Chapter-08

1304 Words
Capri's POV Ibinigay ni Maxwell ang limang CV ng mga applicant. Siya rin umano ang pumili sa kanila. Isa-isa kong tiningnan ang mga CV. Tatlong babae at dalawang lalaki. Mukhang binabae ang isa sa mga lalaki, pero in fairness, hindi naman halata. Isa-isa niyang pinapasok ang mga nakapasa sa initial interview. Kasama ko si Maxwell nang i-interview ko ang limang applicant. Lahat sila, stand out actually. May kanya-kanyang strengths. Pero may dalawa talaga akong nagustuhan dahil matalino sila at mukhang mababait pa. Pinaiwan ko muna ang dalawa dahil ayokong masayang ang potential nila. Kinausap ko si Maxwell tungkol sa mga napili ko, pero sinabi niya na isa lang talaga ang dapat kong piliin. Kaya tinawag ko ulit silang dalawa at isa-isa ko silang in-interview, i ask them a difficult question. After that, I finally decided kung sino ang pipiliin ko para sa position. Iyong isa naman, naisip kong i-recommend sa ibang department dahil sayang talaga ang galing niya. Tinawagan ko si Daddy at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa isang applicant na na-interview ko. Pumayag naman siya at sinabi niyang tawagan ko si Nox para ma-endorse siya sa HR. Hindi ko na rin pinatagal. Pinapasok ko ulit siya sa room at sinabi kong napili ko siya para maging secretary ko. Nang pumasok siya, napangiti siya sa akin. “Congratulations, Kirallene. Can I call you Kira?” “Sure, Ma’am,” sagot niya. “You may call me Miss Capri. Nox will provide your contract for signing so you can start tomorrow as my secretary. He will also discuss your duties with you,” pahayag ko sa kanya. “Thank you, Miss Capri,” tugon niya, halos maiyak na sa tuwa. Medyo mahinhin siya. Simple lang kung manamit, pero napaka-confident niyang magsalita. Ramdam mong may potensyal at may magandang future siya sa company namin. Pumasok si Maxwell sa office. Lumabas kasi siya kanina at ako ang pinag-decide niya kung sino ang pipiliin ko. May ngiti sa labi niya nang sabihin niya, “Sa wakas, nakapili ka rin.” “Yeah,” sagot ko. “Actually, mahirap mag-decide, pero I really had to. I recommended the other one to a different department.” “Good decision,” sabi niya. “So starting tomorrow, magwo-work ka na rin dito full-time?” “Yeah, kasi aalis daw sina Daddy,” sagot ko. “Oo, sa Dubai,” dagdag niya. “By the way, it’s lunch time. I think Nox can order something for you.” Napaisip ako sandali, saka ko siya tinanong, “How about you? Saan ka kakain?” “In the cafeteria,” sagot niya. Tumingin ako sa kanya at medyo nag-alinlangan bago magtanong, “Am I allowed to eat there?” Gusto ko kasing makita ang buong lugar at mas makilala ang office environment. Gusto ko ring makita at makahalubilo ang ibang empleyado para mas maintindihan ko kung paano talaga ang takbo ng kumpanya. Napangiti si Maxwell at bahagyang napa-iling. “Of course,” sagot niya. “It’s your company too. If you want you can come with me.” “Ok,” sabi ko. “I will just inform Nox that I will eat in the cafeteria.” Tinawagan ko si Nox para sabihin na huwag na akong orderan ng pagkain. As for Dad, uuwi raw siya sa mansion dahil bukas na ang alis nila. Wala raw siyang meeting ngayon. Binilin niya rin sa akin na pagbalik niya, he will officially introduce me as the Vice Chairman. Naglakad kami palabas ng office. Habang nasa elevator kami, napansin kong tahimik lang siya. Parang may iniisip. Ako naman, busy sa pag-o-observe sa paligid. Ang linis ng hallway, maayos ang galaw ng mga tao, at ramdam mong alam ng bawat isa ang ginagawa nila. Pagdating namin sa cafeteria, agad kong napansin na maraming empleyado ang napatigil sandali at palihim na tumingin sa akin. Hindi naman halata, pero ramdam ko. Siguro iniisip nila bakit ako andito sa cafeteria. Umupo kami sa isang bakanteng mesa. Simple lang ang pagkain, pero mukhang masarap. Totoong pang-employee lunch. “This is nice,” sabi ko habang tinitingnan ang paligid. Maxwell smirked. “Welcome to reality.” Napatawa ako. “I need this. Ayokong puro boardroom at private offices lang ang alam ko.” Tumango siya. “That’s good. Mas maiintindihan mo ang mga tao dito.” Habang kumakain kami, may ilang empleyadong bumati kay Maxwell. Ngumiti lang siya at tumango pabalik. Doon ko na-realize na respetado talaga siya rito. At doon ko rin naisip, hindi lang pala kumpanya ang minamana ko. Pati ang responsibilidad sa mga taong nandito. Tumingin si Maxwell sa akin. “What do you want to eat? You need to fall in line to choose some food,” saad niya sa akin. Alam kong hindi niya ito inaasahan, pero I want to know and observe all the employees. Tumayo ako at sinundan siya. Binigyan niya ako ng lunch plate. Tiningnan ko iyon, pagkatapos ay tiningnan ko si Maxwell. “Just follow me,” sabi niya, kaya napangiti ako. “I know this is new to you. You don’t need to force yourself,” dagdag niya, may kasamang smirk. “It’s fine. At least let me try to eat here,” sagot ko, sabay nguso ng labi. “Don’t pout your lips, please,” saad niya. Mas lalo ko pang pinanguso, at nakita ko siyang napa-iling na lang. “You’ll be our Vice Chairman soon. Don’t expect me to train you lightly,” narinig ko pang sabi niya. Pumili na ako ng pagkain. Hinintay pa ako ni Maxwell na matapos, saka kami bumalik sa table namin. Napansin kong tinitingnan kami ng mga empleyado. May narinig pa akong bulong-bulungan na ang ganda raw ni Miss Capri at bagay raw kami ni Sir Maxwell. Napangiti na lang ako. Nang umupo ako sa table, nagsalita si Maxwell. “You’re not bothered by what the employees are talking about us?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “Not at all. Actually, it’s a compliment for me, because I’m being linked to the almighty Maxwell,” pabiro kong tugon, sabay ngiti sa kanya. Napa-smirk naman siya. Habang kumakain kami, mas napansin ko ang paligid. May mga nagtatawanan, may seryosong nag-uusap tungkol sa trabaho, at may tahimik lang na kumakain. This is my daily life starting from now. I will see these people every day, especially Maxwell. He will be with me all the time. Kinakabahan pa rin ako sa presensiya niya, lalo na kapag napatitig siya. But I need to get used to it. Kailangan ko siyang pakisamahan, lalo na pagdating sa kanyang pagtuturo. Napatingin ako sa kanya, hindi ko namalayan na nakatitig pala siya sa akin. Nagkasalubong ang aming mga mata. Nataranta ako at hindi ko alam kung saan ako titingin dahil iba ang titig ni Maxwell, parang nakakatunaw. Naramdaman kong umiinit ang mukha ko. Nakita ko pa siyang ngumiti bago niya ibinaling ang atensyon sa pagkain. I tried to calm myself, pretending to focus on my food. Pero kahit anong pilit ko, ramdam ko pa rin ang presensiya niya sa tabi ko. “Relax,” bigla niyang sabi, mababa ang boses. “You look like you’re about to bolt.” Napatingin ako sa kanya ulit. “Do I look that obvious?” He chuckled. “A little.” I sighed. Pagkatapos naming kumain, tumayo siya at kinuha ang tray niya pati narin ang tray ko. “Come on. I’ll show you the rest of the floor.” Tumayo rin ako, mas kalmado na kaysa kanina. Habang naglalakad kami palabas ng cafeteria, naisip ko na kung ganito pala ang araw-araw kong makakasama si Maxwell, hindi lang trabaho ang kailangan kong paghandaan. Pati ang sarili ko, dahil may kakaibang hatid si Maxwell sa akin. I don’t know what it is, pero pakiramdam ko mahuhulog ako sa bitag niya kapag ganito lagi kaming magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD