto ko lang sanang itanong kung... nakapagdesisyon ka na ba?"
Matuwid akong napatayo dahil sa kanyang tanong. I get he's still not over it. Uno is really persistent and I don't know why.
"What will you benefit from it?"
"I-i just... I don't know. I just hate it when you're hanging around with other guys. You're being stubborn that's why I want you to be mine. I want to create a boundary, so i'm the only man allowed to be close to you."
Confusion is written all over his face and his eyes are also frustrated. Aaminin ako na nagulat ako sa sinabi niya... lalo na yung puso ko.
Ayaw kong maguluhan din kaya diretso ko na siyang tinanong. "Are you jealous?"
Nagsalubong ang kanyang kilay at umigting ang panga niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagtanong ko.
"Seryoso ka ba diyan, Chan? Ayaw ko lang na malamangan ako ng team mates ko. Huwag ka ngang mag-assume na gusto kita." Halata ang disgusto sa tono ng kanyang pananalita na siyang ikinadurog ng puso. I suddenly have the urge to run inside the room and hide myself in a blanket.
"N-now I see... but when you acted yesterday, it seems like you're not giving me a choice but to agree–"
"That's why I said sorry! f**k!" Sinabunutan niya ang sarili nung hindi sinasadyang tumaas ang kanyang boses. Nakaawang ang labi ko habang tinitingnan siyang nangingilid ang kanyang luha.
"If you're truly sorry, then let me pay you in cash. No more deals, no more dares." Natigilan siya. Kumalabog ang puso ko sa mga salitang lumalabas mula sa bibig ko. Am I accepting Antoinette's offer?
"Really? Saan ka naman kukuha ng ganoon kalaking halaga?"
"M-may napasukan na akong trabaho, so just wait and i'll pay you." Sinalubong ko ang matatapang niyang mga tingin.
Gusto kong maiyak. Ewan ko kung anong sumapi sa dila ko at kung anu-ano na lang ang sinasabi. Mapipilitan talaga akong tanggapin ang offer sa akin ni Antoinette since kailangan kong panindigan yung mga salitang nabitawan ko na.
Hindi na siya nagsalita kaya pumasok na ako sa loob para maghanap ng damit para makapagligo na.
Uno is kinda different now. Ibang-iba sa Uno na crush at kinababaliwan ko noon... I couldn't even feel the spark now unlike before. He's not the Uno that I grew up watching secretly behind my windows.
Pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko maiwasang malungkot at mapatulo ang luha ko nung umalis siya... ulit. Even if Uno was harsh on me and can't remember my name, I still care for him. Madami akong bagay na naranasan at taong nakilala dahil sa kanya.
"Hello, Antoinette? Si Aezelle 'to." I phoned her.
"Oh my gosh!" Tili nito at agad kong iniwas ang phone mula sa aking tenga.
"Are you considering my offer na ba? Kasi kanina pa ako hindi mapakali. I'm so excited to help you out at meron na ring tao sa isip ko na pwede nating kunin bilang manager mo. What do you say?" Awkward akong napangiti kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"I didn't called you because of that, sorry."
"Huh? Why did you called ba?"
"I just wanna ask if nandiyan ba si Un–"
"Could you please shut your f*****g mouth? Zip it, Nette!" I pursed my lips when I heard his voice on the other line.
"Tanga ka ba? Alam mong may kinakausap ako. Ikaw ang lumabas dito, shoo!"
Tahimik lang akong nakikinig sa bangayan nilang magkapatid at hindi ko maiwasang mapangiti. Their bond didn't change one bit.
"Sino ba yan?"
"It's Aezelle, your dorm mate."
My heart pounded loudly when I heard a long period of silence on the other line.
"See? It would have been a lot better if kanina ka pa umalis."
Bumuga ng hangin si Antoinette bago ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa akin. "Sorry sbout that. Mainit ang ulo ni Kuya simula kagabi. LQ siguro kayo."
"H-huh?"
"Mukha kasing nag-away kayong dalawa and after hearing him talking to himself, I guess he's crazy for you."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at halos mahulog ang cellphone dahil sa gulat.
"Y-you got it wrong. He was just upset because I can't agree to the thing he's proposing. I just called to ask if he's fine, nagkasagutan kasi kami kani-kanina lang."
"He's a mad lion, kahit yung mga maids ay napapagbuntungan niya ng kanyang galit. Ni-reject mo ba si Kuya?"
"R-reject?" Hindi ko maiwasang malito.
"Yeah, umamin na siguro siya sayo na gusto ka niya. Why don't you give him a chance, Aezelle? Even if it's weird in my case kasi kaedad ko lang ang babaeng nagustuhan niya, pagbigyan mo si Kuya."
"I think you got it wrong, Antoinette. Your Kuya only sees me as nothing more but a trophy... a crown to tell everyone how high he stand."