Maya POV
"Nice to meet you."
Sabay lahad ng kamay neto saking harapan. Takang napatingin naman ako sa kanya nang hindi nya pa ito binabawi. kahit na tinitignan ko lang ito, hindi ko kasi maintindihan kung ano ang kanyang pinapahiwatig.
Ngunit maya-maya lang ay inalis na nya ito habang nakangiti pa rin. Napansin ko naman si mateo na parang humihingi nang pahintulot. pero hindi ko marinig ang sinasabi nito.
"It’s alright, I understand."
Ang huling sabi nang aking kaharap, bago tuluyan dumating ang mga pag kain na tila'y bago lang saking paningin.
Mukhang masasarap ang mga toh, kaso hindi ko magawang matakam. dahil, wala naman akong alam sa mga ganitong pag kain at baka sumakit pa ang tyan ko.
"Maya, hindi ka ba nagugutom?"
"O-oo, nabusog pa ata ako sa s-sundot kulangot."
"What? A booger?"
Lingon naming dalawa ni mateo kay lunar na naka kunot ang noo, ang akala nya siguro kulangot ang kinain ko.
"No lunar, it was kind of a candy na gawa dito sa pilipinas."
Paliwanag nya na nag patango dito.
"Ayaw mo ba nang mga pagkain maya?"
"H-hindi naman"
"Well, bakit ayaw mo pa kumain?"
Taimtim na tingin lang ang binalik ko sa tanong nya, nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba ang dahilan o tumikhim na lang nang kaunti para di na sila mag duda.
Subalit, kung pipiliin ko ang pangalawa, baka hindi na ako maka balik pa dito sa susunod. kaya mas mabuti na lang siguro mag sabi ako nang totoo.
"Hindi ko alam ang mga pagkain na iyan."
Tingin ko sa mga naka handa at napaupo nang maayos, upang hindi ako makitaan na nag iinarte lang ako.
"Baka kasi may maramdaman akong kakaiba at maging dahilan pa iyon upang hindi na ulit ako makabalik dito sa bayan."
Maigi kong paliwanag, tila naman naintindihan nila ako na sabay rin nilang ikinainom ng tubig.
"Try it."
kaso, ang akala ko ay hahayaan na ako nang aking kaharap saking desisyon, pero parang hindi rin ata ito mag papatalo hangga't sa mapapayag ako sa gusto nya.
"Lunar, I'm afraid na hindi natin pwede pilitin si maya sa nais mo, dahil baka hindi na sya makaluwas dito sa bayan sa susunod, kapag may nangyari sa kanyang masama."
"Wala naman dapat kayong ikatakot dalawa, because this food is safe. At kung may mangyari man, malapit lang ang hospital dito. And specially, this is your first time right, maya?"
Aking pag tango bilang pag sangayon. At napatingin sa kanya nang mapangiti ito kasabay ang pag lahad nya nang tinidor sa aking harapan na may nakatusok na karne.
"Please, pati ba naman ito ay tatanggihan mo? I will sure you that this is safe."
Kanya pang pag konsensya, wala sa oras napatingin ako kay mateo upang humingi nang tulong, pero isang tango rin ang binungad nya sakin, kaya wala akong magawa kundi kuhain na lang ang nasa harap ko.
At sa aking maingat na pag nguya, unti-unti kong nalasahan ang karne na nag palaki saking mata.
Ang sarap!
Anas nang aking isipan na wala sa oras hinawakan ang tinidor na nasa aking harapan at agad nilantakan ang karne na pinatikiim nito sakin.
Nahihiya man akong napatingin sa kanila, na ngayon ay mas lalo pang lumaki ang ngiti sa labi. ay hinayaan ko na lang ito at tinuon ang buo kong atensyon saking harapan.
***********
"Paano mo nakilala si mateo?"
"We are friend since high school."
"High school? Sa isla bitwin ka rin ba nakatira?"
"No, si mateo ang nalagi sa school na pinapasukan namin."
"Kaya pala marami syang alam pag dating dito sa bayan."
"Ikaw ba, paano kayo nag kakilala ni mateo?"
Tanong nya sakin habang tahimik kaming nag lalakad papunta sa kung saan.
"Pinakilala sya sakin ni nanay."
"Hmm, is that so...ang ganda nang mga nakasabit ano?"
"Oo nga eh, hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang lungsod. Tila ba'y parang pinag handaan talaga."
Aking pag sangayon na ngayon ay malaya nang sinisilayan ang mga nakasabit sa itaas.
"Yeah, ganoon talaga kapag fiesta."
"Fiesta?"
"Yup, fiesta, pag diriwang sa kanilang lugar."
"Kapag ba ordinaryo lang ang araw ay walang ganito?"
"Oo at hindi rin ganito karami ang tao dito sa bayan Malayha."
"Bayan Malayha pala ang tawag dito?"
Kanyang pag tango sabay isinilay ang maganda nyang ngiti. Marami pa kaming napag usapan ni lunar, ang akala ko ay masungit syang tao, pero ibang-iba sya sa mga taong nakakasa lamuha namin ni mateo na kung makatingin ay parang hindi kami nabibilang sa lugar na ito.
Hindi talaga nakakasawa ang kagandahan taglay nya, na kahit ang mga tao na nararaanan namin ay napapatingin rin sa kanyang pwesto. Paano na lang kaya kung mapuntahan ko rin ang lugar na tinitirahan nito? Siguro mas marami pang katulad nya at ni mateo doon.
"Lunar, saan nga pala ang lugar mo?"
"Hmn? Bakit mo natanong?"
"Ah, napansin ko lang kasi na para ka rin isang dayo dito na katulad namin ni mateo."
"Nasa manila ang tunay na tahanan ko."
"M-maganda ba doon sa manila?"
"Hindi"
"Bakit naman?"
"Para sakin lang, masyado na kasing mainit doon at hindi na masarap ang simoy nang hangin di gaya dito."
"Ganoon ba, pero bakit parang madaming nag sasabi na maganda daw doon?"
"Maganda kapag gusto mo mag hanap nang trabaho. Madaming kang mapapasukan at doble o triple ang sweldo na makukuha mo, kumpara sa lugar na katulad dito."
Maayos nyang paliwanag na agad kong naintindihan. Sabagay, sa hirap nang buhay hindi pa sapat ang sahod na naiipon kapag dito ka mag t-trabaho na hindi naman gaano karami ang tao.
"Nandito na tayo maya, tara."
Pag-aya nito sakin na dito ko lang napansin, na isang diretsong daan ang ni lakad namin, patungo sa isang maingay na paligid at may mga bata, binata't, dalaga at matatanda ang mga nandirito.
Tila masaya ang lugar na iyon dahil nakikitaan ko rin sa kanila ang ngiti na totoo.
Napansin ko rin si mateo na masayang papalapit sa amin, pero huminto muna ito at may binigay kay lunar na nauna sakin mag lakad bago lumapit sa aking pwesto.
"Para sa iyo naman ito."
Agad nyang bungad nang makalapit sya at may inabot na stick na binalotan nang kulay pink na hindi ko alam kung anong tawag, pero hugis pusa ito.
"Anong tawag dito mateo?"
"Cotton candy, tikman mo masarap yan."
Mabilis ko naman itong sinunod at tama nga sya ang tamis! at ang sarap sa pakiramdam na mabilis lang ito natunaw saking bibig.
"Nagustuhan mo ba?"
Mabilis kong tango, hindi na kasi ako nakapag salita dahil puno na ang aking bibig ng cotton candy.
"Eh ang nasa harap mo nagustuhan mo ba?"
"Oo, nasaan nga pala tayo?"
Sabay baling ulit saking harapan at pinag patuloy na ang lakad upang makalapit na kay lunar na ngayon ay nakaupo sa upuan.
"Nasa peryahan tayo maya, gusto mo bang sumakay sa mga rides?"
Nahihimigan ko ang pag ka excite sa kanyang boses, kaya di ko maiwasan mahawaan lalo na't parang masaya nga subukan ang mga rides na pinag pipilahan talaga nang maraming tao.
"Sige, isama natin si lunar."
" Tara!"
Pag-aya nya habang nauna syang lumapit dito habang ako ay pinag masdan lang sya at hindi maiwasang mapa isip na ito na ang pinaka magandang nangyari sa tanan buhay ko.
I-aakbang ko na sana ang aking paa upang makalapit nang tuluyan sa kanila, ngunit agad din ako napahinto nang may narinig akong isang tinig na sobrang ganda at wala sa oras na nakuha nito ang atensyon ko.
Agad akong napalingon saking likodan upang mahanap kung saan nag mumula iyon, hindi ko na napansin na napalayo na pala ako sa kanila, subalit hindi man lang ako kinabahan dahil sa mas lamang pa rin saking isipan na alamin kung saan nag mumula ang tunog na iyon.
Makalipas ang ilang minuto na pag hahanap, ay sa wakas nakita ko na rin ito. Pansin ko pa na pinag kukumpulan ito nang mga tao, kaya napa alanganin ako kung itutuloy ko ba ang pag lapit dito o hindi na lang, dahil baka magiit pa ako.
Nang hihinayang na aalis na sana ako pabalik kayla mateo, pero mukhang pinag bigyan ako ng oras nang unti-unti nag si alis ang mga tao na kanina nakatingin dito, kaya agad akong lumapit upang makalusot.
Matagumpay naman ako sa aking ginawa at ngayon mas klaro ko pang naririnig ang tunog na nag mumula sa isang instrumento.
Taimtim lang ako nakikinig habang pinag mamasdan kung paano galawin nang isang estranghero ang kanyang hawak na walang kahirap-hirap.
"Stick with you"
Agad nabaling saking katabi ang aking atensyon nang mag salita ito, at si lunar lang pala.
"Stick with you ang pamagat nung kantang pinapa tugtog nya."
kanya pang dugtong habang ang kanyang tingin ay nasa harapan lang.
"Mahilig ka pala sa musika?"
"H-hindi gaano."
"Ganun ba, bakit ka pala napadpad dito?"
"N-narinig ko kasi at nagandahan ako...Ano nga pala ang tawag sa hawak nya?"
"Saxophone, gusto mo pa ba makinig?"
"A-ayos na, tapos na rin naman yung tinig na narinig ko."
"Okay, tara upang kumalma na si mateo."
Nakangiti nitong sabi, at hinayaan ko syang sundan.
"Do you know that song?"
"H-hindi...sadyang...malakas lang ito mang hatak sa taong katulad ko?"
Aking baluktot na dahilan, pero totoo na hindi ko alam ang kanta na iyon, subalit sobra nyang nabihag ang aking atensyon, na para bang ako'y kanyang tinatawag...