“MANANG Seda, kumusta po?” bungad ko sa ginang nang siya ang sumalubong sa akin sa malawak na teresa ng malaking bahay ni Mama Helina. “Kami dapat ang nangungumusta sa’yo, hija,” aniya. Matamis niya akong nginitian pagkatapos ay mahina niyang tinapik ang baraso ko. “Pumasok ka muna. Nasa likod si Helina, inaabala ang sarili niya.” Nang marinig ko iyon ay nabawasan ang mga ngiti sa aking mga labi. Bumisita ako ngayon upang dalawin ang ginang. Nabalitaan ko kasing iniwan na niya ang mataas niyang posisyon sa kumpaniya buhat ng muli nilang pag-aaway ni Yosef. Hindi lingid sa aking kaalaman kung gaano kahalaga ang puwesto na iyon sa ginang. She almost dedicated her whole time and efforts just to protect it. But because of her guilt towards her eldest, binitawan niya ito. Nararamdaman ko an

