Chapter-07

1501 Words
Capri's POV  Habang kumakain kami ni Ate Maxie sa restaurant, lumapit si Kuya Carl. Marami na siyang restaurants ngayon, pero madalas pa rin siya rito sa branch sa mall na pag-aari ng pamilya nila Ate Maxie, dahil ito ang una niyang itinayo. “How’s the food?” tanong agad niya sa amin. “Masarap, Kuya Carl,” sagot ko. “Your food is on me. Consider it a welcome-back treat,” sabi niya, nakangiti. “Thank you, Carl,” sambit ni Ate Maxie. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako kay Ate Maxie na uuwi. Kailangan ko kasing magpahinga nang maaga dahil maaga rin ako gigising bukas. Paglabas ko ng restaurant, may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko ang kapatid ni Evan. “Hi, Capri!” tawag niya. Lumapit ako. “Hi, Eira!” “Kailan ka dumating galing US?” tanong niya. “Two days ago, pa. How’s Tita?” sagot at balik-tanong ko. “She’s fine. Galing ako sa kanya kahapon,” pahayag niya. “Please tell her na if I’m not busy, I’ll visit her soon. Can I have her number?” Hiling ko. Ibinigay naman niya ang number ni Tita, kaya nagpasalamat ako. Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na rin ako. Sumabay sa akin ang dalawang bodyguard ko palabas ng mall. Habang naglalakad kami, bigla akong kinilabutan. May pakiramdam akong may matang nakatingin sa akin—hindi ko lang alam kung saan nanggagaling. Napalingon ako, pero wala akong mahuli. Nagtuloy lang kami sa paglakad, pero hindi nawala ang bigat ng pakiramdam sa dibdib ko, na para bang may sumusubaybay sa bawat hakbang ko. Pagkarating ko sa VIP parking, sinabi ko kay Dindo na sa CUV ako sasakay. Kinakabahan kasi ako; pakiramdam ko may sumusunod sa akin mula pa kanina. Ibinigay ko ang susi sa isa ko pang bodyguard para siya na ang magmaneho. Pagdating namin sa mansion, dumiretso ako sa kwarto ko. Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang pumasok ang staff namin para ipasok ang mga pinamili ko. “Paki-arrange na lang sa closet ko, please,” utos ko. “Sure, Miss Capri,” sagot ng staff. “By the way, Len, ‘yung mga damit sa box na ‘yan luma na. You can have them—share them with the others, ha,” sabi ko. “Okay, Miss Capri. Salamat,” sagot ni Len, halatang natuwa. Ganito talaga kami sa bahay. Instead of throwing things away, binibigay namin sa mga staff—kahit pa minsan mamahalin. Minsan pati jewelry, kapag hindi na namin ginagamit, ipinapasa na lang namin sa kanila. Lahat kasi sila, matagal na nagsilbi sa amin at halos pamilya na rin ang turing namin. Pagkaalis ng staff, naupo ako sa kama. Tahimik ang buong kwarto, pero ang kaba sa dibdib ko hindi pa rin nawawala. Kanina pa ako may pakiramdam na parang may sumusunod o nakamasid. Hindi ko alam kung pagod lang ba o may dapat talaga akong ikabahala. Huminga ako nang malalim at sinubukang kumalma, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Sana bukas mawala na itong nararamdaman ko, sa isip-isip ko. Kinabukasan, maaga akong nagising. Sabay pa kami ni Daddy na bumaba ng hagdan. “Good morning, my third princess,” bati ni Daddy, nakangiti habang inaabot ang shoulder ko. “Good morning, Daddy,” tugon ko. “By the way,” patuloy niya, “tomorrow, Nox and I will be traveling to Dubai. Kasama rin namin ang Mommy mo.” Sanay na ako sa ganito. Tuwing may business trip si Daddy—lalo na kung abroad—isinama niya si Mommy. Para raw may kasama siyang nag-aalaga sa kanya, pero sa totoo lang, halatang ayaw lang niyang mag-isa. “So… I need to start tomorrow right away?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa dining area. “Yeah. Don't worry, Maxwell is with you. This meeting is important,” sagot niya. “I’ll be meeting with the Crown Prince of Dubai.” Napataas ang kilay ko nang bahagya. “Okay, Daddy.I'll try my best.” Pagdating namin sa dining room, naroon na si Mommy, abala sa pag-aayos ng table. Sabay na kaming umupo at nagsimula ng breakfast. Habang kumakain kami, naisip ko na magiging busy ang mga susunod na araw. At kahit medyo kinakabahan ako sa responsibilities na haharapin ko, umaasa akong tutulungan ako ni Maxwell. Kinakabahan ako sa ideya na kami lang dalawa ang magkasama simula bukas. Hindi naman siya nakakatakot—never naman—pero kapag nasa paligid ko siya, hindi ko maiwasang kabahan. May presence siya na parang laging seryoso, laging composed, at napaka-intimidating ng dating niya. To be honest, laging kumakabog ang dibdib ko kapag kasama ko siya. Hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa presensiya… may iba pa. Pero ayokong isipin masyado ngayon. Marami pa akong kailangang asikasuhin, at hindi ko na kayang dagdagan pa ang dinadala ko. Sa tingin ko, hindi naman ako ipapahamak ni Maxwell. “I’ll ride with you, Daddy. Hindi na ako magdadala ng car,” pahayag ko. “Okay, princess,” sagot ni Daddy. Pagkatapos naming kumain, naligo na ako at nagbihis. May kakaibang excitement akong nararamdaman para sa mangyayari ngayong araw. Iisang kotse lang ang sinakyan namin ni Daddy, kaya sabay kaming dumating sa Sul-Dub Tower. Pagpasok pa lang namin sa lobby, ramdam ko na agad ang atensyon ng mga tao. Halos lahat napatingin sa amin. May narinig pa akong bulungan mula sa ilang employees. “She’s so beautiful. I think she’ll be our next Chairman.” Napangiti na lang ako at bahagyang tumango bilang pagbati. Nang makarating kami sa floor kung saan naroon ang opisina ni Daddy, sinalubong kami ni Nox. “Good morning, Sir Zeus and Miss Capri,” bati niya. “Good morning, Nox,” sagot ko. “Nasa baba na po ang mga applicants for your secretary, Miss Capri. Naghihintay lang po ako ng instruction kung papaakyatin ko na sila,” paliwanag niya. “Andito na ba si Maxwell?” tanong ni Daddy. “Yes, sir. Nasa office na po niya.” “Okay. Call him and tell him to assist Capri. And tour her around her office,” utos ni Daddy. Ang top floor ay para talaga sa opisina ni Daddy. May sarili siyang special room, at katabi lamang noon ang office ko at ang kay Maxwell. Pagpasok ko sa magiging opisina ko, hindi ko napigilang mapangiti. Alam na alam talaga ni Daddy ang gusto kong setup—simple, elegant, at functional. Ipinaliwanag ni Nox ang features at functions ng office ko. Tinuro niya ang controls, ang communication system, pati na rin ang emergency exits. Kahit may sarili na akong computer monitor at workstation, dala ko pa rin ang laptop ko—mas kampante pa rin ako kapag kasama ko iyon. Umupo ako sa swivel chair ko at inayos ang ilang gamit. Maya-maya, tumunog ang bell sa pinto. Pinindot ko ang button na sinabi ni Nox na konektado sa door system. “Miss Capri, andito na po si Maxwell,” sabi niya sa intercom. “Okay, papasukin mo na siya, Nox. Thank you,” sagot ko. Huminga ako nang bahagya at inayos ang postura ko. Unang araw pa lang, alam kong marami akong haharapin—and for some reason, mas mabilis na naman ang t***k ng puso ko. Lumapit siya sa akin. “Good morning, Capri. How are you today?” bati niya. Damn. The way he spoke—calm, steady, and confident—made me momentarily breathless. “I’m good, Max. Please have a seat,” sagot ko, pilit pinapanatiling normal ang boses ko. “So, we’ll conduct the interview right now, right?” tanong niya habang umuupo sa tapat ko. “Yes,” sagot ko. “I’ll need your assistance kasi… I’m still soft,” amin ko, bahagyang napangiti. “You need to teach me how to be intimidating.” Napangiti rin siya, parang aliw na aliw. “Well, you already are intimidating, Capri. You just don’t see it,” sabi niya. “Just state your references clearly. Isipin mo na lang na ang kausap mo ay someone who needs to prove they’re trustworthy.” Doon ko naramdaman na unti-unting nawawala ang kaba ko. Kalaunan, naging komportable na rin ako kay Maxwell. Maayos niyang ipinaliwanag ang lahat ng kailangan kong gawin during the interview—kung paano magtanong, paano mag-observe ng body language, at kailan dapat mag-follow up. Pagkatapos naming mag-usap, tinawagan niya si Nox at sinabing isa-isa nang papasukin ang mga applicants. Napatingin ako kay Maxwell, at hindi ko inaasahan na tumingin din siya pabalik sa akin sa parehong sandali. Nagulat ako, kaya agad akong napangiti—ayokong maging awkward o makasakit ng damdamin. “You’re nervous?” tanong niya, bahagyang nakatagilid ang ulo. Umiling ako. Gusto ko sanang sabihin na mas kinakabahan pa ako sa presensya niya kaysa sa interview mismo, pero pinili kong manahimik. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin—nakakapagpakalma pero sabay nakakapagpa-kaba. Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili ko. Interview muna. Feelings later.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD