Chapter-09

1343 Words
Maxwell's POV Pagkatapos na pagkatapos kong gumaraduate, hindi na ako binigyan ni Daddy ng chance na makapag-relax. Sinabihan niya agad ako na ako ang papalit sa position niya bilang Executive Assistant ni Tito Zeus. He is not just anyone—siya ang richest man in the Philippines at ang pinakamayaman sa buong Asia. On a global scale, he consistently holds a spot among the top 15 richest people in the world. Pero ang mas nakaka-intimidate ay ang balitang napatalsik siya sa ranking ng sarili niyang panganay na anak, si Gemini. Gemini is on a whole different level; she’s currently in the top 10 richest people in the world. Pero dahil sa America siya nakabase at doon pinapatakbo ang kanyang sariling business empire, si Tito Zeus pa rin ang kinikilalang pinakamayaman sa Asia. The thought of working for a family this powerful makes my heart race. Hindi lang ito basta trabaho—papasaok ako sa isang mundo ng extreme wealth at influence. I can’t help but wonder: am I ready to face the man who rules Asia, or even worse, the daughter who surpassed him?" Sa Davao ako lumaki at nag-aral. Our family owns several businesses and a wide farm here in Davao. Ang side ng mother ko ay isa sa mga mayayaman dito. Although my dad works as an Executive Assistant, he is also a business partner of Tito Zeus. Maliit lang ang share niya, around 10%, pero malaki na rin iyon, lalo na’t billions ang pumapasok sa Sull-Dubious Corporation. Because of that, maaga akong na-expose sa negosyo at kung paano gumagana ang management at investments. Hindi man kami palaging loud about our wealth, lumaki ako na may awareness sa responsibility na kasama nito. My parents always reminded me na hindi sapat ang privilege, kailangan may disiplina, respeto, at sariling effort para maging deserving sa kung ano ang meron kami. Isang taon akong tinuruan ni Daddy kung paano maging Executive Assistant ni Zeus Sullivan. Marami akong natutunan, at marami rin akong pinagdaanan. I worked hard to be where I am today. Hindi madali ang proseso, pero bawat araw may bagong lesson. Eventually, isa na ako sa mga pinagkakatiwalaan ni Tito Zeus pagdating sa negosyo nila. Isang araw, kinausap niya ako nang masinsinan. Sabi niya, “Maxwell, my daughter Capri will be the next Chairman of my company. I hope that you’ll be there to train her and guide her.” Malinaw sa tono niya na hindi lang ito simpleng pakiusap, kundi isang responsibilidad na ibinibigay niya sa akin. Sa lahat ng mga anak ni Tito Zeus, si Capri ang napiling tumanggap ng responsibilidad bilang tagapagmana at kapalit niya sa kumpanya. Hindi ito basta-bastang desisyon, at alam kong mabigat ang magiging papel niya. Isang beses ko pa lang siya nakita, noong graduation niya. Naalala ko pa noong araw din iyon namatay ang boyfriend niya. Dahil doon, ipinadala siya sa New York para makalimot at makalayo muna sa lahat ng sakit. Sa lahat ng anak ni Tito Zeus, kay Capri lang ako naging interesado. To be honest, magaganda silang magkakapatid, pero iba ang aura ni Capri. Tahimik pero her attitude and aura is like her father. Naalala ko pa noon nang sinabi ni Tito Zeus sa akin na sana raw isa sa mga anak niya ang mapangasawa ko, para may katuwang ako sa pag-manage ng kanilang business. Hindi man niya direktang pinangalanan kung sino ang tinutukoy niya, alam ko na agad kung sino iyon. Because I know, Gemini already has her own empire, habang si Aries naman ay may sariling career bilang isang model. Si Aqua naman ay masyado pang bata para akuin ang ganoong kabigat na responsibilidad. Kaya malinaw sa akin na si Capri ang tinutukoy niya. I couldn’t help but feel excited. I know I like Capri. Sa unang kita ko pa lang sa kanya, ramdam ko na agad iyon. Hindi ko man siya lubos na kilala noon, pero may something sa kanya na agad kong nagustuhan. Maybe it was her presence, or the way she carried herself even during a painful moment. Hanggang sa bumalik na si Capri sa Pilipinas. Ayon kay Tito Zeus, Capri had already moved on. Tumawag raw siya para sabihin na handa na siyang bumalik at simulan ang training niya bilang heir ng Sull-Dubious Corporation. Determinado na raw siya, mas kalmado, at mas focused kaysa dati. Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong na-excite sa ideyang makatrabaho si Capri. Hindi lang dahil sa posisyon niya o sa pangalan ng pamilya nila, kundi dahil gusto kong makita kung sino talaga siya kapag nasa gitna na ng pressure, desisyon, at responsibilidad. Nang makita ko siya sa opisina ng Daddy niya, dahil bibisita raw siya, napansin ko agad na ibang-iba na siya. She looks more gorgeous than I remembered. Tumibok ang dibdib ko. Dmn!. Her lips looked so inviting, her posture confident, and her presence unmistakable. Her body moved with precision and grace. She was the epitome of elegance, the kind that doesn’t need effort to be noticed. Gusto ko sana siyang samahan mag-shopping, lalo na’t narinig ko kanina mula sa bodyguard niya na may sumusunod daw sa kanya. Pero agad siyang nagreklamo at sinabi na hindi na raw kailangan. Walang pag-aalinlangan niyang paki-usap sa kanyang Ama. I know she’s stubborn. Ilang beses nang naikuwento ni Tito Zeus sa akin kung gaano katigas ang ulo ni Capri kapag may gusto siyang gawin gagawin talaga niya. Kaya kahit hindi ko pa talaga siya nakakasama nang personal, pakiramdam ko kilala ko na siya. Nakilala ko siya sa pamamagitan ng mga kuwento ng kanyang ama. Sa paraan ng pag-aalala ni Tito Zeus, at sa bigat ng expectations na ipinapasan niya kay Capri. Maya-maya, pinatawag ako ni Tito Zeus sa kanyang opisina. “Maxwell, have a seat,” agad niyang sabi. Umupo ako sa harap niya, ramdam ang bigat ng usapan bago pa man niya ito simulan. “This is about Capri,” sabi niya. “Ask someone to investigate who’s been following her. I have a bad feeling this is connected to Evan’s death.” Nanlamig ako sa narinig ko. Matagal ko nang hinala na may foul play sa pagkamatay ni Evan, ang dating boyfriend ni Capri. Hindi iyon aksidente. At base sa tono ni Tito Zeus, malinaw na pareho kami ng iniisip. Sinubukan na raw niyang ipaimbestigahan ang kaso noon. Kinausap pa niya ang ama ni Evan, pero mariing tinutulan nito ang imbestigasyon. Dahil doon, napilitan siyang itigil muna ang lahat. Habang patuloy ang pag-uusap naming dalawa, bigla niyang binitawan ang mga salitang hindi ko inaasahan. “Maxwell, I want you to marry Capri,” deretsong sabi ni Tito Zeus. Napatigil ako. Hindi dahil sa gulat lang, kundi sa bigat ng kahulugan ng mga salitang iyon. “I don’t know who else would deserve her, and I know you can handle her,” dagdag pa niya. Masaya ako. Totoo iyon. Malaking bagay ang tiwalang ibinibigay niya sa akin, lalo na’t si Capri ang pinag-uusapan namin. Hindi iyon basta responsibilidad, kundi isang bagay na personal para sa akin. Pero kasabay ng approval ni Tito Zeus, may alinlangan din sa puso ko. Hindi ko alam kung magugustuhan din ba ako ni Capri, o kung handa ba siyang pumasok sa ganoong klaseng relasyon. “I will support whatever you need to do to earn Capri’s heart,” sabi pa ni Tito Zeus, seryoso ang tono. Huminga ako nang malalim bago sumagot. “I will do my best, Tito. Pero hindi ko alam kung pareho kaming nararadaman. To be honest with you, I like her.” Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa. Pakiramdam ko, wala namang saysay ang magsinungaling sa puntong iyon. Ngumiti siya nang bahagya. “Then I don’t have a problem if you pursue her. I trust your intentions.” Tumango ako, ramdam ang bigat at determinasyon sa dibdib ko. “I will do my best, Tito,” pahayag ko. Hindi ko man alam kung saan hahantong ang lahat, pero sigurado ako sa isang bagay: hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay niya sa akin, at higit sa lahat, hindi ko lolokohin ang damdamin ni Capri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD