Maya POV
"Ito oh maya, tikman mo rin toh!"
"Ano naman ang tawag dito mateo?"
"Sundot kulangot."
"S-s-sundot k-kulangot?"
"Matamis yan tikman mo"
Nakangiti nyang sabi, tila nag aalanganin naman akong sundin ang pahayag neto lalo na't sa pangalan pa lang parang hindi ito nakakain.
"Sigurado ka bang pagkain ito?"
Natatawa naman itong tumango nang lingunin ko sya at wala sa oras napabalik sa aking hawak na maliit na kawayan na may stick.
Kahit nag aalanganin ay sinubukan ko na lang ito, subalit halata ang pag ngiwi sa aking mukha nang makita ko ang laman at nasisiguro ko kaya tinawag itong sundot kulangot dahil sa kulay neto at kung paano kainin.
K-kaunti lang ang aking nakuha at agad kong sinubo. Ganun na lang din kabilis ang pag bago nang aking isip nang matikman ko ito.
Ang sarap!
"Saan gawa ito mateo??"
Aking tanong habang pinagpapatuloy ang pag kain.
"Gawa sa harina at lemon."
"Talaga? Parang gusto ko rin gumawa neto. Kailangan ko makabili ng lemon seeds."
Aking walang oras na pag desisyon na magiliw lang na ikinangiti nang aking kasama.
"Kung ganun kailangan mong, matutunan ang proseso yan."
"Oo nga pala"
Pero paano ko naman malalaman iyon? Sigurado ako na wala akong kakilala na may alam nang ganito.
Nasa malalim pa rin ako nang pag iisip nang biglang tinapik ni mateo ang aking balikat.
"Tara puntahan natin ang may gawa nyan at tanungin natin."
Mabilis naman akong sumang ayon sa kanyang sinabi at nag simula na kaming mag lakad sa pinaroroonan nang isang tindahan na sobrang daming tao.
Hindi lang pala ako ang nasarapan dito, kahit pala naka pang hihinala ang pangalan neto eh sulit pala ang pera mo sa lasa.
"Magandang umaga ho, ale!"
"Oh, ikaw pala ulit pogi."
"Opo ako nga po, mukhang dinagsa kayo ah!"
"Oo nga pogi eh kung hindi rin dahil sayo di pag kakaguluhan tong tindahan ko."
Namumula naman napakamot sa batok ang aking kasama habang taimtim ko lang sila pinag mamasdan.
Ano kayang ginawa ni mateo?
"Wala ho iyon ale, pero pwede po ba kaming makahingi nang oras ninyo saglit nang kasama ko?"
"Osige lang, ano iyon may kasama ka rin palang maganda babae hindi ko man lang napansin."
Tila ako naman ang pinamulahan nang mukha sa kanyang sinabi, parang nahawa ata sa tamis nang kanyang benta ang kanyang salita ah?
"Ay opo, mukhang naharangan ko po sya kaya di nyo napansin pero sya talaga ang may kailangan sa inyo."
"Ano iyon ganda?"
Direktang tanong sakin na hindi ko mapigilan mapaiwas nang tingin sa kanya. Maingat naman akong tinulak ni mateo sa harap upang tuluyan akong makita nang tindera.
"Ah nais ko lang po sanang tanungin---"
subalit, agad rin ako napa hinto saking sasabihin nang lingunin ko ito at ang bumungad sakin ay ang ngiti nito na hindi na tulad kanina, kung hindi parang may kakaiba na itong pinapahiwatig pero hindi ko mawari kung ano ito.
"Maya?"
Baling sakin ni mateo na kahit ang aking kaharap ay napatingin din sa kanya.
"Ayos ka lang ba?"
"A-ah oo ayos lang ako"
Hindi ko mapigilan utal at lumingon kay mateo kahit halata pa rin saking itsura ang pag d-duda.
"Tila mahiyain ang iyong kasama ah, pogi."
"Siguro nga po ale, ngayon lang po kasi sya nakapunta dito."
"Osya, ano pala iyon?"
"Nais po kasing tanungin nang aking kasama kung paano po ba ang proseso nang pag gawa nung binebenta nyo."
Sagot ni mateo nang mapansin nyang wala na akong balak mag salita, kahit gustuhin ko man ay parang tinakasan ako nang aking dila sa hindi ko malaman na dahilan.
"Ganoon ba? Osige ayos lang naman pero isusulat ko na lang sa papel para di ninyo malimot."
"Osige po ale, maganda nga ho iyon, Maraming salamat."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin sa kanya, ayaw ko na kasi masilayan pa ang kanyang itsura ngunit hindi rin naman ito nag tagal nang gulat akong napalingon sa kanya dahil sa pag tapik neto saking balikat.
Napansin ko ang papel saking harapan. Nang silayan ko ulit ito mas lalo pa natuptop ang aking katawan dahil hindi na lang ang kanyang ngiti ang may kakaiba kahit pati na rin ang mata nya.
"Ito oh, ganda pag butihan mo ang pag gawa ah."
"S-salamat po."
Sabay maingat na kinuha ang papel, ngunit nag tagal pa ang aking kamay sa kanya nang hinawakan nya ang palad ko at palihim napadaing nang hinigpitan nya ito bago kumalas.
"Sige po ale, alis na kami!"
Paalam ni mateo na hindi ata nahalata ang nangyare. Magiliw lang naman kinawayan ito nang ale hanggang sa tuluyan na kami naka layo.
*******
"Sigurado ka ba talaga ayos lang ang pakiramdam mo?"
Pang apat na beses na tanong ni mateo sakin, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kahit gusto ko man mag saya sa aking pag lilibot ay hindi ko na magawa dahil nakatutok lang din ang aking paningin sa papel.
"Maya? Kailangan na talaga natin siguro bumalik sa hotel."
Suhestyon nang aking katabi pero agad ako umiling at nilingon sya.
"Bakit naman? Eh diba may gusto ka pang ipakita sakin."
"Para kasing hindi maganda ang pakiramdam mo."
"Ayos lang ako mateo, hindi lang ako makapag hintay basahin ang nilalaman nito."
Pakita ko sa aking hawak at naisipan unahan sya sa pag lakad upang hindi na ito maka usisa pa.
"Osige, kung yan ang gusto mo. Tara dito maya, may nais rin pala akong ipakilala sa iyo."
Agad na akbay sakin ni mateo na akin lang hinayaan dahil gusto ko rin ang init nang kanyang katawan.
"Sino?"
"Makikilala mo rin sya maya-maya"
Pag iwas nya saking tanong na sinawalang bahala ko na lang at hintayin na ipakilala ako sa taong sinasabi neto.
Patuloy lang ang aming pag lalakad nang ilang saglit lang ay taka akong napasunod sa kanyang pag liko na diretso sa isang magarbo na gusali na agad naming pinasok.
"M-mateo anong ginagawa natin dito?"
Agaran kong tanong nang mapansin kong hindi lang ito ordinaryong gusali lalo na't ang mga tao dito ay halatang mamahalin ang kanilang suutin at tahimik na ninanam-nam ang pagkain nasa harap nila.
"Dito natin kikitain ang ipapakilala ko."
"Dito? Bakit parang iba-iba ang lahi na andito?"
"Ah isa kasi itong magarbo na kainan maya, kung sa atin ay karinderya ang tawag, ito naman ay isang restaurant."
"N-nababagay ba tayo dito?"
Hindi ko mapigilang mailang lalo na't ramdam ko na kami ay pinag titinginan at ayaw ko ang mga tingin nila.
"Oo naman, tao rin tayo maya. Hayaan na natin sila, hindi talaga maiiwasan ang mga katulad nilang mayayaman na meron mapang husga."
"I-ibig sabihin ba yun na katulad nila ang taong ipakikilala mo sakin?"
"Hmm, oo pero ibang iba sya dito dahil hindi iyon mapang husga, at ayun sya!"
Turo ni mateo sa likod ng lalaki na nakatayo na aking ikinataka, mag tatanong pa sana ako kaso lang ay naunahan na nya ako hilain papunta sa lugar na yun.
"The owner wants to serve this wine for you, madam."
Rinig namin ni mateo sa lalaki nang makarating kami.
"No, thanks. If you don't mind, I want to enjoy my time comfortably. So, I hope this is the last, don't bother me anymore."
Sagot naman nang isang babae, base sa kanyang boses. Malugod naman na sinunod toh nang lalaki at agad na umalis sa harapan nung taong nakaupo at dito ko tuluyan nasilayan ang kanyang itsura.
Ang ganda!
Hindi ko mapigilan mamangha dahil ngayon lang ako nakakita nang katulad nya.
"Pang ilan na ba nyang balik?"
"5 times"
"Oh, mukhang gusto ka ng owner ah."
"Well, I don't."
Sabay lingon samin nang kausap ni mateo at ngumiti ito. Hindi ko naman mapigilang mapapitlag nang tapunan nya ako nang tingin.
"Maupo na kayo."
"Ay oo nga pala, sige maya upo ka na."
Magalang na sabi ni mateo habang pinag hila ako nang upuan at sabay umupo dito habang nahihiyang napayuko sa kanyang harapan.
Hindi man lang sinabi ni mateo na ang ganda pala nang ipapakilala nya sakin edi sana nag ayos man lang ako kahit papaano upang di ako mag mukhang ignorante sa harap nya, lalo na sa lugar na ito na sobrang ganda nang paligid.
"Nga pala, maya ito yung taong ipapakilala ko sayo, pero bago iyon lunar ito nga pala si Maya Cannova."
Pakilala sakin ni mateo sa magandang babae na taimtim lang akong tinitigan habang may magandang ngiti ito naka plastar sa labi.
"At maya, ito nga pala si lunar, Lunar Cortana."