Maxwell's POV
Nang pumasok na si Capri para simulan na ang pagiging Vice Chairman, sinabihan ako ni Tito Zeus na samahan si Capri sa pag interview para sa kanyang Secretary.
Pumasok sa loob ng kanyang opisina, pagkakita ko sa kanya, hindi ko napigilang mapatitig. Sobrang ganda niya sa suot niyang formal suit bagay na bagay sa kanya. Simple lang pero ang lakas ng dating. Halatang pinag-isipan niya ang bawat detalye.
Napansin ata niya na nakatitig ako sa kanya dahil bigla rin siyang napatingin sa akin. Saglit kaming nagkatitigan, pero agad siyang umiwas ng tingin. Kita ko rin kung paano namula ang kanyang pisngi, dahilan para mapangiti ako nang hindi ko namamalayan.
Kilalang masyadong metikulosa si Capri pagdating sa pagpili ng kanyang secretary. Ayaw niya ng basta-basta lang, lalo na kung alam niyang may potential ang isang empleyado.
May isa pa nga siyang pinag-isipan nang husto dahil magaling talaga ito sa trabaho. Sayang naman, pero sa huli ay ni-refer na lang niya ang empleyado sa HR, dahil naniniwala siyang makakatulong ito sa company.
Pagsapit ng pananghalian, nilapitan ko siya tinanong kong naka order naba si Nox ng lunch niya, pero sinabi niyang sasama umano siya sa akin sa cafeteria. Mas lalo ko siyang hinangaan sa sandaling iyon.
Hindi siya katulad ng ibang babae na mapili o maarte pagdating sa ganitong bagay. Wala siyang pakialam sa status o sa sasabihin ng iba. Doon ko lalo naisip na magaling talagang magpalaki ng mga anak si Tito Zeus.
Kitang-kita kung paano niya itinuro sa kanila ang pagpapakumbaba at pagiging makatao, sa kabila ng kanilang estado sa buhay. Hindi ko maiwasang mapangiti sa isip na iyon. Pero sa totoo lang, parang hindi ako makapaghintay na maging akin si Capri.
May parte sa akin na gustong-gusto ko na siyang angkinin, pero alam kong hindi puwedeng madaliin ang mga bagay. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya. Gusto kong dumating ang panahon na siya mismo ang lalapit, dahil handa na siya.
Habang kumakain kami, napapansin kong palihim pa rin siyang tumitingin sa akin. Sa tuwing magtatama ang aming mga mata, pareho kaming biglang iiwas ng tingin.
Hindi ko rin maiwasang titigan ang kanyang maamong mukha, lalo na kapag seryoso siyang ngumunguya o bahagyang nakangiti habang nakikinig sa mga kuwento sa paligid.
May kakaiba siyang charm na hindi pilit at hindi kailanman nakakaumay. Pagbalik namin sa opisina, tumunog ang telepono. Si Tito Zeus ang tumatawag. Maayos at diretso ang bilin niya sa akin.
Sinabi niyang turuan ko raw si Capri sa lahat ng tungkol sa mga deal at pagbabasa ng contracts. Gusto rin niyang isama ko siya sa mga meetings at transactions para mas matuto at masanay sa takbo ng negosyo.
Napaisip ako na mukhang madalas kaming magkasama ni Capri sa mga susunod na araw. Hindi ko napigilang mapangiti lalo na nang marinig ko ang huling sinabi ni Tito Zeus, “Start pursuing my daughter.”
Sa isip ko, gagawin ko naman talaga iyon. Hindi dahil sinabi niya, kundi dahil gusto ko si Capri. Buo ang loob kong gawin ang lahat para makuha ang tiwala niya, at sana, balang araw, maramdaman ko rin na gusto niya ako pabalik.
Tinawagan ko siya dahil gusto kong pumunta siya sa office ko para tulungan akong basahin ang mga proyekto at kontrata.
“Hello? You need anything from me?” agad niyang sagot sa kabilang linya.
“Yes, please come to my office,” maayos kong sabi.
“Okay, coming,” sagot naman niya, diretso at walang arte.
Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang bell ng office ko. Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko siyang nakatayo sa harap ko. Lumapit siya, pumasok, at naupo sa silyang nasa tapat ng desk ko.
“So, what is it?” tanong niya.
Itinuro ko ang mga file na nakapatong sa harap ko.
“This is the project, and this is the contract,” paliwanag ko.
“Please kindly review them and learn from them.
If you have anything to suggest, you can write it directly on the contract.”
Tumango siya bago muling magsalita. “Okay, so I’ll work here?” tanong niya, sabay tingin sa desk.
“Yes, or you can sit on the sofa,” sagot ko.
“Better on the sofa,” sabi niya, may kasamang maliit na ngiti.
Tumayo siya at naglakad papunta sa sofa. Tumayo rin ako at dinala ang mga files, inilagay ko iyon sa maliit na table sa harap niya. Pagkaupo niya, agad siyang nag-umpisang magbasa ng mga dokumento, seryoso at tutok kanyang binabasa.
Habang nagbabasa siya, paminsan-minsan ko siyang tinitingnan. Napangiti ako nang mapansin kong sobrang focused niya. May mga sandaling napapailing siya, parang may nakikitang kailangang ayusin o pag-isipan pa.
Kita sa kilos niya na hindi siya basta nagbabasa lang. Iniintindi niya ang bawat detalye.
Doon ko naalala na noong nasa New York pa siya, tinuruan siya ni Gemini kung paano makipag-deal. Genius si Gemini, at alam kong hindi siya nagkulang sa pagtuturo sa kapatid niya.
Kitang-kita ko ngayon ang resulta. Hindi lang siya maganda, marunong din siyang mag-isip at magtrabaho. May laman ang bawat opinyon niya, at halatang sanay siyang magsuri bago magsalita.
Maya-maya, tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa akin, may hawak na folder. Huminto siya sa tabi ko at bahagyang inilapag ang folder sa desk.
“Maxwell, kindly check this,” sabi niya, kalmado pero may kumpiyansa sa boses.
Nasa gilid ko siya habang itinuturo ang laman ng folder. “There’s something off about this project. Don’t approve it,” dagdag pa niya, seryoso ang tono.
Napangiti ako. Nabasa ko na rin ang proposal na iyon at hindi ko rin nagustuhan. Eksakto ang obserbasyon niya. Sa isip ko, she passed my test.
“Yeah, same for me,” sagot ko habang muling tinitingnan ang dokumento. “Don’t worry. This project will not be approved. Since ikaw na rin naman ang magre-review at magbibigay ng initial approval ngayon.”
Bahagya siyang napalingon sa akin, halatang nagulat. “Daddy allowed me to do that?” tanong niya, may halong pag-aalinlangan at gulat.
“Yes,” sagot ko agad. “Actually, sinabi niya sa akin na kung ano man ang magiging assessment mo, sisiguraduhin kong rerepasuhin ko rin at susundin iyon.”
Tumango siya, tila mas kampante na ngayon. “Okay then,” sabi niya, may maliit na ngiti. “I’ll continue reviewing the rest.”
Habang bumabalik siya sa sofa, hindi ko maiwasang mapangiti ulit.
Hindi lang siya nandito para matuto. Handa na rin siyang magdesisyon. At alam kong sa mga susunod na araw, mas lalo ko pa siyang hahangaan—bilang propesyonal, at bilang babae.
Ilang oras din akong nakatitig sa mga dokumentong binabasa ko nang mapansin kong nanahimik ang paligid. Doon ko nakitang mahimbing na palang nakatulog si Capri sa sofa.
Marahan akong tumayo at lumapit sa kanya upang ayusin ang kanyang posisyon. Dahan-dahan ko siyang inalalayan sa paghiga; bakas sa kanyang mukha ang pagod mula sa buong araw na trabaho.
Tiningnan ko ang oras—isang oras na lang bago ang uwian. Sabi ko sa sarili ko, hahayaan ko muna siyang magpahinga ng tatlumpung minuto bago ko siya gisingin.
Ngunit habang pinagmamasdan ko ang kanyang payapang mukha, tila huminto ang takbo ng oras. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong magnetismo na humihila sa akin papalapit sa kanyang labi.
Bago ko pa mapag-isipan ang aking ginagawa, dahan-dahan nang lumapat ang aking mga labi sa kanyang mapupulang labi.
Gulat ang rumehistro sa akin nang bigla niyang imulat ang kanyang mga mata sa gitna ng aking mga halik.
Sandali akong napatigil, inaasahang itataboy niya ako o magagalit siya, ngunit laking gulat ko nang muli niyang ipikit ang kanyang mga mata at simulan akong tugunin. Doon ay naging mas malalim at mapusok ang aming paghahalikan.
Ramdam ko ang mabilis na t***k ng aking puso at ang init na dahan-dahang bumabalot sa aking buong pagkatao.
Ako na ang kusang huminto bago pa kami tuluyang madala ng sitwasyon.
Hinihingal kaming pareho habang nakatingin sa isa't isa, at kitang-kita ko ang matinding pamumula ng kanyang mukha na abot hanggang sa kanyang mga tainga. Habang nakatitig sa kanya, isa lang ang pumasok sa isip ko:
Hindi siya tutugon nang ganoon kung wala siyang nararamdaman. Posible kayang gusto rin ako ni Capri?