The Dean's Son

1019 Words
[Donnah's POV] "Randall Danvers, number 44. Vance Davis, zero. Yvo Hall, number 19. Griffin Ortiz, number 17. Kishmar Tan, number 8. Tyler Villegas, number 14. Faxton Hamm, number 18." Pahayag ko sa mga bakla nung sa wakas ay natapos ko ang pagawa ng mga jersey. Kinakailangan na lamang i-print ang surname, jersey number at name ng school kaya ibinigay ko na sa kanila ang kanilang mga gagawin. "Got it, gurl. Siya nga pala, sinabi sa amin ni Kambal na may modeling offer daw siya sayo, tinanggap mo na ba?" Pag-usyuso ni George habang tinutupi yung mga shirt bago pinasok sa plastic bag. "W-well, hindi naman kasi ako fit para maging model–" "Seryoso ka ba, dizai? Why are you pulling yourself down? Ang ganda mo kaya, Momshie." "Sabi niyo lahat ng tao ay maganda. Para siguro sa inyo, maganda lang ako kasi tao ako, pero hindi iyun sapat para maging isang model." Tinaasan nila akong tatlo ng kilay na parang hindi nagustuhan ang aking sinabi. Mga ma-attitude na bakla. "Pinagdududahan mo yata ang eyes ni Kambal. Lahat ng mga models na kinuha niya ay nagiging sikat dahil marunong siyang pumili. You know Cassie Villaflor? She got famous because of Kambal." Hindi ako makapaniwala. Si Cassie Villaflor? The most famous model here in town? Ni-recruit pala siya ni Antoinette? "Kapit-bahay kayo ni Kambal diba? You should know kung gaano siya kaprangka. Kung ayaw niya sa feslak mo, pangit ka. Kung pinuri ka niya, then maganda ka. Kapag naman nag-offer siya sayo para maging isang model, then hindi lang pang-ordinary yung ganda mo." Kinuwento sa akin noon ni Tess kung gaano kamaldita at kaprangka kung magsalita ang kapatid ni Uno. Dalawang quarter lang ang pinapasukan ni Antoinette at ang natirang quarter naman ay homeschool dahil sa trabaho niya. Kaya for the mean time na wala si Antoinette, si Cassie muna ang nagrereyna-reynahan sa Reamwork. "Ano ba kasi kinakatakot mo? Maganda ka, wala ka lang confidence." "N-natatakot ako... sa sasabihin ng iba." "Kung palagi kang takot dahil sa opinyon ng iba, then trust me, gurl, you will never be successful in life." "Peppa's right, Aezelle. Besides, nandito naman kami lalo na yung Summoners afam, susuportahan ka namin." Tipid akong ngumiti dahil sa kabutihang ipinakita nila. I lost Tess, but I gained friends after I lost one and this time, hindi na plastic yung mga kaibigan ko. "Tama kayo. Siguro kailangan ko lang magtiwala kay Antoinette." "That's the spirit, Momsh! Yung kay Uno pa pala nakalimutan mong sabihin." Nakakamot sa ulong pahabol niya at napagitla naman ako nung malimutan ang pangalan niya... ang pangalan ng MVP. "Ujeen Orus Navarro... number 13." . "... goodbye, Miss Cuenca." We all said in chorus when finally, our Science subject ended. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa dadating na scrapbook making as project namin... by group pa. Wala naman akong ka-close sa mga classmates ko at lalong walang gustong makipag-group sa akin. Alam ko naman kasing may ka-grupo na si Tess at kung wala pa, hindi ako magtatangkang lalapitan siya... i've had enough. "Miss Cuenca," lumapit ako sa Science Teacher namin nung makalabas na ang ibang mga kaklase ko. "Yes, Miss...?" "Cabrera," just what I thought. Hindi niya alam ang apelyido ko. "M-miss Cabrera, can I help you?" "Yung project po ba, pwede ko pong gawin na ako lang mag-isa?" "Alin sa part na 'groupings' ang hindi mo maintindihan, Miss Abanella?" "Cabrera po." "Well, yeah, Miss Cabrera. Alin ang hindi mo maintindihan?" Napalunok ako. Kaya nagdadalawang-isip pa ako kanina kung lalapit ako, napaka-terror kasi. "W-wala naman kasi akong masyadong gagawin at ako na lang ang walang grupo kaya kung pwede pong mag-individual na lang po ako." Ba't ko nasabi iyun? Madami akong gagawin! Gusto kong umiyak. May debate pa kami at impersonation sa English, pero okay na yun kesa mapilitan akong sumali sa groups ng mga kaklase ko. "Are you sure about this, Miss C-cabrera? You'll be making a scrapbook that comprises three chapters of our lesson. Makakaya mo ba?" Hindi! One is already too much for my brain cells and strength, but do I have a choice? "O-of course, Miss Cuenca. For my grades, lahat kakayanin ko." I showed her the determination in my eyes even if i'm just next in having a mental breakdown. "Then you have my permission, Miss Cabrera, as long as you hand this to the Dean." Sabi niya sabay bigay sa akin ng isang folder kung saan naka-compiled ang makapal na mga papeles. Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na kinuha ang bag ko bago lumabas ng room. Maayos naman na ganito... it's okay to be alone kesa naman makipaggrupo ako. Well, actually, wala naman kasi akong choice. No one would even dare to pair up with me. Mukha lang akong nerd pero yung utak ko ay average lang. Kaya baka dudugo ang ilong ko sa dami ng mga gawain. "Can you just please listen to me at least for once?!" "I had enough of this. Go home, son–" "f**k that! How can you call me that without listening to the words I say?! Ikaw na lang palagi ang tama. Nagmamagaling–" Napaatras ako at nanlalaki ang mga mata nung maabutan ko si Randall sa office ng Dean. His jaw is clenching after he received a punch from the Dean. His gaze fell on me and he was stunned to realize that I witnessed what happened. "D-dean, pinapaabot po pala ni Miss Cuenca. Sige po, excuse me." I put the documents on his desk before I quickly left his office. Son... he's the Dean's son? Si Randall Danvers? Paano nangyari iyun? Our Dean is Mr. Halep, they don't have the same surnames. No one in Reamwork knows that Mr. Halep has a son and no one would even thought that it would be Randall, one of the basketball stars in Reamwork University. "Aezelle!" Tumigil ako sa pagtakbo at lumingon. Napalunok ako nung makita si Randall na madilim ang mukha at dumudugo ang labing lumapit sa akin. "Forget what you f*****g saw back there, or else... ako mismo ang kakaladkad sayo palabas ng Reamwork. Naiintindihan mo ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD